12.23.2008

ang tanong na mahirap sagutin, bakit?

one: bakit ‘pag tinatanong ka, ang sagot mo lagi wala kahit meron naman talaga?

two: ‘di ko alam, nasanay lang siguro. simula bata kasi ganoon na ko.

one: ngayon kaya, galit ka ba?

two: hindi.

one: o! ba’t hindi ang sagot mo?!

two: hindi naman kasi ako galit.

one: ibig ba nitong sabihin, ‘pag hindi ka galit ay hindi ang sagot?

two: hindi. minsan, puwedeng bakit ang sagot, puwedeng hindi naman, o kaya nama’y okay lang.

one: paano ko malalaman kung galit ka nga?

two: hindi mo ba nararamdaman?

one: nararamdaman.

two: ayon naman pala, ano pang pinoproblema mo?

one: paano ko malalaman ang dahilan ng pagkagalit?

two: tanungin mo!

one: bakit ka galit?

two: ‘di naman a.

one: sumigaw ka e.

two: hindi naman kasi ako galit.

one: ibig ba nitong sabihin, ‘pag sumigaw ka hindi ka galit?

two: ano ba’ng problema mo!?

one: e, kung sinasagot mo na lang kasi lahat ng tanong ko, e ‘di sana tapos na ‘tong usapan kanina pa.

two: may mga bagay kasing mahirap sabihin. minsan, kailangan may bayag ka para umamin.

one: bakit wala ka bang bayag?

two: yan na nga bang sinasabi ko. hindi kasi bayag ang pinaguusapan dito. tao kaya.