10.28.2008

hindi naman kita kakantutin sa taxi

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.

buong araw ka ngang naka-aircon pero ang likod at puwet mo naman ay bugbog na bugbog sa tagtag at haba ng biyahe. tatlong taon pa lang akong driver ng taxi pero nagsasawa na ko. oo, maraming pasahero. buwan buwan ay mayroong isang sako ng bigas na kulang pero puwede na rin sa’ming pamilya. oo, iba’t ibang tao ang nakakausap ko pero nakakasawa e. pero ano ba naman ang magagawa ko, masuwerte na nga ‘to. hirap maghanap ng trabaho e.

friday ang coding ng taxi ko kaya ‘pag sabado ay bangag. nakatatawa pero ito lang ang nakapagpapasaya sa akin—ang makita si riya sa tuwing igigiling niya ang kanyang mga bewang. tuwing friday, nasa club ako. isang club lang ang pinupuntahan ko, ang riya’s club. riya’s club kasi ang oras lang ng pagsayaw ni riya ang pinupunta ko.

maaga kung magpunta ng club si waldo upang makapuwesto sa harap ng stage, makakuha ng maganda upuan (na lagi ay siya ang nakakakuha ng upuang iyon, ang anggulo kung saan naaaninag ang bahagyang parte ng puwet ng sumasayaw at pisngi ng suso ni riya.

hindi ko naman talaga type ang boobs ni riya. ayaw ko nga sa malalaking boobs e, pero hindi ko maiwasan. tiyaka nagbabayad naman ako, mahal kaya ng beer dito. ayaw ko talaga ng malalaking boobs, pero isipin mo naman. nagpunta na ko rito e. nakaupo na ko. sayang. tiyaka hindi ko ring maiwasang tigasan sa tuwing maglalabas siya ng pisngi . boner daw sabi ng kanong joe nang nakikipag-usap siya sa pilipinang nakahawak sa bandang tiyan noong galing ako sa may naia. tama ba iyon?

totoong nakaaakit ang mga mata ni riya. hindi talaga ang suso ni riya ang binabalik-balikan ni waldo kundi si riya talaga. hindi ang sumasayaw sa entablado ngunit ang tao sa likod ng sumasayaw ng paikot-ikot. hindi ang hugis ng puwet sa tuwing nagtatanggal ng skirt kundi tao sa likod ng iba’t ibang kulay na ilaw sa dilim. nakasanayan na ito ni waldo.

********

hindi nakasasawa. maging ang paulit-ulit na pagtanggi ni riya sa aking alok.

bago magsara ang club ay lalapitan niya ito. magpapakilalang muli, “ako si waldo. may gagawin ka ba mamaya?” alam ni riya ang tanong na ito. pamilyar. madalas na niyang naririnig at madalas din niyang gamitin sa isang taong malapit sa kanyang puso.

at dahil malapit ito sa kanyang puso, ganito na rin ang kanyang isinasaog. tulad ng sagot ni boy sa tuwing tatanungin niya kung may gagawin ba siya pagkatapos magbasketbol, “may pupuntahan pa ko e” o “may gagawin pa ko e.” masakit pero nakasanayan na ni riya. masakit pero nakasanayan na ni waldo ang ganitong mga sagot.

“hatid na kita pauwi.” alok ni waldo. “tiyaka na lang, naghihintay sa’kin ang boyfriend ko e.” malumanay na sagot ni riya kahit alam niya sa sarili niyang walang naghihintay na boyfriend. walang boyfriend. walang naghihintay?

********

baka iniisip niya e kantot lang ang habol ko. alam ko namang dancer lang siya. hindi siya pokpok at hindi siya ganoong babae. nais ko lang ng kausap, gusto ko lang naman siyang makilala. Naka-ipon na nga kong pan-date namin e.

********

“hatid na kita pauwi riya. pauwi na rin ako e.”

********

“sige”