1.26.2012

red paradise 2: ganoon lang pala ang isang libo

sa ikalawang beses na pagkapkap sa’kin, naaninag ko na ang mga ilaw na nagpapalitang kulay. “pasok po, boss.” nakatitig ang isang hilerang kababaihan sa harap. mabilis na sumilip din ang iilang mga customer na tila lango na, tila ba tiningnan lang kung kakilala o baka kapatid ng kanilang mga misis.

maya’t maya’y isang maputing binti naman ang sumilip mula sa entablado. bumilis ang pagpapalit ng mga kulay ng ilaw. sinabayan ito ng aking puso na upang mailabas ay sa pagpadyak ng paa ibinaling. pula, dilaw, mabibilis na berde. tug-tug-tug-sabay ikot ng katawan habang nakataas ang kanang kamay.

nakalaylay na ang ulo ng isang lalaki sa kabilang table. dalawang lalaking tila kagagaling lang sa trabaho at nagpakalango sa alak at lahat ng uri ng makamundong bisyo. walong bote na nakatayo sa kanilang harapan habang nakaiidlip-idlip sa nakahihilong ilaw.

isang matandang bigutilyo na hawak ang beer sa kaliwang kamay habang nakapulupot ang kanan sa bandang ibaba lang ng kilikili ng ka-table.

mabilis dumating ang dalawang beer. bago pa man itaas ang kamay at kumuha ng maiinom, heto’t pinapipirma na sa alak na ‘di inorder. panay silip pa rin ng mga babaeng nagkukuwentuhan sa tabi ng entablado.

pa-sway-sway kung sabayan niya ang kanta habang dahan-dahang sumisilip ang mga mala-tsokolateng utong sa pagsabay ng manipis na telang—ang ideya yata’y utong ang pinagkakait. nakatingin sa salamin na tila sarili ang sinasayawan.

kinailangan ko pang iusod ang upuan nang bahagya para makita ang mukha mula sa salamin. pababa at babagal sa pag-aabang ng pagsilip at pababa sa ngayo’y umiikut-ikot puwet. naaaninag na ang guhit ng puwetan.

sa aking pag-usog, natamaan ko ang isang babaeng nakayuko sa aking tabi. ang maputing suso nag-aaya, “boss, may ipapakilala ko ‘sayo, okay lang?” malakas na sigaw ng kanyang dibdib na kinakalaban ang tugtog ng club. napasagot ako ng “sige” nang ‘di nag-iisip. mabilis nawala ang inaangguluhang dibdib. nakalimutan kong tingnan ang kanyang mukha.

“sir, si shayne.” pakilala ng nagbabalik na taga-alok ng aliw. mabilis na naglabas ng kamay si shayne. nagkamay kami habang iniisip kung tunay ba talaga niyang pangalan ang shayne, at kung bakit napakapormal kung aliw ang benta. o, kamay nga ba dapat ang dapat kong iniabot nang inilabas niya ang kamay na tila may hinihingi?

nasa kabilang table na ang babaeng taga-alok ng aliw na may magandang suso. may dalang dalawang babae na ipinapakilala sa dalawang lasing. hawak naman ng isang waiter ang dalawang beer na kung tawagin nila ay... “ladies drink sir, para kay shayne.” muli akong napa-oo. nang silipin ko ang pinepermahan, bahagyang nagulat lang at mas mahal pa ang kanyang beer sa total ng dalawang bote ng akin.

matagal na pilitan. akala ko’y aabot sa kaguluhan na magsisisigaw ang lalaking lasing at paghahalikan ang babae. darating si fpj at pipigilan ang lahat. hindi magpapaaway ang manginginom kaya’t gugulpihin na lang ito ng yumao. hinanda ko ang sarili, at baka magkaroon agad ng leading lady nang ‘di nagbabayad ng ladies drink.

kaunting kuwentuhan, kaunting question-and-answer, ubos na ang kanyang beer. lintek na babae’t mas mabilis pa uminom sa’kin. muling nagbalik ang taga-alok ng aliw, “isang beer pa, boss.” alok niya, ngunit hindi para sa’kin. isang mamahaling beer nanaman daw para sa aking ka-table na hindi ko man lang pinili. palibhasa’y tinanggihan ng kabilang table ang alok na mga babae, sa’kin ipinapasa ang sagot sa kita ngayong araw ng club.

nakapagtataka lang na sa laki ng club na ito’y tatatlo lamang ang table na okupado. dalawang lalaking tila namuro sa alok ng babaeng panay display ng suso, isang lalaking ngayong nakakalawit na sa kanang suso ng babaeng tila nais na magtatakbo, at ako.

sa pagkakataong ito, tumanggi na ko. “hindi, okay lang.” tila napahiya ang nag-alok at pinatanggal ang ladies drink na kamuntik nang buksan ng waiter. maya’t maya lang ang nagpaalam na rin si shayne na bumalik sa kanyang puwesto.

nagpalit na ng nagsasayaw. sigaw ng malakas at nabubulul-bulol pa na pekeng slang, “something-something-the-something-(pause)-shayne!”

“sir, baka ‘di mo nagustuhan ‘yung pakilala ko kanina. bigyan kita ng bago.”

at tila gumanti si shayne sa aking pagtanggi na ‘di na siya bigyan ng pangalawang ladies drink. suot ang masikip na metallic na underwear, dahan-dahan itong bumaba paupo sa entablado kasabay ang pagsikip sa kanyang ari, niyayayakap at nagpapamalas. bumakat ang hiwa ng kanyang ari. mabilis itong nagtanggal ng polong pang-itaas. tiyaka ko napansin ang kanyang mukha—ang kanyang matangos na ilong at mapupungay na mga mata, at bigoteng kahit sa entablado’y kita.

“ay, ‘di na. aalis na rin ako maya-maya.” sagot ko sa nakayukong taga-alok. mabilis muli itong nawala. mabilis natigil ang pagsayaw ng mga ilaw at pagsayaw ni shayne. maya’t maya’y ginigising na rin ang natutulog na magkaibigan. humuling kurot na rin ang balbas-sarado.

ganoon lang pala ang isang libo.

1.16.2012

tarzan x: shame of jane

nagbibinata na si junjun. masipag naman magpapapasok, maaga kung umalis ng bahay. kung minsan pa nga’y sa pagmamadali ay nakakalimot na kumain ng agahan. bago pa man isabit ang watawat at kantahan ng lupang hinirang ang magandang umaga, nagtatatakbo na siya. masiglang bata, kung minsan nga lang ay maliban sa marungis na polo na kung iisipin ay zinonrox naman noong nilabhan, uuwi siyang imbes na sa bulsa nakatago ang panyo ay nakatali na sa kung hindi siko ay tuhod (o kung minsan ay parehong may sugat at ang panyo’y nasa tuhod). doon pa lang, alam ko nang hindi siya katulad ng ibang bata.

madalas manguna si junjun sa paanyaya. “ice-water!” ang laging sigaw kung hindi “agawan-base”. sa lahat ng mga kalaro namin, isa siya sa pinakamatulin tumakbo. hindi ka niya titigilan hangga’t hindi ka natataya, kahit pa magkasabit-sabit siya sa kung saan o madulas. mas lalo pa nga siyang nanggigigil kapag ganoon. at kahit pa maliit at grade 3, nakikipagsabayan pa rin siya sa mga grade 5 at 6 kahit na kitang-kita naman ang pagkakaiba ng laki ng hakbang nila. hindi siya papatalo. tila sadyang wala sa kanyang bokabolaryo ang salitang “talo”.

minsang nagbiruan kami nang mapag-usapan ng mga crush. natuklasan namin sa aming anim na magkakaibigan, iisa lang pala ang aming crush. sabi ni junjun, “kung hindi ako ang mauuna, mag-iiba na lang ako ng crush. ang dami naman diyan.” natawa kaming lahat sa kanyang katwiran. crush lang naman at wala namang nanliligaw sa aming anim.

nagkakagulo sila habang naglalakad papasok ng campus. halata namang may itinatago at may ginawa nanamang kagaguhan. “ano yan?” tanong ko. naghagikgikan ang mga loko. lumapit si nat at bumulong, “porn.”

“saan ba tayo pupunta?”

“basta. tara na”

tatlong kanto na ang nalalakad nina junjun at nat. mabilis na paglalakad ni nat kahit pa pinagpapawisan at walang humahabol. sunod naman si junjun. “ano nanaman ‘to? wala akong dalang pog. wala rin akong pambili ng text!” imbes na sagutin ang pangungulit ni junjun. “bilisan mo na lang, counter tayo!” lalong nairita si junjun dahil alam naman ng lahat na sa kanilang anim ay siya ang bukod-tanging hindi mahilig maglaro ng computer. katwiran niya, mas masayang magtatakbo at manggago, ni hindi pagpapawisan kapag nasa harapan ng computer, maingay pa.

“tara!” pumasok si nat sa isang masikip at malalim na computer shop na hindi hindi nilagyan ng aircon at sliding door ay mapagkakamalang eskinita. ang bawat computer ay may sariling cubicle, kaya’t hindi nakikita kung anong nilalaro ng nasa kabila. sumunod si junjun.

siguro kung nalaman ko yun noon, lintek na hagupit ang inabot sakin ng batang iyon. kung magbulakbol, buti kung hindi mga babae ang mga kapatid niya. hindi man lang inisip na tatlo kaming babae sa buhay niya. e kung kami bastusin ng ganoon.

iritang irita pa ko at pinaglakad ako ng pagkahaba-haba para samahan siyang pumunta sa malayong computer shop para maglaro. wala naman akong gagawing iba. hindi naman ako maglalaro. papanuorin ko lang sila sa kanilang pagkahumaling sa pagpatay ng kung sino na hindi naman talaga namamatay. nagsisigawan pa, hindi naman magkakausap.

“tara!” yaya ni nat habang papasok sa eskinita. sunod naman ako, “hindi nga ko naglalaro!” huminto kami sa isang cubicle kung saan naroon ang apat pa naming kabarkada. nakapagtataka lang na sa dinami-raming cubicle dito ay nagsisiksikan sila sa isang computer, at sa dinami-raming computer shop ay sa napakalayong lugar pang ito nila naisipang maglaro. nang silipin ko, nanigas ang aking katawan. lumakas ang tibok ng puso at naramdaman nag-init ang batok. mabilis na sumilip sa paligid. isang blonde na nakasuot ng santa hat, pinasikip na damit ni santa claus girl version, at heels na mataas. nakalabas ang kaliwang dibdib sa mababang neckline habang nakalapat ang mga daliri sa pagitan ng dalawang hita. palaban ang mukha kahit na tila hirap na hirap sa nangyayari sa katawang siya rin ang gumagawa.

“tangina!”

iyon lang ang aking nasabi.

“’wag ‘yan! ‘yung isa! ‘yung isa! pakita mo kay junjun yung kay tarzan!” sabi ni nat

“’wag na ‘yung isa! tangina, cartoons e!” sabat naman ng isa naming kabarkadang nanonood din.

“iba naman yun. si goku tinitira si sailormoon!” tawanan ang lahat habang ginagaya si goku. biruan pa nila, walang kawala panigurado si sailormoon kapag napikon si goku at mag-super-saiyan.

“’wag na yun! tarzan, the best!” ulit ni nat habang sinasaksak na ang vcd sa cd-rom ng cpu.

ibinigay sa’kin ang headphone at hinayaan nila kong mamundok kasama ni jane.

naglakad-lakad si jane sa kalagitnaan ng bundok. sumigaw si tarzan ng kanyang signature ah-ahhh-oh-ah-oh-ah. sa lakagitnaan ng paglalakad ni jane, siya’y nahuli sa isang bitag at tumama ang ulo sa bato. nawalan ito ng malay. nakita siya ni tarzan at nagtaka sa kakaibang katawan ni jane. binuhat ito at dinala sa kanyang tinitirhan.

nagtataka si tarzan at kakaiba ang kanilang ari. walang nakalawit kay jane at nakapagtatakang higit na malaki pa sa dibdib niya ang dibdib ni jane. malambot at malalaki. nang mapansin ni jane ang pagtataka ni tarzan, sinubo niya ang ari at tila sa kauna-unahang pagkakataon ay tumigas ang ari ni tarzan.

1.11.2012

bakit nauso ang kidnap for ransom (alam nila 'to, nagmamaang-maangan lang)

sa inaraw-araw kong pagpapanggap na ako’y negro at galing amerika, hindi ko maiwasang magising sa katotohanang intsik talaga ko sa tuwing, maliban sa mga araw na susubukan kong silipin ang sarili sa harap ng salamin, makakapanood ng mga pelikula ng mga pinoy na ginagaya ang mga intsik. pautal-utal na pagtatagalog habang pilit na hinahabaan ang mga mata gamit ang eye-liner. tuwing magkakamustahan ay laging negosyo muna ang kinakamusta bago ang tao, kuripot na wala sa lugar, at malalaking bahay na puno ng makikintab na narra at gold-plated o kung hindi man ay porselanang mga nakasabit at nakalapag. negosyong milyun-milyon ang kita at ari-ariang tila lahat ay kapamilya ni henry sy (o ni hindi nga tayo nakasisiguradong may pera talaga ang pamilya nila bilang tila sa bawat kitain nila’y ipinantatayo ng kung hindi mall at condo). o kung hindi man ay mga singkit na magkakaroon ng karelasyon na pilipino para magkaroon ng conflict.

minsang gumawa sila ng pelikula tungkol sa isang angkan ng intsik. nagpakita ng magarbong kasalan na tila sa mainland china pa kinunan noong 1970’s dahil sa yaman ng mga intisk na ito ay hindi makarenta man lang ng kotse, pula ang lahat at, well, tatlo ang kanyang asawa.

at dahil mayaman nga itong pamilyang ito, napatay lalaki. nag-away away ang tatlong babae. sa totoong buhay, kung mangyari man ito’y end of story na, o kung hindi man ay hindi naman basta-basta na lang pinapatay bilang may kikitain naman sila kung dudukutin muna nila bago patayin. kidnap for ransom ang tawag natin dito bilang ang objective ay maghirap ang pamilya ng intsik na ito. sa intsik nga yata nagsimula ang lahat ng ito bilang panay annouce ng mga pelikula at tv na napupuno ng yaman ang bahay ng mga intsik dahil ayon sa mga news ay natimbog nila ang isang pagawaan ng shabu na chinese national ang namamalakad.

at bilang mahilig tayo sa mga happy endings at sa paniniwalang may prince charming o kung sino mang knight and shining armor, sinundan ang pelikulang ito. patok nanaman sa masa bilang ‘pinakasalan kita kahit ayaw sa’yo ni mama!’ so love story naman ito na naging mala-romeo and juliet ang drama bilang naniniwala pa rin ang mga pilipinong kapag intsik ay dapat intsik din ang asawa. hindi uso sa mga singkit ang free will at kakayanan ng singkit para mag-isip para sa kanilang sarili. uso pa rin ang kasal na pinag-uusapan over business meeting o mahjong at pagpapatapon ng anak sa ibang pamilya. –ilang mga katangahang manggagaling sa isang hindi intsik na hindi nag-research o intsik na matandang mayamang puro kapwa intsik na matatandang mayaman ang kilala.

mag-aaway away ang tatlong babae at mag-aagawan ng kayamanan. may sisigaw ng ‘ako legal wife!’ may half-chinese na makikipag-agawan dahil pinipilit daw na dahil half sila’y wala silang karapatan. may pinakakawawa sa kanilang tatlo, may naghahabol ng mana, may may hawak ng mana. pero ang bottomline dapat kawawa ang pilipinang asawa dahil mag-iisip ng masasamang paraan ang ‘legal wife’ para maging miserable ang buhay ng iba, siyempre’t ‘legal wife’ nga siya. maliban dito, ang nakatatawa’y hindi basta-basta pera ang pinag-uusapan, hindi lang basta-basta libo, hindi lang basta-basta milyon kundi daang milyon ang pinagtatalunan. mayroon 230 milyon, magagalit ang isa dahil nalamangan siya ng 30 milyon, kung makapagbangayan ay kala mo mga laro sa sims at tycoon.

nasundan ng ilan pa at tila nagsawa rin ang mga tao. nakahalata yatang ginagago na kaya’t tinapos na ang series hanggang anim. pero may paniniwala pa rin yata sila sa karisma ng mga singkit. may market yata talaga kapag mga intsik ang topic. marami bang mapag-uusapan—o maraming nangyayari dahil madaming pwedeng laruin sa kuwento—dahil marami namang cliche ang mga singkit na naririnig na ng mga manonood, enhancement na lang ika nga. kaya naman sinundan nila ng teleserye. at sa pagkakataong ito, kailangan mag-level up! kumuha na sila ng mga tunay na intsik para umarte. mga intsik na tila kinuha muna nila sa ongpin bago tinuruang umarte.

at ngayon, kung ano ang mga ipinakita sa anim na pelikulang nagdaan ay isinasabuhay ng teleseryeng ito, level up nga lang. ayaw pa rin ng mga pamilya, kaguluhan ng kultura, usapang nakawan ng pera, este milyun-milyung mga pera na anak ng puta saan ba naitatago yun, baka mas mahal pa iyon sa franchise ng mga bangko.

560 milyon ba kamo?

sa susunod na may makidnap na intsik at maningin ng ransom, ikaw ang magbayad. pagkatapos noon, magkape tayo nang maikuwento ko sa’yo kung bakit ikaw ang kailangang magbayad ng pangtubos sa pamilyang ito na ni isip ay ‘di maisip kung paano itatago ang 560 milyon.

sayang lang at di mo ko mamumukhaan bilang di ako singkit. ako’y negrong laking amerika, maputi ang palad at ngipin at hirap magtagalog. hindi ko kalahi ang aking mga magulang at kapatid, wala akong kamag-anak, at galit ako sa mga intsik (baka magkatulad tayo).

1.01.2012

men are from mars, women are from venus, and gays are from pluto

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.

hindi na ma-google kung paano nagsimula, marahil ay hindi rin nila naidokumento nang maayos. dito sa pilipinas, sa markova ba nagsimula sumikat, sa selda ba dahil sa kakulangan ng puki, sa galing ba nila dolphy at roderick sa pag-arteng bading, o humarurot na lang bigla dahil sa biglang sikat ni maximo at indie pink films. noon pa man, hindi pa tayo pinapanganak ay may mga bakla na, ngunit sadyang iba na ang panahon ngayon. tulad nga ng biro ng mga bading na nakakasama ko, at maging ang mga babaeng napepeke ng mga paminta, hindi naman daw nabubuntis ang mga bakla pero kung dumami ay parang kabuti.

madalas kong ipaliwanag sa aking mga kaibigan, “they got the best of both worlds kaya sila magagaling. they get to see the perspective of men and they get to feel what women craves for. alam nila ang parehong mundo.” kaya bilib ako sa mga bading. nakapagtataka na lang na sa isang iglap, kalahati ng populasyon ng mga lalaki ay pumalaot na.

minsan nga, naiisip ko, baka nailagay sa biogesic ang pampabading kaya dumami na lang sila bigla. kasalanan kaya ito ng john lloyd? kaya siguro “ingat” ang laging paalala. ito siguro’y paalala sa mga babae, mag-ingat at baka makadali ng bakla at datnang nag-iiiyak.

o! o baka totoo nga ang sinasabi ni john gray na men are from mars and women are from venus! ang hindi lang siguro niya natuklasan ay gays are from pluto. kaso hindi pala planeta kaya nang maideklarang hindi planeta ang pluto ay sumunod sila sa earth at kasalukuyan ang shipment ng mga taga-pluto. hindi naman siguro nila tayo sasakupin ano? buti na lang at higit na maliit ang pluto sa earth. kasya pa sila kahit overpopulated na tayo.

pero hindi rin dahil transformation ang nangyayari. napanood ko sa isang episode ni korina na may isang baranggay nga talaga na puno ng bakla. pati ang mga batang sampo ay nakasuot na ng pekpek shorts at malaking pink na ribbon. hindi sinusuway ang mga bata dahil pati ang mga magulang ay bakla rin.

naikwento sa’kin minsan ng isang parlorista na natutuwa pa nga ang mga magulang kapag nalalaman nilang bading ang anak nila. ilang beses ko na rin itong narinig, ngunit tinanong ko siya kung bakit upang maliwanagan nang tuluyan. naniniwala raw kasi sila sa abilidad ng mga bading, dahil ang bading daw ang pinaniniwalaang mag-aahon sa kanila sa kahirapan. kahirapan nga ba talaga ang dahilan ng kabadingan? sa palagay ko’y hindi.

katunayan, mas mahal maging bading. hindi dahil kailangan nila bumili ng make-up at foundation, o mamili ng bagong damit dahil buong closet ang papalitan, hindi rin dahil kailangan nila ng heels at pekpek shorts imbes na chucks at rubber shoes, dahil hindi naman lahat ng bading ay kailangang cross-dresser kaagad. marami pa rin namang bading na gustong magsuot ng damit ng lalaki na maluwag at parang nakapambahay lang. mas mahal lang dahil hindi tulad ng mga karaniwang lalaki na basta na lang kung mamili ng damit, mas mataas na ang standard nila sa mga damit. mas mapili na sila sa tela ng damit, hindi basta-bastang facial ang gamit dahil nais nilang maging makinis at maaliwalas sa lahat ng oras, kailangan maging mabango dahil hindi uso ang bruskong amoy ng anghit, at marami pang iba. kaya naman hindi totoong kahirapan ang dahilan.

pero bakit nga ba sila dumarami?

maliban sa shipment ng mga bading galing pluto at panay inom ng biogesic ng mga tao, isa sa dahilan ang curiosity. una’y magtataka kung bakit sila dumarami. kakikitaan ng interes marahil dahil sa kabibuhan, kagalingan, o sa simpleng kasayahang nakikita. katatakhan sa ilang mga bagay tulad ng paano nagsimula, kung paano nakatatagpo ng kapwa, at paano sila magtalik, at marami pang iba.

may mga pagkakataong mag-isa lang. kung hindi nagkakape at naglalakad sa mall at mapapansing may sumusulyap-sulyap. mapapalingon pa sa iba kung ikaw ba talaga ang tinititigan. hindi ka tatantanan hanggang hindi bumaba sa escalator o iwasan ng tingin, kung minsan kailangan pang gusutin ang noo at pagdikitin ang kilay para lang maiparating na hindi ka taga-pluto. kung minsan, gusto ko na ngang ipagsigawan na advil ang iniinom ko kapag masakit ang ulo matapos lang ang titig na nakakailang.

so, kung naka-inom sila ng biogesic, hindi na ba sila napalilingon sa mga babaeng nakasuot ng mga punit o kinapos sa tela (taas man o baba)? kung hindi nila ito pinili at kusa na lang naramdaman, hindi na ba nila nakikitaan ng interes ang kaganhana ng hubog ng mga kababaihan? ang mga fetish sa mula sa payat at makinis na binti hanggang sa matatambok na puwet hanggang sa mga bilugang pares na suso na bigla na lang kawawalan ng gana at napalitan ng mabalahibong binti’t hita at tiyan na nagpapasikip sa maluluwag na t-shirt. o baka dahil nakapagtataka lang talaga kung ano ang pakiramdam ng may pumapasok sa kanilang kalooblooban dahil alam na nila ang pakiramdam ng basta na lang sinasalat ng kaliwang palad?

nakapagtataka nga naman lalo na para sa isang lalaki. minsang may napanood ako sa isang you-something .com na habang kinakamada sa kanya ang bagahe ng lalaki ay sumisigaw siya nang napakalakas, “there’s like an anaconda in me!” tunay ngang mapapaisip ka, ganoon ba talaga ang pakiramdam?

tila ba pringles, yosi, o droga na kapag nasubukan ay hindi maiwasang balik-balikan. ika nga, once you pop you can’t stop. isang misteryong tila mananatiling misteryo para sa’kin dahil sa mga taga-venus.

beef steak at pangarap

ang malungkot na katotohanan kasi ay isa sa sampung taong makakausap mo ay hindi narating ang pinangarap nila. masuwerte ka pa nga kung makakuha ka ng isa dahil ang isasagot nila sa’yo ay kung hindi man “hindi” ay “okay naman”. nakalulungkot lang isipin na nakasanayan na ng tao na mamuhay sa nariyan, panatilihing pangarap ang pangarap, at huwag na (munang) gumalaw tutal ay maayos (meaning okay lang) naman ang nangyayari sa kasalukuyan.

tinanong ako minsan ng isang propesyunal na editor ng mga palabas at komersyal, “sa tingin mo, ilang taon ka pa bago maging direktor?” natigilan ako. napatigil ako sa paghihimay ng hipon na tila nakikinig din sa isasagot ko. nakatigil din siya at nakatitig ang matalim na mga mata sa akin habang hawak ang kutsarang punung-puno ng yang chow fried rice at beef steak. inisip ko nang mabuti. limang taon talaga ang nasa isip ko. ito naman talaga ang plano, ang nilaan kong oras para matuto, at kasama na siguro ang makuha ang tiwala ng tao. “mga 5 years siguro.” mabilis siyang sumigaw ng “ang tagal!” sabay subo ng kanyang beef steak. tila hindi siya sanay sa mga matatagal na preparasyon. ang pagkahilig niya sa beef steak ang nagpapatunay nito. kung ikukumpara mo kasi ang beef steak sa slow-cooked beef, kakikitaan mo kaagad ng pagkakaiba. kahit paano pa sabihing pareho silang baka, sadyang may mga taong mahihilig sa mas may naingunguya na baka kaysa sa bakang kapag ipinasok mo sa bibig ay kusang matutunaw na lang na parang tsokolate.

“kung pinasok mo na sa isip mo na 5 years, 5 years ka talaga aabutin. in 2 years, kaya mo na.”

naiintindihan ko naman ang punto. ang hindi ko lang maidepensa ay ang puntong pinag-isipan ko na ito, mas madaling lunukin ng mga tao ang beef na kahit makapal ay malambot. mas madaling matatanggap ng tao ang isang direktor na nagdaan sa pinagdaraanan nila dahil hindi naituturo ang karanasan. gustuhin ko mang marating ang pangarap nang mabilis, ayaw ko. marami mang mahilig sa half-cook, medium rare, o lamang makunat-kunat, higit na marami pa ring mas pipiliin ang luto, malambot, at hindi ika-iimpatso.

wala naman sa bilis o sa bagal ‘yan. mahalaga ang oras, at tulad nga ng sabi ng mga matatandang yumao na, hindi mabibili ang oras, karanasan ay hindi rin nabibili.

hindi na ko sumagot, imbes ay sinipsip na lang nang isang malakas ang ulo ng hipon.