3.26.2009

kambal

huminto siya at pumulot ng mga bato at lakas ng loob. mula sa kinatatayuan, mga sampung metro mula sa inabandonang bodega, bumato siya ng isa. mintis! walang tinamaan! nakahilera ang mga bintana ng bodega, mataas, kasing taas ng poste ng meralco. hindi naman ganoon talaga kataas, mas mababa ng kaunti. humigop siyang muli ng lakas ng loob mula sa kanyang pasan-pasan na maleta sa dibdib, bumuelo, at inasinta ang bintana na nakabukas. sapul! naglaglagan ang mga salamin ng bintanang iyon. may sumigaw ngunit hindi na ito narinig ni lito. mabilis siyang tumakbo nang makita na nagsilaglagan ang mga salamin. halos ubos na ang mga salamin sa bodega, inubos na ng buong barkada niya. ang mga bintanang basag ay tila naging saksi, taga-salo, ng kanilang mga galit at poot sa mundo, sa lugar nila, sa buhay nila, sa pamilya nila.

anim na taon na ang nakararaan mula nang huli niyang binato ang bintana ng bodegang kung titingnan ay masahol pa sa nasunog. ang mga yero ay halos ubos na, sementong pader ay pinuno na ng iba’t ibang laki at hugis ng bitak, ang mga bintana... halos walang pinagbago. kung paano niya ito iniwan anim na taon ang nakaraan, gayoon pa rin ito. basag. pira-piraso. kulang-kulang. naroon siya kung saan siya laging nakatayo, pumupulot, at bumabato. pumulot siya ng dalawang bato. sapat na ‘to. inasinta niya sandali at ilang sandali pa ay ‘di na mabilang ang mga bato sa kanyang kamay. ang mga salamin, halos ubos na, ang kanyang mukha, tila binuhusan ng pawis gamit ang balde.

nagsindi siya ng yosi, umupo sa isang sementadong upuan na may markang LM, bumuha habang pinagmamasdan ang obra na nakasabit sa mataas na pader. nagkalat siguro ang mga bubog sa loob ng bodega. buti at walang tao. hala! wala nga bang tao?

bumagsak ang pinto nang sipain ito ni lito. nagliparan ang mga alikabok, nabuhay ang mga daga na nagkalat sa paligid ng bahay na makinarya. nagkalat ang iba’t ibang kulay ng bubog. tila isang paraiso ang bodega, puno ng bubog, kulay, patak-patak ng malapot na pintura, at mga sulat sa pader na halos hindi na mabasa dahil uling ang ginamit, o dugo.

may kumaluskos sa likod ng makinarya. naglabasan ang mga residenteng mga daga. agad dito tinutok ni lito ang ilaw. bumukas ang isang pinto ng storage room. bumukas ang pinto ng lumang opisina. mula sa likod, hinila si lito. tila hayop na itinali ang bibig gamit ang lumang panyo, o basahan. mabilis niyang binato si lito sa lawa ng bubog. namilipit siya sa sakit. kitang kita ang nakasaksak na mga bubog sa kanyang tagiliran at likuran. ang kanyang mukha ay nagtamo rin ng sugat. pilit niyang kumawala sa pagkakatali. marami-rami na rin ang umagos na dugo mula sa malaking sugat nito sa leeg. basang-basa na rin ang panyong ipinantali kay lito, basang basa sa laway at luha.

lito magdaluyot! ibinaba niya ang maliit na maskara na nakatakip sa kanyang mga mata. tingnan mo ang ginawa mo sa akin! Ito! tingnan mo! hawak niya ang baba ni lito habang unti-unting nilalapit ang mukha sa mga mata ni lito. Patuloy ang luha ni lito. ang kanyang mahihinang hikbi. umalis ang lalaki.

shing! hawak niya ang isang lagari at isang martilyo sa magkabilang kamay. natakot si lito, hindi naman ito napansin ng tatay, ata.

nakasabit ang bituka ni lito sa sampayan ng bodega. ang kanyang mga mata, nasa loob ng garapon kasama ang ilang mga bubog na nakahilata sa pinakababa ng bote. ang mga utong ni lito, tila palamuti na nakadikit sa dart habang mabagal na nilalaro ng kakambal na si lando. oo, kambal sila ni lito.

3.24.2009

ang masarap na tato

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.

“choy, feeling ko may sumusunod sa’kin. ilang araw na, e.”

si choy, ang matalik na kaibigan ni paula. kausap niya ito habang naglalakad ng mabilis, ‘di na alintana ang dilim at ambon. basa ang kalsada. ang ilaw na nanggagaling sa mga mga poste at ilang dumaraang mga sasakayan na lamang ang bahagyang nagpapakita sa kanya at sa lalaking may mabibilis na hakbang. madidiin ang mga yabag ng lalaki, tumatalsik ang mga putik sa bawat hakbang. bakas sa kulay ng pantalon ang pagkabasa. gayoon din ang maputing uniporme ni paula, halos napuno na ng putik ang palda.

sa maliit na eskinita, pumasok si paula. tumakbo siya ng mabilis habang mahigpit na yakap ang bag. sa kabilang kamay ay hawak ang kanyang telepono. habang mabilis na tumatakbo at umiiwas sa mga sampayan na mababababa, sinubukan niyang tumawag muli. nalaglag niya ito nang mapalingon siya at makitang malapit nasa kanyang likod ang lalaki.

may hawak na patalim ang lalaki. mabilis siyang paparating.

wala nang oras. kumaripas ng takbo si paula. nalimutan ang kanyang telepono.

huminto ang lalaki. umaambon. pinulot niya ang telepono, tinitigan sandali, at ipinasok sa bulsa.

********

“andiyan si paula?”

“ay, hindi po pumasok. bakit po?”

“a, wala.”

********

nakauwi ng maayos si paula, pero hindi siya pumasok. tumawag sa kanya ang ilan sa mga kaibigang nurse, pero hindi niya ito sinagot. wala siyang sinagot na tawag. kailangang makasiguro.

madilim. alas diyes ng gabi. sinara niya ang bintana upang makatulog. naalala niya ang mga nangyari kagabi. ang mga mabibigat na yabag. ang malalaking braso ng lalaki. ang itim na jacket. ang patalim na hawak nito. ang ambon. ang mga putik. ang takot.

bumaba siya ng hagdan upang maligo. binuksan niya ang pulang ilaw sa banyo. ang maliit at nakasasakal na banyo na ngayong hawak siya, pinalilibutan. Kahit kailan, maaari siyang puntahan ng lalaki. tatakpan ang kanyang bibig. hahawakan ng mariin ang kanyang kamay. itutulak siya papunta sa shower at doon babasain. at.... tumingin siya sa salamin at huminga ng malalim. hindi. hindi maaari.

nasa labahan pa ang kanyang unipormeng napuno ng putik at takot at kaba. nasa tabi ito ng kanyang kabinet. binuksan niya ito at kinuha ang paboritong short at puting kamison. nakatuwalya, binaba niya ito at umupo sa kama. nagpunas ng buhok habang dahan-dahang tumutulo sa kanyang katawan ang mga patak ng tubig galing sa kanyang mahabang buhok. ang katamtamang dibdib. ang tato sa likod. ang bewang at maliit na asyanong puwit. ang basang mga paa na ngayo’y pinupunasan. tinakpan niya ang putikang uniporme at isinuot ang short. nagpunta sa kama at doon isinuot ang kamison. humiga at sumuot sa malambot at ngayo’y malamig na comforter.

tahimik ang paligid. madilim ang buong bahay maliban sa kanyang kuwarto. pinili niyang buksan lang ang ilaw. kung kunin man siya, gusto niyang makita ang kukuha sa kanya. sa katabing la mesa ng kama ay may nakapatong na kutsilyo. Galing ito sa kusina, kailangan maging handa. hindi. hindi maaari.

ginising siya ng malakas na kalabog. mabilis siyang tumayo, tangan ang kutsilyo na kanina’y namamahinga lang, at mabilis na sumilip sa awang ng bintana. madilim pa. alas kuwatro imedya pa lang. kinakabahan siya. natatakot, pero hindi maaari. mag-isa siya sa bahay. bumaba siya ng hagdan. dahan-dahan. sumisilip, lumilingat-lingat. madilim. walang gumagalaw. wala. kung andito siya, madali niya kong mahuhuli. hihilahin niya ko sa mula sa paa. mabilis na hahawakan at iipitin ang mga kamay at paa. wala siyang bra. manipis ang kamison. bumabakat ang kanyang suso. maiksi ang short. manipis. hindi. hindi. umakyat siyang muli at kumuha ng bagong uniporme mula sa kabinet. dumaan sa lalagyan ng labahan. bumaba at muling pumasok sa maliit na banyo. muling maaalala ang maaaring mangyari sa maliit na banyo. basa. pula ang ilaw. may ilang basag-basag na tiles. may maliit na lamat sa salamin kung saan nakatingin si paula. nagtanggal siyang kamison. tumayo sa harap ng paningin ng shower at binuksan ito. binalot siya ng lamig.

********

“paula, bakit ka absent kahapon? may naghahanap sa’yo kahapon a.”

“sino raw?”

“hindi ko natanong, e. mabilis umalis, e.”

********

“sir, how are you feeling?”

“nurse....”

“kamusta po ang pakiramdam niyo?”

“okay lang. medyo nahihilo....”

“sir, nabangga po kayo. buti puro minor injuries.”

“nurse....”

“yes sir?”

“ano’ng pangalan mo?”

“paula po. bakit po?”

********

hinila niya ang kamay ni paula. hinablot ang uniporme at idinikit sa kanyang dibdib. sir!, sigaw ni paula. bumubulong sa tainga ni paula ang lalaki. magulo. hindi maintindihan. mahina. ..pinahihirapan mo ko. ang tagal kitang hinanap. ang tagal ko ‘tong hinintay! sir!, nagpumiglas si paula.

madiin ang hawak niya kay paula. tumayo siya mula sa kama ng ospital at mabilis na sinara ang pinto habang hawak pa rin ang mga kamay ng nurse. halos hindi na siya makatayo, nanghihina pero pilit pa ring kumakawala.

sa inis ng lalaki, inumpog niya ito sa kanta ng pinto. agad itong hinimatay. bumigat ang katawan na halos hindi mabuhat ng malaking katawan ng lalaki. inilapat niya ang katawan sa sahig. tumayo. huminga ng malalim. sa wakas.... sa wakas! pinagmasdan niya ang maputing katawan na binabalot ng puting uniporme ng ospital. paula. paula. sa wakas....

iniupo niya si paula sa kama, tila tinuturing may malay, buhay. duguan na ang pang-itaas niya. paula, madumi na ang uniform mo. tanggalin muna natin. halika. dahan-dahan niyang tinanggal ang bawat butones habang dahan-dahan sumisilip ang kanyang mga suso na nakatago sa kulay rosas na bra. nakasandal si paula sa dibdib ng lalaki. tinanggal nito ang kanyang damit. napansin ang laging pinagmamasdang tattoo sa bandang kanan ng likod, isang rosas. Ang tagal kong hinintay ‘to... ang makita ito ng malapitan... ang makita ‘to at mahalikan. dinikit niya ang labi sa rosas, pababa sa dibdib ni paula. binuksan ang butones ng palda, hinila, at inilabas ang katernong panty. walang short.... hiniga niya ito sa kama.

blag! blag! blag! paula! andiyan ka ba? paula!

mabilis na tinanggal ng lalaki ang panty ni paula. tumambad sa kanya ang isang tato, isang puso na nakaukit na john, nasa bandang pubis, sa may harapan ng balakang at itaas ng singit. muli niya itong hinalikan habang dahan-dahang tumutulo ang maaalat na luha mula sa kanyang mga mata. pabilis nang pabilis niya itong hunalikan, pababa.

blag! blag! blag! blag! blag! paula! paula!

akin ka lang paula. akin ka lang. nilabas niya ang kutsilyo mula sa pagkakasuksok nito sa pantalon. sinaksak sa tagiliran ni paula. gumalaw ng bahagya si paula. oo, buhay siya. hindi siya manhid.

paula! paula! blag! blag! blag! andiyan ka ba? paula!

sumirit ang dugo mula sa butas na nilikha ni john. muli niyang sinaksak ang tagiliran ni paula. diniin. diniin. tumayo, binuhat si paula mula sa kamay. pinasan sa likod. Binuksan ang bintana. huminga ng malalim, at tumalon mula sa ika-walong palapag ng ospital.

3.22.2009

masama ang rugby

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.

galing sa isang wedding shoot at pauwi na nang maalalang may usapan kami ni angel. alas tres ng umaga, mabigat man ang pakiramdam at pinaghalong amoy ng pawis at usok ng bus at sigarilyo, sumakay ako ng taxi papuntang malate.

may photo exhibit noon sa liblib na lugar ng cubao nang makilala ko si angel. pinakilala kami ni robert, ang boyfriend niya. tulad ko, photographer din si robert. si angel, nahilig din sa pagkuha ng mga litrato. siguro ay impluwensiya na rin ni robert. ang paniniwala ko kasi, nagkakahawahan ang mga tao kapag magkasama. Narinig mo na ba ang kasabihan na nagiging magkamukha ang mga magsiyota? ngayon, modelo na rin si angel ng kasintahan. kuwento ni robert sa tuwing mag-iinuman sila ay si angel ang praktisan niya. sa lugar ko ngayon kung saan kilala ko na si angel at matagal na kaibigan si robert, hindi ko magawang maiguhit sa aking isip ang tinatawag niyang praktisan, literal ba o figurative.

sa malate lang sabi ko sa drayber. yakap ko ang aking dalawang bag na puno ng aking kayamanan habang nakatitig sa labas ng bintana. mag-isa, malamig na nagmumula sa aircon na nakatapat sa aking mukha, dinikit ko ang aking noo sa bintana. nakaramdam ako ng pagkalungkot. ang dami kong ginagawa, pero hindi ako masaya. marami akong kakilalang nagpapasaya sa akin, trabaho at babae, kaibigan at kuwentista, pero masaya ba talaga ko?

yellow. red. red. dumating sa intersection ang taxi, huminto kami. nakapagtatakang dalawang sasakyan lang kaming nakahinto sa kalyeng iyon, pero nakahinto kami. walang dumaraan, walang tumatawin, pero nakahinto kami. Kailangan bang huminto kahit wala namang masasagasaan? kung naimbento ang mga stoplight upang umayos ng trapiko at maka-iwas sa disgrasya, bakit hindi maaaring tumawid kung wala namang madidisgrasya.

biglang may tumawid na batang may hawak na plastic. sa hula ko, rugby. kung nagkataong ako ang may hawak ng manubela, baka nasagasaan ko ang batang iyon. patay na sana siya at umiiyak na ko sa malamig na hita ni angel ngayon. pero hindi, buti na lang hindi.

nang dinikit niya ang pisngi sa akin, nangilabot ako. hindi ako sanay, pero hinayaan kong dumampi ang mga ito sa akin. agad kong nalanghap ang kanyang pabango na mula sa kanyang leeg. kung wala lang si robert! pero hindi na ito mahalaga, araw-araw ay naaamoy ko ang amoy na tulad ng karisma ng kape tuwing umaga, o ang nakalalasong amoy ng gas sa tuwing magpapakarga. marahil, tulad din ako ng batang may hawak ng plastic ng rugby. gutom, pero walang makain. pagod at rugby lang ang lakas.

pumara ako isang kanto bago ang bahay ni angel. Inabot ko ang 150 pesos. may sukli pa kong trenta, pero bumaba na ko. hindi ko na hinintay na suklian pa ko. alas tres imedya na at nagtra-trabaho pa siya. tama lang siguro iyon. masahol pa siya sa pokpok kung kumayod.

mabagal kong nilakad ang kalsada. naghihintay na batiin ng mga pokpok na halos malapit na sa quota. may mga ibang dancer lang, waitress, at singer, pero sa mundong ito kung saan sikat sa pagbebenta ng laman, imposibleng waitress ka lang o singer ka lang sa mata ng mga kano, o pati pinoy.

hindi pokpok ang habol ko. marahil, ang pagpansin nila sa akin, o ang makita sila habang gumagalaw sa sariling buhay. hindi ko alam, lutang ako. lutang ako at papunta na ko sa nakasanayan kong langhapin—rugby—angel.

simula noon, nasundan at nasundan ang aming pagkikita, andiyan man si robert o wala. magkikita kami sa alex III, sa bar, sa bahay ng kaibigan, sa bahay ng kaibigan ng kaibigan, at sa motel kapag kailangan. hindi naman sa kailangan, ayaw ko lang siguro siyang malagay sa alanganin. ako rin, siyempre.

umabot sa puntong nais ko na siyang makasama, na akin lang, wala si robert. nahihirapan din kasi ako na sa tuwing may event tulad ng meeting sa photo club namin, exhibit ng isang kaibigan, o kahit anong magkikita kami ni robert ay maaalala ko si angel. maaalala ko siya hindi dahil ginagago ko si robert, kundi dahil sa tuwing magku-kuwento si robert tungkol sa praktisan nila ay nasasaktan ako, dahil alam ko na yata ang praktisan na tinutukoy niya, sa wakas. nakapanghihina ng kalamnan na kahit siya ang nauna, ako ang nasasaktan.

robert, mag-usap tayo.

nagulpi ako. unang bumagsak ang kanang kamao niya sa aking pisngi. hindi ko inasahan, ngunit pinaghandaan ko. nang malaglag ako sa kinauupuan, ‘di ko na nabilang ang mga tadyak. umawat ang iba, ngunit hindi mapigilan ang nag-iinit na tadyak ni robert. halos namanhid ang aking katawan. imbes na pagsisihan ay nakaramdam ako ng tuwa, marahil dahil alam ko na pagkatapos ng sunud-sunod na mababagsik na sakit ng katawan ay may uuwian na ko, sa wakas.

sinabi ko ito kay angel. natuwa siya, ngunit natatakot daw siya. ako, hindi. “antayin mo ko sa bahay, uuwi ako.”

dahan-dahan kong pinasok ang susi sa busol ng pinto. dahan-dahan, pero sigurado. pinihit at pumasok. halos gumapang ako sa panghihina, pero agad sumalubong sa aking si angel. pinilit kong tumayo upang hindi niya mapansin ang kahinaan, pero alam niya. sinabayan niya ko papunta sa sofa, at madali siyang kumuha ng tubig pamunas.

nakayuko siya at abalang-abala. ang maikling short na paborito kong suot niya ang una kong napansin. sa loob ng banyo, niyakap ko siya mula sa likod.

isinandal niya ng sandali ang kanyang ulo sa akin, at nagpatuloy. dahan-dahan kong hinihimas ang kanyang tiyak gamit ang natitirang lakas na mayroon ako. nilanghap ko siya mula sa leeg habang hinahayaang humagod ito sa aking katauhan. magkadikit ang aming katawan, dibdib ko sa kanyang likod at aking pagkalalaki sa kanya.

paikot kong hinimas ang kanyang tiyan, pataas at pababa. mabagal na hinagod ko ang kanyang dibdib, at pababa, hanggang sa mapansin niya ko. nanatili kami sa ganoong puwesto. hindi na ko nakapagpunas.

humarap siya sa akin at hinalikan ako. gumanti ako ng halik. nakakapit ako sa kanyang puwit. hindi na ko nakapagpunas.

mula roon, hinayaan ko na siya. ginawa niya ang nais niya habang nakahiga ang aming mga damit sa sahig at kama. ang kanyang short na nasa may pinto, ang aking pantalon na nasa may paanan ng kama, sa upuan, sa may tv, lahat nagkalat. at tulad ng aming kasalahulaan, nakakalak kami sa sahig habang mabagal na inuubos ang natitirang lakas na dumadaloy sa aking mga ugat.

nakatitig ako sa kisame habang umuuga ang lahat ng bagay. tila lumilindol, ngunit ang isip ko ay nakapinid sa kaisipang ako ay mag-isa. oo, mahal ko siya, gusto ko siya na naririto sa bahay ko—sa buhay ko, pero hindi ko masakyan ang tugtog na nais ipasayaw sa akin. tila nalilito pa rin ako kung sino ang dapat kong maging—ang adik na batang tumatakbo takbo sa kalsada o ang drayber na naghihintay ng berdeng ilaw.

3.21.2009

stat: hindi kita malilimutan

dahan-dahan kang binabalatan gamit ang purol na labaha at magagaslaw na mga palad habang nakatitig ng diretso sa iyong mga mata. hindi siya nagsasalita, hindi niya sasabihin kung bakit niya ito ginagawa, at kung kalian ito matatapos (kahit alam niya ito). makakabunot siya ng isang parte ng balat sa bandang gitna ng iyong dibdib, maaaninag ang bahagyang ngiti sa kanyang labi habang pilit mong kumakawala sa mahigpit na pagkakatali, at mabilis niyang hihilahin. kasabay nito ang halos walang boses mong sigaw, ngunit hindi na ito mahalaga. malakas man ang iyong sigaw, may boses man, o kahit tumili ka pa, hindi ito mahalaga sa kanya. hindi ito mahalaga sa kanya!

oo, dahan-dahan ka niyang pinapatay, at kulang na lang ay sabihin niyang habang-buhay ka niyang parurusahan dahil pagkatapos kang balatan ng buhay ay wiwisikan ka ng pinigang kalamansi, bahagyang ngingiti at tiyaka ibubuhos sa iyong buong hubad na katawan ang tira-tirang katas ng pinigang ganap. habang buhay mo itong tatandaan. Hindi mo ito malilimutan. pipiga at papatay pa siya para lang unti-unti kang maghirap. at sa tuwing babalik ka sa lugar kung saan kayo nagkita at nagkakilala, muling kikirot ang mga naghihilom na mga sugat.

mahalaga ba ang iyong paghihirap sa kanyang buhay? sa katunayan, hindi. hindi ito mahalaga. hindi nga niya naiintindihan. hindi niya naiintindihan ang mga bagay-bagay dahil kulang siya sa kaalaman. hindi niya alam na sa haba ng inyong pagsasama ay marami kang iniwan para lang sa kanya. hindi niya alam na sa bawat araw na magkikita kayo ay pilit mong dinidilat ang iyong mga mata dahil nais mong maintindihan ang kanyang mga kuwento’t pangaral. hindi niya alam na kahit halos wala nang pumapasok sa iyong tainga ay pilit mo pa ring pinakikita na ganado ka sa pakikinig. hindi niya alam na sa bawat araw na tinakda ng nakatataas na nilalang na magkikita kayo ay naroon ka, naghihintay, dumating ka man o hindi. hindi niya alam na pinilit mo ang mga bagay-bagay kahit alam mong hindi ito mahalaga sa mga susunod mong tatahakin dahil: una, pinahahalagahan mo siya at ang kanyang mga sinasabi. pangalawa, ito ang tinakda.

sa katunayan, hindi mahalaga ang mabalatan ng buhay, magtiis at magpigil, dahil ito nga ang tinakda. wala sa iyong mga kamay ang lakas at kapangyarihan upang lumaban at sabihing “tama na!” wala ka sa lugar upang ipamukha sa kanya na hindi mahalaga ang kanyang mga pinagsasasabi. wala. wala! isa ka lamang sa marami. isa ka lamang sa maraming tulad mo, at isa ka lamang sa maraming dumaranas din ng kalupitan niya. at oo, hindi lang siya iisa. marami sila. maraming-marami sila at patuloy silang nanganganak habang hindi pa nila nararanasan ang nararanasan ng iyong mga magulang.

hindi ka nila maiintindihan kahit pa napagdaanan nila ang mga napagdaanan mo. magkaibang tao kayo, at ang iyong hilig ay iba sa kanya (madalas), dahil kung nagkataong magkatugma ang inyong mga hilig, wala ang mahabang basahing ito. wala ito dahil magkakasundo kayo, magkakaintindihan kayo, at masasabi mong hindi mahalaga ang sinasabi mo (kung nagkataong ibang tao ka).

3.01.2009

the beautiful latika

hindi naman talaga siya sobrang ganda.
latika sa palabas na slumdog millionaire (2008),
freida pinto sa totoong buhay.

si dev patel ang nagpaganda sa kanya.
hindi, hindi parlorista si dev patel,
siya ang hamal malik ni latika,
ang bida sa palabas.

ang magaling na pagpapakita
ni jamal sa kagandahan ni latika
ang isa sa nagpaganda ng kuwento

idagdag mo pa ang
nakabibiting mga pagtikwas ng buhok
at maya't mayang ngiti ni latika

kung iniisip mong katawan niya
ang isa sa nagpalibog ng kuwento,
diyan ka nagkakamali.

sa katunayan, hindi talaga si latika,
o si jamal, o ang kapatid pa niya
ang bumuhay ng buong kuwento.

mismong ang kuwento nito
ang bumuhay sa buong kuwento.
pinatibay lamang ito ng mga nagsuganap.

oo, magaling.
pero, sino ang nagsulat ng kuwento?

hindi ko kilala.

best picture ang slumdog millionaire (2008),
pero, sino ang nagsulat ng kuwento?

hindi ko kilala.

hindi sa hindi ko maalala,
nakalulungkot mang isipin,
sadyang hindi pinapansin ang mga nagsusulat.

kung sino pa ang nanguna,
kung sino pa ang bumuo ng kuwento,
kung sino pa ang bumuhay sa mga artista,

sila pa ang hindi kilala.