2.25.2009

martin's i-it

according to martin, human have two attitudes towards the world and its beings: the i-it and i-thou. basically, i-it relationships are the once associated with beings to objects, while i-thou are associated with being to being relationships.

according to martin, not all being to being relationships are i-thou, why is this so?

********


if a human being does not deserve to be treated as one, do you still treat him/ her as another human being or a being lower than your peer?

2.23.2009

there is beauty in solitude

may nagsabi sa'kin na malungkot mag-isa, lalo sa tuwing kumakain. hindi ko alam kung bakit, pero ang naisagot ko na lang ay:

tulad ng pain, there is beauty in solitude.

tiyaka ko pinag-isipan kung bakit ko nasabi ang linyang iyon. naisip ko, siguro dahil sa pag-iisa, marami akong nakikita.

sa tuwing naglalakad ako mag-isa, hindi nawawala ang bagong mga bagay na matutuklasan. hindi nawawala ang makakita at makaranas ng buhay ng iba--buhay na hindi likas sa akin, o hindi natin araw-araw na nakikita. sa tuwing mag-isa, laging may bago. sa tuwing mag-isa, hindi ko kailangang sabayan ang lakad ng iba--hihinto ako sa mga nais kong hintuan, bibilisan sa mga pakiramdam ko'y mapanganib, babagalan sa tuwing hahampas ang maalikabok na hangin.

dilim

hindi ko na maalala kung kelan ang huli, basta't ang alam ko ay buhay ako at ligaw sa mundong madilim na pinalilibutan ng mangilan-ngilang kaluluwa na nais akong dakpin. pilit ko mang kumawala, kailangan ko munang harapin ang madilim, makipot, at nakakapang-init kalamnan na eskinitang ito.

bukas ay umaasa ang aking katauhan na may hihila sa akin paputang liwanag, ipapamalas sa akin ang mundong kinagisnan muli. bukas, kung pahihintulutan, ang inaasahan ko dahil hindi ko ninais na manatili sa ganitong uri ng mundo--ang dilim nsa kapaligiran na pumapaimbulog na 'di ko ninais dahil kailan man ay 'di ko naging hilig ang pagsalat, ang makipot na lugar na tila sumasakal sa akin at pinipigil ang paglabas ng aking hininga, at ang init na kinasusuklaman ko sa 'di mawaring dahilan. hindi naman ako ganito rati. sa tuwing matatagpuan ang sarili sa dilim, mabilis naman akong nakaaalis. sana, sa pagkakataong ito, maging mabilis din.

umaasa kong may hihila sa'kin dahil wala na rin akong lakas. marahil ay naubos na ito mula sa mga nagdaang paglalakbay. oo, ito dapat ay nagpatibay sa aking mga paa't tuhod, pero baga na ngayon ang nais bumigay, at ang ibang bahagi ng aking katawan na tila sawa na sa paulit-ulit at paikut-ikot na paglalakbay na sa iisang kalalagyan din muling makikita ang sarili. dilim.

2.16.2009

gulong ng buhay, kalokohan

hindi gulong ang buhay at hindi ito pinatatakbo ng tsuper. oo, matagal na kasabihan na 'to pero totoo ba? tradition. culture. ito ang nakaugalian ng mga tao, ng mga pinoy.

tradition. ang matagal na kinagisnan ng tao. simula pa noon, ito na ang mga ginagawa at pinaniniwalaan ng mga ninuno natin. ngunit dahil din sa kadahilanang ito, maitatanong natin sa ating mga sarili, totoo ba ang kanilang kinagisnan? tama nga ba ang kanilang paniniwala?

culture. ito ang sariling paniniwala ng tao. kaakibat nito ang religion. bawat tao, may sariling culture (tulad ng religion). ito ay paniniwala, paniniwala ukol sa isang bagay o usapin.

culture. tradition. beliefs. hindi ko na alam ang pagkakaiba nila dahil sa palipat-lipat na paniniwala ng bagong science. technology. sasabihin ni doctor x na ito ang katotohanan. ilang taon o henerasyon, susulpot si doktor y at sasabihin kalokohan ang sinasabi ni doktor x.

thesis. anti-thesis. synthesis na magiging thesis. kung ganoon, sino ang tama? masasabi nga ba talagang parang gulong ang buhay na iikot at iikot at patuloy na iikot na lamang hanggang sa dumating ang panahon na mapapagod? sa gulong na ito, ikaw ba ang tsuper o ikaw ay parang hamster na pinaiikot lamang ng isang being na may hawak ng gulong (tatakbo at tatakbo dahil ito ang gusto ng mataas na being)?

ang mahirap kasi sa buhay, sa dami ng magagaling at nagmamagaling at nagpipilit maging magaling, hindi mo na alam ang susundin mo. hindi mo na alam kung alin ang totoo at tama. mali namang sabihin na nararamdaman ang tama dahil sa conscience. bakit? ang tao ay binigyan ng buhay at sariling isip upang umintindi ng bagay-bagay, kung ang nakuha ng utak natin ang isang data, ito ay ating ililipat at iintindihin. maipapasok sa ating utak, kung minsan ay gagawa ng sariling conclusion, kung minsan ay hahayaan na lang na baguhin ang ating sariling paniniwala. bibilugin at tulad ng sabi ng iba, hahasain ang ating mga utak. pero sa huli, iisa lang naman talaga ang kahihinatnan ng lahat, mauubos ang lahat ay 'pag natapos ang lahat, matatagpuan mo ang iyong sarili sa lugar kung saan ka umalis, bumalik, at umiyak.

i am no quitter, but i am tired of fighting

there is always a timeline in life where one can see the every detail he has put and received. it’s like a logbook where everything is written and recorded. mostly, it serves as a list of yes and no’s, do’s and don’ts, where as it should not be. basically, it is just a reference when everything has fallen and all you need is some fighting force to drive your passion back to where it was. it should serve its purpose when one has given his everything, because he has to have something to refer on to. if it cannot serve its purpose anymore, if it cannot revive what reality has lost, then what else is there?

you don’t call yourself a quitter if you have fought with all your might. you don’t call yourself a quitter if your reason for quitting is exhaustion in fighting. you don’t call yourself a quitter if you have given a whole new timeline for this one person. and if you do not call yourself one, no one else has the right.

2.13.2009

chapters ng buhay

when you close a chapter of your life, never stop there.

common cliché. kapag natapos ka sa isang libro, magbubukas ka ng bago. kapag nagsara ka ng pinto, hindi maaaring hindi ka magbubukas ng panibagong pinto o bintana man lang. bakit kamo? una, saan ka ba nakakita ng bahay na tinitirhan na hindi ginagamitan ng pinto? gagamitin at gagamitin ang pinto. pangalawa, kapag sinara na ang bahay habambuhay, kamatayan ang ibig nitong sabihin. pangatlo, kailangan ng tao ang hangin, ang lumabas at makita ang nasa labas. kailangan bumalik ang tao sa pinanggalingan.

when you close a chapter of your life, a new one begins.

new beginnings are good. mabuti dahil ang pinakamagandang bahagi ng buhay ay umpisa. Sa tuwing bibili ng libro, mga unang pahina ang unang babasahin. hindi ka naman nag-uumpisa sa gitna, hindi ba? sa tuwing maghahanap ka ng palabas na panunuorin, hindi ba’t trailers at teasers ang un among hinahanap? doon pa lang, hinuhusgahan mo na. doon pa lang, umaasa ka ng hindi ka mabibigo. doon pa lang, umaasa ka ng inihahanda mo na ang sarili mo sa maaaring mangyari. sa beginning, sa trailer, sa teaser, sa introduction, sa impisang banat, sa unang suntok. ang hirap kasi sa buhay, maging sa tao, kailangan pang mamili.

it is a risk to take, a decision to make.

pipili ka, pero kahit ano ang gawin ay makakasakit ka. magpapasya ka at pipiliin ang isa, makakasakit ka. pipiliin mong umupo na lang at hayaan ang mundo na umikot sa’yo, makakasakit ka pa rin. at pagkatapos ng lahat, pagkatapos ng mahabang balitaktakan ng isip at sentido, babalik ka sa umpisa—ang saktan ang sarili. bakit? paano?

lulunok ka ng malaking sako ng pride. hahayaang sampalin ng mga palad ng kung sinu-sinong hindi mo man lang nakitang naging masaya para sa’yo noon. hahayaang sampalin ng mga palad ng paulit-ulit dahil sa isang pagpapasyang hindi mo rin maintindihan.

closing a chapter of your life, and hoping to become a better man and have a better life.

being selfish. being able to do what you want to do and what you need to do for your life. buhay mo ‘yan at buhay ko ‘to. kapag sinunod mo ang nais mo, kapag ginawa mo ang gusto mong gawin, kapag ginawa mo ang kailangan mong gawin, kalokohan ang walang masasaktan. at hindi malayong mangyari na magsara ang isang chapter.

kung makakasakit ka lang din, bakit hindi mo na lang sundin kung ano ang nais mong gawin? bakit hindi mo na lang gawin ang dapat mong gawin na nais ng buo mong katauhan—ang magpapasaya sa’yo?

sacrificeto self-preserve.

sa isang kuwento, may mamamatay, mawawala, masisira, mababasag, masamang mangyayari na magpapaikot ng kuwento. sa katunayan, hindi naman madaling sabihin kung ano ang mangyayari sa isang kuwento. kalokohan ang magsalita ng tapos—isang madalas na pagkakamali ng halos lahat ng tao na nabubuhay sa isang paglalarawan ng realidad. dito, natatapos ang chapter.

there is beauty in pain.

when you close chapter of your life, it feels different. hindi lang siya masakit, iba. ibang-iba lalo na kung ikaw ang nagsusulat ng sarili mong kuwento. napamahal na sa manunulat ang bahaging iyon ng kuwento. at, dahil na rin sa kadahilanang ito, kailangan nitong matapos. masakit man,ayaw man, kailangang tapusin, magiging tunggalian at hindi magtatagal ay magiging mababaw na lubak na maaaring maging isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ng protagonist. maaaring ang pinakamagandang nangyari sa libro na maaaring magbigay sikat pa sa manunulat na ito, maaari.

it becomes a pivotal point.

pivotal. malaking salita para sa kuwentong halos hindi nabigyan ng katarungan ang mga tauhan sa kuwento. iikot. iikot. hindi natin alam kung saan hihinto, kung saan pupunta, at kung hihinto pa ba. Pero hindi maaaring huminto. buhay ka at buhay ako. buhay ang mga manonood. hindi maaaring huminto dahil maraming manghihinayang—mga mambabasa. kung basta na lang hihinto ay mawawalan ng saysay ang pagkamatay ng ikan sa mga karakter ng kuwento. pumatay ka ng isa, dalawa, at ito ay dapat mabigyan ng hustisya. Ito ay nararapat lamang na maging isa, kung hindi ang pinakamalaking pivotal point ng buhay ng protagonist, ng kuwento. kapag tinanggal mo ang isa, iba na ang dulo.

everything happens for a reason, but then, one has to decide for himself.

you decide when to close the book and when you want it to be. ang madalas na mali lang ay hindi na natututunan ng manunulat kung paano tatapusin ang kuwento. karamihan sa mga manunulat, ang alam lang isulat ay ang introduction at pagpapakilala sa mga tauhan. hindi nila alam paano tapusin ang kuwento, kaya nawawala ang mga manonood. at madalas, huli na para sa kanila. tiyaka na lang nila maiintindihan ang buong kuwento pagkatapos ng lahat, kapag huli na ang lahat at wala ng magagawa pa.