9.21.2009

unknown dwelling

when we isolate ourselves from the common, we enter a new world—an unknown dwelling we usually are curious about. it may give us comfort. It may give us what we usually deny. it is the mystery of that unknown dwelling that makes us wonder, that most of the time keeps us from going back to what they call reality.

kinuha ko ang paborito kong baso at nagbuhos ng malamig na tubig. hindi ako nagsasawa sa malamig na tubig, nakakapawi kasi ng uhak. binabagayan naman kasi ‘yan. may mga taong mas pipiliin ang tubig na maaligamgam, may mga rin namang tao rin namang tulad ko na malamig lang ang nagpapaluwag ng hininga. ‘di ko napansin, napuno ko ang baso—punung-puno. sanay na ko rito. lagi ko namang pinupuno ang baso ko, siguro ay para masulit na rin ang bawat buhos ko. mabilis kong inangat ang pitsel nang makita kong malapit na itong umapaw. alam ko na ito, kabisado ko na ‘to. at tulad ng dati, dahan-dahan ko itong iniwas sa baso. Ilalayo ko na ang pitsel nang tumulo ang isang butil ng tubig sa punung-punong baso. mabilis ito, halos hindi ko nga nakita. napansin ko na lang ‘to nang magtalsikan ang mga tubig mula sa baso. nagkalat ang mga tubig. ganoon ata talaga, kapag puno na ng tubig ang baso, kahit gaano pa kaliit ang butil ng tubig ay aapaw at aapaw ito kapag sobra na.

that dwelling place is never big. it is a lot smaller, ridiculously smaller and narrower than the outside world.

at ‘pag nasa loob ka na ng kuwartong ito, kapag napaliligiran ka ng apat na maliliit na sementadong pader, huwag makakalimot na may bubong at sahig.

you go deeper.

that drop may be small, but that small drop is enough to change the taste of the drink you are about to consume.

pasalamat na lang ako at tubig pa rin ang huling patak na ‘yon. tinabi ko na ang pitsel na tila hindi nabawasan ang bigat. hindi ko ginalaw ang basong nakalapag sa la mesa. inilapat ko ang bibig at humigop ng hindi hinahawakan ang nagpapawis na baso.

there is always something to learn, something to live with. suddenly, after opening our eyes, we realize that the world has changed. we sigh as events unfold before our naked eyes—birds have stopped chirping, the wind has changed its direction, and the butterflies are simply taking its time with the nectars and the beautiful colors of life.

kulang na lang ay sabihin kong “natatawa ko sa sarili ko, at bakit kakaiba ang lasa ng tubig na ‘to?” pero hindi maaari. nag-iisa ko sa kusina at baka maturingan akong baliw kapag bigla kong magsalita ng mag-isa. sino naman ang kausap ko, ang sarili ko? oo, pero huwag na natin pang ikalat sa iba.


paano kung hindi tubig ang huling patak na humalo sa aking tubig na malamig? paano kung syrup kaya? Imposibleng hindi mag-iba ang lasa ng aking tubig. maaaring magbago ang kulay ng tubig na aking iniinom, kumapal ang timpla, tumamis ang amoy, maging magaspang sa dila, maging makati sa lalamunan, lalong lumamig?


so, does it matter? of course, it does matter.


mahalaga ang bawat patak dahil baso ko ito at inumin ko ito. ano man ang maging kulay nito ay nasa ilalim na ng aking pananagutan. ako ang iinom nito at sa loob ng katawan ko ito mapupunta. tungkulin
ko ang aking sarili, at tungkulin ko ring bumalik sa iniwang mundo.

that unknown dwelling place will be known. who knows how long will it take for us to find out. it doesn’t matter. it doesn’t really matter how long it takes because whatever happens, we will be back.