10.23.2008

ang paghihiganti ni dylan

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.


“tangina mo....” bulong niya kasabay ng saksak niya sa tagiliran ng mamang nakahiga na sa semento. nakaupo siya rito habang nakatitig sa mga sugat na halos hindi na mabilang ang saksak. labimpitong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang natanggap ng lasing na drayber ng traysikel sa tabatoda.

********

sa kasalukuyan, wala pa ring makapagsabi kung ano ang motibo ng.... ang mga huling salitang narinig ni sane sa news report na pinapanood. huli na nang malaman niyang naroon na ang killer. nakaupo siya sa sopa habang nakatali ang bibig ng medyas na basang-basa ng ihi. ang mga kamay ay nasa kanyang likod na nakatali ng mahigpit. ang kanyang mga paa nama’y mahigpit na tinalian ng manipis na alambre.

at dahil mabigat ang katawan nito dahil sa katabaan, hindi siya makakilos. nais man niyang sumigaw, hindi niya ito magawa. halos maubos ang kanyang pinagmamalaking lakas. walang halaga ang makapagliligtas sa kanya, kahit pa ang pinakamamahal niyang itim na sedan na napulos niya sa kanyang mga magulang.

hinila siya papunta sa kusina. madilim ang paligid, ang naaaninag lamang niya ay ang umiindayog na makintab na repleksyon ng kutsilyo. nakaturo ito ng pailalim, tila naghihintay na lamang ng tamang oras. sino ka ba! ano ba ang nagawa ko sa’yo? sino ka ba?! ngunit hindi niya masabi. basang-basa na ang kanyang mukha ng ihi dahil sa kalikutan. halos napiga na niya ng tuluyan ang medyas na nasa kanyang bibig pa rin. nagsusugat na ang kanyang mga paa dahil sa alambreng nakapaikot dito. pero, matapang siya. mayaman siya at naniniwala siyang matatapos din ito. at sa oras na makawa siya sa pagkakatali, paluluhurin niya ito sa kanyang harapan at paglalaruan. higit pa sa ginagawa niya sa kanya ngayon.

matalim ang tingin niya sa killer, kahit pa hindi niya nakikita ang mga mata nito. anino lang ang nakikita niya, ngunit alam niyang nakatitig din ito sa kanya. nakatayo ito sa kanyang harapan, mga dalawang metro ang layo sa isa’t isa. tahimik, tulog na ang mga tao, pati ang mga guwardiya.

humila ng upuan ang killer papunta sa kinalalagyan ni sane. Umupo ito, at mula sa kanyang bulsa, humugot ito ng labaha. nanlaki ang mga mata ni sane, ngunit tila hindi ito napansin ng killer. ilang ulit nitong pinahit sa kanyang sinturon bago lumapit kay sane. sa pagkakataong ito, nagtagpo ang kanilang mga mata.

nanlamig si sane. kung kanina’y matapang siya, kung hindi nawala ay nabasawan ito. natigilan siya, ngunit patuloy sa paglapit ang mukha ng killer. hinila nito ang paa ni sane at ipinatong sa kanyang hita. bahagyang bumaba ang hita ng killer dahil sa bigat, ngunit ipinatong pa rin nito ng kanang paa. tinanggal nito ang sapatos at medyas at binasa ng tubig ang paa nito.

tangina. ano ba’ng problema mo?! wala akong ginagawa! ngunit walang makarinig sa kanya. kilala niya ang killer. naduduwal siya. nahihilo. nanginginig at sumasakit ang batok. naninigas.

dahan-dahan niyang inilapat ang labaha sa paa ng binti ni sane. naramdaman ni sane ang lamig mula sa blade ng labaha, dumaloy ito papunta sa kanyang mga pisngi. mabilis na pinadusdos ang labaha sa binti. natanggal ang balbon ni sane. walang naramdaman si sane, tiyaka lang niya napansin ang sakit nang pigaan ito ng kalamansi ng killer. humagulgol siya, nagpumiglas ng kanyang bilog na katawan ngunit hindi siya nakawala.

walang reaksyon ang killer. sumandal lamang ito at ipinatong ang hawak na labaha sa kanyang tiyan.

habang nakapulupot sa sakit si sane, sinubukan niyang mag-isip. sinubukan niyang maging kalmado para makapag-isip ng maaaring gawin. nais niyang makatakas. alam niyang hindi siya bubuhayin ng killer. pero bakit ako? bakit pati yung mga iba? bakit....hindi. wala nang oras para mag-isip pa ng kung anu-ano. kailangang makatakas. kailangang mabuhay. kailangan niyang makalabas ng bahay at makasakay sa kanyang itim na kotse.

umurong ang upuan. nang marinig ito ni sane, agad siyang lumingon. ngunit sa kanyang paglingon, sumalubong sa kanya ang suwelas ng killer. tinamaan siya sa mukha at nahilo. may dugo atang tumutulo sa kanyang ulo. wala siyang nararamdaman, ngunit nakahawak siya sa kanyang ulo dahil sa pagkahilo.

pumasok ng c.r. ang killer. nang makita ito ni sane, pinilit niyang tumayo. itinukod niya ang mga siko sa marmol na parte ng kusina, sumandal. humapdi ang mga sugat sa kanyang binti. puno na ng dugo ang sahig, at dumagdag ito sa pasanin ni sane. naging madulas ang sahig, at kailangan na niyang magmadali. tila batang nasa pool, isa-isa ngunit mabilis siya kumapit sa mga mahahawakan. ginamit niya ang mga siko at tuhod. nang umabot siya sa pinto palabas ng garahe, dumulas ang kanyang siko. bumagsak siya at sumalpak ang kanyang mukha sa busol ng pinto. nagkataon namang tuhod ang naunang tumama sa sahig.

nakarinig ng ilang kalabog ang killer sa loob ng c.r. ngunit hindi pa siya tapos sa kanyang ginagawa, nagmadali siya. nakabukas ang ilang mga bote sa loob ng c.r.

naramdaman ni sane ang basag na tuhod. tila biskwit na pinutol sa loob ng kanyang katawan ang narinig niya nang bumagsak siya. nang pilitin niyang tumayo, hindi na niya maramdaman ang kanyang kaliwang binti. pati ang kanyang kaliwang braso ay nanghihina na rin.

isa-isa nang nalalaglag ng killer ang mga boteng pinaghahalu-halo. bakas sa kanyang mga guwantes ang panginginig, ang labis na panananabik.

gamit ang kanang kamay at ang sugatang kanang paa, hinila nito ang katawan paputa sa kanyang sasakyan. nasa garahe na siya, malapit na malapit na sa kanyang sasakyan nang lumabas ng c.r. ang killer. nang makita ito ni sane, agad siyang sumakas sa kanyang sasakyan at sinara ang pinto.

pagkalabas ng killer, hawak na niya ang isang basong puno ng tubig. ngunit hindi ito tubig.

nakasaksak ang susi ng sasakyan, ngunit nais man niyang buksan ang sasakyan, wala siyang magawa. puno ng medyas ang bibig, nasa likod ang mga kamay, basag ang kaliwang tuhod, at nakatali ng alambre ang mga paa. nais man niya, hindi man lamang niya magawang i-lock ang pinto ng sasakyan.

ngumiti ang killer. binuksan niya ang pinto ng sasakyan, at dahan-dahang yumuko at pinasok ang ulo sa loob ng sasakyan. ibinuhos nito ang ang nasa baso, habang nakatitig sa mata ni sane. bakas sa mga mata ni sane ang sakit. ang mga pawis buo-buo, at naihi siya sa kanyang pantalon.

nang maubos ang laman ng baso, “antayin mo ko rito, babalik ako....” bulong niya sa tainga ni sane. basang-basa ang ibabang bahagi ng katawan niya. ngunit hindi lang tubig ang mayroon doon, ang pinaghalu-halong mga panlinis ng c.r., mga acidong ginagamit sa mga tiles, mga gamot at kung anu-ano pa na basta na lang inilagay sa isang lalagyan.

tangina. tangina mo.

ilang sandali pa ay bumalik ang killer. dala muli ang kanyang labaha at dalawang bote ng alkohol, pangiti na umupo ito sa tabi ni sane. “alam mo, masuwerte ka. ikaw na nga ang sumira ng buhay ko, sa’yo ko pa inaalay ang buhay ko.” habang nilalaro ang labaha. “nagtatanim ako ng galit sane. ‘wag kang mag-alala, matagal pa tayong magsasama.” tuloy ng killer habang tumatawa.

********

puno ng dugo ang sumalubong sa amin nang maabutan namin ang bahay ni sane tino, isang mayamang tagapagmana ni... dugo lalo na ang parteng kusina nito... garahe, pati na rin ang paboritong itim na sentra ni sane... ang pinagtataka ng mga operatiba ay kung paano nailabas ng killer ang katawan ng biktima kung....

tila nag-iiwan ng palatandaan ang killer kung sino ang isusunod niya... ford focus....

********

“parang awa mo na! ayaw ko pang mamatay!” nakahubad, nakatali na parang babuyan, basag ang ulo, punit ang kanang pisngi, may tama ng baril sa tagiliran, putok ang kaliwang tuhod, at sugatan, at nangangamoy ang katawan ng alkohol. “ano ba ang atraso ko sa’yo?!”

inilapat ng killer ang mukha sa mukha ni sane. bumaba. gamit ang labaha, dahan-dahan nitong pinutol ang ari na natakpan na ng malaking tiyan. nang humiwalay ang huling balat na nagdidikit, inilagay ito sa garapon at ipinatong sa upuang nasa harap ni sane.

binuhusang muli siya ng alkohol.

“ano, natatandaan mo na ba?”