tao one: nakakapagod?
tao two: oo, sobra.
tao one: bakit?
tao two: anong bakit?
tao one: wala….
tao two: nakakainis kasi minsan.
tao one: ano ba’ng problema?
tao two: wala. minsan kasi ang hirap manghula.
tao one: bakit kailangan mo pang manghula?
tao two: ayaw ko kasi ng hindi handa.
tao one: so, ibig mong sabihin, kahit mali yung hula mo ayos lang?
tao two: siguro, mahirap kasi ‘pag hindi handa.
tao one: akala ko ba mahilig ka sa mga surprises?
tao two: oo, mahilig kung sa mahilig, pero hindi sa lahat ng bagay.
tao one: ibig mo bang sabihin, takot kang masaktan?
tao two: oo naman, sinu bang hindi takot?
tao one: pero kung hindi ka masasaktan, hindi mo mararamdaman.
tao two: sinasabi mo ba na dapat wala akong pakialam?
tao one: hindi naman, huwag ka lang masyadong paranoid. pati kasi utak ng iba, hinuhulaan mo.
tao two: ano namang masama roon?
tao one: hindi naman masama talaga. siguro, nakakasama lang sa’yo.
tao two: paano?
tao one: nakakatulog ka ba ng maayos tuwing gabi?
tao two: oo naman. siguro.
tao one: talaga? teka, anong oras ka ba nakakatulog?
tao two: mga eleven, twelve. depende, minsan kasi may mga naiisip pa ko bago matulog e.
tao one: tulad ng ano?
tao two: kung anu-ano.
tao one: ‘wag mo sabihing mga hula mo nanaman ‘yan?
tao two: minsan.
tao one: nakita mo na! tiyaka masakit manghula, hindi ba?
tao two: hindi naman masyado.
tao one: alam mo, ang hirap kasi sa’yo, pakiramdam mo alam mo lahat e.
tao two: kaysa naman hindi handa.
tao one: ano ba’ng kinatatakot mo?
tao two: lahat


0 comments:
Post a Comment