5.20.2010

ang pamilya malabanan

sadyang kailangang tanggapin
mga pagkakataong hindi atin--
mga pagkakataon,
pangyayaring
naganap pa noon.

nag-away nanaman
mag-asawang malabanan.
dapa'y tungkol sa pambababae
nauwi sa nakaraan.
sabi ng lalake,
"kasalanan mo 'tong lahat.
ani ni babae,
"ano'ng magagawa ko't
ikaw ang naiwan!"
sino'ng may kasalanan,
walang makapag-sabi.
maging ang siyam na anak
lito sa tabi.
umiiyak, nagmamakaawa,
"itigilin niyo na ang pag-aaway."
pero sinong makapipigil
sa damdaming
ngayon lang nakasilip.

siyam na anak,
kasal, at kaunting siping
laban sa nakaraang
ngayo'y malamang
kung hindi ma'y kasal
ay may sarili nang hukay.

binato ng plato
ni babae si lalake.
mabilis na umilag
pero sa hagdan nalaglag.
nanghihinang makaawa,
"putang ina ka."

"si tatay! si tatay!"
kung makasisigaw lang si bantay.
dahil natahimik lahat
maliban kay bantay.
nagising ang nanay
at tarantang nakisabay.
kahit paano pala'y
mahal pa rin si tatay
kahit hindi nauna,
pagbali-baliktarin man
siya pa rin ang bida.

5.10.2010

silid

sa silid na kay laki,
masikip dahil may party.

bagong salta sa kuwartong

korteng puso.

walang kakilala,

ikaw lang
nawawala pa.

maraming ka-kuwentuhan

tungkol sa maraming kaganapan—

mayroong wala lang,

minsa’y pinipilit pang isama ka,

tungkol sa’yo,

minsa’y kahit na sino:

ang totoo nito,

gusto ka lang talaga nila ma-solo.

sa dami namin,

sino ang kaibigan?
sino ng ka-ibigan?
at sino ang kinakaibigan lang?

itong uri ng party,

kailanman hindi yata matatapos.


ang party all-night,

hindi na pala uso.

iyong tipong maghihintay na lang sa labas,

maghihintay matapos

para nang masolo ka rin

‘pag nagpapahinga ka na,

hindi na pala talaga uso.


kailangan makipagsabayan—

makipagsiksikan, makipagbrasuhan—

gawaing kailanman hindi ko kabisado.

nais ko’y sarili ang kalaban,

ganito ako at ito ang nakasanayan.

makakausap ka

pero sandali pa lang

ay kinukuha na ng iba.

at sa madla ika’y mawawala,

kung ako kaya pumuslit na lang bigla,

hahanapin mo kaya?


sa madla,

sa gitna ng mga ilaw

na pang-sayaw,

hinahanap kita.

asul, dilaw, berde, pula,

at marami pang iba,

sino ang mag-aakalang

nasa tabi lang pala kita.


kung hanapin kita,
parang isang batang
kulang sa kalinga—

kulang sa pagmamahal

at nagmamahal

at naghahanap ng pagmamahal.

tila isang musmos

na nanlilimos ng yakap.

maliligaw,

at mapapaupo na lang

sa isang sulok.

ipapaalala sa sariling

walang magulang na kapiling.

umaasang sa sulok

ika’y daraan at sasabayan

ang murang katawan

sa pag-upo sa panlulumo.

nakapatong sa balikan,

ulong pinabigat ng iba.

pipikit,

at muling magtatayo

ng silid—

maliit man

ay ‘di naman mahalaga.

isang silid

na matatawag kong akin,

na kung maaari

ay matawag mong atin.

june

botohan nanaman. sa mga ganitong panahon na ilang taon bago maulit, hindi ito pinalalampas nina boy at roger. dati’y tatlo pa sila. magvo-volunteer si boy bilang poll watcher, si roger nama’y paparada sa labas ng eskuwelahan para makarami ng pasada, at si jr naman ay magbebenta ng kung anu-ano—kung hindi mais ay mga tubig at softdrinks. mas naniniwala kasi si roger sa pera pansarili kaysa sa bayan muna. ganito rin ang paniniwala si jr kaya nang mabigyan ng pagkakataon, bigla na lang nawala. napunta na raw ng japan, o state. dito sila hindi nagkakasundu-sundo nila boy dahil ayon kay boy, “isang araw na pahinga sa pasada. ano naman ang mawawala kung ang kapalit ay anim na taon na maayos na pamamalakad?” lagi naman siyang lolokohin ng dalawang kaibigan na hindi naman siya pasasalamatan ng kung sino mang mananalo. at, kailan pa naging uso ang maayos na pamamalakad? bawat maupo naman ay laging gustong pababain.

init na init pero panay tanong pa rin ni boy sa mga pumapasok sa silid kung saang prisinto sila naka-assign. suut-suot ang malaking i.d. na may malaking salitang ‘volunteer’, mabait niyang ituturo at hahanapin pa ang pangalan ng mga boboto. walang tigil ang labas pasok ng silid kasabay ng mga bibig ng mga botanteng inip na inip sa kahihintay. “five hundred sixty four!” sigaw ng matabang babae na nasa loob na nakasuot ng t-shirt ng deped. matapos ng malakas na sigaw, muling lalakas ang ingay. “nauna pa ang five hundred sa four hundred?” sigaw ng isang matandang halos labas na ang suso dahil sa nipis ng suot na spageti. “ako nga two hundred wala pa rin! umuwi lang ako hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakaboto!” galit na sabat ng isang payat at sunog na manong. sabay-sabay na nagsisigawan ang mga tao. kasabay ng init ng sikat ng araw, tila nahawa na rin ang mga tao. pumasok na nang tuluyan sa kanilang mga ulo ang init at singaw ng lupa. pawis at nanlilimahid na pakakalmahin ni boy ang lahat, dagdag na pasensiya sa mga nakatatanda at magaganda. “pasensiya na po. marami po tayong nakapila. dito na lang po tayo sa waiting area natin. dito na lang po tayo maghintay na tawagin ang number natin.” papapasukin niya ang ilan sa kuwartong puno ng silya’t nagpapaypay na mga pawang naghihintay din.


palabas na ng kuwarto si boy nang makasalubong ng kanyang mata ang isang babaeng naka-sando. hindi niya mapigilang mapaatras nang madikit ang paningin sa puting razorback at masikip na maong. tila ligaw si ate sa kangyang palingat-lingat ng ulo, nawawala yata ang kanyang pangalan. “ano pong precinct niyo?” tila galing sa isang koro na sigaw ng mga lalaking volunteer. nakatayo lang si boy sa may puerta ng kuwarto.


habang nagyo-yosi, hindi naman mapigilan ni boy ang pagku-kuwento sa kaibigan. simula tikwas ng buhok hanggang sa labing mapupula na napaliligiran ng maputing kutis hanggang sa nakalabas nitong balikat at sumisilip na pusod, hindi pinalalampas ni boy. walang imik si roger. iyon pala’y siya ang naghatid sa babae sa eskuwelahan.


siksikan ang mga tao sa loob ng dyip na padala ni mayor cadeon. may mga nanay, may mga virgin voters, may mga parang hinukay pa sa sementeryo madagdagan lang ang boto ni mayor. ibinaba sila sa may gilid ng paaralan at tila mga turuang mga aso sa bilis nilang nawala. alam na alam ng bawat isa kung saan pupunta. todo hawi naman ang mga volunteer dahil halos magtulakan na ang mga bumoboto madikit lamang ang balat nila sa mala-dyosang ngayo’y nagpapasok na ng kanyang balota.


binalikan ni boy ang babaeng ngayo’y pababa na ng paaralan. mabilis niyang hinanap sa voter’s list ang pangalan. nang makita ni boy, lumabas siya at sinilip ang kaibigan. sumenyas siya na pababa na nga si june. nang makuha ng kaibigan ang senyas, muli siyang bumalik sa loob ng silid para kopyahin ang adres ng babaeng tila pinakamagandang botante sa prisintong iyon. june ray bulan, san diego street.
nanlaki ang mata ni boy at mabilis na tumakbo palabas ng paaralan ngunit nakaalis na ang traysikel.

alas tres na at tuloy pa rin ang pagpasok ng mga tao. marami yatang tanghali na nagising. “init! haba pa ng pila sa loob.” sambit ni boy sa sarili habang tila nagpaparinig sa mamang nagbebenta ng mais sa tapat ng paaralan. tila nagyayaya ng kuwentuhan para may mapagusapan. naalala niya si jr. kung hindi siya lumipad, malamang ay may libre pa siyang mais at softdrinks. sumagot naman ang matanda, “oo nga. buti pa sa probinsiya. iyong mga kandidato rito, ni kendi hindi ka makatanggap.” tumango-tango na lang si boy, hinintay maubos ang two-fifty na yosi at pumasok na rin.


“o! buhay pa rito si tatang! baka makaboto pa ‘to, a!” pasigaw na biro ng isang lalaki habang hinhahanap ang kanyang pangalan sa listahan. tumawa nang malakas ang asawa. mabilis naman sumagot si boy, “next election wala na ‘yan. dalawang botohan lang, ‘pag hindi nakaboto tatanggalin na ‘yan sa listahan.”


balik pasada na rin si boy kinabikasan. bagaman puno ng stiker na cibac partylist, bagung-bago kung titingnan ang traysikel ni boy. mag-a-alas dies na ng gabi pero di pa rin niya nakikita si roger kaya sumadya siya sandali sa san diego. madilim na at kulang-kulang pa rin ang mga ilaw sa kalsada. naaninag niya ang traysikel ni roger kaya tinabihan niya ito. wala si roger. maging sa upuan ng pasahero’y walang tao.


alas nuwebe pa lang, natiyempuhan na ni roger sa kalse duhat si june. ‘special’ daw kaya’t hindi na sila naghintay ng iba pang pasahero. ipinasok sa kalapit na apartment. palibhasa’y kabagang si nanay lusing, ang nanay ni jr na may-ari ng lugawan sa may kanto at ng apartment, pinaalam na ni roger na makikitulog muna ng isang gabi sa kanyang apartment ke galit ang asawa. sapilitang ipinasok sa apartment at tinaggal ang karatulang ‘for rent’ sa labas ng pinto. gamit ang lubid ng karatula, itinali niya ang dalaga sa kama. ipinasok naman sa bibig ang maghapong ipinampasadang bimpo sabay pinatay ang ilaw. nagsindi siya ng yosi at umupo sa dulo ng maliit na kuwarto. bukas nang bahagya ang bintana upang makapasok ang kakaunting liwanag na nanggagaling sa ilaw ng kalsada’t mga nagdaraang kotse’t traysikel. kahit anong piglas ni june ay hindi siya makawala sa mahigpit na pagkakatali.


napatayo si roger nang biglang tumunog ang kanyang telepono. agad niya ‘tong pinatay at umupo sa kama na gawa sa plywood, katabi ng nakapulupot na katawan ni june. tinitigan niya si june sa mata tiyaka pinadaloy ang palad sa puting spageti’t maikling short papuntang hita. walang magawa si june, pati ang mga sipa niya’y walang magawa. at tulad ni june, pinagpapawisan na rin si roger.


“roger? roger!” malakas na sigaw mula sa labas ng apartment. mabilis na pinatay ni roger ang sigarilyo at pumatong sa katawang nakahilata sa kamang plywood. sa pagkakataong ito, lalong walang magawa ang manipis na katawan ni june. mabilis na dinakma ni roger ang bilugang suso ni june habang mabilis na pinaghahalikan. nagsisimula ng hubarin ni roger ang pang-itaas ni june habang mabilis na papalapit sa ari ni june ang kamay ni roger. dinakma ni roger nang mabilis ang ari at napasigaw sa gulat. "ay puta!" kasabay nito ang biglang pagpasok ni boy sa kuwarto kasama si nanay lusing.


“ay putangina ka roger!” sigaw ni boy. nakapatong si roger sa katawan ng babae at walang kibo. “roger! puta ka! puta!” sunod naman ni nanay lusing. mabilis na bumaba ng kama si roger at sinalubong sa sampal ni boy. “putangina ka talaga roger! si jr ‘yan, e!”

5.01.2010

material world is good, see?

living in a material world.... you know that we are living in a material world....

“ayaw kong mag-asawa” na lang lagi ang kanyang sinasabi sa tuwing pag-uusapan ang pamilya-pamilyahan. sa buong barkada, si gino lang ang bukod-tanging may lakas ng loob para magbigay ng mga ganyang pahayag. pablibhasa bakla, hindi niya kailangan pang mag-asawa dahil kahit pa mala-barcteria kung sila ay maparami ang mga bakla dito sa pilipinas, hindi sila matanggap tanggap ng kulturang ‘to. “para sa’yo na lang lahat ng kikitain mo?” naman ang laging sunod na tanong ni herbert sa tuwing may mga ganitong usapan.


gusto kong tumandang binata dahil mabibili ko lahat ng gusto ko, lahat ng pangangalangan, pati na ang mga luho ng aking katawan. bibili ako ng bachelor’s pad o loft, kulay itim na tiles, at edgy para modern ang itsura. ayaw ko ng mga tipong makulay. maganda kung black and white lang para astig. gusto ko ng techie. gusto ko rin ng pool, kung puwede nga ay may pool sa loob ng kung hindi sa bahay ay sa loob ng kuwarto. puro glass para malinis tingnan. malaki ang sala at kuwarto, pero maliit lang ang kusina. hindi ko rin naman trip ang magluto. tapos itim na sedan para swak na swak sa amerikana kong gucci.


“yan iyong mga tipo ng bahay na ayaw talaga ng mga anak ,e. edgy, puno ng glasses, makintab (na ibig sabahin ay madulas), walang hawakan na hagdan.”


it’s not really about the money. oo, we are living in a material world. pera, riches, malaking bahagi talaga sila ng mundong ginagalawan natin pero isang bagay na hindi yata nasama sa lyrics ng kanta ni madonna ay iyong aspetong “alam mong hanggang doon lang iyon.” sabi ng marami, nakasasama ang sobrang dami ng pera. nagiging ganid and all, pero nasa tao naman talaga iyon. pera lang iyan, it’s just a medium for payment and consumption. e putang-ina, hindi nakokontento ang tao, kasalanan ba ng pera iyon?


kaya bilib na bilib ako kay gino. at least siya, natanggap na niya na hanggang doon lang ang pera at lahat ng materyal na bagay. naalala ko noong bumili siya ng earphones na one hundred fifty pesos yata iyon. tinanong ko siya kung bakit pa kailangang bumili ng ganon ka-murang earphones na alam naman niyang mabilis din masisira. “at least alam ko na mabilis lang siyang gagana.” sagot niya nang mabilis.


money will never serve us. tulad ng lahat ng material things, money is just one of them. mahalin mo man ang pera, alam mo na it won’t love you back. wala siyang buhay at stupid na lang ang taong hihingi ng love sa pera.


“at least hindi ko na kailangang mag-expect ng something, hindi ba?” kung pakikinggan, napaka-selfish, pero kung iisipin at pagninilayan, likas sa tao ang matuwa sa mga papuri at kapwa-tao. naalala ko tuloy noong bata ko.


ralph: (kumakain ng sweet corn sa may bench ng campus)

adrian: (napadaan) pahingi....

ralph: kala ko ba hindi tayo bati?

adrian: bati na tayo.

ralph: talaga? (bibigyan ng sweet corn si adrian)

adrian: thank you. bati na tayo.


“ayaw ko na ng mga dramahan na niloko ni ganyan, chinukchak lang ako ni ganito. masyadong malungkot. okay na ko na ganito ako hanggang sa tumanda. at some point kasi, mag-e-expect ka, e. at least with money, you spend you happy! kasi with living things, malungkot. especially in my case, hindi ba? love ko siya, sinong magla-love sa'kin?” tiyaka ko siya nakitang umiyak.