3.26.2009

kambal

huminto siya at pumulot ng mga bato at lakas ng loob. mula sa kinatatayuan, mga sampung metro mula sa inabandonang bodega, bumato siya ng isa. mintis! walang tinamaan! nakahilera ang mga bintana ng bodega, mataas, kasing taas ng poste ng meralco. hindi naman ganoon talaga kataas, mas mababa ng kaunti. humigop siyang muli ng lakas ng loob mula sa kanyang pasan-pasan na maleta sa dibdib, bumuelo, at inasinta ang bintana na nakabukas. sapul! naglaglagan ang mga salamin ng bintanang iyon. may sumigaw ngunit hindi na ito narinig ni lito. mabilis siyang tumakbo nang makita na nagsilaglagan ang mga salamin. halos ubos na ang mga salamin sa bodega, inubos na ng buong barkada niya. ang mga bintanang basag ay tila naging saksi, taga-salo, ng kanilang mga galit at poot sa mundo, sa lugar nila, sa buhay nila, sa pamilya nila.

anim na taon na ang nakararaan mula nang huli niyang binato ang bintana ng bodegang kung titingnan ay masahol pa sa nasunog. ang mga yero ay halos ubos na, sementong pader ay pinuno na ng iba’t ibang laki at hugis ng bitak, ang mga bintana... halos walang pinagbago. kung paano niya ito iniwan anim na taon ang nakaraan, gayoon pa rin ito. basag. pira-piraso. kulang-kulang. naroon siya kung saan siya laging nakatayo, pumupulot, at bumabato. pumulot siya ng dalawang bato. sapat na ‘to. inasinta niya sandali at ilang sandali pa ay ‘di na mabilang ang mga bato sa kanyang kamay. ang mga salamin, halos ubos na, ang kanyang mukha, tila binuhusan ng pawis gamit ang balde.

nagsindi siya ng yosi, umupo sa isang sementadong upuan na may markang LM, bumuha habang pinagmamasdan ang obra na nakasabit sa mataas na pader. nagkalat siguro ang mga bubog sa loob ng bodega. buti at walang tao. hala! wala nga bang tao?

bumagsak ang pinto nang sipain ito ni lito. nagliparan ang mga alikabok, nabuhay ang mga daga na nagkalat sa paligid ng bahay na makinarya. nagkalat ang iba’t ibang kulay ng bubog. tila isang paraiso ang bodega, puno ng bubog, kulay, patak-patak ng malapot na pintura, at mga sulat sa pader na halos hindi na mabasa dahil uling ang ginamit, o dugo.

may kumaluskos sa likod ng makinarya. naglabasan ang mga residenteng mga daga. agad dito tinutok ni lito ang ilaw. bumukas ang isang pinto ng storage room. bumukas ang pinto ng lumang opisina. mula sa likod, hinila si lito. tila hayop na itinali ang bibig gamit ang lumang panyo, o basahan. mabilis niyang binato si lito sa lawa ng bubog. namilipit siya sa sakit. kitang kita ang nakasaksak na mga bubog sa kanyang tagiliran at likuran. ang kanyang mukha ay nagtamo rin ng sugat. pilit niyang kumawala sa pagkakatali. marami-rami na rin ang umagos na dugo mula sa malaking sugat nito sa leeg. basang-basa na rin ang panyong ipinantali kay lito, basang basa sa laway at luha.

lito magdaluyot! ibinaba niya ang maliit na maskara na nakatakip sa kanyang mga mata. tingnan mo ang ginawa mo sa akin! Ito! tingnan mo! hawak niya ang baba ni lito habang unti-unting nilalapit ang mukha sa mga mata ni lito. Patuloy ang luha ni lito. ang kanyang mahihinang hikbi. umalis ang lalaki.

shing! hawak niya ang isang lagari at isang martilyo sa magkabilang kamay. natakot si lito, hindi naman ito napansin ng tatay, ata.

nakasabit ang bituka ni lito sa sampayan ng bodega. ang kanyang mga mata, nasa loob ng garapon kasama ang ilang mga bubog na nakahilata sa pinakababa ng bote. ang mga utong ni lito, tila palamuti na nakadikit sa dart habang mabagal na nilalaro ng kakambal na si lando. oo, kambal sila ni lito.