12.22.2008

nang matutong magsalita ang dyip

drayber: ang hirap kasi sa’yo, napaka-inconsistent mo. para kang tao kung umasta e.

dyip: ano’ng koneksyon!?

drayber: inconsistent!

dyip: paano?

drayber: sasabihin oo, hindi pala. sasabihing hindi, oo pala. paiba-iba. pabagu-bago

dyip: hindi naman ako pabagu-bago a!

drayber: hindi ka naman tao e!

dyip: ?

drayber: pero buti na rin at hindi ka tao.

dyip: bakit?

drayber: at least, kahit inconsistent ka. bihira ka lang inconsistent. alagaan ka lang, ayos na.

dyip: bakit? ang tao ba laging inconsistent?

drayber: madalas sa lagi. sasabihin hindi, pero ‘pag pilitin ng iba, magpapapilit din. ‘di mo alam kung ano’ng gusto.

dyip: totoo?

drayber: hindi naman sa lahat, pero madalas oo.

dyip: hindi ako tao.

drayber: kaya siguro naimbento ang mga bagay-bagay.

dyip: inimbento kami para makatulong sa mga tao, mapadali ang buhay.

drayber: ..at magkaroon ng consistency sa ilang parte ng buhay ng tao.