3.07.2010

brochure

tangan ko ang lahat
pati sagot sa kalungkutan.

maraming daraan,
hihinto sa iyong harapan.
bibigyan ng isa o dalawa,
pero itatapon lang din naman.

hindi na nga pahahalagahan,
itinapon pa sa basurahan.

heto ka't nakatayo, naka-abang,
ibinibigay buong buo
minsan lang siya kung dumaan
pero kung abutan,
para bang wala nang daraan.

minsan may dumaan
nagpaikut-ikot pa para maabutan
pabalik-balik para mabigyan.

sabi mo, "ang kulit naman."
ayaw magpapigil kahit minsan.

sa bawat sulok na puntahan,
sadya man o napadaan lang,
nariyan siya buong galak na tatanggap,
ako, na kung pahalagahan,
at kung iparamdam
tila pinapawi bawat kalungkutan.