3.28.2014

3.22.2014

sana nakilala kita - salamat at nakilala kita

sana nakilala kita.
nabasa lang kita sa balita.

hinanap kita sa facebook,
nabanggit kasi ang ngalan mo.
tenta anyos.
nagpakamatay.
mula ika-apat na palapag,
isang lalaki, nakahilata sa gitna.
ginoo-gle ang website mo,
nabanggit din kanina sa balita.
may schizophrenia ka pala.
at ang tingin mo sa buhay,
walang saysay kundi ang pahirapan ka.
ikinuwento kita sa barkada.
dali-dali naming pinaghatian
buhay at kuwento mo.
binasa ang mga kuwento—
matatalinhagang mga salita,
pawang kalungkutan.
ilang minutong pagbabasa,
burado na ang website.
burado na sa lahat ng lugar.
nagsisisigaw kami. “wala na iyong blog, bro!”
binasa ko ang mga nalalabing impormasyon
tungkol sa’yo.
bukod sa magaling sa ingles,
ilang beses huminto sa pag-aaral,
mahilig sa anime,
at hirap makatulog nang maaga,
ginawa niya ang mga blogs para maisulat ang mga hirap,

mga dinaranas, mga kawalan,
mga kuwento at hinanakit,
at magawa itong nobela.

huwag lang sana ipagkait.
huwag lang nila ipagkait.

sayang, pero...
salamat at nakilala kita,
dito, kahit na papaano.

salamat.

3.14.2014

ang pangalawang sex namin at huling sex ko

“bilang na bilang, dadalawa lang kasi.” iyan ang na-realize ko nang mapagmuni-munihan kong hindi na babalik sa’kin si jenny.

napapatulala na lang ako minsan. hindi ko namamalayang lumilipad na pala ang isip. mapapatingin sa mga ilaw ng roxas boulevard habang unti-unting nauubos ang sigarilyong nakaipit sa pagitan ng hintuturo at hinlalato nang ‘di man lang nahihithit.

ang kanyang mala-porselanang mga binti at kung paano niya ito iangat sa langit. o, ang pakiramdam sa tuwing mala-ahas na kakapit ang mga ito sa aking mga tagiliran. ang hubog ng kanyang tiyan na paborito kong halikan. ang kanyang dibdib na hindi ko makalimutan, na hindi ko mabitawan, at lagi kong binabalikbalikan. “nakakagigil, tangina.” heto nanaman ako. kamusta na kaya siya?

sabay hithit ng huli sa sigarilyo at pinitik papuntang kalsada. “halos dalawang beses ko lang nahithit iyong yosing iyon.” iyan ang na-realize ko nang mapagmuni-munihan kong nagsayang lang pala ko ng limang piso para sa isang stick.

“order, sir?” dahan-dahan ko siyang tiningala—ang mala-mantel niyang apron na nakasabit sa kanyang leeg. hawak sa dalawang kamay ang isang tumpok na mga papel kung saan niya isusulat ang mga order. itinigil ko ang paglalaro ng nag-iisa kong sigarilyo sa la mesa at muling binalikan ang menu. “isang...” ribeye steak sana ang sasabihin ko dahil iyon ang inorder ni jenny noong unang beses kaming kumain sa labas. “ay, sige. isang ano na lang. isang...” naisip kong pasta, ito kasi ang inorder niya nang kumain kami sa isang italian na restawran.  marinara nga iyon, tandang-tanda ko pa. “po?” tanong ni april, ayon sa kanyang name plate na nasa ibabaw lang ng “trainee.”

“platter two na lang, april.”

nagsulat siya sa kanya at inulit ang order, “repeat your order, sir. that’s one platter two. that’s ribeye with seafood pasta. that includes one glass of iced tea, sir. will that be all?”

napabuntong-hininga ako. tiyaka, tumango.

umupo ako sa gilid ng gutter at sinindihan ang huling sigarilyo. “sampong piso na agad iyon.” bilang limang piso na ang tingi ng isang sigarilyo sa mga maliliit na tindahan sa mga kanto’t bangketa. kasabay ko sana siyang nagsisigarilyo ngayon. pagkatapos ng masarap na hapunan, magkakayayaan para magsigarilyo nang bumaba ang kinain. magkukuwentuhan. at, mga titigang matatagal.

kaya rin siguro hindi ko maiwan ang paninigarilyo. masarap kasing magkuwentuhan kapag “yosi-break.” iyong mga tipong sabay maninigarilyo. o kaya naman pagkatapos kumain tulad namin ni jenny. pagkatapos ng unang set ng sex. kapag nasa inuman. kapag wala lang. mas nakapag-iisip kasi. mas kalmado. mas malinaw. kumbaga, chaser ang yosi at alak ang pagmumuni-muni.

iniisip ko minsan kung naaalala niya ko. na tulad ko ay pinagmumunihan siya. naiisip kaya niyang kamustahin ako. i-text. o, tawagan. o, kitain. iniisip ko kung nakuha ba niya iyong trabahong ikinukuwento niya sa’kin noong huli kaming nagkita. kung tinanggap ba niya at kung masaya ba siya. ang huli kong balita, nabuntis siya ng isang ka-trabaho. lalaki kaya ang anak niya, o babae. ano kayang pangalan.

ilang beses ko siyang sinubukang tawagan. kabado pa kong pindutin ang pangalan niya sa phonebook, pero “cannot be reached.” mukhang pati ang cellphone number niya ay binago na rin niya.

kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana noong una palang sinabi ko nang “gusto ko rin kita. i think i like you, too.” kung alam ko lang, sana noong pangalawang beses na nagkita kami, tinanong ko na siya kung pwedeng maging kami. kung ganoon lang sana kadali ang buhay. kung ganoon lang sana kas-simple ang buhay. kung ganoon lang sana ang nangyari.


sabado at walang trabaho sa opisina. ganitong klase ng araw nang magkita kami. niyaya ko siyang mag-dinner. nauwi sa inuman, hanggang sa magkayayaan. hindi ko na rin masyadong maalala kung paano. pero tulad nga ng sabi sa paborito kong series “nothing good happens after 2am.”

“it was good. it was okay.” pero dahil lagpas 2am na noon, lasing din kami, it was not that good. memorable, pero hindi great. kumbaga, hindi naka-kinta ang performance. hindi rin masyadong ramdam ang mga yakap pagkatapos na siyang paborito ko, kung hindi man lang.

naka-limang bote na pala ko. dapat pala’y bucket na lang ang inorder ko. hindi ko man lang namalayan. hindi ko man lang napansing alas nuwebe na ng gabi. hindi ko man lang napansing may banda na palang tumutugtog. sinilip ko ang baywalk na isang tawid lang mula sa kinauupuan ko.

“if i could only be like ted. na sa gitna ng rough day niya, sa gitna ng pagod niya, sa worst part ng araw niya, o buhay niya, maalala niya ko. tatawagan niya ko. gusto ko makipagkita. sasagot ako, panigurado.” pero tulad ni ted. malamang, tulad ni ted, magdadalawang isip muli ako tulad noong pangalawang beses naming magkita.

“huwag na, p’re. pag-isipan mo muna.” pero kinita ko pa rin siya. kaya siguro siya nawala.

“huwag na tayo uminom.” sabi niya. kaya hindi kami uminom. tiyaka ko napatunayang iba kapag may alak. iba kapag hindi handa. paulit-ulit niyang binanggit ang pangalan ko. paulit-ulit kong binalikan ang kanyang dibdib. paulit-ulit kaming nagbali-baliktad. paulit-ulit kong pinisil nang mahigpit ang kanyang puwet. paulit-ulit kong hinimas ang kanyang dibdiba mula sa likod. ang kanyang tiyan at makinis na mga binti’t bewang.

hinahawakan pa niya ang kanyang ari. at siyang sinasabayan ko, dinadama ang maliliit na mga buhok na patubo pa lamang. paborito ko ito. napapabilis ang aking pagbayo. “weird. usually, mabilis akong mag-cum, e.” tahimik ang kuwarto. lahat ng ingay ay nanggagaling sa labas—mga harurot ng dyip at bus, mga busina ng mga sasakyan at mga yabag mula sa hallway at mga kalabog sa kabilang kuwarto.

sinilip ko ang oras at alas dos na rin pala ng umaga. mga mag-jowa pa ring magkaka-akbay at nakahiga ang mga katabi ko kahabaan ng baywalk. may ilang mga babaeng naglalakad na nakasuot ng maiikling damit at mabababang neckline. laging may kasamang lalaki. kung pinoy ang kasama, bugaw panigurado. kung kano naman, malamang ay nabugaw na.

magkano kaya ang isa. magkano kaya ang dalawa. bagong suweldo, magkano kaya makahanap ng isang jenny. o kung kaya bang bilhin ng isang buwan kong suweldo. o, kahit dalawa. kahit walang sex. kahit walang alak. kahit walang hawakan.

“anak ng puta. hindi puwedeng ma-inlove. hindi pwede. wala na siya, e.”

mabilis akong sumakay ng dyip. tila bang may humahabol. dahil baka magbago pa ang isip. mukha na rin namang disidido ako. ayaw ko rin namang ang huling sex ko ay galing sa prostitute.


nag-eenjoy naman ako. mas na-eenjoy ko na ganito. mas nagiging malinaw. mas nagiging perpekto. mas nagiging memorable, ika nga. mas nakakalungkot nga lang. siguro.