4.25.2010

at bakit nahihirapan akong magsulat kahit hindi tungkol sa kaligayahan?

uupo ako sa harap ng pc at popormang magsusulat, biglang mare-realize na kailangan pala ng dictionary kaya mapapatayo at kukunin ang napakakapal na up diksiyonaryong filipino. magbubukas ng internet at igoo-google ang pinaka-effective na english-filipino translator. habang hinihintay na mag-load ang blog site, maghahanap ng papel para makagawa ng draft o visual presentation kung pano iku-kuwento nang maayos nang hindi nawawala kung gaano kasaklap ang nangyayari. mapapamura na lang dahil nang i-type ang “fuck” sa translator ay “kantutin” ang lumabas. buti na lang at nang dagdagan ng “up” at naging “fuck up” ay tumama rin. –pasamain, guluhin. muntik nang tumalon sa dibdib at magpakamatay ang kumakatok na daga pero sadyang kulang. itutuloy niya ang pagsusulat. mag-iisip siya ng pinaka-dark na setting. iyong mga tipong kalyeng walang taong matino, mga nagdro-droga, may sakit, duguan ang paligid, may mare-rape, putulan ng mga bahagi ng katawan, saksakan galing sa likod gamit bolpen o tagaan gamit ang bolo na pamutol lang ng mga damo kaya’t matalas. makakapili ng isa pero hindi rin naman dito iikot ang kuwento dahil puta, nanginginig na ang mga kalamnan. kating-kati na mag-kuwento ang mga kamay pero nasa setting pa lang. kailangan ko pang mag-isip ng lead, ng metaphoric na kalaban na papalit sa putanginang fucked up reality, mga symbolisms na maiintindihan ng general audience. ang daming dapat i-konsidera. ang daming factors dahil kahit papaano, hindi ko lang ito isinusulat para makapaglabas ng sama ng loob kundi para, kahit papaano, maintindihan ng general audience ang nangyayari ang nararamdaman ng nagsusulat. hindi ako manunulat. huwag kang umasang may three-solid-punches ‘to tulad ng mga traditional na mga kuwento na may malupit na intro o set-up, climax o confrontation, at resolution. wala akong alam doon at wala akong balak na itatak iyon sa aking isip at kamay. kaya naman sa basahing ito, maiintindihan niyo siya sa paraang pinaka-alam kong epektibo. pipitas ako ng ilang mga pangalan na babagay sa madalas na loser na bida. kunwari ay joey ang napili. ipakikilala natin siya bilang isang lalaking sanay na magpanggap na matapang. walang kinatatakutan, pero bibigyan natin siya ng internal problem. behind his bravado actions is a man who was nothing but something. siyempre, hindi natin puwedeng sabihin na babae ang gusto niya at this point. dahil gagawin nating hindi literal ang lahat ng bagay, babaguhin ko ang ilan sa mga problema niya. dadag-dagan natin ang mga kinatatakutan niya at babawasan natin ang pagkakapareho namin para hindi masabing ako nga ang bida. bakit? dahil hindi naman talaga ako ang bida. sinusubukan lang nating sabihin na puta talaga, mahirap din magsulat ng puta, ng hindi tungkol sa kaligayahan. as much as possible, ang pinaka-problema ni joey ay dapat halos kapareho ng tunay na problema. ganoon ata talaga. halimbawa, kapag ang problema na naiisip ng manunulat ay friends, maaari nating ikumpara ito sa mga laruan ni joey, o siguro ay mga alagang ibon o aso. sa ganitong paraan, mabibigyan nating ng latent meaning ang kuwentong kung titingnan o babasahin ng isang ordinaryong tao ang kuwento. pero may problema? I am torn between letting others know my real trials or covering them up with metaphors and other figurative language devices. what the hell? gusto ko sanang mura-murahin na lang ang mga tao pero ang gago naman noon, hindi ba? kaya siguro naging idol ko si rizal. gusto ko kung paano niya ginalit ang mga prayle gamit ang kanyang mga nobela. simpleng kuwento pero nagagalit ang mga nakakabasa dahil tinatamaan sila. isipin mo, kung walang mga kapangyarihan iyong mga ulupong na iyon, wala silang magagawa kay rizal kundi tumahimik. well, kung wala namang kapangyarihan ang mga ulupong na prayle, hindi magsusulat ng ganoon si rizal. maiiba ang ating pambansang bayani at baka kung hindi si ninoy ang nasa piso ay si cory. you see? ang daming distractions. malungkot ka na nga, nagngingitngit ka na sa galit, hahaluan pa ng kung anu-anong mga emotions na nagpapadagdag pa sa bigat na dinadala ng daga na nasa dibdib mo, papasok pa ‘tong mga kung anu-anong thoughts na kung ifi-filter mo ay mauubusan ka lang ng lakas. it will take to filter those kinds of ideas. and since it wastes time, we lose grip on the feelings kasi nawawala tayo sa focus. nawawala tayo sa concentration na, “hey! magsusulat tayo man! maglalabas ka pa ng sama ng loob!” so you end up writing an emotionless poem or short story na walang kadating-dating dahil parang pinilit mo lang magpaka-emo. I think the key is to be a genuine emo for quite some time. basta, saktong oras na pagka-emo lang para naman hindi mauwi sa rugby or worse, pag-inom ng lason. an idea pops out of nowhere at maikukumpara mo na ang antagonist natin sa kung ano. take note, mas nakagagaan ng feeling kung sa bagay mo ikukumpara ang antagonist mo dahil with that, nagiging mas mababa siya sa protagonist mo na siyempre, kakampi mo dahil parang ikaw iyon na hindi. now, the problem with this is that things, materials things are not living things. kahit doon ka maglabas ng sama ng loob, hampas-hampasin mo ang isang tabla, sapakin mo hanggang magdugo ang kamao, tadyakan mo o kagatin mo hanggang maglaglagan ang mga ngipin, hindi siya masasaktan at hindi siya gagandti. at the end, hindi rin gagaan ang pakiramdam. again, the key is to be a genuine emo. ipunin mo ang lahat hanggang sa maramdaman mo na malapit na siyang sumabog. huwag mo hahayaang sumabog. just keep it. you don’t want it sound like a blog na puno rant lang, hindi ba? as much as possible, we want it to sound like a professionally written story by a, siyempre, a professional writer—a kuwentista. ako, I love writing the feelings and comparing it to certain situations. gusting-gusto kong naglilinger doon ang story dahil iyon naman talaga ang dahilan kaya ko sinusulat ang mga bagay-bagay. bibihira lang kasi akong magsulat na inspired by material things like posters, movies, o kung ano. so there, bibigyan ko ng moment si joey. down siya sa isang paragraph. mag-isa siya at naiisip na niyang magpakamatay. he will think of ways how to kill himself and will now slowly relay the cause of his utter sadness. yes! utter! sukdulan! bit by bit, bibigyan nating ng hint ang audience to what the real problem is. pabibigatin natin ang sitwasyon. maglalagay tayo ng symbolisms by putting him inside a very dark and blank room. maglalagay tayo ng vase na wala namang bulaklak o patay na bulaklak to signify his ka-walang oras sa sarili. puwede rin nating pahabain ang kanyang mga balbas para mas wasak. uncomb hair plus his eyes na kung hindi may malaking eyebags ay puno ng muta dahil sa kakaiyak. of course, exaggeration lang ‘to. pero siyemrpe, lagi naman nating tatandaan na ginagawa lang naman natin na mas medyo exciting. last, lagyan natin ng beer sa tabi ng kama, mga walo para makita visually na dinidibdib niya talaga. these details will certainly make the story a downer. sasabihin ng central voice na alas kuwatro na ng umaga at wala pa ring tulog si joey. tiyaka ko na lalagyan ng lines na galing sa isip ni joey like, “kamusta na kaya siya?” or “hanggang ganito na lang yata ‘to?” paikot-ikot siya sa kama, hindi mapakali. ito lang ang nasa isip ni joey hanggang sa makatulog. sa pagpikit ng mga mata niya, tiyaka muling mamumuo ang mga muta sa pagtuyo ng mga luha. now, from this point. marami na ang puwedeng mangyari. puwede nating lokohin ang audience na mananaginip na si joey at ang mga susunod na mangyayari na good or bad ay pawang panaginip lang. or, puwede nating ituloy ang kuwento at magigising na lang siya bukas na andoon pa rin siya. aasa siyang may nabago sa mga nangyayari pero wala. actually, magiging mas malala pa dahil papalapit nang papalapit ang kinatatakutan ni joey. pabigat nang pabigat ang nararamdaman ni joey. palaki at pataba nang pataba ang daga sa dibdib ni joey na gustung-gusto nang kumawala. we try to prolong the agony by slowly dropping small but heart-stopping events in the story. maaalala niyang in life, there’s always an option. minsan maraming option, minsan dalawa lang: to go on or to give up. maaalala niyang ‘pag nawalan na ng pag-asa ay pwedeng magpakamatay afterall, isa lang naman siyang character sa story. anybody can be the protagonist at magiging memory na lang si joey. pero malungkot ‘to. as much as possible, siyempre ayaw nating mamatay si joey dahil siya ang bida natin. we try to support him, pero hanggang doon na lang iyon. just like what bing lao and ricky lee said, pagkatapos mo buuin ang character mo, pagkatapos mong mag-research para sa project mo, mabubuhay ang character mo at siya na ang magpapasiya kung ano ang mangyayari sa kanya. kung papansinin mo, most protagonist lives. bihira ang namamatay na bida. at kung mamatay man sila, madalas ay nagagawa nila o nararating nila ang goal at nabubuo nila ang story.

at bakit nahihirapan akong magsulat kahit hindi tungkol sa kaligayahan? hindi ko talaga alam. maraming dahilan. dahil tulad ngayon, nauubos na lang lakas ko para magkuwento. minsan, sa sobrang bilis ng mga bagay-bagay, habang nagsusulat ka, nagaganap na ang mga pagbabago.