4.09.2009

kumpisal ng lesbiyana

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.

pinili ko 'to.

tatlong taon na rin nang piliin kong magbenta ng laman. hindi naman para sa pera. pinili ko lang. akala kasi ng marami, pera lagi ang dahilan kaya nagiging pokpok ang babae. puwes, hindi.

soul searching? may hinahanap ba ko? siguro, marahil may hinahanap ako. marahil, nahanap ko na. hindi ko masagot ng sigurado, basta't ang lagi kong sagot sa ganyang tanong ay "oo" kahit hindi ko talaga alam. kapag inamin ko kasing hindi ko alam, may kasunod pang mga tanong tulad ng "bakit" at "ayos ka lang", lalo naman kung "hindi" ang isasagot, pero 'pag "oo", wala na. tapos na ang usapan.

may tambayan kami noon. haunted house ng mga bata, pero para sa'min, heaven. doon, makikita sina joe at dane na naghahalikan sa may pinto, kung hindi nama'y nasa kuwarto. nasa kanto si tipo sa upuan niyang di na naalis sa may bintana. doon kasi siya nag-tatattoo, nagbebenta ng damo, number ng babae, at iba pa. ang dami niyang binebenta. marami pang iba, kanya-kanyang trip--si rodel na shabu naman ang hilig, chip na bakla ang hanap, gino na laging walang imik, at marami pa. maraming marami pa. para kaming may shift, pasok at labas lang lagi.

hindi ko na alam ang mga nangyari sa kanila. ang labo rin kasi, ang labo na ng mundo.

gusto mo ng yosi? alam mo, ito ang di ko naisip noon--kasama na pala ko sa gulo ng mundo. ngayon ko lang naisip na napakalabo na ng mundo, mga barkadang naghahanap ng mare-rape sa kalye, yosi at chongki, bugaw ng mga pokpok, ito namang mga pokpok na nagpapabugaw maka-abot lang sa quota, riot, patayan, at third sex--mga bading... tomboy.

ako nga pala si cristina, cristina barbiera. oo, pokpok ako, tatlong taon na. dito ako nabubuhay. pinili ko 'to. oo. oo.

naalala ko noong unang makilala ko sila joe, dane, at tipo. para kaming american pie noon. sila ni joe at dane, kami naman ni tipo. ayos sana kundi lang masyadong addict sa pera at bato 'tong si tipo. hindi nga niya ko niyayaya kahit kaming dalawa lang natitira sa bahay. kaya siguro nagustuhan ko si pie.

mahirap lang nang malaman ng ermats ko na lesbiyana ko. halos isumpa ko ng nanay. patay na kasi ang tatay kaya parang wala na rin sa'kin. ganoon ata talaga 'pag walang titi sa pamilya, imbes na matapos sa up ng music, nauwi ko sa paggitara ng foil. hindi ko naman sinasadya, nagkataon lang. nag-umpisa sa yosi hanggang sa magpakantot ako para sa isang hithit ng jutes. puta.

tapos nalaman kong may boyfriend si pie. badtrip. halos magbigti ako noon. buti na lang at nadagdagan kami sa barkada. sila rodel, chip, gino, puro lalaki. doon ko rin nalamang hindi ako tinadhana maging lalaki. kahit ilan pa sila....

handa na kong pumatay noon. ang balak ko pa noon ay pirapirasuhin ang ari ng boyfriend ng pie na 'yan, iprito at isama sa sisig na paborito ni pie. punyeta, muntik ko nang ipadala yung death threat kundi lang nakita si dane. sayang. ano kaya ang magiging itsura nila.

natatawa ko. ayaw mo magyosi?

nakita ko sila minsan diyan sa may gilid ng bar. galing akong inuman noon. pauwi na ko nang makita kong may kumakaluskos sa eskinita. mabagal akong lumapit. nang masilip ko, si pie suot ang kuwintas na bigay ko noong anniversary namin, pink bra strap na paborito ko, at ang kamay ng boyfriend niya na nasa singit ni pie.

nanginginig ako sa galit, pero nanghihina ko. gusto ko silang pagsasaksakin, pero wala kong lakas. naubos ata. nasabi sa'kin ni pie ang pangalan ng boyfriend, pero 'di ko na matandaan. 'di ko ata tinandaan. 'di ko tinandaan.

naiisip ko na ang mga gagawin ko sa kanila sa susunod na makita ko sila. tiyempo lang, yari sa'kin ang itlog niyang gagong 'yan. ipapalit ko sa kiatkiat na nilalako ng nanay niya, at ang kanyang mga daliri, tatanggalin ko sa mga buto at papasukan ng toothpick nang magmukhang isaw.

naisip ko. hindi na siya sa'kin. para ano pang mag-ubos ako ng lakas para sa lintek na mag-siyotang iyon. wala rin akong makukuha sa kanila. papatay na lang din ako, dapat mayaman. natatawa ko. teka, may yosi ka pa riyan?

alam mo, kung titingnan mo, wala naman talaga kong kasalanan. wala kong ginawang masama sa kanila. siguro sa diyos meron, pero sa barkada ko noon, wala. maayos ko silang pinakitunguhan. nagkataon lang na nagkamali ako ng desisyon, isa o dalawa. tangina. 'di man lang nila ko maituring na kaibigan, kahit man lang tao. mga duwag sila, puta. matapang kapag magkakasama.

pinili ko 'to. kaya pinili ko 'to. tatlong taon na rin nang piliin kong magbenta ng laman. hindi naman para sa pera. pinili ko lang. akala kasi ng marami, pera lagi ang dahilan kaya nagiging pokpok ang babae. puwes, hindi. hindi ko alam, pero pinili ko 'to. hindi sa gusto ko, ni ayaw ko ng titi, pero heto ko, gabi-gabi lumalamon ng titi at mga katas ng paglamon ko. tragis.

soul searching? may hinahanap ba ko? siguro, marahil may hinahanap ako. marahil, nahanap ko na. hindi ko masagot ng sigurado, basta't ang lagi kong sagot sa ganyang tanong ay "oo" kahit hindi ko talaga alam. kapag inamin ko kasing hindi ko alam, may kasunod pang mga tanong tulad ng "bakit" at "ayos ka lang", lalo naman kung "hindi" ang isasagot, pero 'pag "oo", wala na. tapos na ang usapan.

wala naman kasi silang pakialam talaga. minsan, gusto lang nila maki-usisa, makitsismis, maki-alam. ang kupal, e.