2.17.2010

kastilyong buhangin II

muli niyang tinipon ang mga buhanging mamasamasa pa sa pagkakaanod ng dagat. gamit ang natitirang lakas, mabilis niya itong ipinasok sa maliit na tabo at siniksik. sa natirang buhanging tore ipinatong ang bagong pinaghirapan at pinaghandaan. tila pangarap kung madurog ang mga namuong mga buhangin. napulbo ang luma, humalo sa ibang mga butil at nabaon sa limot. sa tuwing tataas ang tinig ng dagat ay lilingon siya para silipin an mga alon. umihip ang malakas na hangin at pinasok ang kanyang naluluhang mga mata. napapikit siya. kinuskos ang mga mata hanggang sa maramdaman na lang niya ang tubig sa kanyang puwet. huli na nang makita niyang bumagsak nanamang muli ang toreng kanina'y inaakalang tatagal.