2.13.2009

chapters ng buhay

when you close a chapter of your life, never stop there.

common cliché. kapag natapos ka sa isang libro, magbubukas ka ng bago. kapag nagsara ka ng pinto, hindi maaaring hindi ka magbubukas ng panibagong pinto o bintana man lang. bakit kamo? una, saan ka ba nakakita ng bahay na tinitirhan na hindi ginagamitan ng pinto? gagamitin at gagamitin ang pinto. pangalawa, kapag sinara na ang bahay habambuhay, kamatayan ang ibig nitong sabihin. pangatlo, kailangan ng tao ang hangin, ang lumabas at makita ang nasa labas. kailangan bumalik ang tao sa pinanggalingan.

when you close a chapter of your life, a new one begins.

new beginnings are good. mabuti dahil ang pinakamagandang bahagi ng buhay ay umpisa. Sa tuwing bibili ng libro, mga unang pahina ang unang babasahin. hindi ka naman nag-uumpisa sa gitna, hindi ba? sa tuwing maghahanap ka ng palabas na panunuorin, hindi ba’t trailers at teasers ang un among hinahanap? doon pa lang, hinuhusgahan mo na. doon pa lang, umaasa ka ng hindi ka mabibigo. doon pa lang, umaasa ka ng inihahanda mo na ang sarili mo sa maaaring mangyari. sa beginning, sa trailer, sa teaser, sa introduction, sa impisang banat, sa unang suntok. ang hirap kasi sa buhay, maging sa tao, kailangan pang mamili.

it is a risk to take, a decision to make.

pipili ka, pero kahit ano ang gawin ay makakasakit ka. magpapasya ka at pipiliin ang isa, makakasakit ka. pipiliin mong umupo na lang at hayaan ang mundo na umikot sa’yo, makakasakit ka pa rin. at pagkatapos ng lahat, pagkatapos ng mahabang balitaktakan ng isip at sentido, babalik ka sa umpisa—ang saktan ang sarili. bakit? paano?

lulunok ka ng malaking sako ng pride. hahayaang sampalin ng mga palad ng kung sinu-sinong hindi mo man lang nakitang naging masaya para sa’yo noon. hahayaang sampalin ng mga palad ng paulit-ulit dahil sa isang pagpapasyang hindi mo rin maintindihan.

closing a chapter of your life, and hoping to become a better man and have a better life.

being selfish. being able to do what you want to do and what you need to do for your life. buhay mo ‘yan at buhay ko ‘to. kapag sinunod mo ang nais mo, kapag ginawa mo ang gusto mong gawin, kapag ginawa mo ang kailangan mong gawin, kalokohan ang walang masasaktan. at hindi malayong mangyari na magsara ang isang chapter.

kung makakasakit ka lang din, bakit hindi mo na lang sundin kung ano ang nais mong gawin? bakit hindi mo na lang gawin ang dapat mong gawin na nais ng buo mong katauhan—ang magpapasaya sa’yo?

sacrificeto self-preserve.

sa isang kuwento, may mamamatay, mawawala, masisira, mababasag, masamang mangyayari na magpapaikot ng kuwento. sa katunayan, hindi naman madaling sabihin kung ano ang mangyayari sa isang kuwento. kalokohan ang magsalita ng tapos—isang madalas na pagkakamali ng halos lahat ng tao na nabubuhay sa isang paglalarawan ng realidad. dito, natatapos ang chapter.

there is beauty in pain.

when you close chapter of your life, it feels different. hindi lang siya masakit, iba. ibang-iba lalo na kung ikaw ang nagsusulat ng sarili mong kuwento. napamahal na sa manunulat ang bahaging iyon ng kuwento. at, dahil na rin sa kadahilanang ito, kailangan nitong matapos. masakit man,ayaw man, kailangang tapusin, magiging tunggalian at hindi magtatagal ay magiging mababaw na lubak na maaaring maging isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ng protagonist. maaaring ang pinakamagandang nangyari sa libro na maaaring magbigay sikat pa sa manunulat na ito, maaari.

it becomes a pivotal point.

pivotal. malaking salita para sa kuwentong halos hindi nabigyan ng katarungan ang mga tauhan sa kuwento. iikot. iikot. hindi natin alam kung saan hihinto, kung saan pupunta, at kung hihinto pa ba. Pero hindi maaaring huminto. buhay ka at buhay ako. buhay ang mga manonood. hindi maaaring huminto dahil maraming manghihinayang—mga mambabasa. kung basta na lang hihinto ay mawawalan ng saysay ang pagkamatay ng ikan sa mga karakter ng kuwento. pumatay ka ng isa, dalawa, at ito ay dapat mabigyan ng hustisya. Ito ay nararapat lamang na maging isa, kung hindi ang pinakamalaking pivotal point ng buhay ng protagonist, ng kuwento. kapag tinanggal mo ang isa, iba na ang dulo.

everything happens for a reason, but then, one has to decide for himself.

you decide when to close the book and when you want it to be. ang madalas na mali lang ay hindi na natututunan ng manunulat kung paano tatapusin ang kuwento. karamihan sa mga manunulat, ang alam lang isulat ay ang introduction at pagpapakilala sa mga tauhan. hindi nila alam paano tapusin ang kuwento, kaya nawawala ang mga manonood. at madalas, huli na para sa kanila. tiyaka na lang nila maiintindihan ang buong kuwento pagkatapos ng lahat, kapag huli na ang lahat at wala ng magagawa pa.