9.29.2009

pa, sino ba talaga ang minahal mo?

he was never my father. ay, wait mali, he was never a father.

habang tinitingnan ko si papa na naka-upo sa may terrace, nakatunganga sa harap ng malakas na ulan habang binubuga ang makapal na usok mula sa marlboro red niya, napansin ko ang mga agiw na nakasabit sa bawat kanto ng bubungan. dati, hindi nagiging madumi ang bahay.

sumabay na ata sa pag-agnas ni papa ang pagluma ng bahay na ‘to.

marami na ang pinagbago ng mga bagay-bagay. dati, tuwing uupo siya sa may terrace ay laging nakataas ang kanyang mga paa, naka-dekuwatro. minsan ay maglalakad-lakad sa garden o kung ‘di naman ay lalambingin sina dodgy at pudgy, ang mga alagang shepherd niya. pero madalas, wala siya sa bahay.

“bili mo nga ko ng marlboro” utos ni papa. nakita nanaman ako ni papa. basta’t makakita ng tao ay hindi nawawalan ng iuutos. hindi ko alam, kasama na ata ito ng sakit na nakuha niya. ay, wait, hindi pala. simula’t sapul pala ay mahilig na siyang mang-utos. inabot ko sa kanya ang yosi at agad na umalis sa kanyang harapan. panigurado kasing may panibagong utos ‘pag nagtagal pa ko. habang mabilis na naglalakad palayo, naisip ko, may mga bagay pa rin pala talagang hindi nagbabago. doon pa rin si papa naka-upo kahit wala ng lakas ang kanyang kaliwang paa. marlboro red pa rin ang yosi niya kahit inuubo na siya. mahilig pa rin siyang mang-utos at magmura. lagi pa rin siyang wala sa bahay.

i don’t know with mom, pero nagtataka pa rin ako kung saan siya nagpupunta tuwing gabi. noong bata pa ko, madalas ko pa silang naririnig na nagtatalo, nagsisigawan—tungkol sa halos lahat ng bagay pero madalas sa pera at kung saan nagpupupunta si papa, nag-aaway.

minsan iniisip ko, siguro masyadong na-enjoy ni papa ang pagiging single niya na hindi niya ito maiwan. my mom always tells me that he was the best driver she has ever seen. sabi ko naman, “iyon lang naman ang alam niya.” kasi ‘iyon lang naman ang nag-iisang pinakita niya. hot cars and hot chicks go together at sigurado naman akong totoo ‘yon. magaling mambola si papa. i have heard him talk with girls a lot of times, minsan alam niya at minsan ay ‘di ko sinaasadyang marinig. i have also read his letters lalo na yung mga makakatang love letter niya kay mama na, well, hindi na yata effective ngayon.

may hangganan ang bawat bagay at sigurado akong alam na ‘to ni papa. after fucking up almost every chance mom has given him, kulang na lang ay ‘wag na siyang umuwi. pero hindi, nasa bahay siya from three in the morning to eight.

“walang makakapigil sa’yo sa gusto mong marating” not even my own father. ‘yan ang lagi kong tinatatak sa isip ko. Hindi ko na maalala kung saan ko narinig—kay mama, sa isang teacher somewhere in high school o sa isang pastor. i don’t know. kung kanino man nanggaling iyon, magaling siyang tao.

now, i am wondering… ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ni papa. saan ba siya nagpupunta? may buhay ba siya kapag nasa labas siya ng bahay? ayaw ba niya sa’min? and my mom, ano na ba ang nangyari sa kanila?

para silang dalawang tao na nasa magkaibang timeline. my mom grew along with us. hindi niya kami iniwan literally and figuratively. sabi nga ng kapatid ko, “si mama ang papa at mama” which was true. siya ang tumayong papa at mama almost everytime. kulang na lang ay lagyan siya ng balls ng diyos. dapat kay mama na lang nadikit ang balls ni papa, para naman hindi kung saan-saan nagagamit. my dad was somehow stuck between the past and… the past. hindi niya maiwan ang nakaraan, the pride and the glory he had, itong bahay na ilang taon nang hindi nare-renovate—itong bahay na siya mismo ang nag-design at siguro libingan niya. na-stuck siya sa kung saan, hindi ko malaman talaga kung saan. hindi rin kasi siya nagku-kuwento. though he was all mouth, everything that went out of his mouth was “putang-ina” and “gago”. he was the god. he was the only god. the house was his territory and it was the only place he was god.

god din pala siyang tuwing umiinom. well, siyempre hindi na ngayon dahil baka bumigay din ang kanang bahagi ng katawan niya. takot lang niya. pero back then when he was still able to drive manual cars, umuubos siya ng case-case na beer, remy martin here and other brandies there. siya ang tanggero, at hindi titigil ang inuman hanggang walang nagyayayang umuwi. hindi siya ang nagyayayang umuwi. it was his table, at batas sa kanya ang siya ang “huling tatayo.”

sa kaka-“huling tayo” niya, siya naman ang unang bumagsak. sa kanilang walong magkaka-barkada, siya ang unang nagkasakit. siya ang unang na-stroke. siya ang unang nagmaneho ng matic. siya ang unang natigil sa bisyo.

and as i watch him cough, ‘di ko pa rin maisip kung ano ba ang dahilan kung bakit napakalayo ng loob ko sa kanya. mag-aasawa na ko next week, my brother is still in jail, my other brother is graduating in two months, pero ni isa sa’min ay wala pa ring clue kung bakit.

three days after my younger brother’s graduation, dad died. tiyaka naming nalaman ang lahat. An old woman and a young man, mga mid-twenties, approached mom. nakatitig kaming lahat, my two brothers and i, sa kanila as they talk. mom was nodding and smiling.

kaya pala bigla na lang natigil ang mga away nila ni papa. kaya pala bigla na lang na nag-iba ang oras namin sa oras ni papa. kaya pala ayaw niyang lumipat ng bahay. kaya pala ayaw na ayaw niyang umaalis kami ng bahay. kaya pala noong nakulong si dennis ay parang wala lang sa kanya. kaya pala wala siya sa graduation ni don. kaya pala daryl ang pangalan noong kasama ng matandang babae. daryl. kaya pala ganito ang mga pangalan namin.

dennis, dino, don, at si mama—darlyn udele. kaming magkakapatid, si kuya daryl, si kuya dennis, ako, si don. si mama.

pa, sino ba talaga ang minahal mo? kaming lahat?

9.21.2009

unknown dwelling

when we isolate ourselves from the common, we enter a new world—an unknown dwelling we usually are curious about. it may give us comfort. It may give us what we usually deny. it is the mystery of that unknown dwelling that makes us wonder, that most of the time keeps us from going back to what they call reality.

kinuha ko ang paborito kong baso at nagbuhos ng malamig na tubig. hindi ako nagsasawa sa malamig na tubig, nakakapawi kasi ng uhak. binabagayan naman kasi ‘yan. may mga taong mas pipiliin ang tubig na maaligamgam, may mga rin namang tao rin namang tulad ko na malamig lang ang nagpapaluwag ng hininga. ‘di ko napansin, napuno ko ang baso—punung-puno. sanay na ko rito. lagi ko namang pinupuno ang baso ko, siguro ay para masulit na rin ang bawat buhos ko. mabilis kong inangat ang pitsel nang makita kong malapit na itong umapaw. alam ko na ito, kabisado ko na ‘to. at tulad ng dati, dahan-dahan ko itong iniwas sa baso. Ilalayo ko na ang pitsel nang tumulo ang isang butil ng tubig sa punung-punong baso. mabilis ito, halos hindi ko nga nakita. napansin ko na lang ‘to nang magtalsikan ang mga tubig mula sa baso. nagkalat ang mga tubig. ganoon ata talaga, kapag puno na ng tubig ang baso, kahit gaano pa kaliit ang butil ng tubig ay aapaw at aapaw ito kapag sobra na.

that dwelling place is never big. it is a lot smaller, ridiculously smaller and narrower than the outside world.

at ‘pag nasa loob ka na ng kuwartong ito, kapag napaliligiran ka ng apat na maliliit na sementadong pader, huwag makakalimot na may bubong at sahig.

you go deeper.

that drop may be small, but that small drop is enough to change the taste of the drink you are about to consume.

pasalamat na lang ako at tubig pa rin ang huling patak na ‘yon. tinabi ko na ang pitsel na tila hindi nabawasan ang bigat. hindi ko ginalaw ang basong nakalapag sa la mesa. inilapat ko ang bibig at humigop ng hindi hinahawakan ang nagpapawis na baso.

there is always something to learn, something to live with. suddenly, after opening our eyes, we realize that the world has changed. we sigh as events unfold before our naked eyes—birds have stopped chirping, the wind has changed its direction, and the butterflies are simply taking its time with the nectars and the beautiful colors of life.

kulang na lang ay sabihin kong “natatawa ko sa sarili ko, at bakit kakaiba ang lasa ng tubig na ‘to?” pero hindi maaari. nag-iisa ko sa kusina at baka maturingan akong baliw kapag bigla kong magsalita ng mag-isa. sino naman ang kausap ko, ang sarili ko? oo, pero huwag na natin pang ikalat sa iba.


paano kung hindi tubig ang huling patak na humalo sa aking tubig na malamig? paano kung syrup kaya? Imposibleng hindi mag-iba ang lasa ng aking tubig. maaaring magbago ang kulay ng tubig na aking iniinom, kumapal ang timpla, tumamis ang amoy, maging magaspang sa dila, maging makati sa lalamunan, lalong lumamig?


so, does it matter? of course, it does matter.


mahalaga ang bawat patak dahil baso ko ito at inumin ko ito. ano man ang maging kulay nito ay nasa ilalim na ng aking pananagutan. ako ang iinom nito at sa loob ng katawan ko ito mapupunta. tungkulin
ko ang aking sarili, at tungkulin ko ring bumalik sa iniwang mundo.

that unknown dwelling place will be known. who knows how long will it take for us to find out. it doesn’t matter. it doesn’t really matter how long it takes because whatever happens, we will be back.

9.01.2009

goals

goals: you always aim for the better

we try our best to achieve that goal—a goal amidst the flock, because that is how life should be. everything should be moving forward. after all, wala na naman tayong magagawa sa nakaraan. all we could do is reminisce, well, aside from regret. kaya hindi dapat huminto sa paghahabol ng mga goals. hindi rin naman kasi hihinto ang mundo para sa atin. kung hihinto tayo at iisa-isahin ang mga pagkakamali, saan tayo pupulutin?

you’re there, what next?

what next after achieving that goal? no matter how high or how audacious that goal may be, maaabot at maaabot mo ‘yan dahil gagawin mo ang lahat makuha lang siya. bakit? kasi gusto mo siya. a friend once told me, “drop the risk and take the fall. if it is what you want, then it is worth it all.” if it is what you want, go for it. walang makapagsasabi sa’yo kung ano ang dapat at di-dapat gawin kundi ang sarili mo. hindi maiiwasan na may mga mawawalang mga bagay, we must always remember our economics—trade-off. it involves losing something to gain another, hopefully better. well, what the heck are we moving forward for? for the better, hindi ba? the point is, after achieving the goal that was once just a dream, we have to move forward. we move forward for the better unless that goal grows with us.

it’s not quitting, it’s moving.

ano ba ang pakialam nila kung umalis ka? you have your own reasons, and hopefully, it is enough to back your actions up. first, you must always, always, think about it. again, ayaw nating nagre-regret. second, when you have decided, always remember that you are risking a lot. know the consequences and be strong. be strong to face the tides that will hinder you from moving forward. kapag andoon ka na, wala na silang magagawa but to accept the path that you have chosen.

remember, ikaw muna.

bago sila, ikaw muna. ikaw ang bida sa kuwento mo. therefore, it is your job to put yourself into somewhere safe, somewhere you know you’ll learn, somewhere you know you’ll grow. selfish kung selfish, pero hindi mo naman iiwan ang mga bagay na alam mong mahalaga sa’yo. moving forward does not equate leaving. you are just indirectly telling everybody that, “hey, this is my life. i know this will make me better. trust me, I know. masaya ko rito.”

when do you stop?

ang tanong, kailangan ba?