10.28.2008

tuyo at suso

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.

sino ba naman ang hindi maiinis sa paulit-ulit na araw-araw. tang-inang buhay ‘to.

gigising, at tuyo ang nasa hapag kahit hindi na silipin ay alam na. isang tuyo na tira ng hapunan kagabi. lagi na lang, pati ang mga t-shirt na ginagamit sa pedicab ay pare-pareho rin, pero hindi naman ako nagrereklamo. sa wala akong pera e. nagsasawa lang ako sa ganitong buhay, tuyo.

dumiretso siya ng banyo, ngunit baldeng kalahati lamang ang laman ang naabutan. wala pa ring tubig, habang mabagal at isa-isang pumapatak ang mga butil sa faucet. pati ang banyo, tuyo. lintek na bahay ‘to oo.

sa inis, lumabas na lang siya ng kuwarto suot ang kamisetang punit ang manggas. lumagapak ang pinto ngunit hinayaan na lang niya ‘to. kung sabagay, wala namang mananakaw sa bahay nitong walang laman. pati tubig ay hindi mananakaw.

sa loob ng makipot na eskinita naroon ang bahay ni boy. simula bata’y ulila na, pinamigay kung kani-kanino at lumaking mandurukot. ngayon na nga lang siya nagkaroon ng trabaho nang iatakas niya nang napanalunan niya ang pedikab na pinusta ni ka boji. at dahil may kaya naman si ka boji ay hinayaan na lang si boy. tutal, nakababawi naman siya sa ibang mga karerista. palibhasa’y maraming sideline, bugaw din kasi ang gago.

********

nag-uumpisa ang buhay ni boy sa pagpapadyak ng kanyang pedikab patungong paaralan. malapit-lapit lang sa bahay kaya’t hindi problema ang paggising ng maaga. maghahatid siya ng mga estudyante, iba’t mga guro na pilit niyang sinisilip ang slit ng palda ngunit laging bitin. ayaw naman niya ng mga estudyante, masyadong small time. gago nga siya, kilala na siyang gago. ganito ang araw-araw niya liban sa mga gabing nasa basketbol court siya.

isa siya sa mga kinatatakutan sa basketbol. palibhasa’y shooter sa tres at maliksi gumalaw. gawa na rin ng pagpapadyak, hindi siya mabilis mapagod sa balikan ng court. umaarangkada siya sa tuwing third or fourth quarter, kapag pagod na ang mga players at crunch time ika nga. ngunit ang isa sa mga talagang dahilan ng pagbabasketbol nito ay si riya.

si riya ang isa sa mga manonood sa baranggay nila. makinis, maputi ang kutis, malusog ang mga suso. at madalas pang naka-spageti kaya’t sa tuwing makapapasok ng tres si boy ay agad itong lilingat kay riya upang magpasikat.

di ko naman trip si riya e, pero bihira lang ang may magkagusto sa tulad ko. walang direksyon ang buhay, may balat sa mukha—kaliwang pisngi, kalbo, puno ng tato ang likod. wala akong maipagmamalaki pero hayan siya, pumapalakpak sa tuwing ako ang may hawak ng bola.

********

ilang minutong pagpapadyak. madalas ay nakatambay. ang ibang kasamahan ay madalas sa karinderya, ang ilan nama’y pagwapuhan sa pagkuwento ng mga kantutan blues nila. mayroon namang taya sa kabayo at lotto, utang at sugal, madalas ay pera, ngunit hindi nawawala ang mga kuwentong rambulan, basketbol at babae. Likas na yata sa lalaki ang kuwnetuhang ganito lalo na’t sa mga lalaking walang ginawa kundi ang tumambay sa mga club at mag-abang ng mga pokpok at makipag-kaibigan sa mga bugaw. malaking bagay daw ang mga bugaw kaya’t kailangang kaibiganin. mas murang pekpek nga, hindi ba? pero hindi ito ang grupo ni boy. gago siya pero bihira siyang makigulo sa mga ganitong usapan. mas masaya siyang matulog sa kanyang pedikab, managinip habang nakasabit sa taas ang litrato ng kanyang mga kakosa. nabilanggo siya ng apat na taon nang mahuli siyang gumagamit ng droga. ngunit dahil din sa koneksyon, nakalaya. sa bilibid din nanggaling ang tato niya sa likod.

totoo, nakalilibog ang mga kuwentong kantutan blues, nakapagpapalawak ng imahinasyon pero wala rin naman itong kuwenta kung masasayang lang dahil wala rin naman siyang pera. wala akong panahon sa mga ganyan. kahit gago ako, gusto ko ring magkaroon ng pamilya. kailangang makaipon. kailangang magtipid.

uuwi ng gabi, dala ang isang supot ng tuyo. dito ngkakatalo. minsa’y wala siyang gana, minsa’y gutom na gutom. ngunit kahit ano pa ang lagay nito, tuyo pa rin ang ulam.

********

uupo siya sa sahig at isisilid ang kamay sa ilalim ng kabinet. pagkalabas ng kamay ay may kasabay na itong sapatos—isang bota. huhugot siya ng pera sa kanyang bulsa. bibilangin ito. anu ba yan, kulang pa rin. at, isisilid ang pera sa sapatos. dito niya kukunin ng perang ipambibili ng dyip.

********

minsa’y hihiga na siya, ngunit madalas ay maliligo dahil sa ganitong mga oras, puno na ang balde, minsa’y umaapaw pa.uupo siya sa basag-basag na tiles at ididikit ang likod sa pader. riya.

magtatanggal ng kamiseta at maong. dudura sa kamay at tiyaka hahaplusin ang sarili. magtitikol, maliligo, bago hihiga sa kanyang kamang gawa sa karton at makapal na styro.

********

madalas ay tuwing sabado ang laro sa baranggay. kahit anong araw naman ay ayos lang. wala naman akong rubber shoes o ano. kahit manipis tong tsinelas ko ay kaya ko silang iwanan. bihira silang matalo kaya’t sa tuwing mananalo ay lalapit si riya upang batiin siya.

may gagawin ka ba ngayon gabi? madalas niyang tanong, ngunit dahil pagod at nagtitipid, lagi itong nagsasabi na may gagawin o pupuntahan pa. at sa kanyang pag-uwi, hihilata ito sa kama habang iniisip ang riya ng kanyang buhay. siya na lang kasi ang natitirang buhay niya, wala na siyang magulang at wala naman siyang kapatid. walang halos kaibigan at wala rin namang maasahan sa mga kapitbahay na drogista. bubuhayin niya ang kanyang imahinasyon.

********

biglang pumasok si riya sa bahay. at dahil maliit lang ang bahay, kitang kita siya ni riya habang hawak ang kanyang ari. bakas sa mata ni riya ang pagkagulat ngunit agad itong nawala.

at doon, binuhay ni boy ang kanyang imahinasyon.

pumasok si roel. “tang-ina!”