12.31.2014

paghingi ng pasensiya at pagpapasalamat para sa taong 2014

tiyaka ko maiisip na hindi ko malilimutan ang pagkakataong ito. tatlong oras bago matapos ang taong 2014. mga apat na oras bago ako magsimulang maligo at mag-ayos para kitain ang matatalik kong mga kaibigan para sabay-sabay na panuorin ang pagsikat ng unang araw ng taon—tamaan ng init at liwanag ng araw ang aming mga mukha, raramhin ang paulit-ulit na katagang hindi naman talaga maikahon sa mga salita—heto na ang bagong simula. mabuhay ang bagong taon. sa’yo, at sa’yo rin.

buong puso kong binabasa muli sa aking kapatid ang sabi ng papa, “through humility, soul searching, and prayerful contemplation we have gained a new understanding of certain dogmas.” nakanguso na parang nakangiti habang nakikinig siya sa salita ng santo papa.

gusto kong mag-iwan ng mensahe sa bawat isa, pero  hindi ko sana nais makisingit sa kanya-kanyang pagdiriwang. patapos na ang taon, ayaw ko na ring makipag-agawan ng atensiyon. nais ko lang maiparating ang ilang mensahe na ‘di ko maisipan ng tamang pagkakataon sabihin. para riyan, pasensiya. tiyaka ko muling napagisipan na sa isang relasyon, mutual naman ito sa madalas na pagkakataon, alam natin ang ating nararamdaman. alam natin kung sino ang mahalaga, at kung sino ang nagpapahalaga sa’tin. kaya kung alam mong ikaw ang tinutukoy ko, paniwalaan mo dahil ikaw iyon.

rinig na rinig ko ang mga sigawan sa mga comment sa ilalim ng artikulo sa isang website. best pope ever! go pope francis! the best talaga si pope!  habang hinahabol ko ang lumilipad na lamok sa harap ng laptop. at nang mahagip ko siya, agad siyang bumagsak sa keyboard, sa pagitan ng letrang g at h. hindi gumagalaw. tila wala nang buhay. dinampot ko siya’t inilaglag sa basurahan, imbes na pitikin na lang palipad sa kung saan. we have gained a new understanding of certain dogmas – at hayaan siyang muli. nang baka sakaling mapatawad niya rin ako dahil pinilit kong tapusin ang kanyang buhay, o ang kanyang abilidad para makalipad muli, dahil naging sagabal siya sa pababasa ko ng artikulo sa laptop.

iyon talaga ang nais kong sabihin taun-taon, pasensiya na sa mga nagawan ko ng masama. marami kayo, sila, alam ko, dahil hindi ako perpekto, hindi rin ako ang pinakamaayos sa lahat ng nabuhay na tao, hindi ko rin alibi ang pagiging ganito’t madalas makapanakit pero pagkatapos ng araw, o siguro’y umaabot ng taon, hindi namang maaalis na mahal ko kayo, kita. alam niyo ‘yan, at totoo iyon.

minsan din namang naging matalik tayong magkaibigan. tabi sa hapunan, magka-cheers sa alakan, nagkakaiyakan at kung anu-ano pa nga. hindi ko alam kung paano o bakit hindi na tayo nakakapag-usap, hindi ko man nasasabi ‘to, hindi ko naman kasi alam kung paano, pero miss na kita, kayo. kung magbiruan tayo rati, para tayong magkapatid na ultimo allergy at diri ng bawat isa, kabisado natin. iniisip ko nga madalas kung ano’ng nangyari, hindi ako naging siurado kahit kailan. pero malamang, kasalanan ko, kaya pasenisya na muli. sana maulit muli iyong mga iyon. nakakatuwa kasi kapag naaalala ko, ayaw ko namang manatili na lang alaala iyon. mamatay nang hindi naipapaalalang muli, o madagdagan, mas mabuti.

diyos nga nagpapatawad. simbahan nga umaamin ng pagkakamali. tayo pa kaya?

“the church no longer believes in a literal hell where people suffer.” binasa ko ang kasunod na litanya ng papa. “this doctrine is incompatible with the infinite love of god. god is not a judge but a friend and a lover of humanity. god seeks not to condemn but only to embrace.”

matagal na naman nating alam ito. matagal na nating alam ang ibigsabihin ng tunay at wagas na pagmamahal. matagal na itong napagtanto ng mga nakaraang tao, naisulat, nailimbag, naibigkas, naipamahagi, at paulit-ulit nang naituro pero ngayon lang naamin. na sa dinamirami ng nailagay na salita sa bibig ng diyos ng mga tao rito sa lupa, walang katotohanan itong lahat dahil purong pagmamahal lamang ang nais ng itaas. dahil ang puro at tunay na pagmamahal, marapat naman lamang na hindi nahahadlangan kundi mapuno at patuloy na agos ng pagmamahal at pagmamahal lamang.

kahit papaano’y nakakikita ng liwanag na sumisilip sa pinto ng kinabukasan.

iniisip kong magmadali, tapusin ang nais kong sabihin,  dahil ilang oras na lang at bagong taon na. sa gitna ng pagmumuni-muni, mga guro ko ang mga unang pumasok sa isip ko. mula sa mga unang naging adviser ko sa kinder, sa mga nagbigay buhay ng grade school at high school life ko—mga paborito kong mga guro at tutor sa eskuwelahan at sa higit sa lahat sa buhay, paano ko ba kayo pasasalamatan. ang laki ng naitulong mo sa’kin. kung hindi sa’yo, kung hindi sa paghihigpit at pananakit, hindi ako ang ako ngayon. sa lahat ng payo’t paalala, kahit kailan ay hindi ako nakalimot. hindi man verbatim, pero kapag ako sumikat at may sasabihing quote, mababasa mo na lang na sa’yo galing iyon. sa lahat ng pangangamusta, hindi talaga ako nakakalimot. siguro’y nagkataon lang na nasa matinding labanan ako, kumbaga, nasa giyera ako, isang malaking giyerang matagal mong pinaghandaan para sa’kin. gusto ko ring mangamusta, gusto ko ring marinig ang mga kuwento mo, kung paano na ang mga estudyante mo ngayon, at kung nasaan na ang mga kaklase ko rati, pero natatakot akong kamustahin mo ko pabalik at malungkot ka pa dahil hindi ako naging masyadong matuwid tulad ng nais mo kong maging. pero promise, ma’am, teacher, sir, see you soon.


nasaan na ba ang mga kaklase ko, ma’am? sir, nami-miss ko na sila. hindi ko man alam kung ano ang maaaring maging topic kapag muling magkita-kita kami, o baka hindi na rin nila ko maalala dahil mahigit sampong taong na rin kasi, gusto ko silang makita. makausap. tulad ng mga naging kaklase ko nitong college at mga katrabaho ko.  gusto ko rin silang makasama sa inuman, o makapag-kape kung masyadong kawala at alak at masyadong late ang alas onseng inuman.

kung dati nga’y halos hindi tayo maipaghiwalay tuwing recess, kailanga’y nasa isang hapag kapag tanghalian, kapag nagpilian ng mga ka-gropo ay hindi tayo nabubuwag, paano pa ngayon. hindi magiging mahirap na magkasama tayong muli. subukan kaya nating maglarong muli ng basketball, sumama sa liga at makipag-angasan sa ibang team. uminom tayo ng gin-polemo sa court habang naglalaro ng horse. o hindi kaya’y tumambay sa bahay niyo at patakas na manigarilyo pagkatapos magluro ng spaghetti.

naaalala mo pa ba iyong panahong sinabi natin sa isa’t isang walang iwanan? best friends forever? lumipat man ng school? magkaroon man tayo ng seryosong girlfriend? mag-uusap pa rin tayo pagka-graduate, malipat man ng section, o school.

nasaan ka?

kasabay ng college ang relihiyon. ang dami kasing nating tanong, lalo na ko. ang dami kong tanong na hindi masagot ng relihiyon bilang hindi ako tumatanggap ng sagot na laging paturo sa diyos—na diyos ang nakakaalam niya, isa-diyos na lang natin, at pagkatiwalaan natin siya. imbes na tumabay at dumami ang mga katangungan. ganoon naman yata sa lahat ng bagay lalo na’t may misteryo. sa bawat sagot ng mga eksperto’t nakapag-aral, lalong dumarami ang mga katanungan, lalong dumarami ang mga natitigil sa pagtiwala, o pagsamba.

heto na lang nang umpisahan niya ang talata ng “all religions are true, because they are true in the hearts of all those who believe in them.” mapapahanga ka talaga. because it takes great balls to say those words, to admit na maraming relihiyon at kalokohang mapag-isa ito, maamin na hindi kailangan pag-isahin dahil iisa lang naman tayo, at iisa lang naman ang ating kinakausap, ang itaas, ang higit na mataas sa atin.

ito ang laging pinagdedebatehan sa kolehiyo. hindi sa eskuwelahan kundi sa loob ng nahanap kong barkada sa loob ng unibersidad. gago, pero may tono. relihiyon ang palaging usapan, maliban sa puso at tawag nito, dahil ito ang palaging may issue, may tanong, may butas. samu’t sari ang sagot, madalas at magkakasalungat pa pero hindi naman kahit minsan nagiging malaking bagay dahil matatapos ito nang walang nananalo. para bang nagpatalinuhan lang para sa pagpapadaloy ng dugo sa buong katawan. mapasigaw ka lang, mapatili, mapaturo sa la mesa dahil palagay mo ay tama ang iyong paniniwala.

hindi ko pa nababasa ang buong artikulo, pero nararamdaman kong uusigin nanaman ang bagong papa. bibigyan ng pagkakataong maka-atras sa malaking mensaheng ipinamalita sa buong mundo. something about the “catholicism being a modern and reasonable religion as it had undergone evolutionary changes.” heto na ang crab mentality. o, siguro, isang malaking cover up para sa santo papa kapag bigla siyang nagising at mapagtanto na mali lahat ang kanyang sinabi. sino ba naman ang hindi kayang magpatawad ng santo papa sa bagong taon?

pero kasabay ng paghingi ko ng pasensiya ang malaking pasasalamat sa bawat isa sa inyo. nilalahat ko kayo dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa’yo nang harapan. mas gugustuhin kong maupo na lang tayo at magkuwentuhan ng masasayang alaala at bagong kaganapan kesa umungkat ng masasalimuot na nakaraan at mag-iyakan. alam mo naman kung sino ka. alam naman natin ang pinagsamahan natin.

salamat kasi iniintindi mo ko. hindi iyon madali, alam ko. salamat kasi hindi mo ko iniwan. salamat kasi binuksan mo ang pinto ng pagkakataon para kilalanin ako, para makilala kita, magkasama tayo, magkaaway tayo, magkabati, sabay mangarap sa alapaap kahit na alam natin sa sarili nating malabo namang mangyaring lahat tayo’y maging mayaman at magregaluhan ng mga kotse’t bahay at lupa. salamat kasi naririto lang tayo lagi, lumalangoy sa malalim at malawag na mundo ng pagkakaibigan at pagsasama. salamat sa lahat, hindi man tayo gaanong nakapagsama ngayong taon, nakapag-usap nang masinsinan, at makahingi ng tawad nang personal sa lahat ng ating nagawang mali—sinadya man o hindi.

salamat kasi kasama pa natin ang isa’t isa sa ating buhay.

kung may nami-miss ako nang sobra, ikaw iyon. kayo. iyong minsang nagyakapan tayo at nais kong lumuha, pero pagkakawala ng yakap ay magpapakawala ako ng isang napakawalang kuwentang biro.


salamat, at miss na kita. pasensiya ka na. next year uli. 

ps huwag sana tayong maging dati.

12.09.2014

musika sa aking tenga

makikita ang reflection ng isang maliit na lalaki sa makintab na bar ng jasmine hotel. pinaglalaruan niya ang baso, para bang pinasasayaw sa kanyang mga daliri habang nakaipit ang isang tabako, habang nakapikit at nakangiti. kapansin-pansin ang headphones na nakasuot sa kanyang mga tenga sa gitna ng mga nakikinig sa jazz band nitong araw ng martes.

“enjoying the music, sir?” tanong ng bartender habang naglilinis ng mga baso.

“always.” huminto ang ulo ng matanda sa pag-indayog at dumilat. isinandal niya ang katawan sa bar at ngumiting muli, “always. on a tuesday.”

“sir, what’s with tuesdays?” nagtatakang tanong ng bartender habang suot ang pilit na ngiti.

“why tuesday?” inulit ng matanda, “let me see.”

that was more or less twenty years ago. my last, unfortunately. their first and last, i guess. wala namang nakakaalam, kahit sila hindi nila alam.

it was the same year i had my first cd player. sikat na sikat ka na kapag may cd player ka noon. naaalala ko pa, i’ve always loved survivor’s eye of the tiger. it was that year. mapapailing ka na lang kapag maaalala mo, e.

her hair was all over. shempre, kulot. palagi siyang naka-leggings, tapos maluwag na polo with that thing around her waist—parang belt na malapad. that shows her body. saktong detail lang. mapapa-imagine ka talaga, e.

i love when she wore those short skirts. oo, noon yun nauso. well, nothing like today’s short skirts, pero iba yung noon, e. maganda rin ang perks ngayon, pero maganda iyong subtleness nung dati. mas patatakamin ka.

naninigarilyo  kami ng banda noon sa balcony, sina joe at vice. pinipilit pa ko nila joe noon na mag-solo kahit isang kanta lang. either before or after pa ang usapan, basta gawin ko sa tugtog namin that very night. tangina, mga tatlo apat na boteng straight siguro agad yun.

first timeko magsolo noon. halos hindi ko na maalala yung ginagawa ko noon, i knew i was awesome. kalagitnaan, pumunta ko sa mic ni joe at kinanta ko yung “eye of the tiger.” tapos, sumunod si vice. hinila ni joe yung keyboard. tangina, naging rock band kami in just one snap.

sobrang rockstar ng pakiramdam na nilalapitan kami ng mga tao para magpaperma. may mga nagpapicture pa nga. showbiz na showbiz talaga yung dating kung titingnan. then here comes a group of young girls. akala ko parang mga college. as it turns out, fuck, 14 years olds.

fucking 14 years olds!

fan na ko noon. gwapo kasi talaga si rick dati pa. laging napupuno kapag nalalaman nila na tutugtog sila, lalo na yung mga babae. dati nga, nag-a-absent talaga kami ni sara para lang makapanood sa labas ng mga concert nila.

parang bestfriend ko si sara noon. tapos, bigla na lang nawala.

hinila ko si sara para salubungin sila rick pero nautal ako agad. wala akong nasabi noong kaharap ko na si rick, tapos nagsalita si sara. “pwede ba raw magpa-autograph?” tuluy-tuloy siya. walang kapreno-preno.

ngumiti siya agad habang kinukuha ang hawak kong panyo. tinanong niya ang pangalan ko. hinawakan niya ang balikat ko tapos pinag-agawan na siya ng mga babae. sabi niya, “see you.”

that same year, nakita ko uli siya. isa siya sa mga models nung event na iyon. parang launch ng isang clothing line. kausap niya yung ibang mga models. sobrang sikip ng suot niya, red na dress na siguro three to four inch from the knee.

malaki yung pinagbago niya. siguro dahil din sa suot niya. sobrang sikip ng suot niya kaya yung dede niya, kitang kita mo talaga yung tayo, e. hubog na hubog talaga, tapos ang liit pa ng tiyan. halos walang tiyan. katamtaman lang ang tangkad.

maputi siya tapos parang may pagka-blue yung mata, may halo kasi, e. sobrang ganda niya noon.

naglakad-lakad ako sa paligid noon. saktong layo lang na mapapansin niya. inabangan ko talaga na mapalingon siya. tiyaka ko siya nginitian. ngumiti siya pabalik.

malalim yung cleavage noon, yung pagitan. masisilip mo talaga yung kulay ng bra. mapapatingin ka talaga kasi sakto yung height, e.

binati ko siya, “hi.”

“hello po.” nakangiti lang siya. tapos, natahimik lang kami pareho. tiyaka niya sinundan ng tanong kung naaalala ko pa ba siya. tumawa ako ng bahagya na para bang kalokohan ang sinasabi niya. umiling-iling pa nga ko habang inaalala kung ano’ng letra nagsisimula ang pangalan niya.

“paula.” sabay naming sinabi. kitang kita iyong saya niya noon. hawak na nga niya ko sa braso. nagsisilapitan na iyong mga tao. autograph at photo op sigurado iyon kaya kailangan ko nang umalis. sumesenyas na rin sina joe, kel, at vice na umalis na.

kaya binilisan kong magpaalam kay paula at umalis. sabi ko na lang na punta siya sa susunod na tugtog namin o kaya gumimik kami minsan.

hindi ko alam kung paano kaya pinabalik ko si vice. sabi ko, balikan niya yung kausap ko at pasabi na magkita kami sa gokan haus. japanese restaurant iyon na nasa baba ng jasmine hotel. isang maliit na hotel medyo tago. tahimik lang tapos mababait ang mga waiter.

tinukso-tukso pa ko nila joe at vice. wala noon si kel, e. sabi, trip lang, bigyan namin ng beer na may roofies kapag nakarami na. lakas pa ng tama namin noon. sobrang lakas. ito pang si vice, panay linya.

mga alas siete kami nagkita ni paula. nag-dinner kami. parang date, ganoon. after kumain, inalok ko siya ng beer, o kahit wine habang nagku-kuwentuhan. pero hindi raw siya umiinom. hindi raw siya pwede. inaya ko pa nga siyang umakyat sa room namin kasi andoon sila joe at vice. tiyaka niya sinabi na fourteen lang siya kaya tinigilan ko na siya.

mga dalawang bote. nahihilo na ko noon kasi hindi talaga ko marunong uminom. pinilit niya talaga kahit ilang beses ko na sinabi na hindi pwede. hindi ko rin gusto yung lasa, sabi ko. sa umpisa lang daw iyon, sumasarap naman daw kapag tumatagal. sanayan lang daw.

bumabagsak na lang bigla yung mata ko. nung sinubukan kong tumayo at magbanyo, halos malaglag ako sa sahig. nahawakan ni rick ang braso ko. inakay niya ko paakyat ng elevator. naririnig ko na lang na lasing daw ako, parang pinagsasabihan niya ko na hinay hinay lang dapat sa pag-inom.

naalala ko na lang kasunod noon, nakahiga na ko sa kama. nasa kuwarto ako na puno ng usok. parang nananabako sila. mga boses lalaki. parang tatlo sila, o apat. palakad-akad habang nag-uusap. lumapit ang isang lalaki na may bigote. alam ko talaga, si vice iyon. iba siya magsalita, mas maingay, mas maraming sinasabi pero wala namang kwenta talaga. nakatitig siya sa mga mata ko, maliit na maliit lang ang pagkakabukas ng mata ko noon. iyon lang ang kaya kong maigalaw.

tinanong niya ang dalawang kasama, “gising ba ‘to? parang gising, e.”
pinilit kong ipikit, “tamo! gising ‘to, tangina! gising! painumin pa natin!”
“gago!” sagot ng isa. “gising man siya, wala nang maaalala ‘yan bukas!”

lumapit ang dalawa sa kama kung saan ako nakahiga. “parang gising siya, pero tulog?” tanong ni joe. unang beses niyang magsalita noon, pero alam ko ang boses ni joe. malinaw ang bawat bigkas ng mga salita, alam mong may laman kahit papaano.

siya ang unang humawak sa’kin. sinalat niya ng hintuturo yung kaliwang dede ko. “nararamdaman mo ba ‘to?” tanong niya habang nasa pagitan na ng aking mga hita ang tuhod niya. gusto kong sumigaw ng napakalakas, pero walang lakas na dumadaloy sa katawan ko. parang napakaraming lakas na hindi naman sapat para magalaw iyong katawan. ganoon.

si rick, pupunta sa aking tabi at may ilalapag na bagay sa la mesa. may click, o tunog ng parang switch, pero hindi ko alam kung ano. ipinasok niya ang kamay niya sa loob ng damit ko. hinanap ng mga daliri niya yung nipple ko. ramdam na ramdam ko, pero hindi ko magawang gumanti o umiwas man lang.

si vice ang nagtanggal ng damit ko. amoy na amoy ko ang tabako sa hininga ni rick habang paulit-ulit na hinawakan ni joe ang ari ko. paulit. ulit. ulit. wala nang pakiramdam ang mga paa ko noon. sobrang sakit. sobrang bastos nila.

tinanggal nila lahat ng suot ko. si rick ang unang gumahasa sa’kin. bigla niyang ipinasok ang ari niya habang katabi ng tenga ko ang kanyang bibig. amoy na amoy ko yung amoy niyang tabako.  tiyaka niya binulong na “sa umpisa lang iyan, sumasarap naman ‘to kapag tumatagal. sanayan lang.” nangyayari ito habang pilit na ipinapasok ni vice ang kanyang ari sa aking bibig. rinig na rinig ko ang malakas na tawa ni joe habang minumura si vice, paulit-ulit niyang sinisigaw, “tangina mo, vice! kadiri ka.”

“uminom muna tayo.”
“mamaya na tayo.”

“vice! tangina ka, bumaba ka riyan. itago mo ‘yang etits mo! hoy!”

12.01.2014

hindi na siya sa’kin.

maluwag ang kalsada at kakaunti ang tao sa mrt. mga isa’t kalahating oras pa bago magsimulang bumaba ang araw. masarap dapat bumyahe nito pauwi, pero hindi ko magawang makita ang ganda ng linggong ‘to.

ang linggo ay araw ng pamilya. araw para magsimba. isang araw na maluwag para magbigay respeto at kalinga sa ating mga mahal sa buhay. hanggang sa ito na rin ang araw na pinakahihintay ng mga alagang aso’t pusa. halos magkakaugali na tuloy ang mga tao’t hayop, weekend na lang ang hinihintay. ang goal sa buhay. ang oras para makapagpahinga. isang batang mag-asawa ang nakasabay ko habang hatak ang maliit na pug na naglalakad sa maliit na parke dito sa makati.

hindi ako pamilyar sa lugar na ito. bihira ko kasing dayuhin dahil masyadong masikip. katunayan, pumayag lang naman akong makipagkita rito dahil linggo. sa laguna pa siya manggagaling, kaya naman pumayag na ko.

umupo ako sa isang bangko nang makakita ng bakante. hindi pa pagod, pero naisip kong mag-ubos muna ng oras tulad ng ibang mga nandito na nagkukuwentuhan habang naghihintay matapos maglaro ang mga bata, mga nagkakape sa coffeeshop nang nakatsinelas at shorts, at mga naglilibot ng kani-kanilang mga alaga.

ako lang yata ang walang kasama rito.

maaga ako nagising para rito. kahit hindi ko alam ang pakiramdam, o dapat maramdaman. sa isang banda, alam ko namang ito ang kahihinatnan nito. alam ng isip ko. siguro, umaasa lang din talaga ko na may ibang mabago. para bang tadhana. para bang isang maliit na posibilidad na baka hindi matuloy, o mabago nang kaunti. pero hindi yata napaghandaang mabuti ng puso ko.

ito yung sinasabi nilang sepax. may hashtag pa nga. separation anxiety. totoo pala iyon. mula sa malaki hanggang sa pinakamaliit na bagay. meron. ramdam, e.

sabi sa’kin ng mama ko rati, “palaging may magbabago.” pinatotoo ni teacher grace, grade one adviser ko, nang sabihin niyang “change will always happen.” eleventh honor ako noong first quarter, natapos ang taon na halos hindi umabot ng 75 ang final grade ko. isa’t kalahating letra ang ibinawas g conduct ko. nawalan ako ng gana sa pag-aaral.

pinatotoo sa chemistry, sa philosophy 101, sa trabaho. sa buhay. na “the only constant in life is change.”

buong buhay ko, ipinamukha ko sa mundo. nang makita ng mga tao. hindi ako takot sa pagbabago. hindi ako takot umalis. magpalipat-lipat na parang bubuyog. dahil sabi ko, naniniwala ako sa change. pero sa bawat lipat, natutulala ako.

parang ganito. walang magawa. mawawala na lang sa kawalan dahil nawala ang isang parte ng buhay ko. ginusto ko man o hindi. pinili ko kasi.

pipiliting hindi umiyak dahil hindi naman talaga nakapapawi ng sakit ang pagpapatulo ng luha. magmumukha ka lang mahina. lagi kong nasa isip iyon. senyales ng kahinaan ang luha kaya naman kung patutuluin ko ito, hindi maaaring dito sa parke. hindi sa harap ng mga taong ito na nagdiriwang ng maaliwalas na araw na ito.

sa isang banda, nakapipikon din kasing makakita ng mga masasaya kapag malungkot ka. tulad din siguro ng pagkapikon ng mga masasaya kapag may isang wala sa mood, malungkot o may hinanakit.

tumayo ako at naglakad papuntang sakayan. imbes na umakyat ng mrt at sumakay ng tren, naghintay ako ng bus. maluwag man, masyadong mabilis ang tren. hindi ko gustong makauwi agad, hindi ako maaaring makita na ganito. huminto ang bus pa-malanday. tila nasa isang pelikula at tadhana itong bus na huminto sa aking harapan, mabagal akong pumasok.

anim katao lamang ang nakaupo.

umupo ako sa pangatlong linya, nakataas ang aking mga paa dahil sa reserbang gulong. isa’t kalahating oras akong nakadungaw sa labas.

hindi na siya sa’kin.


11.05.2014

stages ng buhay at kung anu-ano pang kuru-kuro

ngayon ko lang na-realize nang totoo na binubuo nga ang buhay ng mga stages. na kailangan ma-master ang isang stage bago makarating sa susunod. na tulad ng isang laro na kailangan mong makakuha ng ilang bilang na stars para makapasok sa susunod na round. na tulad lang ng kung paano tayo pinakalaki na kailangang magkaroon din ng sapat na bilang ng stars sa kamay para mapabilang sa mga magagaling na estudyante. kumbaga kasiguraduhan na papalya ka sa level two kung hindi mo matatapos ang level one nang maayos at may sapat na kaalaman.

pamilyaridad, kumbaga. pinalaki ako ni mama gamit ang ganitong sistema. ipinasok niya ko ng kindergarten para makapag-umpisa sa eskuwelahan, pero hindi makakapasok kung hindi mauubos ang nilutong agahan. ganoon ang sistema. pangarap noon ang grade one. ang makapagsuot ng puting polo at blue na short. dahil palaging cute lang ang tingin sa mga maliliit na taong checkered ang uniporme. kapag nakaputing polo na, pogi na.

halos hindi ako nakatulog sa excitement—excited sa pagsuot ng puting uniform, magamit ang bagong gel na pinabili pa kay mama, mas malaki at gwapong bag, at makintab na black shoes. unang una ko talagang hinanap ang mga kaklase nang pumasok sa school. parang mga batang nasa commercial ng tide sa kintab at tigas ng mga polo’t kuwelyo namin.

nang matapos ang flag ceremony at papasukin kami sa aming mga klase, doon ko nakita ang panimula ng panibagong responsibilidad. panibagong mundo, panibagong hakdang anim na taong kailangan bunuit para maging isang lider, para tingalain, idolohin, tularan at pag-aralan. kindergarten lang ang nasa ground floor. ang mga grade one hanggang grade six ay nasa second floor na pataas. anim na taon, araw-araw, kailangang pumanik panaog sa mga hagdang ito para makapagtapos.

bawat baitang, bawat taon, nag-iiba ang mundo. nag-iiba ang silid, nag-iiba ang mga subjects at teacher. dito ka tuturuan na sa buhay ay may aalis at mananatili, minsan ka lang magiging paborito ng isang teacher, ang mga kaibigang nangibambansa na kasama ang pamilya, huminto sa pag-aaral, nag-repeat, nalipat sa section at hindi na nakausap kahit kailan, lumipat ng school, at mga iilang na-accelerate na lang sa ibang level.

magtataka ka dahil kahit na napupuno na ng mga pimple ang kanilang mga mukha, bata ka pa rin sa paningin nila. hahawak-hawakan nila ang buhok mo na may gel. pipisil-pisilin ka nila na para bang hindi rin sila mataba. mayayabang talaga ang mga grade six. malakas mang-power trip at hindi na nakikisalamuha. para bang mga grade one to four ang mga kakampi at five at six lang ang nagkakaintindihan sa kanilang mga sariling mundo. meron silang sariling away na parang away ng mga magkasunod na magkakapatid. para bang may inggitan na hindi masabi dahil isang taon lamang ang lamang ng isa.

grade six ako nang una kong mapa-away. dahil niri-rispeto dapat ang mga grade 6, kahit pa grade 5 ka na. walang puwedeng sumagot sa mga grade six. pero hindi rin puwedeng madalas mapa-away dahil baka hindi grumaduate, laging paalala ng mga teacher.

mga grade six lang ang puwedeng makipag-usap sa mga grade six. para bang lahat ng mas mababa sa grade six ay mas mababang mga nilalang. kahit pa nasa ibang eskuwelahan, mas mababang uri ng nilalang kahit sa inter-school basketball pa nagkakilala. maliban na lang kung babae.

uso ang magka-girlfriend. pataasan ng ihi lalo na’t kapag cheerleader o kaya’y taga-ibang school. labanan na rin ng pakinisan ng mukha bilang uso ang mga pimples at basag na boses ng mga nagbibinata. braces. naka-make-up at nail polish na mga babae. mga boobs na nagsisilitaw. isa ito sa pinakamasayang stage ng buhay. elementary stage, level six.

lahat iyan at stages. at dahil alam mo na, kabado ka nang papasok ng high school. hindi tulad ng dati na excited na grade one, at lalong hindi tulad ng grade six na taas noo. walang boses ang first year college. nahihiya sa bagong uniporme, kumbaga bagong salta sa mas masalimuot na mundo. apat na taon, pero maraming bali-balita na maraming bumagsak sa sophomores, juniors daw ang pinakamasaya, at bulung-bulungan na mga seniors na dating seniors.  ang mga ilang bati na, “uy, high school ka na.” pero mas maraming mga tips na umiwas sa teacher na ito, sumisip sa teacher na ito, favoritism ito, at madaling mag-cheating doon.

heto nanaman ang hagdan ng buhay. nasa baba ka nanaman uli, pero nasa taas. pero nasa baba. ganoon ang pakiramdam. ganoon ang laging nasa isip, dahil ganoon talaga. at tulad ng elementary days, hati rin ang high school. magkakasama ang freshman at sophomores, juniors at seniors naman. parang may mas maliit na sa stage sa loob ng malaking stage. higit na mas komplikado sa komplikadong high school world.

kalahati halos ng klase, napalitan ng mga bagong mukha. parang may re-shuffling ng mga estudyante mula sa iba’t ibang eskuwelahan, ang iba, ngayon lang narinig ang pangalan ng eskuwelahan. may ilang naiwan sa grade six, at may ilang nag-migrate nanaman. dito muling nalalagas ang mga estudyante, parang pundasyon daw kasi ang high school. mahirap lumipat ng school kapag grade six na, ganoon din kapag nasa loob ka ng apat na levels ng high school. alanganin dahil sa algebra, trigonometry, at chemistry. pundasyon daw iyon, pero college ko na nalaman na hindi naman talaga kailangan sa buhay iyon.

masalimuot ang high school, iyong pakiramdam na hindi mo masabi kung masaya o nakakagago. pinaghalu-halong stress at kabulastugan, peer pressure, babae, bisyo, at pag-aaral. para na rin kasi itong intro ng college. iyon ang sabi ng mga college na frat members na umaaligid aligid sa mga nakakababatang kapatid nilang micro frat.

sila iyong mga college pero alam mong hindi nag-aaral dahil laging nasa isang tambayan. kasama nila ang mga bad boys ng fourth year, iilang third year na nais maging isa sa mga bad boys sa susunod na taon. lahat iyon habang ang mga nagbibinatang first year ay hirap na hirap na makisabay sa mga nag-aangas sa kanila na mga second year. parang maliit na pulitika na nakakatawa palang tingnan kapag college ka na.

dito raw nag-uumpisa ang tunay na buhay. balik first year feels. maliit ka sa loob ng unibersidad mo, pero malaki ka kapag napapadaan ka sa high school mo. kaya madalas mong kinikita ang mga high school friends mo na nasa ibang buildings. madalas pa ang reunion sa mga first weeks. madalas ding mapapatambay a high school dahil dito, sikat pa. pinag-uusapan pa, may nakaka-usap pa, kumabaga, celebrity pa.

pero sa malaking unibersidad na ‘to, isa kang nobody. wala. kahit ang iyong katabi, hindi ka kilala. kilala ka lang sa pangalan pero hanggang doon pa lang iyon.

sa pagkakataong hindi lang panibagong hagdan ang inilagay sa iyong harapan, mas malawak na rin ito. maraming kasabay sa pag-akyat ng hagdan, hindi kailangang isang pila. may mambabalya dahil mas mahalaga raw ang oras nila, may mga matataon ka na kaharap na parang sa mall naglalakad. lahat ay may sariling mundo. dito, iilan lang ang mga kakampi.

higit na komplikadong mundo ang inilapag sa iyong harapan. at kahit gaano ka pa hinanda ng mga high school teachers ar advisers mo, hindi ka pa rin handa. culture shock, usong uso kapag first year. bagong mundo, bagong salta para sa mga professors na nais magpakilala, bagong oportunidad para makuha ang respeto. 

iba’t iba ang mga katabi sa bawat klase. magkakaibang subjects sa bawat tao. iba’t ibang mga kasama sa bawat organizations sa sasalihan. higit na maliliit na levels sa loob ng levels na nasa loob ng isang stage, basta, ganoon. dito rarami ang kakilala’t kaibigan mo, pero more on kakilala. ang mga magiging kaibigan mo rito, iilan lang, pero sila ang magtatagal. mas marami ang mga nawala. hindi mo na halos makakausap ang mga high school friends. dito ka matututong mag-let go, tanggapin na sa buhay natin ay hindi ito maiiwasan. marami ang mananatili, pero halos lahat ay aalis. gustuhin man nila o hindi.

maaaring ikaw ang umalis. o mapunta sa ibang stage. maaaring ikaw ang mag-migrate at magkaroon ng ibang stage ng buhay, huminto sa pag-aaral at magtrabaho, hindi natin masabi.

kahit paano pa pagbali-baliktarin, ang pagtapos sa kolehiyo ay isa sa pinakamasaya, ngunit pinakamahirap sa stage. ito ay parang test, tinuturuan ka, pero more like a test—test kung paano mag-susurvive. dahil hindi naman talaga magagamit lahat ng tinuturo sa kolehiyo. siguro, kalahati ng ituturo sa college ay mauuwisa limot. kapag naipasa ang exam, hindi na ito maaalalang muli. pero experience at diskarte sa buhay ang ituturo ng kolehiyo sa’yo.  bawat professor ay nagbibigay ng test, para bang sinusubukan ka ng anim o walong mga propesor kung tatagal ka. ikaw na ang bahala kung paano mo didiskartehan—maraming mag-aaral, may ilang mangongopya, may nakakukuha ng leakage, may mga sipsip sa mga propesor, at may ilang susubuking ma-exempt.

tuwid na daan, mandaraya, o gagawa ng shortcut. ganito ang buhay. hindi maaalis ang pulitika, samu’t sari ang tao at kung paano mabuhay. ito ang nagbibigay pundasyon sa atin, kumabaga intro sa masalimuot na buhay—buhay sa labas ng mga institusyon, sa ilalim ng gobyerno ng basa, mas magulo, mas malawak, pero alam mong may higit na malawak.

kaya hindi ka gagaling sa mundong ito. hindi ka magiging successful dahil hindi ito magiging sapat sa’yo, palagi. because there’s so many worlds to conquer. stages after stages na isa isang hahakbangan para dahan-dahang umangat. sa totong buhay, may aangat, may makasasabay ka. meron ding mas mababagal, may mas mababagal pa sa mga mababagal, pero hindi natin maaaring kalimutang may mas matutulin, at higit na matutulin sa kanila. pero hindi ito karera dahil ang isang natutunan ko noong grade one ako, kapag maliit pa ang mga biyas at marurupok pa ito, huwag munang magtangkang humakbang ng dalawang baitang.


11.01.2014

panggagaya ng mga pilipino at kung anu-ano pa tulad ng halloween

hindi ko na maalala kung kailan nagsimula ang halloween dito sa pilipinas. sa alala ko, noong bata ako, wala namang nagsusuot ng costume tuwing bisperas ng nobyembre a uno. mga bata lang ang naka-costume ng mga snow white at spiderman na binili pa sa kabubukas lang na toy kingdom.

inggit na inggit ako noon noong nagbukas ang toy kingdom. samu’t saring mga laruang sa pangarap ko lang naging akin. ang mamahal kasi, mga helicopter na na-co-control sa pamamagitan ng remote, mga kotseng mas malaki pa sa kahon ng sapatos, hanggang sa pinakamaliliit na mga laruan tulad ng mga powerpenz at tamagochi.

mabuti na lang ang naging mabilis ang paglaki ko. nasanay na sa kalye naglalaro at nasusugatan linggu-linggo sa kalalaro ng takbuhan at tayaan. mabilis ding nagpalaki sa’kin ang mga murang laruan tulad ng mga teks, sipa, at pog. tuwang tuwa na ko kapag nahihiram ko ang slaminator ng matalik kong kaibigan na si kevin.

sabay kaming mang-aasar ng mga nerd at honor students, mga sipsip sa mga titser at mahilig magsuot ng mga uso at bago. palibhasa’y spoiled ng mga magulang. iyon ang mga hilig kong buwisitin. nakaiirita kasing sabay-sabay kaming lumalaki, pero napakadali ng buhay para sa kanila.

araw-araw na may perang baon. nakakapag-softdrinks at waffle tuwing merienda. mapuputi ang mga polo at palaging maayos ang bag at may assignment ang mga notebooks. nakakairita, nakakaperwisyo sa diskarte naming hindi kumokopya ng mga notes, hindi nagbubukas ng bag pag-uwi, walang baon kahit barya, at pawisan tuwing recess.

sisirain ko ang araw nila hanggang sa maubos ang kanilang mga pasensiya. iiyak at magsusumbong sa titser, o kung hindi naman ay sa principal. kilala na kami ng principal sa dalas naming natatawag sa opisina niya. halos hindi na rin kami napagagalitan dahil maging siya ay nagsasawa na rin sa paulit-ulit niyang pagsermon. hindi na rin kami kinakabahan sa tuwing ipatatawag niya kami.

minsan, umabot pa sa puntong nakipagsagutan pa ko sa titser namin, adviser pa nga yata namin siya noon, si mr. dela cruz. kahit pa gagagu-gago kami ni kevin, alam naming paborito kami ni mr. dela cruz. filipino ang subject niya, at palagi niya kaming tinatawag. hindi lang niya kami masermonan dahil kahit pa maingay kami ay nakasasagot kami sa klase niya. filipino ba naman, madaling madali lalo pa’t laking kalye kami ni kevin. mga batang kalye ang mga kalaro namin at anime ang libangan namin. walang hilig sa mga inggles sa box office na pelikula at cartoons na mabibilis ang inggles. sa tagalized anime kami, malalalim na tagalog.

nagsumbong sa kanyang ang president ng klase. naatasan kasi siyang magsulat ng mga maiingay. palibhasa’y galit sa’kin si margot, ang babaeng presidente ng klase na ubod ng spoiled bilang housewife ang nanay, hindi pa ko nagsisimulang mag-ingay ay isinulat na ang aking pangalan. sabay tingin sa’kin ng mapupungay na mga mata habang nakapamewang, nakatayo sa tabi ng malaking blackboard. nakataas pa ang kanyang mga kilay tila ba nanghahamon.

si margot, ang mortal kong kaaway sa tuwing umaalis ng silid ang titser. nakagawian kasing presidente ang magsusulat ng maingay sa tuwing wala ang titser.

ang katwiran ko noon, sayang lang at ipinilit ko pang maging sergeant at arms kung hindi sa’kin ipagkakatiwala ang pagsusulat ng maingay. trabaho ko iyon! kaya pilit kong mag-ingay sa tuwing si margot ang namamahala ng klase nang mapansin ng mga titser na may hindi rin nagagawa ang mga first honor at best in conduct na president namin. ang pakalmahin ang nag-iisa at walang iba, si mark.

nang tingnan niya ko ng ganoon noon, doon ako napikon. siguro, kung may sasabihin ako sa kanya noon sa lengguwahe ngayon, tatayo ako sa upuan at sisigaw ng “you crossed the line, bitch!” magtatawanan at buong klase at tititigan ko siya habang dahan-dahang uupo sa la mesa. panigurado, manliliit siya, manggagalaiti sa inis. magsusumbong at mag-iiiyak sa nanay niya.

pero hindi ko pa alam ang salitang ‘bitch’ noon at hassle ang english kaya ang sinigaw noon ay “gusto mo talaga ng ganyanan?”

tumayo ako sa klase at nagtatakbo. nagtutupi ako ng mga maliliit na papel at pinagpipitik sa mga kaklase, pinagsusumpit ko rin sila gamit ang panda ballpen ng aking katabi. nagsigantihan ang mga kaklase kong tinamaan. nagkagulo ang buong klase. lahat nakatayo, tumatakbo, nakatayo sa mesa, nakatago sa ilalim ng mesa, at nagkalat ang mga maliliit na papel na mula sa pilas-pilas na mga notebooks namin sa sahig.

hindi magkaugaga si margot. halos pangalan ng buong klase ang naisulat niya sa blackboard, ang pangalan ko, may katabing 100x. (hindi man lang niya binilang, napakatamad.) wala siyang magawa kundi sumigaw ng “quiet! class, quiet!”

nang makabalik si mr. dela cruz, nanlaki ang kanyang mga mata. “sino nagsimula nito?” nanahimik ang buong klase. pumunta sa harap si margot at tinuro ako. lintek na babaita ito, isip ko. tumayo ako, “ikaw kayang nauna! gagong ‘to!”

nang marinig ni margot ang mura ko. umiyak siya.

pinababa ako sa principal’s office. walang nakaalam ng side ko dahil walang nagtanong. nasuspinde ako ng tatlong araw. naging c ang conduct ko at ibinagsak ko ang taong iyon. hindi raw dapat nakikipagtalo sa titser, lalo na’t kung nasa harap ito ng maraming tao. respeto raw ang tawag doon.

kahit pa gaano pagbali-baliktarin, alam kong ako ang tama noon. hindi ako ang nag-umpisa, pinatunayan ko lang na hindi niya ko kaya kapag nag-umpisa ako.

hindi ako kinampihan ni kevin, pero hindi ko siya sinisi. malaking bagay na na tumulong siya sa panggugulo ng klase. isa siyang tunay na kaibigan.

nagkahiwalay kami nang mag-repeat ako ng grade 4. kinailangan kong lumipat ng eskuwelahan. masyado na raw akong hindi makontrol sabi ng nanay ko. si kevin, naging basketball player at naging crush ng bayan. si margot, hindi ko na inalam ang kinahinatnat niya. nagpalipat-lipat ako ng eskuwelahan hanggang sa umabot ng kolehiyo.

tulad ng mga aking pag-aaral, palipat-lipat din ako ng trabaho pagkatapos ng kolehiyo. nag-callcenter, nag-pyramiding, nag-ahente hanggang sa nakapagtayo ng maliit na kiosk sa u-belt habang nag-tatrabaho sa marketing ng isang mall.

hindi ako pumasok ngayon bilang a uno ng nobyembre. ang palusot ko sa boss, kailangan bisitahin ang nanay sa sementeryo. at kahit double pay, hindi talaga puwedeng pumasok, sabi ko. inaalala ko ang mga kaklase ko noon, hinahanap ko sa facebook habang umiinom ng kape sa may labasan ng bahay. tahimik ang paligid, kakaunti ang tao dahil karamihan ay nasa sementeryo na, nakikipagtsikahan sa mga kamaganak na magkakamustahan. pero pagnagsi-uwian naman ay magtsitsismisan tungkol sa mga pinsan. kung magsiraan, parang hindi magkakamag-anak.

si kevin, importer na ng mga kung anu-ano ayon sa facebook profile niya. si margot, naka-private ang profile, pero mukhang may asawa na. minana siguro ang business ng pamilya na bigasan at maaga nag-asawa. ganyan naman silang mga mayayaman. hindi mahalaga ang kapasidad at kaalaman. kaya panay commerce at management ang kurso.

kung ano ang uso na kinukuha ng mga mapipinsan, iyon ang ipakukuha na kurso sa mga anak. gaya-gaya, kaya hindi magawang mapanatili ang kultura sa bansang ito. kaya hindi magkaroon ng maayos na prinsipyo na panghahawakan ng mga mamamayan. kaya hindi umuunlad dahil kung hindi nag-gagayahan ay naghihilahan, kung minsan ay sabay pa.


10.31.2014

para sa lahat...

para sa lahat ng mga taong nahuhumaling sa maliwanag na araw,
sa mga taong napapapikit na sa silaw,
pero hindi humihinto.


sa patuloy mong pag-abot sa liwanag,
tatawagin ka nilang baliw,
hunghang bilang pagkabulag daw ang kahihinatnan
kapag hindi natigilan.


sarili lang ang iniisip at hindi praktikal magisip.
iyan ka raw, iyan tayo
‘pagkat hindi nila nararamdaman
ang saya at pagkalaya mo
sa tuwing mararamdaman mo ang init ng araw
sa paulit-ulit mong pagtalon at pagsigaw.


nanginginig ang iyong mga kalamnan
dahil ramdam mo ang kanyang init,
ang kanyang liwanag,
ang kanyang pagkalaki na hindi mo maipaliwanag—
hindi naman kasi makita,
marinig, o masalat.


ramdam mo lang. alam mo lang.


“ano naman kung mabulag, basta’t ginagawa ko ang gusto ko.”
iyan ka, iyan tayo.
ikakatuwiran natin sa pinaka-pilosopong tao,
hindi tayo mananalo.


hindi tayo praktikal. hindi tayo lohikal na tayo.

alam natin iyon, at iyan tayo.

10.28.2014

pagkayod dito [maynila], pang-alak at sigarilyo kay tatay

bagong polo, ‘di na pinalabhan. ilang beses na kasi ako nasiraan ng bagong damit dahil pinalabhan ko muna, hindi ko tuloy nasuot kahit isang beses. kaya kapag may bagong bili akong damit, agad ko itong sinusuot. sakto’t wala pang gusot, amoy bago kahit pa alikabok lang naman, at matigas pa ang kuwelyo.

luma ang pantalon, pero hindi naman nila malalaman basta’t malinaw pa ang mga tupi at wala pang mga himulmol. sapatos na halos kabibili lang, napatungan ng kiwi at, presto! handa na ko muling magtrabaho.

noong nagsisimula ako, masaya na ko sa kinse mil buwan-buwan. makabibili na ko ng bagong mga damit pamasok at makakakain na ng masarap. bagong iphone! ngayong mahigit bente mil na ang kinikita’t minsa’y higit na malaki pa, depende sa benta, hindi man lang ako makaipon.

ang hirap maghabol sa maynila. gusto kong sabihin kay tatay na hindi biro kumayod dito sa maynila para buwan-buwan makapagpadala. mahigit isang daan ang pamasahe ko araw-araw, pangkain araw-araw, kuryente, tubig, ilang mga gastusin sa load, internet, at paisa-isang damit, halos walang natitira sa’kin kapag nagpadala pa ko ng limang libo sa kanya. sa kanila.

gusto ko sanang sabihin na gusto ko munang kumalma sa pagkayod. gusto kong magbakasyon, pumunta sa ibang lugar, sa ibang bansa, pero hindi para magtrabaho kundi para makapaglibang. ganito raw at makikilala mo ng husto ang sarili. hindi ko alam kung ganoon din ba iyong pakiramdam kapag nasa starbucks at mag-isang nagkakape habang palingat-lingat sa mga tao.

oo, bumibili ako ng kape sa starbucks. naninigarilyo rin ako. gusto ko rin sabihin kay tatay na pinaghirapan ko ito at pribilehiyo ko ito kung gusto kong manigarilyo at magkape, o kahit mag-alak. pero hindi ko yata kaya.

kahit naman kasi palamura siya’t hindi niya napapansin ang mga nagawa ko sa buhay, malaki ang respeto ko sa kanya. kahit pa iniwan niya kami ng nanay noon ay tatay ko pa rin siya. pinaghirapan niya ang pinang-aral ko makatapos lang at utang na loob ko sa kanya itong lahat. kung hindi ito ang tatay ko, malamang ay wala ako, wala itong bagong polo, itong pantalon, itong bagong kiwi na sapatos, malamang ay hindi ako nakapagtapos, o baka ay hindi marunong magbasa, o baka hindi man lang maisulat ‘to.

kaya nagbabawas na ko ng sigarilyo. matitigil ko rin ito. ang perang pang-starbucks, iipunin ko na lang nang makakain kami ng masarap ‘pag naparito siya sa maynila. at ang ipapadala ko ngayong buwan, pitong libo’t tatlong daan para may pambili siya ng empi at makapanigarilyo.

streets of hong kong

















10.01.2014

bakit sila?

alas singko ng umaga, nagising ako sa mabibilis at malalakas na katok ni mama sa aking kuwarto. mabilis akong napatayo at napatakbo para buksan ang pinto. binasag daw ang bintana ng sasakyan ni atsi. nanakawan daw. dali-dali akong nagsuot ng t-shirt at lumabas.

puno ng bubog ang sahig ng sasakyan ni atsi. ang bintana sa likod ng driver’s seat, halos wala nang natira. nagkalat ang mga papeles. nagkalat ang mga laman ng bag na paborito ni atsi. pati ang mga atm at id sa loob ng wallet, kung saan-saan nakarating. ang salamin, nasa lapag ng sasakyan, basag-basag, tint na lang ang humahawak para hindi lalong kumalat.

napakaraming tanong na umiikot sa’ming isip. sino ang gagawa ng ganito? bakit sasakyan ni atsi at hindi ang sa akin na nakaparada lang sa tabi nito? may hinahanap ba sila o pera lang ang habol? at ang pinakanakakatakot, ganoon kakapal ang kanilang mukha na maghalungkat. kung ganoon, may oras sila para maghalungkat.

mabilis naming niligpit ang mga gamit tiyaka ipinasok sa loob ng bahay. sino ang kayang gumawa ng ganito? paulit-ulit na tanong namin sa isa’t isa gayong wala naman kaming halos kilala na kapitbahay, at hindi rin naman kami gaanong nakikipagusap sa mga kapitbahay.

baka sila?

hindi naman siguro. ano naman ang hinahanap nila, o baka nananakot lang. baka, wala lang silang magawa bilang marami silang oras para manggulo ng buhay ng iba. pero, bakit?

tumawag  si atsi kay mayor para ipaalam ang nangyari. mabilis naman nagpadala ng pulis si mayor. inimbestigahan ang sasakyan at ang posibleng motibo. tiyaka namin napag-alamang kakaunting pera sa wallet, pabango, at ilang mga alahas na peke lamang ang nakuha. mabuti na lang at walang gaanong pera sa wallet ni atsi. hindi na ba uso ang pagkuha ng buong wallet ngayon?

kinabukasan, pumunta rito sa bahay ang kepe ng pulisya. nagtanung-tanong muli sila ng ilang detalye. naki-usap din na i-report sa estasyon para magkaroon ng record. para mabantayan, para kapag nahuli ay maaaring magsampa ng kaso kapag nagkapareha ng fingerprints.

posible pa rin naman sila, pero bakit? hindi naman siguro nila iniisip na magtatago kami ng mahahalagang papeles sa loob ng sasakyan, ano?

hindi naman siguro sila. isip ko. baka naman sa pagkakataong ito, wala silang kinalaman dito.

pero, bakit sila?


kasi, kaya nila.

9.22.2014

ang palayaw ko ay makoy

isang taon matapos ako ipinanganak, namatay ka na. nang magkaisip ako, panay kuwento nila na isa ka raw taong ubod ng galing at talino. magaling at madiskarte ka raw. naisip ko noon, baka kaya ka nawala sa mundong ito dahil ipinanganak ako. baka, isa akong bagong ikaw. baka maaaring maging idolo kita. baka, baka lang naman, kaya parehong sa letrang m nag-uumpisa ang pangalan natin.

noong lumalaki na ko, dumarami na ang mga naririnig kong mga galit sa’yo, mga taong inabutan ka talaga. nasira ka lang daw talaga dahil sa asawa mo. siya raw ang dahilan ng pagkabagsak mo. sabi naman ng iba, masama ka lang daw talaga. at gamit ang katalinuhan, inabuso mo ang mga taong nasa paligid mo.

hindi ako naniwala. hindi man kita nakilala, hindi man kita inabutan talaga, mas pinili kong paniwalaang isa kang magaling at mabait na to. nanatili kang idolo sa isip ko. hindi ko man ipinagkalat sa aking mga kaklase noon, lagi kitang binibida. ikaw ang magaling, ikaw ang strikto dahil ito ang nararapat para maging isang magaling na lider. ikaw ang matalino, ikaw ang gumamit ng talino para maiangat ang estado ng buhay ng marami.

marami akong nabasa tungkol sa’yo. nabasa kita sa mga libro. nabasa kita sa mga dyaryo. isinaad sa libro ang iyong mga ginawa. nakasulat dito ang maliliit at malalaking bagay na ginawa mo para sa sarili mo, sa iyong pamilya, at sa bansa. lalo mo kong pinabilib. sa lahat ng nabasa kong talambuhay, sa’yo ang halos makabisa ko.

sabi ni titser ko noon, magbasa pa ko nang ibang libro dahil subjective daw ang history. tumango ako, pero hindi ko ginawa. aanhin ko ang ibang bersiyon ng kuwento kung hindi naman ito totoo. alam ko ang totoo, at ang katotohanan ay hawak ko, sa librong ito, na isa kang magaling na tao, na ama, na lider.

nagtapos ako ng kolehiyong preface lang ang nabasa sa history class. kung hindi common sense, sa pangongopya ako pumasa. ang paniniwala ko kasi’y ang kolehiyo ang nagtuturo ng diskarte sa buhay, wala ka naman talagang dapat matutunan kundi ang diskarte kung paano pumasa.

sinubukan ko minsang magbasa ng isang history ng pilipinas. nakakabit ang historyang ito sa isang libro, kumbaga introduction ng isang libro. dito ikinuwento nang buong detalye ang ilang mga storya noong martial law. minsang may napanood akong video tungkol sa’yo. nakasaad doon ang paniniwala ng mga taong hindi nabuhay noong panahon mo at “katotohanan” sa likod ng mga “kasinungalingang iyon.” minsang may napanood akong pelikula na nakabase sa kuwento ng isang miyembro ng npa. ikinukwento niya nang buong detalye ang buhay nila mag-asawa sa kamay ng mga militar mo.

hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. hindi na malaman kung alin ang totoo sa panahon ngayon. maging ang mga kuwento, nakasulat man o hindi, subjective. at habang tumatagal, palabo nang palabo.

susi ng kaunlaran

nalulungkot ako. naiinis, pero mas nalulungkot. kasi kahit paano pa pagbali-baliktarin ang mundo, kahit pa naniniwala ka sa sarili mo, hindi ito sapat. kahit pa ibukang bibig mo na hindi mahalaga ang opinyon ng iba, mahalaga sila. mahalaga ang kanilang sasabihin tungkol sa’yo, dahil sila ang makabubuo ng buong ikaw.

dahil hindi lang tayo nabubuhay para sa sarili natin. at, hindi rin tayo nakukulong nang mag-isa. tayo, nakalulungkot mang sabihin, ay nabubuhay para sa isa’t isa.

mahalaga ang opinyon ng iba tungkol sa’yo, dahil naaapektuhan nito ang opinyon nila sa iyong pamilya, mga kaibigan, at iba pang mga taong malapit sa’yo. mahalaga ang opinyon ng iba tungkol sa’yo dahil sila ang magpapatotoo sa lahat ng ginagawa at sinasabi mo.

sa pinakamaliit at simpleng pananaw, maaari mong sabihing isa kang manunulat, pintor, artist, pero hindi ito magiging buong katotohanan hangga’t hindi ito napapatotoo ng opinyon ng iba. sa bibig ng ibang tao manggagaling ang papuri’t puna, ano pa man ang katibayan.


kahit paano pa pagbali-baliktarin ang mundo, ganito ang itatakbo nito. nabubuhay tayo nang magkakakapit, sala-salabit, ang buhay. ang ikauunlad mo ay may pinagmulan at patutunguhan, makaaapekto sa buhay ng iba, ang ikasisira mo ay may pinagmulan at patutunguhan, maaaapekto sa buhay ng iba, ikasasaya man nila o ikalulungkot din.

8.28.2014

sleepwalker, sleeptalker

isang malakas na busina kasabay ng malakas na hangin mula sa malaking sasakyang rumaragasa. nagising ako. ako lang ang nakatayo sa gitna ng kalye habang mabilis na naglalakad ang mga tao papunta sa iba’t ibang direksiyon. parang mga langgam na nakapila tiyaka magsasanga-sanga papunta sa iba’t ibang eskinita ng lungsod ng makati. ang pagkakaiba lang, wala pang ekspertong nakakapagpatunay kung may batas na namimilit sa mga langgam para sumunod sa pila at manatili sa pila. ang napatunayan lang nila, hindi salita kundi ang kanilang mga antler ang gamit nila para makapag-usap. tahimik siguro sa maliit na mundo ng mga langgam. pakiramdam lang, alam na nila ang ibig ng isa’t isa.

naglalakad nanaman ako habang tulog. pero ito na yata ang pinakamalayong nalakbay ko simula nang malaman kong nag-sleepwalk ako. nakatira ako sa cubao, ang dating masayang cubao—bilihan ng mga imported na mga delata’t appliance at mga shopping center ng mga taipan at kung saan nakatayo ang sikat na araneta. kumbaga, ang gma sa erap-gma-aquino history. si erap ang quiapo, iyong tipong kapag narinig mo ang pangalan, alam mo, kilala mo, pero hindi mo na halos maalala kung anu-ano ang nagawa niya o parte niya sa nakaraan. ang naaalala mo lang ay kung paano ka nabastos ng lugar, o ng presidente. si gma ang cubao, hindi mabilis ang termino pero hanggang ngayon ay nakikita mo ang kanyang mga nagawa. maiisip mo ang mga low-cost housing at militar at ang kanilang mga kampo. at tulad ng cubao, bumagsak din dahil sa pulitika pero hindi mabitabitawan ng mga tao dahil sa pagiging tuso. at si aquino, ang makati. hindi ko alam kung bakit. para lang siguro may maihambing, pero hindi naman sila magkapareho ng makati. dahil lang siguro sila ang nariyan. pero sa totoo lang, mayayaman pa rin naman ang kumikita sa makati. at ang mga nagpapakapagod na mga manggagawa na bumabyahe papuntang timog, nananatiling pagod at hikahos.

 kitang kita ko ang mga taong ito habang uuga-uga ang mrt pabalik ng norte. alas siete ng umaga pero gusot na ang mga polo’t blouse nila. ang kanilang bag ang sumasalok ng nagpapawis na mga kilikili. parang kable naman ng kuryente sa quiapo ang mga kamay na nakahawak sa kung saan-saan, sala-salabit, sanga-sanga. balang araw, bibigay ‘tong mrt na ‘to. maghihiwalay ang tren, mahahati sa dalawa, o tatlo. papalo sa barrier, o kung hindi man ay makikidlatan at puputok ang mga kable ng kuryente. sana’y walang masaktan.

nangyari na ba iyon? may nangyari na bang ganoon?

hirap akong makaalala ng mga tunay na nagaganap. lalo na’t nakapambahay ako’t nakaupo sa tren. iniisip ko nga minsan, para akong karakter sa isang european na pelikula. iyong tipong palagi lamang nasa tren. tulala. habang mabilis na naglalakas sa harap ko ang mga taong may sariling mga buhay. ganoon siguro ang hitsura ko kapag nakakatulog ako.

nakakatuwa, na hindi, kung iisipin na may oras ang dami ng tao sa mrt. sa umaga, masikip ang papuntang timog habang maluwag naman ang pa-norte. baliktad naman ito kapag rush hour na sa hapon, mga alas singko hanggang alas otso, o alas nuebe pa nga. kaya hindi kailangan ng eksperto talaga pag-aralan kung nasaan ang pera. o, ang paniniwala ng tao na kinalalagyan ng pera.

nakalulungkot lang na hindi ito nabibigyang pansin ng mga nakaupo. ng mga inilukluk ng taong bayan. nakalulungkot lang na hindi nila ito alam. o narinig, pero hindi natuunan ng pansin dahil sa dami ng pumapasok na buwis na dapat pagtuunan ng pansin.

“araneta center cubao station.” putul-putol na sabi ng boses ng lalaki. kung hindi ako ipinanganak dito’t hindi ako nakaiintindi nang mabilis. hindi ako makababa sa tamang babaan.

isang malakas na pito kasabay ng malakas na hangin mula sa mahabang tren. nagising ako.

nasaang estasyon ba ko? burado na ang karamihan sa letra ng mga salita na nakapinta sa pader ng estasyon. pero alam ko ito, araneta ‘to. mabuti na lang at hindi ako nakalayo masyado sa bahay. at tulad ng mga nakaraan mga araw na ganito, bawas nanaman ang suweldo’t mapaparinggan nanaman ng boss.

hindi ko na naiintindihan kung bakit kailangan pa kong paringgan at sabunin ni boss. ang sabi kasi sa manual tungkol sa attendance at punctuality, 1st offense ay verbal warning. 2nd offense ay written warning. 3rd offense ay deduction of salary na. dapat ay hindi na nila ko pinagagalitan pa’t binabawasan na nila ang suweldo ko. mundo nga naman. pilipinas nga naman. kaya hindi umaasensyo, may manual na nga, hindi pa sinusunod.

kinapa ko ang aking bulsa. mabuti na lang at maliit lang ang butas nito. may madulas na card. mabuti na lang at naisip kong itago ang card ng mrt kahit tulog. 

8.01.2014

palagay sa friends at himym

sa hinaba haba ng serye ng friends, si ross ang paborito ko. hindi ko pa natatapos, katunayan, nag-uumpisa pa lang ako sa season 7. pinapanood ko ang friends ngayon kasi na-enjoy ko ang how i met your mother, na kung titingnan ay parang halos pareho ang plot at characterization—ang isang barkada na sobrang close at madalas na nasa isang lugar para magkuwentuhan, ang bida na hindi na naging mapalad sa love life, ang kabarkada niya na alam naman nating lahat na mahal niya all the while, ang isang bestfriend na babaero at ubod lang ng babaw, ang weird pero may punto paminsan-minsan, at ang mag-jowa.

dito ko lang yata sa season 7 napagdesisyunan na paborito ko rin pala si chandler ng friends. hindi naman dahil sa jokes niya, dahil hindi rin naman laging mabenta sa’kin (pero bilib ako sa nagsulat nito, at ng himym). siguro, dahil nasa punto ako ngayon kung saan engaged na sina chandler at monica—lalo na itong season na ‘to kung saan may ideal wedding si monica, na tinanggihan ni chandler dahil hindi raw niya gagastusin ang lahat ng kanyang ipon para sa isang party.

at the end, sabi na lag na hindi kailangan ni monica ng magandang wedding, kundi ang marriage. napabalik tuloy ako sa bucket list ko, at goals for this year, na kailangan kong makaipon ng isang halaga bago matapos ang taon na ‘to.

nakakalungkot na may ilang mga bagay na dapat isakripisyo para sa bukas. hindi magpapagupit dahil next week ay may bagong damit kang bibilhin at gusto mo, pogi ka simula noon para sa kanya. mga  bagay na kailangang ipagpaliban para sa kinabukasan. cancelled trip dahil kailangan piliin ang trabaho. pagtitipid para may mahugot. pagpapakumbaba dahil kasalanan mo naman.

gusto ko kapag kausap ni chandler si monica. kahit pa ayaw ko kay monica, dahil maingay siya at oc. pero kapag nag-iiba ang tono ni chandler, tatahimik ka. kasi, alam mo, totoo.

gusto ko pa rin si ross. hindi dahil sa kung anong rason. sa katunayan, mahirap isa-isahin kung bakit dahil geek siya, mahilig sa dinosaurs, boring, medyo tanga, pinakapangit sa tatlong lalaki, malaki ang polo, at tatlong beses nang hiwalay sa asawa. mas marami ngang dahilan para mainis kay ross. isa na siguro roon yung pagpapakawala niya kay rachel. sa lahat ng babae kasi, si rachel ang gusto ko. nagagandahan ako sa kanya. tiyaka siguro dagdag factor na rin na siya ang pinakamaganda sa kanilang tatlo at normal. normal in the sense na posible sa totoong buhay, at makakapalagayan ng kahit na sino. ayun nga lang, medyo tanga rin.

ganoon yata para bumenta ang isang series. kailangan may halong katangahan. kailangan may mga maling desisyon. kailangan nasa huli ang tamang desisyon at pagtatama ng mali. kailangan may bawi. kailangan may sipa, kailangan tama ang dahilan, kailangan may rasong tama.

parehong mahaba ang serye, pero palagay ko kasi, maliban sa mga characters na nakatutuwa at writer na magaling, iyong sa lahat ng kababawan at kalokohan, misfortunes and mishaps, maling decision making at kung anu-ano, naitatama. na kapag pinanood mo nang buo at sunud-sunod lang, maiintindihan mo na hindi laging tungkol sa journey. hindi laging right this moment. dahil bukas, kahit nasa same coffeeshop o bar, iba na ang kuwento, pero malamang, hugot sa kahapon ang kuwento ngayon.


na kailangan humingi ng tawad ngayon dahil kapag titimbangin, pareho namang mahalaga, pero higit na matimbang ang makatutulong sa kinabukasan.

7.21.2014

150 taong unibersidad; gobyero ng katipunan gobyerno ng sarili

ilang taon din tayong tinuruan ng ating mga magulang ng tama at mali, kung ano ang pagkakaiba ng dalawa at ano ang nasasaklawan ng dalawang termino. ilang taon ding sinikap ng ating magulang na maisapuso natin ang konseptong ito para maging mabubuting mga magulang, pulis, guro, manunulat, abogado. maging mabuting mamamatay ng pilipinas. maging huwaran, maging daan, maging pag-asa ng bayan ika ng pambansang bayani. si tatay nga, halos lilimang oras lang ang tulog bawat araw makapasok lang ako sa paaralan. si nanay naman, gumigising pa ng madaling araw para makapaghanda ng maibabaon, buong araw na sasabay sa pagkayod ni ‘tay para maibili ako sa sapatos pamasok. sasabayan magkabisa ng mga leksiyon at gumawa ng mga takda. bawal magsinungaling, bawal ang mangopya. kung hindi nakapag-aral, mas mabuting bumagsak dahil mali ang mangopya ng sagot ng iba. isapuso ang leksiyon nang hindi nawawala, laging pangaral ng nanay. ang memorya, nakakalimot, nababaluktot, pero hindi ang puso.

konsiyensiya pala ang tinutukoy doon ng nanay. madaling matutunan ang tama at mali. ang mabuti sa hindi. ang dapat sa dapat iwasan. pero ang pagpapatupad, kailangan ng puso—dapat alam niya na ito dapat, dahil hindi niya hahayaang maging taliwas.

gabi-gabi, kinabisa ko ang talasalitaan. ang mga salitang dapat makilala at kanilang mga ibigsabihin. hindi pala biro ang magsapuso. bumagsak ako nang paulit-ulit dahil pinili kong kumabisa gamit ang puso. mahirap pala.

alas siete raw ang umpisa ng klase. kapag lumagpas doon ay dapat nang tumayo sa likod ng klase. dapat laging pakatandaan na pahalagahan ang oras ng ibang tao, dahil respeto ito. gumising ako kinabukasan ng maaga. sabi ko kay nanay, huwag na bumili ng alarm clock. sayang lang ito sa pera. madaling gumising nang maaga kapag may pinananabikan. parang outing ng pamilya, parang pasko, parang ang mga paputok sa bagong taon, parang kaarawan. alas sais y media, nasa klase na ko. kumpleto na kaming sampo sa klase. alas siete y media dumating si ma’am.

tiyaka ko napansing kailanma’y hindi siya nakarating ng alas siete ng umaga sa klase. hindi pala kami mahalaga.

palaging turo sa bahay noong bata pa ko ang respeto. ito ang laging paksa. mahalaga raw ito dahil hindi basta natatanggap ang respeto. kailangan daw magbigay ng respeto bago humingi ng respeto sa iba. ito ang dahilan kaya mas mahalaga ang respeto kaysa sa pera. ito ang nagpapatotoo sa konsepto ng tama at mali. simple lang naman daw ang pormula, gamitin lang ang isinapusong konsepto ng  tama at mali at tiyak na makatatanggap ng respeto.

sabi ni ma’am, next week daw ang deadline ng takda. magdala raw ng notepad na may guhit na asul at pula. agad ko itong sinabi kay nanay. imbes na alarm clock, ibinili ako ng nanay ng notepad na may asul at pulang mga guhit, dalawang mongol 1, at pambura na mabango. matututo na raw akong magsulat next week sabi ni nanay. makinig daw akong mabuti at mahalaga raw ito sa tunay na buhay. isapuso ko raw ito dahil mapapaganda raw nito ang buhay ko ‘pag laki. “ang magaling magsulat ay magaling sa lahat”, palagi niyang ulit.

sinuot ko ang pinakamaputi kong polo. kinula raw ni nanay sa zonrox. mag-gel daw ako para pogi. magiging paborito raw ako ni ma’am. unang una ko sa klase nang araw na iyon. inilabas ko ang notepad na size 1, inilapat ang mongol 1 na lapis na bagong tasa katabi ng pambura na nasa taas ng makapal na notepad. alas siete y media, pumasok ng silid si ma’am dala ang isang folder na makapal. masisilip ang makapal na mga papel na kamukha ng notepad na nasa table ko.

“okay, class, please bring out your notepads.” ngumiti lang ako habang nagkagulo ang buong klase. sabay-sabay silang naghalukay sa kani-kanilang mga bag. nakayuko si henry sa ilalim ng mesa habang pabulong na humihingi ng notepad. nakita siya ni ma’am.

nilapitan siya ni ma’am at tinanong kung ano ang problema ni henry. umamin si henry. wala siyang dala dahil nakalimutan ng kanyang nanay na bumili. naubusan daw kasi sa national bookstore. “naubusan ng notepad ang national bookstore?” tanong ni ma’am na may halong pagtataka ang tono. tanong ko rin ito sa aking isip. pero hindi naman mahalaga ang nasa isip ko hangga't hindi nakapagtataas ng kamay at natatawag ni ma'am.

kulay kape ang buhok ni henry, maputi at hirap managalog. sa amerika raw siya pinanganak sabi ng ilan kong kaklase. bumalik sa harap ng silid si ma’am. itago raw muli ang mga notepad at next week na lang muling dalhin.


nagpadala ako ng sulat sa dean. isinulat ko na hindi professional ang propesor na kinuha nila para magturo sa’min. araw-araw siyang late sa klase. kung minsan, lumipas na ang dalawang oras tiyaka namin malalaman na wala palang klase. maaaring late ang mga estudyante basta’t galing ibang bansa o hindi pilipino ang apelyido. obama, clinton, boehner, brenan, chambliss, holder, miller. at magaling pagsasabi ng maganda at pangit na gawa, ngunit mahina sa pagpapaliwanag kung bakit naging maganda o pangit. tiyaka ko tinapos ang sulat sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng aking nararamdaman—na nakapanghihinayang na sa unibersidad na akala ko’y napupuno ng mga propesyonal na propesor ko pa kailangang maranasan ang ganitong uri ng pagtrato.

kinita ako ng dean ng unibersidad, pero hindi upang makinig kundi upang patunayan na propesyonal ang mga propesor at propesora sa unibersidad na isang daan at limampung taon nang nabubuha sa mundo ng katolisismo. ilang beses akong tinanong ni dean kung ano ang nangyari. buong puso kong ikinuwento. pero tila napaos ako at sarili na lang ang nakaririnig. nakasandal si dean sa kanyang malaking upuan habang magkapatong ang mga braso at naka-dekuwatro ang mga paa. taas noo niyang sinabi, “i don’t see anything wrong.”

naiwan akong nakanganga. hindi pala mali ang mahuli sa klase. hindi rin mali na magkaroon ng paborito sa klase. hindi mali na mamuna at maging mapagmataas nang hindi nagbibigay ng sapat sa distansiya para makatayo at maitama ang pagkakamali, matuto at maging magaling. basta may posisyon. 

basta may posisyon.

ganoon pala kapag tumatanda. ganoon pala para manatiling buhay.

hindi respeto ang batayan ng pagkataon. hindi ang konsepto ng tama o mali dahil iba’t iba ang konsepto ng bawat isa. kapag nasa tunay na mundo, ang institusyon at ang mga nasa loob nito ang nagdidikta ng tama. at mali. at kadalasan, hindi gawa ang tinutukoy na mali, kundi tao.

bago ako magpaalam, sinubukan kong tanungin, “ngayong alam na ni ma’am jimmy na kinausap kita tungkol sa kanya at ang kanyang pagiging propesyonal, paano ko masisiguradong objective ang pagtatama ng mga papers na aking ipapasa?” hindi gumagalaw ang dean. nanatiling magkayakap ang kanyang mga braso. magkayakap din ang kanyang mga binti’t paa. nakatingala ang kanyang ulo. sinubukan kong hanapin ang aircon kung saan nanggagaling ang hangin, pero patay ito. tiyaka sumagot si dean na “i’ve known mrs. jimmy for a long time, she’s very professional.”

isinara ko ang pinto ng department at bumaba ng building. lumabas ako ng gate ng 150 anyos na unibersidad. nanginginig ang aking kamao sa galit at panghihinayang sa tuition fee na aking pinaghirapan pag-ipunan. naalala ko ang units na kinuha ko para sa logic. nakapanghihinayang dahil hindi naman pala ito nagagamit sa totoong buhay. dahil ang tama ay hindi napapatotoo ng pagiging tama nito kundi napapatotoo lamang ng institusyon—o tagapagpatotoo-hukom-hukom na naaabogado-abogado na doktor-abogadong propesyonal.


maaga kong ginawa ang mga papeles na dapat ay kinabukasan pa dapat ipasa kay boss dahil kailangan kong umuwi nang maaga para tumulong sa gawaing bahay. hindi ko ugali ang nagpapahintay. ang paniniwala ko kasi, maigi nang maghintay kaysa iba ang maghintay sa akin. dalawang linggo ang nakalipas, pinatawag ako ni ma’am. where are the papers i’ve asked you to do? sabi ng kanyang mga mata. sumagot ako na napasa ko nang matagal na. this is not the form i was asking you. there’s a revised form. hindi ka ba nagche-check? isinigaw niya sa opisina. napalingon ang buong opisina sa akin. natigil ang nagsama-samang tunog mula sa pagpipindot ng mga keyboard. tiyaka ako sumagot na revised ang aking ipinasa.

dalawang linggo muli ang lumipas. tatlong oras bago dapat ipasa sa kliyente ang mga papeles, ipinatawag akong muli ni ma’am domingo, boss ko. the form you submitted is generally empty.

generally empty? muli kong sinilip ang papeles na ipinasa ko kay ma’am domingo, pero wala akong naintindihan dahil puno naman ito ng impormasyon kaya napilitan akong itanong kung ano ang kanyang ibig ipaintindi sa salitang generally empty. tiyaka niya ipinaliwanag na kulang ang mga datos at kailangan kong ulitin ang nasimulan.

in three hours.

nais kong mangatwiran para mapahaba ang tatlong oras pero tila hindi naman ito kasama sa pilian. iniligpit ko ang mga gamit sa mesa. ang mga iba, tulad ng mga dyaryo at magazine, itinapon ko sa kanilang basurahan.

dahil sayang naman ang mga aral at napag-aralan, mga takdang minemorya ng puso para maging mabuting tao, maging tama kahit papaano sa abot ng makakaya ng hindi perpektong tao, kung hindi maisasagawa.

kaya nananatiling pilipinas ang pilipinas, kaya nananatiling wala sa top ang mga unibersidad ng pilipinas, kaya nananatiling baon sa utang ang pilipinas, kaya nananatiling bulok ang sistema ng pilipinas, dahil elementarya pa lang, high school, unibersidad pa lang, baluktot na ang proseso ng lesson to action.


7.04.2014

one vs one hundred

dahan-dahan kong tiningala ang aking ulo, tulad ng mga napapanood ko sa mga palabas. tulad ng mga bida sa anime. natatakpan pa ng bahagya ng aking buhok ang mga mata. mapungay ang mga mata. isa-isa ko silang tinitigan, ang iba, hindi makita ang mga mukha.

inulit ko ang pagpasada ng aking mga mata sa kanila, umaasang may aatras, kahit isa. walang umatras, lahat sila ay nakatitig sa akin—sa aking maliit na pangangatawan, sa aking mga kamaong nanginginig sa galit, sa aking mga katabing hanging lamig.

hindi ako umatras. ganito siguro ang pakiramdam ni battousai. pamilyar sila. pamilyar ang kanilang gawain at hangarin, pero malabo na sa aking paningin—isang parte ng buhay na matagal ko nang tinalikuran. kampihan, daragan, pagtutuwid ng baluktot, tuwid man ang paraan o baluktot din, at pulitika.

pilit kong inalala kung paano harapin ni battousai ang kanyang mga kalaban. wala rin siyang kakampi. ayaw din niyang mandamay. ang mga nanonood sa paligid, nakatayo at nakatitig, tila naghihintay kung paano mamamatay.

tiyaka ko naalala, walang talim ang katana ni battousai. hindi nakamamatay.



6.23.2014

mahilig lang mangarap

naiiyak ako dahil sa pananabik.
sa sobrang pananabik,
                naiiyak ako.

hindi ko naman alam kung ano talaga.
hindi ko rin alam kung bakit ganito na lang--
‘tong pagkaaligaga.

nakangiti lang at nakatulala
sa bintana,
                roon kaya, may mapapala?

                alam mo ba?
                ikaw, alam mo ba?
                ako hindi,
                pero ganito pa rin, aligaga.

ang tagal kong pinangarap.
ganito naman ako,
panay isip, panay isip,
panay sa pagkolektan ng pangarap.

                aligaga ako, aligaga ako,
                ano ba ‘to, ba’t ba ganito?

                nagulat ako nang tumunog ang telepono.
                wrong number, d’yos ko,
                akala ko naman kung sino!

nananabik ako! nananabik ako!
nakangiti,
                pero nag-uumpisa nang mapahikbi.
                ba’t ba ganito, ano ba’to?

umupo at nanguyakoy.
bumuklat ng pahina.
babasahin ang listahan ng pangarap,
“bukas, baka mabawasan na ng isa.”

bumilis ang pangunguyakoy.
inilipat ang pahina.
hahanapan ng walang sulat,
tiyaka pupunuin

                --hindi naman sadya, madalal lang.