2.23.2009

there is beauty in solitude

may nagsabi sa'kin na malungkot mag-isa, lalo sa tuwing kumakain. hindi ko alam kung bakit, pero ang naisagot ko na lang ay:

tulad ng pain, there is beauty in solitude.

tiyaka ko pinag-isipan kung bakit ko nasabi ang linyang iyon. naisip ko, siguro dahil sa pag-iisa, marami akong nakikita.

sa tuwing naglalakad ako mag-isa, hindi nawawala ang bagong mga bagay na matutuklasan. hindi nawawala ang makakita at makaranas ng buhay ng iba--buhay na hindi likas sa akin, o hindi natin araw-araw na nakikita. sa tuwing mag-isa, laging may bago. sa tuwing mag-isa, hindi ko kailangang sabayan ang lakad ng iba--hihinto ako sa mga nais kong hintuan, bibilisan sa mga pakiramdam ko'y mapanganib, babagalan sa tuwing hahampas ang maalikabok na hangin.