4.25.2010

at bakit nahihirapan akong magsulat kahit hindi tungkol sa kaligayahan?

uupo ako sa harap ng pc at popormang magsusulat, biglang mare-realize na kailangan pala ng dictionary kaya mapapatayo at kukunin ang napakakapal na up diksiyonaryong filipino. magbubukas ng internet at igoo-google ang pinaka-effective na english-filipino translator. habang hinihintay na mag-load ang blog site, maghahanap ng papel para makagawa ng draft o visual presentation kung pano iku-kuwento nang maayos nang hindi nawawala kung gaano kasaklap ang nangyayari. mapapamura na lang dahil nang i-type ang “fuck” sa translator ay “kantutin” ang lumabas. buti na lang at nang dagdagan ng “up” at naging “fuck up” ay tumama rin. –pasamain, guluhin. muntik nang tumalon sa dibdib at magpakamatay ang kumakatok na daga pero sadyang kulang. itutuloy niya ang pagsusulat. mag-iisip siya ng pinaka-dark na setting. iyong mga tipong kalyeng walang taong matino, mga nagdro-droga, may sakit, duguan ang paligid, may mare-rape, putulan ng mga bahagi ng katawan, saksakan galing sa likod gamit bolpen o tagaan gamit ang bolo na pamutol lang ng mga damo kaya’t matalas. makakapili ng isa pero hindi rin naman dito iikot ang kuwento dahil puta, nanginginig na ang mga kalamnan. kating-kati na mag-kuwento ang mga kamay pero nasa setting pa lang. kailangan ko pang mag-isip ng lead, ng metaphoric na kalaban na papalit sa putanginang fucked up reality, mga symbolisms na maiintindihan ng general audience. ang daming dapat i-konsidera. ang daming factors dahil kahit papaano, hindi ko lang ito isinusulat para makapaglabas ng sama ng loob kundi para, kahit papaano, maintindihan ng general audience ang nangyayari ang nararamdaman ng nagsusulat. hindi ako manunulat. huwag kang umasang may three-solid-punches ‘to tulad ng mga traditional na mga kuwento na may malupit na intro o set-up, climax o confrontation, at resolution. wala akong alam doon at wala akong balak na itatak iyon sa aking isip at kamay. kaya naman sa basahing ito, maiintindihan niyo siya sa paraang pinaka-alam kong epektibo. pipitas ako ng ilang mga pangalan na babagay sa madalas na loser na bida. kunwari ay joey ang napili. ipakikilala natin siya bilang isang lalaking sanay na magpanggap na matapang. walang kinatatakutan, pero bibigyan natin siya ng internal problem. behind his bravado actions is a man who was nothing but something. siyempre, hindi natin puwedeng sabihin na babae ang gusto niya at this point. dahil gagawin nating hindi literal ang lahat ng bagay, babaguhin ko ang ilan sa mga problema niya. dadag-dagan natin ang mga kinatatakutan niya at babawasan natin ang pagkakapareho namin para hindi masabing ako nga ang bida. bakit? dahil hindi naman talaga ako ang bida. sinusubukan lang nating sabihin na puta talaga, mahirap din magsulat ng puta, ng hindi tungkol sa kaligayahan. as much as possible, ang pinaka-problema ni joey ay dapat halos kapareho ng tunay na problema. ganoon ata talaga. halimbawa, kapag ang problema na naiisip ng manunulat ay friends, maaari nating ikumpara ito sa mga laruan ni joey, o siguro ay mga alagang ibon o aso. sa ganitong paraan, mabibigyan nating ng latent meaning ang kuwentong kung titingnan o babasahin ng isang ordinaryong tao ang kuwento. pero may problema? I am torn between letting others know my real trials or covering them up with metaphors and other figurative language devices. what the hell? gusto ko sanang mura-murahin na lang ang mga tao pero ang gago naman noon, hindi ba? kaya siguro naging idol ko si rizal. gusto ko kung paano niya ginalit ang mga prayle gamit ang kanyang mga nobela. simpleng kuwento pero nagagalit ang mga nakakabasa dahil tinatamaan sila. isipin mo, kung walang mga kapangyarihan iyong mga ulupong na iyon, wala silang magagawa kay rizal kundi tumahimik. well, kung wala namang kapangyarihan ang mga ulupong na prayle, hindi magsusulat ng ganoon si rizal. maiiba ang ating pambansang bayani at baka kung hindi si ninoy ang nasa piso ay si cory. you see? ang daming distractions. malungkot ka na nga, nagngingitngit ka na sa galit, hahaluan pa ng kung anu-anong mga emotions na nagpapadagdag pa sa bigat na dinadala ng daga na nasa dibdib mo, papasok pa ‘tong mga kung anu-anong thoughts na kung ifi-filter mo ay mauubusan ka lang ng lakas. it will take to filter those kinds of ideas. and since it wastes time, we lose grip on the feelings kasi nawawala tayo sa focus. nawawala tayo sa concentration na, “hey! magsusulat tayo man! maglalabas ka pa ng sama ng loob!” so you end up writing an emotionless poem or short story na walang kadating-dating dahil parang pinilit mo lang magpaka-emo. I think the key is to be a genuine emo for quite some time. basta, saktong oras na pagka-emo lang para naman hindi mauwi sa rugby or worse, pag-inom ng lason. an idea pops out of nowhere at maikukumpara mo na ang antagonist natin sa kung ano. take note, mas nakagagaan ng feeling kung sa bagay mo ikukumpara ang antagonist mo dahil with that, nagiging mas mababa siya sa protagonist mo na siyempre, kakampi mo dahil parang ikaw iyon na hindi. now, the problem with this is that things, materials things are not living things. kahit doon ka maglabas ng sama ng loob, hampas-hampasin mo ang isang tabla, sapakin mo hanggang magdugo ang kamao, tadyakan mo o kagatin mo hanggang maglaglagan ang mga ngipin, hindi siya masasaktan at hindi siya gagandti. at the end, hindi rin gagaan ang pakiramdam. again, the key is to be a genuine emo. ipunin mo ang lahat hanggang sa maramdaman mo na malapit na siyang sumabog. huwag mo hahayaang sumabog. just keep it. you don’t want it sound like a blog na puno rant lang, hindi ba? as much as possible, we want it to sound like a professionally written story by a, siyempre, a professional writer—a kuwentista. ako, I love writing the feelings and comparing it to certain situations. gusting-gusto kong naglilinger doon ang story dahil iyon naman talaga ang dahilan kaya ko sinusulat ang mga bagay-bagay. bibihira lang kasi akong magsulat na inspired by material things like posters, movies, o kung ano. so there, bibigyan ko ng moment si joey. down siya sa isang paragraph. mag-isa siya at naiisip na niyang magpakamatay. he will think of ways how to kill himself and will now slowly relay the cause of his utter sadness. yes! utter! sukdulan! bit by bit, bibigyan nating ng hint ang audience to what the real problem is. pabibigatin natin ang sitwasyon. maglalagay tayo ng symbolisms by putting him inside a very dark and blank room. maglalagay tayo ng vase na wala namang bulaklak o patay na bulaklak to signify his ka-walang oras sa sarili. puwede rin nating pahabain ang kanyang mga balbas para mas wasak. uncomb hair plus his eyes na kung hindi may malaking eyebags ay puno ng muta dahil sa kakaiyak. of course, exaggeration lang ‘to. pero siyemrpe, lagi naman nating tatandaan na ginagawa lang naman natin na mas medyo exciting. last, lagyan natin ng beer sa tabi ng kama, mga walo para makita visually na dinidibdib niya talaga. these details will certainly make the story a downer. sasabihin ng central voice na alas kuwatro na ng umaga at wala pa ring tulog si joey. tiyaka ko na lalagyan ng lines na galing sa isip ni joey like, “kamusta na kaya siya?” or “hanggang ganito na lang yata ‘to?” paikot-ikot siya sa kama, hindi mapakali. ito lang ang nasa isip ni joey hanggang sa makatulog. sa pagpikit ng mga mata niya, tiyaka muling mamumuo ang mga muta sa pagtuyo ng mga luha. now, from this point. marami na ang puwedeng mangyari. puwede nating lokohin ang audience na mananaginip na si joey at ang mga susunod na mangyayari na good or bad ay pawang panaginip lang. or, puwede nating ituloy ang kuwento at magigising na lang siya bukas na andoon pa rin siya. aasa siyang may nabago sa mga nangyayari pero wala. actually, magiging mas malala pa dahil papalapit nang papalapit ang kinatatakutan ni joey. pabigat nang pabigat ang nararamdaman ni joey. palaki at pataba nang pataba ang daga sa dibdib ni joey na gustung-gusto nang kumawala. we try to prolong the agony by slowly dropping small but heart-stopping events in the story. maaalala niyang in life, there’s always an option. minsan maraming option, minsan dalawa lang: to go on or to give up. maaalala niyang ‘pag nawalan na ng pag-asa ay pwedeng magpakamatay afterall, isa lang naman siyang character sa story. anybody can be the protagonist at magiging memory na lang si joey. pero malungkot ‘to. as much as possible, siyempre ayaw nating mamatay si joey dahil siya ang bida natin. we try to support him, pero hanggang doon na lang iyon. just like what bing lao and ricky lee said, pagkatapos mo buuin ang character mo, pagkatapos mong mag-research para sa project mo, mabubuhay ang character mo at siya na ang magpapasiya kung ano ang mangyayari sa kanya. kung papansinin mo, most protagonist lives. bihira ang namamatay na bida. at kung mamatay man sila, madalas ay nagagawa nila o nararating nila ang goal at nabubuo nila ang story.

at bakit nahihirapan akong magsulat kahit hindi tungkol sa kaligayahan? hindi ko talaga alam. maraming dahilan. dahil tulad ngayon, nauubos na lang lakas ko para magkuwento. minsan, sa sobrang bilis ng mga bagay-bagay, habang nagsusulat ka, nagaganap na ang mga pagbabago.

4.23.2010

sikat man ang kakaiba, malakas pa rin ang marami

napadapa siya at nakapulot ng patpat. sa gitna ng damuhan, nakapalibot kay joey ang sampung mga bata na bawat isa'y may kanya-kanyang hawak. ang isa'y may hawak na patpat din, ang isa nama'y kawayan. maliliit na bato ang nasa supot ng isa habang sinturon naman ng tatay ang nakapaikot sa kamay ng isa. bawat bata, gigil na manakit.

nanginginig pero buong lakas niyang 'di pinahalata. namamawis ang kanyang mga palad kasabay ng nanghihinang mga tuhod at nanunuyong lalamunan. habang unti-unting nauubos ang tubig ng katawan dahil sa walang tigil na pagtagaktak ng pawis, ang mga mata nama'y tila nais makisama. bumibigat ang mga mata dahil na naiipong tubig-alat pero 'di ito papayagang bumagsak ni joey. hindi ngayon, hindi siya papayag na makita siyang umiiyak.

ang bawat patak ay pinuno ng matagal na pagtitiis. kaya naman sa tuwing hahayaang bumagsak ni joey ang mga ito'y siya'y nanghihinayang. at lalong hindi puwedeng hayaang bumagsak ang mga 'to sa harap nila dahil tiyak na aabusuhin lang nila 'to.

tumakbo siya sa pinakamalapit na pader na nakita at doon sumandal. mahigpit na hawak ang patpat na napulot, huminga siya ng malalim habang takot na hinintay ang sampo. gamit ang pader, kukuha siya ng lakad. lilipad ang sinturon at mapapapulupot ang maliit na bata. tiyaka siya susundan ng magkakasunod na palo't tadyak. mapapasigaw siya sa sakit. mapapasigaw siya sa galit. pero hindi niya magawang humingi ng tulong dahil alam niyang nagkamali siya ng liko.

nang makita niya ang sampung batang paparating. nagtatakbo siya hanggang sa makakita ng lilikuan. nadapa siya at nakapulot ng patpat. huli na nang mapansin niyang pamilyar pala ang bakanteng loteng iyon. iyon pala ang abandonadong lote ng tito roger, ang mayamang negosyante na nasa amerikana na ngayon at nagmamay-ari ng mga no-trespassing-areas dito sa barangay.

mahigpit na hawak ang patpat habang nakasandal sa pader roger, umasa siyang kahit papaano'y mabawasan ang mga pasa't sugat na matatamo ngayon kumpara noong nakaraang linggo. sa tuwing may mga ganitong pagkakataon, tiyaka maaalala ni joey ang laging pangarap ng kanyang mga magulang. "huwag mong hahayaang hilahin ka paibaba ng ibang tao" laging sinasabi ng ina. kung magpangaral naman ang kanyang ama'y laging literal, "sumandal ka sa pader gawa ng nakikita mo kung sino'ng kalaban mo."

walang sinturong hahampas sa likod at walang sapak nababagsak sa batok dahil lahat ng darating ay kanyang makikita. sumandal siya sa pader nang makakuha ng buwelo nang bilang bumigay ang pader na pinaghugutan ng lakas. hindi pala pader kundi plywood na itinayo lang para maihiwalay ang lote ni robert sa lote ni roger. napahiga si joey sa paskil na no trespassing na nakadikit sa plywood. pero bago pa ito muling mabasa ni joey, umulan na. ang sampung mga bata ay tila naging kuwarentang bata sa dami ng tinanggap niya. bawat kamao't paa'y tila nagamit sa kanyang mukha't katawan.

nagising na lang siyang namamanhid ang katawan. hirap maidilat ang mga mata at naglasang-kalawang ang mukha sa pagkabasag. nagngingitngit siya sa galit dahil hindi siya makalaban at sadyang wala siyang laban.

bitbit ng dalawang kapatid na lalaki, tinatanong siya kung ano ang nangyari at kung sino ang may gawa ng lahat. gustuhin mang magsumbong at magmaktol at humilata, walang makaiintindi. wala itong maitutulong. sa katunaya'y maaaring higit pa nitong mapasama ang kalagayan. walang magagawa dahil sadyang ito ang batas na kinagisnan ng mundo. sikat man ang kakaiba, malakas pa rin ang marami.

at hindi lahat ng batas nasusunod.

you blank

you shout
they push you against the wall
shuts that mouth
they questions
you answer
they put you to jail
shuts that mouth
and listens no further
you question
they tie you on a post
nails each palms
with concrete nails
you struggle
they enclose your body
with metal case-like shields
secludes from all encounters
from any organisms
you surrender
they take away everything
deprives water and mere oxygen.
you show strength
even amidst the slowly increasing temperature
gently burning the flesh
you cry
for help, but they remove your tongue
with tweezers or some dull cutters

4.18.2010

ang puting kuwarto at ang batang namamahay dito

bagaman maliit, kumpleto ang puting kuwarto. may kamang gawa sa bakal na pininturahan din ng puti at binalutan ng puting kubre-kama, maliit na salamin sa sakto ang mukha, lababong singputi ng sahig na tiles at inidoro sa tabi nito. dahil sa linis at kaputian ng maliit na kuwarto, kung minsan ay nakaloloko ito ng bisita.


naka-upo sa sulok ng kuwarto at suot ang puting uniporme, nag-iisa siya. maya’t maya ay tatayo at pupunasan ang pader gamit ang damit na suot. sasandal ito sa pader o kung minsan ay hihiga sa malamig na tiles. hindi tulad ng ibang mga silid, hindi na isinasara ang pinto ng kanyang kuwarto. sabi ng mga lumalabas-pasok, hindi naman daw siya umaalis. bukas na lang lagi ang pinto. ngunit kahit na ganito, hindi pa rin umaalis sa sulok. nakagawian na ito. sa sulok na iyon, doon siya namamahinga at higit na naliligayahan. at, ano pa ba ang kanyang hihingin?

madalas ay mag-isa. mag-isang kakain. mag-isang matutulog. mag-isang kakanta. mag-isang tutunganga. pero kung minsan, may dadalaw. kung tawagin niya sila’y mga ‘kaaway’. basta na lang sila papasok sa kuwartong ginawa nang tahanan, hahawakan siya sa magkabilang braso, sisigawan habang tinuturukan. wala siyang magagawa kundi ang magpakalma. sa dami nila ay wala talagang magagawa kundi ang sumunod. kaya maging ang pumiglas sa sakit at ang pagsigaw, hindi na rin niya ginagawa. gustuhin man niya, wala namang tutulong para saklolohan siya. makatutulog ang walang kalaban-laban na katawan. at sa kanyang paggising, mabagal niyang aalahanin kung may nagawa ba siyang masama sa kanyang panaginip ay ganito ang napala kahapon. ang kanilang mga mukha, hindi maalala. nakatakip ng tela ang kanilang mukha habang isinasagawa ang pagpapakalma sa kanya. tila mga mamamatay-taong ayaw magpakilala kaya naman wala siyang maalala kahit isa sa kanila. para sa kanya, ang bawat taong pumasok ng silid ay kaaway, at ang bawat lumabas ng silid ay nandurumi ng malinis na kuwarto na para sa kanya’y natatanging pag-aari.

lahat sila’y nagpapanggap. minsan may pumapasok na hindi nakatakip ang mga mukha. magpapakita ng i.d. at magpapakilalang kaibigan. magkukunwaring kakausapin siya pero ang totoo nama’y may gusto lang malaman. magpapanggap na kakampi sila, na totoo silang mga tao, pero ang pakay naman talaga nila ay maangkin ang maliit na kuwartong pag-aari, o kung hindi man ay dumihan. papasok ang kanilang mga sapatos at mag-iiwan ng mga putik sa kanyang mga tiles, hahawak sa mga pader na kalilinis lang at uupo sa tila plantiyadong kobre-kama. magkukunwari lang sila, pero ang totoo’y kasapi siya sa mga kaaway.

sa tuwing magpapa-kuwento sila, higit niyang ititikom ang kanyang mga bibig. kahit anong pakiusap ay hindi na sasagutin ang tanong. maaalala niya kung paano nangyari ang nakaraan at tiyaka papalitan sa kanyang isip. kaya naman sa tuwing sasagot siya ay iba ang naisasagot. sa tuwing nagku-kuwento ng nakaraan, hindi maiwasang lumapit sa katotohanan ang nakaririnig lalo na’t kung narinig o maririnig niya ang kuwento ng kabilang panig. kaya naman hindi siya nagsasalita. kawawa ang kabilang panig dahil hindi maiiwasang makasira ng pangalan ng iba. malalaman ang mga iniingat-ingatang mga nakaraan—mga bagay na iniingat-ingatan din ng ibang mga tao lalo na’t iyong mga taong naiwan sa labas ng maliit na kuwartong ito.

‘bawal magsalita’ na ang naging unwritten law sa kanya. hindi niya iku-kuwento dahil walang dapat i-kuwento. merong mga nangyari pero wala naman talaga. andiyan lang pero wala naman talaga. totoo ito, lahat ng ito, pero sa kanya lamang. ang mga pakiramdam na ‘di maipaliwanag, lalong hindi maaaring lumabas sa kanya at sa labas ng maliit na kuwarto. kahit pa gustuhin niyang sumigaw sa ‘di malamang dahilan. pipigilan ng kanyang isip ang kanyang mga kalamnan, pipigilan ng mga kalamnan ang dibdib na malapit na malapit nang pumutok, mamumula ang mukha at manlalaki ang mga mata. hindi puwede dahil oras na hayaan niyang lumabas ang malakas na boses sa bibig na gigil na gigil, muling papasok ang mga kaaway. hindi nila naiintindihan. wala silang alam kaya naman kung paluin at saktan siya ay para bang isa lamang gamit na walang buhay. palibhasa’y hindi sila naniniwala.

halalan 2010: buhayin ang patay at patayin ang buhay

halalaan nanaman sa darating na mayo. sinong iboboto mo? ako, hindi ko pa alam. wala pa kasing nag-aabot ng limang daan.

maraming sikreto ang pulitika. sa katunayan, sa sikreto nabubuhay ang pulitika. huwag mong sabihin kay ganito, atin-atin lang 'to, huwag na natin ipagsabi, magtiwala ka lang, ako na ang bahala. ilan lang 'yan sa mga madalas na gamitin kapag nag-umpisa na ang pangangampanya. maririnig mo ang lahat pati ang pangarap nila sa bansa--kung gaano kalaki, mga gusto nilang gawin, at ang puso nila para sa bansa. mamimigay sila ng mga papel na naka-imprenta ang kani-kanilang mga mukha. may dilaw, may pink, may green, pero bibihira ang puti. bakit nga ba? siguro ay dahil mas mura. malaki ang nagagastos ng bawat kandidato tuwing eleksiyon. paano ba naman, maliban sa mga sangkatutak na papel na ipinamumudmod at ipinapaskil sa mga post no bill na pader, may mga umiikot pa na mga tao't sasakyan na nagsisisigaw ng mga pangalan nila. sa darating na eleksiyon po, huwag po nating kalilimutan! si ganito po para sa ganito, at sana sina ganito at ganyan po bilang ganito at ganyan. at dahil involve na rin ang mga kabataan, pati ang social networking sites ay pinasok na rin nila. mga kandidatong may ads sa header ng mga websites at mga messages na matatanggap na lang nating bigla. pero maliliit lang 'to, higit na malaki pa rin ang mga commercials ng mga ito sa telebisyon at radyo, idagdag mo pa ang paikut-ikot na pagroronda nila sa buong pilipinas. ganoon sila kapursigido.

sa kanilang mga talumpati, ipaparamdam nila sa'yo kung gaano nila kamahal ang bansa. kung gaano mo kamahal ang bansa natin, doble ang sa kanya. salita salita salita, pangarap nila at marami pang iba. nako, tiyaka nila isisingit ang mga kapartido nila, tama ba?

ito ang nakikita natin. ito ang naririnig natin bilang mga mamamayan. pero paniguradong marami pang sikreto na masuwerte na tayo kung ating malalaman. mga puki ng inang mga 'to, kaya ako, napagdesisyunan ko nang huwag muna magdesisyon. wala pa kong naiisip na iboboto. naghihintay na lang ako at baka may mag-abot. two hundred, limang-daan, puwede na. tutal, pare-pareho naman silang may pangarap para sa bansa, hindi ba? may mga madudugas at may mga ilang may prinsipyo. sa kasamaang palad, ang mga madudugas ang nananalo dahil hanggang sa mismong araw ng eleksiyon, buhay ang kalakaran.

binubuhay ang mga patay, pinpatay ang mga buhay.

4.12.2010

i pray for you to come

nauna na kong lumabas para makapagyosi. nang mangalahati ang katawang hinihithit, lumabas na siya ng mall at palingat-lingat. umatras ako nang marahan upang maitago ng nagdaraang mga tao. tila naglaho ako sa dami ng namimili at nagku-kuwentuhang nakahilera.

isinuot ko ang salamin at pinagmasdan siya mula sa kinatatayuan. mga labing-limang metro siguro ang layo namin. naalala ko tuloy nang minsang biruin ko siya. nasa mall din kami noon tulad ngayon. niloloko ko siya noon nang bigla siyang umarteng galit. “lumayo ka sa’kin!” ani niya sabay tulak. naghiwalay kami. sa magkabilang gilid kami naglakad habang pasilip na titingin ng masama, kunwaring galit. mapapangiti, pero hindi magpapahalata. tiyaka ko bumanat, “tignan mo ‘to. ang tawag dito, long distance relationship.” at ngayong nasa mall nanaman kami, minsan lang ang mga ganitong pagkakataon na mapagmamasdan ko siya ng matagal. sa tuwing tititigan ko kasi siya lalayo siya ng tingin. “huwag mo nga kong tingnan!” naco-conscious daw siya. five minutes lang, tititigan ko lang muna siya—paano siya tumingin, mairita, mag-panic, maghanap, maligaw, o kung ano mang gawin niya. gusto ko lang siyang tingnan.


hahawakan ko ang kanyang kamay at hihigpitan. aamuyin ang bangong dinala ng hangin. dadamhin ang palad na masarap damhin. maglalakad na hawak ang kamay o yakap ang maliliit na balikan. mapapadaan sa salamin ng isang tindahan at tiyaka mapapahinto. “wait!” sisigaw siya. mag-aayos ng buhok, ngingiti sa sariling imahe. vain na ‘yon sa kanya. habang ginagawa niya ‘to, nasa likod ako. at kung titingnan, para kaming nasa loob ng isang kahon kung saan siya ang nasa harap at ako ang nasa likod. mapapangiti ako at muli siyang bibiruin, “bagay tayo, ano?” mabilis na “gago!” lang ang maririnig ko. susundan niya ng “hindi kaya” tiyaka muling lalakad. matatawa na lang ako sa kagaguhan ko. oo nga, hindi kami bagay. alam ko naman iyon, pero sa totoo lang, hindi iyon ang dahilan kaya gusto kong may picture kami. kinikilig lang ako dahil naaalala ko kung kailan at paano kinunan ang litrato. tapos, maaalala ko na kung ano ang nangyari noong araw na iyon. parang nagiging reminder ang bawat picture sa’kin ng mga moments. at pakialam ko ba kung hindi kami bagay? narinig mo na ba iyong mga madalas sabihin ng mga kaibigan ng mga couples na “nagiging magkamukha na kayo” at “lagi kasi kayong magkasama, e.” in short, may pag-asa pa kami. at ano ba naman ang mas mahalaga, hindi ba’t mas mahalaga iyong pakiramdam mo at hindi iyong itsura at nakikita ng iba? ako kasi, mas mahalaga ang nararamdaman. kumbaga, ako muna bago ibang tao. tulad lang kanina nang mamili ako ng sapatos. ang daming latest kanina, seventy percent sale pa. dumaan ako ng mario d’boro, may bagong design ang jarman, pati ang gbx sale. sakto pa’t kailangan ko ng leather shoes kaya naghanap-hanap na ko. sa dinami-rami ng leather shoes sa mall, sa toby’s ako bumagsak, twister ang nabilis ko (parang crocs pero mas sexy), at hindi pa kasama sa sale. bakit? hindi pala leather shoes ang hinahanap ko, na-realize ko. ang kailangan ko pala ay sapatos na reliable sa lakaran since mahilig nga kong maglakad. it’s more of the comfort and not the style. ang saklap naman kung isasakripisyo mo ang comfort for beauty. araw-araw kang masasaktan para sa ganda ng sapatos? mabuti na lang talaga at may itim na twister.


hindi bagay, pero kung masaya ka at komportable ka, it fits better.


kaya siguro hindi ako tumitigil sa kakaulit sa kanya na bagay nga kami. nararamdama ko, bagay talaga kami, kahit pa hindi niya aminin. hindi lang naman siguro looks ang basehan. maya-maya lang, mapapatigil kami. “hayop! bakit ganyan ang amoy niyan!” sasagot ako, “oo nga, ba’t ganyan?” lintek na yellow cab. parang bumabara ang mga bologna toppings, ang cheese at mantika parang sinasampal sa mukha ko, at ang amoy, wala, dire-diretso lang hanggang tiyan. kahit nose hair ko, hindi hinaharang ang amoy ng pizza. “nagugutom na ko, ikaw?”


sa lahat, diyan kami pinakanagkakasundo. masarap kumain. bukod sa pagtulog, pagkain na yata ang pinakamasarap gawin sa lahat ng gawain. dati, theory ko na na lahat ng lumalabas ay masarap. masarap ang tumae, mangulangot, umihi, umutot, umiyak, at kahit ang pagsuka, at marami pang iba na tiyaka na natin pag-usapan (‘pag eighteen ka na). pero kahit pa pagsama-samahin mo pa ang lahat ng iyan, walang mas sasarap sa pagkain. pasta, french fries, nuggets, nilaga, sinigang, bulalo, liempo, crispy pata, lechon kawali, steak, fish fillet, puta! lahat na!


muli kaming maglalakad. at sa gitna ng mall, sa gitna ng napakaraming taong nagpapalamig sa mall, sa gitna ng napakaraming taong nagpapalamig sa mall dahil nagtitipid ng kuryente ka kani-kanilang bahay dahil napakataas na ng singil ng meralco, iiwan ko siya at lalayo. tititigan ko siya. at muli, makikita kong maiirita siya. pasigaw niyang tatanungin, “bakit?!”


i look at her from a distance...


“bakit?!” muli niyang tatanungin.
makikita niya kong nagtatago sa gitna ng mga tao at tiyaka mabagal na lalapit. magigising ako sa panaginip at maghahanda ng isasagot sa kanyang bakit na mabilis na paparating. "bakit?! kanina ka pa pala andiyan!"

...and i start wishing, hoping, praying that we be together, to sleep and dream together—big dreams we compromise. gagawin namin ang gusto namin at susundin namin ang gusto namin. we push, but we pull. at magagalit siya sa’kin at one point. na sa susunod ay magiging madami at sunud-sunod. sisigawan niya ko at masisigawan ko rin siya. magmumurahan kami. mamasahihin ko siya at yayakapin. pahihigain ko siya sa’kin at hihiga rin ako sa kanya. magtra-trabaho pero magre-relax din. magtra-travel. all the goods and all the bads, i pray for you to come. kahit hindi ngayon, but please do.


“anong bakit!? wala!” sasagot ako nang pasigaw din.


at sabay kaming tatawa at sabay magsasabing, “gago!”

4.11.2010

fast food

hindi tulad ng tiyan kong laging nagmamadaling kumain at maubos ang kanin, i’m relaxed. hindi nagmamadali at masasabi kong, “well, masaya akong ganito.” chill lang, ika nga. ang hirap kasi sa mundong ginagalawan natin, masyado nang mabilis ang mga pangyayari ng mga bagay-bagay. sinanay na kasi tayo nila ronald at kenny sa fast food. nagkaroon nga ng trip si ronald minsan, naalala mo pa? iyong within ten minutes, dapat na-serve na ang order ng customer. isipin mo kung paano mataranta iyong mga cashier noong panahong iyon. ang pizza hut nagkaroon ng parang delivery promo na within thirty minutes naman, kapag hindi dumating ang pizzang in-order ay libre na. “if it’s late, it’s free!” ilan lang sila sa napakaraming if-it’s-late-it’s-free na pantawag customer—attacking one of the weaknesses of the human race—greed. gahaman.

when you say "chill lang," it doesn't mean na ayaw mo. gusto mo. actually, dahil gustung-gusto mo nga, you're willing to wait because you believe somewhere between your left and right ear na may pag-asa. may chance na maabot ang pangarap, ang goal. but then, dahil willing to wait ka at since you're living every moment, mas nagiging mahalaga iyon. reason: wala lang. masaya ka lang.

anyways, as it turned out, dumating tayo sa point na ‘to kung saan napaliligiran tayo ng mga bagay-bagay at mga taong nag-uunahan, nagmamadali para makapunta sa isang goal na kung tatanungin kung “bakit ka nagmamadali?” ay wala naman talagang matinong maisasagot.


bakit ka nga ba nagmamadali? bakit ako nagmamadaling mag-type nito? bakit nagmamadali kang umuwi? bakit nagmamadali ang lahat ng tao sa lahat ng bagay? bakit ang bilis mong inumin ang iced tea mo, dahil ba bottomless at para makarating sa maikling panahon?


we are missing a lot because of this “pagmamadali attitude.” you are talking with this person at this moment. maya-maya, may kausap ka na sa phone. may ka-text ka habang nakikipag-kuwentuhan. after thirty minutes or so, you’re on your way to a meeting or party na iba nanaman ang kasama mo. our attention shifts as fast as snaps almost every minutes, or even less, because we want to have the best of all worlds. gusto nating kasama tayo sa mundo ng iba. gusto natin, alam natin at kasama tayo.


the problem is, actually more of a dilemma than a problem, kapag mabilis ka ay hindi mo napapansin ang mga maliliit na bagay. you see the big pictures and miss the details. sabihin nating napapansin mo ang mga maliliit na bagay, mga small blurry details. nararamdaman mo ba sila?


when i was a kid, may na-kuwento sa’kin tungkol sa isang batang laging tumatakbo. takbo siya ng takbo kasi masarap daw ang hangin. lahat nagiging blur sa paningin at mabilis siyang nakakarating sa dapat puntahan. hindi ko na maalala kung paano nangyari pero nakasalubong niya ‘tong isang matandang naka-upo sa isang malaking bato. this old man asked, “why hurry?” sinagot ng bata ang tanong with all his beliefs. tumayo ang matanda at naglakad papunta sa direction kung saan nanggaling ang bata. yumuko siya at pumitas ng isang bulaklak, pumikit at inamoy. “ito, nakita mo ba ‘to kanina noong nadaanan mo?”
halos pareho sa isang scene sa fantastic mr. fox. mr fox asked his wife which way she prefers, isang daang mahaba pero safe o iyong shorter pero may mga bantay. magnanakaw pala sila rito, by the way. so there, the wife chose the longer way since it was safer. mr. fox agreed, pero sabi niya, but then, walang adventure.

i was reading old blogs when i stumbled upon my favorite professor’s. let me quote her, “kung sayang ang pera, mas sayang naman ata ang buhay.” mas mahalagang ma-enjoy mo ang buhay, iyong ma-appreciate mo ang bawat detalye ng buhay, at ng mundong tinitirhan mo. oo, maraming nabubuhay habang nabubuhay ka. we co-exist with one another, pero hindi ibig nitong sabihin na kailangan nating alamin ang nangyayari sa buhay nila. we can only do as much, ika nga. bakit hindi na lang nating hayaang dumating ang mga bagay na darating, at kung hindi naman natin ma-tripan, well, we always have choices, hindi ba?


actually, just to sum it up, ang gusto ko lang naman sabihin ay enjoy life at huwag magpadikta sa agos ng mundo. hindi porke ginagawa ng iba ay kailangan mo na ring gumaya. buhay mo yan, it’s up to you kung paano mo siya lalasapin. at dahil buhay mo ‘yan, pace mo ‘yan.


hindi ba mas masarap iyong dahan-dahan, lingering moments, ooohh! orgasmic pare.