10.28.2008

hindi ako pokpok, dancer ako.

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.

“dancer po.”

“magaling po akong sumayaw.”

“hindi po, hindi ako maghuhubad.”

“sexy lang po.”

“hindi po.”

“maraming salamat po. Maraming salamat po.”

********

pansinin mo naman ako. shoot! shoot! shoot. ang galing mo....

********

“babaeng naka-pula!” sigaw nang isang mamang may kasamang ilang mga lasing sa akin nang lumabas ako ng club pauwi. nalingat ako ngunit tumuloy na ko. lagi namang ganito rito. ang daming mga bastos. hindi ako pokpok! dancer lang ako. Kung nakapagtapos lang sana ako ng high school.

********

pansinin mo naman ako. boy, pansinin mo naman ako. yey! nanalo! panalo nanaman tayo!

lumapit siya kay boy, ang mvp ng baranggay nila pagdating sa basketbol. hindi man guwapo, puno siya ng pagkalalaki. may balat siya sa kaliwang bahagi ng mukha, halos natatakpan ang buo niyang pisngi. puno ng tato ang likod. minsan lang ito nakita ni riya nang mag-champion ang baranggay. naghubad ito ng t-shirt at iwinagayway. nakita niya ang buong likod niya na mistulang maliit na mural. puno ng iba’t ibang uwi ng tato, may sawa, may mga pangalan, may mga babaeng nakahubad bandang tagiliran, ngunit ang nag-iisang agaw-pansin ay ang tato na korteng isda na nasa bandang balikat nito na may nakasulat sa jesus sa loob.

“may gagawin ka ba mamaya?” tanong ni riya sa mvp ng baranggay at pedikab driver ng kalsada nila. natigilan si boy. “meron.”

********

“tangina tinataguan mo ba ko?” naglalaway pa nang tanungin siya ng lalaking noong nakaraang linggo ay tinawag siyang “babaeng naka-pula” hawak siya ng mahigpit sa braso ni roel habang halos nakadikit na ang mukha sa mukha ni riya. naglalaway na tila naka-shabu. “tinawag kita ‘di ba? naalala mo ba?” muling tanong ni roel. Hindi umimik si riya, tumango lang siya.

“ano’ng pangalan mo?”

“ri... riya....” mabagal na sagot ni riya habang namimilipit sa sakit. bumitaw si roel, “sumunod ka sa’kin.”

naglakad siya patungong eskinita, sa gitna ng dalawang club. Sa tabi ng mga basurahan, madilim, nagbaba ng pantalon si roel. “pokpok ka ‘di ba?”

“hindi, dancer lang ako.” mahinang sumagot si riya. hinila nito ang ulo ni riya at napasubo siya sa ari ng lalaking amoy alak.

********

“may gagawin ka ba mamaya?” tanong ng isang taxi driver pagkatapos niyang sumayaw sa stage. tapos na ang kanyang shift at wala nang dahilan pa para manatili. gusto na niyang umuwi at matulog. walang nag-aalaga sa kanyang ina na may kanser at kapatid na pipe.

siya nanaman? hindi ko siya puwedeng sungitan, isa siya sa mga masugit na nanonood sa akin. “meron e.”

********

“may gagawin ka ba?” hindi sumagot si riya sa tanong ni waldo, ang taxi driver na masugid na nanonood sa kanya tuwing biyernes ng gabi. “hatid na kita pauwi riya. pauwi na rin ako e.” alok niya kay riya.

“sige.”

sa unang pagkakataon, sa harap ng club lumabas si riya. at sa kauna-unang pagkakataon, may kasama siyang lumabas ng club. papatayo na si roel nang makita niyang pumasok si riya sa taxi. mabilis na umandar ang taxi at nawala sa kadiliman.

********

tangina mo roel! hindi mo na ko magagamit! hindi na ko magpapagamit. maghintay ka lang, gaganti ako. gaganti ako. waldo. boy! boy!

********

pumasok siya sa eskinita at dumiretso sa bahay ni boy. nang makapasok siya sa bahay, nakita niya agad si boy na nakahilata sa kama. habang hawak ang ari, nagulat si riya. ngunit mabilis itong nawala at tumakbo sa kama kung saan nakahiga si boy. hinagkan niya ito. nabigla si boy, ngunit nang madikit ang suso ni riya sa dibdib ni boy ay hindi niya napigilan ang mga imahinasyong noon pa’y nais na niyang buhayin.

“tangina!” sigaw ni roel nang makita niya ang dalawa na magkapatong. naka-upo si riya sa lalake habang nahubad, pawisan at nasa sahig. “tangina boy! ano ‘to!” sigaw ni roel.

mabilis na nagtakip ang dalawa. “ano! bakit?” sagot ni boy habang nakatakip sa kanyang ari. umakyat sa kama si riya upang magtakip ng kumot.

“tangina niyo!” galit na pagmumura ni roel. “tangina mo! kala ko ba magkaibigan tayo!” sunod na sigaw ni roel habang patakbo patungo kay boy. agad nakaiwas si boy ngunit nang sumipa si roel ay tinamaan siya sa ari.

********

tangina mo roel! hindi mo na ko magagamit! hindi na ko magpapagamit. sabi ko sa’yo gaganti ako. boy. boy.

********

hindi mo na kailangang sumipsip kay ka boji. hindi mo na kailangang chumupa para sa discounted na mga pokpok. hindi mo na kailangang gumamit ng droga para mawala sa bilangguan mong mundo. hindi mo na kailangan pang magpanggap. sorry roel. hindi ko sinasadya. –boy.

********

shoot! shoot! shoot. ang galing mo boy....

shoot! shoot! shoot! shoot! shoot....

hindi naman kita kakantutin sa taxi

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.

buong araw ka ngang naka-aircon pero ang likod at puwet mo naman ay bugbog na bugbog sa tagtag at haba ng biyahe. tatlong taon pa lang akong driver ng taxi pero nagsasawa na ko. oo, maraming pasahero. buwan buwan ay mayroong isang sako ng bigas na kulang pero puwede na rin sa’ming pamilya. oo, iba’t ibang tao ang nakakausap ko pero nakakasawa e. pero ano ba naman ang magagawa ko, masuwerte na nga ‘to. hirap maghanap ng trabaho e.

friday ang coding ng taxi ko kaya ‘pag sabado ay bangag. nakatatawa pero ito lang ang nakapagpapasaya sa akin—ang makita si riya sa tuwing igigiling niya ang kanyang mga bewang. tuwing friday, nasa club ako. isang club lang ang pinupuntahan ko, ang riya’s club. riya’s club kasi ang oras lang ng pagsayaw ni riya ang pinupunta ko.

maaga kung magpunta ng club si waldo upang makapuwesto sa harap ng stage, makakuha ng maganda upuan (na lagi ay siya ang nakakakuha ng upuang iyon, ang anggulo kung saan naaaninag ang bahagyang parte ng puwet ng sumasayaw at pisngi ng suso ni riya.

hindi ko naman talaga type ang boobs ni riya. ayaw ko nga sa malalaking boobs e, pero hindi ko maiwasan. tiyaka nagbabayad naman ako, mahal kaya ng beer dito. ayaw ko talaga ng malalaking boobs, pero isipin mo naman. nagpunta na ko rito e. nakaupo na ko. sayang. tiyaka hindi ko ring maiwasang tigasan sa tuwing maglalabas siya ng pisngi . boner daw sabi ng kanong joe nang nakikipag-usap siya sa pilipinang nakahawak sa bandang tiyan noong galing ako sa may naia. tama ba iyon?

totoong nakaaakit ang mga mata ni riya. hindi talaga ang suso ni riya ang binabalik-balikan ni waldo kundi si riya talaga. hindi ang sumasayaw sa entablado ngunit ang tao sa likod ng sumasayaw ng paikot-ikot. hindi ang hugis ng puwet sa tuwing nagtatanggal ng skirt kundi tao sa likod ng iba’t ibang kulay na ilaw sa dilim. nakasanayan na ito ni waldo.

********

hindi nakasasawa. maging ang paulit-ulit na pagtanggi ni riya sa aking alok.

bago magsara ang club ay lalapitan niya ito. magpapakilalang muli, “ako si waldo. may gagawin ka ba mamaya?” alam ni riya ang tanong na ito. pamilyar. madalas na niyang naririnig at madalas din niyang gamitin sa isang taong malapit sa kanyang puso.

at dahil malapit ito sa kanyang puso, ganito na rin ang kanyang isinasaog. tulad ng sagot ni boy sa tuwing tatanungin niya kung may gagawin ba siya pagkatapos magbasketbol, “may pupuntahan pa ko e” o “may gagawin pa ko e.” masakit pero nakasanayan na ni riya. masakit pero nakasanayan na ni waldo ang ganitong mga sagot.

“hatid na kita pauwi.” alok ni waldo. “tiyaka na lang, naghihintay sa’kin ang boyfriend ko e.” malumanay na sagot ni riya kahit alam niya sa sarili niyang walang naghihintay na boyfriend. walang boyfriend. walang naghihintay?

********

baka iniisip niya e kantot lang ang habol ko. alam ko namang dancer lang siya. hindi siya pokpok at hindi siya ganoong babae. nais ko lang ng kausap, gusto ko lang naman siyang makilala. Naka-ipon na nga kong pan-date namin e.

********

“hatid na kita pauwi riya. pauwi na rin ako e.”

********

“sige”

discounted pokpok

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.

di maipagkakailang kinagigiliwan si roel ng mga babae. palibhasa’y kargador, ang hubog ng kanyang katawan ay batu-bato. ang mga kasama ay maton din kaya’t sa tuwing may break ay pagbubuhat ang laro. gamit ang sinementong lata ng boysen, isang pahabang bakal na nakatusok sa gitna. barbel na siya—boysen barbel. Ito ang kanilang binubuhat, pinag-uubusan ng panahon.

masipag si roel, kung minsa’y walang pasok sa pabrikang pinagtra-trabahuhan ay suma-sideline sa mga ibang pabrika bilang pahinante, minsa’y kumakarpintero sa mga bahay-bahay, o namamasada ng dyip na pagmamay-ari ng ka boji. hindi tulad ni boy na madalas kalabanin si ka boji sa mga pustahan, kapit-tuko naman si roel. bagaman magkaibigan ang dalawa, magkaibang-magkaiba dumiskarte ang dalawa.

tuwing biyernes ng gabi nama’y laging puyat si roel. gumagala kasama ang ibang mga babae sa club, umiinom at minsa’y nauuwi pa sa mga motel. nakakapagod na kaya ang buong linggo ko, kaunting saya naman para hindi ako matigang.

********

nang minsa’y mapadaan ang barkada ni roel sa club kung saan nagsumasayaw si riya, saktong kalalabas lang ni riya. at dahil sa hitsura ni riya—halos kitang puwet na palda, spageti na pang-itaas at makapal na kulorete, sumigaw si roel. tinawag niya ito ng “babaeng naka-pula”

lumingon si riya, ngunit dahil madilim ay hindi ito pinansin. nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad.

lasing noon si roel at halos hindi na makalakad ng maayos. akay-akay na lang siya ng kanyang mga kabarkada at ilang mga babaeng makakapal din ang kulorete.

********

naglabas ng isang maliit na supot si roell habang nasa labas ng isang club. kasama ang ilang mga kaibigan na nagyo-yosi, nagyaya siya ng session.

huwag dito paalala ng isang kabarkada, ngunit nasindihan na ni roel ang joint.

“huwag na tayo umuwi, kumuha na lang tayo ng isang motel dito o.” anyaya ng isa pang kabarkada na lumalabo na ang paningin.

********

bumaba si roel ng motel at nagpunta sa club kung saan nakita si riya. Ilang minuto lang ay lumabas sa likod ng club si riya, sa pagkakataon ito, itim na spageti siya at hapit na maong. dumaan ito sa harap ni roel nang ‘di nito napansin. halos patulog na rin si roel kaya’t hindi rin nito napansin si riya.

********

“tangina tinataguan mo ba ko?” naglalaway pa nang tanungin ni roel si riya. hawak niya ang braso nito habang nakatitig sa mata ni riya. dalawang linggo na ang nakaraan nang tawagin siya ni roel at ‘di niya pansinin.

“tinawag kita ‘di ba? naalala mo ba?” tanong ni roel sa mababang boses na tila rakistang basag sa shabu. tumango si riya habang namimilipit sa sakit. hinigpitan ni roel ang pagkakahawak nang mapansing unti-unting dumudulas sa kanyang kamay ang braso nito.

nang mapatingin sa baba si roel, agad niyang nakita ang makinis na susong nakasilip sa pulang spageti. “ano’ng pangalan mo?” muling tanong ni roel. sa pagkakataong ito, sumagot si riya ng maayos. “ri... riya....” mabagal na sagot ni riya. binitawan ito ni roel, “sumunod ka sa’kin.”

********

sa madilim na eskinita sa gitna ng dalawang bar pumasok si roel. sa takot ni riya, sumunod siya. nagbaba ng pantalon si roel at hinila ang buhok ni riya. hinila nito pababa ang buhok. napaluhod si riya. “pokpok ka ‘di ba?” pasigaw na tanong ni roel, umaasang hindi sasagot ang babae ngunit nang tumingala si riya. “hindi, dancer lang ako.” mahinang sagot niya.

********

naka-upo si roel satabi ng puno na nasa tapat lang ng club. halos trenta minutos na siyang naroroon nang lumabas si riya. tumayo siya sa bangko at naglakad patungo sa babaeng nakasuot ng pulang blouse at masikip na maong. “bakit hindi ka naka-spageti?” maangas na tanong ni roel. “iniiwasan mo ba ko?” tuloy niya habang hawak ng mahigpit ang tagiliran nito. sumunod ka sa’kin hayup ka. kala mo matatakasan mo ko.

ibaba mo ‘yan. hindi kita titigilan. hindi ko na kailangang kaibiganin pa ang matabang iyon. tangina mo boji. tangina niyo! hindi ko na kailangan pang sumunud-sunod sa’yo para lang sa discounted mong mga pokpok. matagal na kong nagtitiis sa maliit mong bayag. sawang-sawa na ko.

riya! akin ka na!

tuyo at suso

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.

sino ba naman ang hindi maiinis sa paulit-ulit na araw-araw. tang-inang buhay ‘to.

gigising, at tuyo ang nasa hapag kahit hindi na silipin ay alam na. isang tuyo na tira ng hapunan kagabi. lagi na lang, pati ang mga t-shirt na ginagamit sa pedicab ay pare-pareho rin, pero hindi naman ako nagrereklamo. sa wala akong pera e. nagsasawa lang ako sa ganitong buhay, tuyo.

dumiretso siya ng banyo, ngunit baldeng kalahati lamang ang laman ang naabutan. wala pa ring tubig, habang mabagal at isa-isang pumapatak ang mga butil sa faucet. pati ang banyo, tuyo. lintek na bahay ‘to oo.

sa inis, lumabas na lang siya ng kuwarto suot ang kamisetang punit ang manggas. lumagapak ang pinto ngunit hinayaan na lang niya ‘to. kung sabagay, wala namang mananakaw sa bahay nitong walang laman. pati tubig ay hindi mananakaw.

sa loob ng makipot na eskinita naroon ang bahay ni boy. simula bata’y ulila na, pinamigay kung kani-kanino at lumaking mandurukot. ngayon na nga lang siya nagkaroon ng trabaho nang iatakas niya nang napanalunan niya ang pedikab na pinusta ni ka boji. at dahil may kaya naman si ka boji ay hinayaan na lang si boy. tutal, nakababawi naman siya sa ibang mga karerista. palibhasa’y maraming sideline, bugaw din kasi ang gago.

********

nag-uumpisa ang buhay ni boy sa pagpapadyak ng kanyang pedikab patungong paaralan. malapit-lapit lang sa bahay kaya’t hindi problema ang paggising ng maaga. maghahatid siya ng mga estudyante, iba’t mga guro na pilit niyang sinisilip ang slit ng palda ngunit laging bitin. ayaw naman niya ng mga estudyante, masyadong small time. gago nga siya, kilala na siyang gago. ganito ang araw-araw niya liban sa mga gabing nasa basketbol court siya.

isa siya sa mga kinatatakutan sa basketbol. palibhasa’y shooter sa tres at maliksi gumalaw. gawa na rin ng pagpapadyak, hindi siya mabilis mapagod sa balikan ng court. umaarangkada siya sa tuwing third or fourth quarter, kapag pagod na ang mga players at crunch time ika nga. ngunit ang isa sa mga talagang dahilan ng pagbabasketbol nito ay si riya.

si riya ang isa sa mga manonood sa baranggay nila. makinis, maputi ang kutis, malusog ang mga suso. at madalas pang naka-spageti kaya’t sa tuwing makapapasok ng tres si boy ay agad itong lilingat kay riya upang magpasikat.

di ko naman trip si riya e, pero bihira lang ang may magkagusto sa tulad ko. walang direksyon ang buhay, may balat sa mukha—kaliwang pisngi, kalbo, puno ng tato ang likod. wala akong maipagmamalaki pero hayan siya, pumapalakpak sa tuwing ako ang may hawak ng bola.

********

ilang minutong pagpapadyak. madalas ay nakatambay. ang ibang kasamahan ay madalas sa karinderya, ang ilan nama’y pagwapuhan sa pagkuwento ng mga kantutan blues nila. mayroon namang taya sa kabayo at lotto, utang at sugal, madalas ay pera, ngunit hindi nawawala ang mga kuwentong rambulan, basketbol at babae. Likas na yata sa lalaki ang kuwnetuhang ganito lalo na’t sa mga lalaking walang ginawa kundi ang tumambay sa mga club at mag-abang ng mga pokpok at makipag-kaibigan sa mga bugaw. malaking bagay daw ang mga bugaw kaya’t kailangang kaibiganin. mas murang pekpek nga, hindi ba? pero hindi ito ang grupo ni boy. gago siya pero bihira siyang makigulo sa mga ganitong usapan. mas masaya siyang matulog sa kanyang pedikab, managinip habang nakasabit sa taas ang litrato ng kanyang mga kakosa. nabilanggo siya ng apat na taon nang mahuli siyang gumagamit ng droga. ngunit dahil din sa koneksyon, nakalaya. sa bilibid din nanggaling ang tato niya sa likod.

totoo, nakalilibog ang mga kuwentong kantutan blues, nakapagpapalawak ng imahinasyon pero wala rin naman itong kuwenta kung masasayang lang dahil wala rin naman siyang pera. wala akong panahon sa mga ganyan. kahit gago ako, gusto ko ring magkaroon ng pamilya. kailangang makaipon. kailangang magtipid.

uuwi ng gabi, dala ang isang supot ng tuyo. dito ngkakatalo. minsa’y wala siyang gana, minsa’y gutom na gutom. ngunit kahit ano pa ang lagay nito, tuyo pa rin ang ulam.

********

uupo siya sa sahig at isisilid ang kamay sa ilalim ng kabinet. pagkalabas ng kamay ay may kasabay na itong sapatos—isang bota. huhugot siya ng pera sa kanyang bulsa. bibilangin ito. anu ba yan, kulang pa rin. at, isisilid ang pera sa sapatos. dito niya kukunin ng perang ipambibili ng dyip.

********

minsa’y hihiga na siya, ngunit madalas ay maliligo dahil sa ganitong mga oras, puno na ang balde, minsa’y umaapaw pa.uupo siya sa basag-basag na tiles at ididikit ang likod sa pader. riya.

magtatanggal ng kamiseta at maong. dudura sa kamay at tiyaka hahaplusin ang sarili. magtitikol, maliligo, bago hihiga sa kanyang kamang gawa sa karton at makapal na styro.

********

madalas ay tuwing sabado ang laro sa baranggay. kahit anong araw naman ay ayos lang. wala naman akong rubber shoes o ano. kahit manipis tong tsinelas ko ay kaya ko silang iwanan. bihira silang matalo kaya’t sa tuwing mananalo ay lalapit si riya upang batiin siya.

may gagawin ka ba ngayon gabi? madalas niyang tanong, ngunit dahil pagod at nagtitipid, lagi itong nagsasabi na may gagawin o pupuntahan pa. at sa kanyang pag-uwi, hihilata ito sa kama habang iniisip ang riya ng kanyang buhay. siya na lang kasi ang natitirang buhay niya, wala na siyang magulang at wala naman siyang kapatid. walang halos kaibigan at wala rin namang maasahan sa mga kapitbahay na drogista. bubuhayin niya ang kanyang imahinasyon.

********

biglang pumasok si riya sa bahay. at dahil maliit lang ang bahay, kitang kita siya ni riya habang hawak ang kanyang ari. bakas sa mata ni riya ang pagkagulat ngunit agad itong nawala.

at doon, binuhay ni boy ang kanyang imahinasyon.

pumasok si roel. “tang-ina!”

10.23.2008

ang paghihiganti ni dylan

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.


“tangina mo....” bulong niya kasabay ng saksak niya sa tagiliran ng mamang nakahiga na sa semento. nakaupo siya rito habang nakatitig sa mga sugat na halos hindi na mabilang ang saksak. labimpitong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang natanggap ng lasing na drayber ng traysikel sa tabatoda.

********

sa kasalukuyan, wala pa ring makapagsabi kung ano ang motibo ng.... ang mga huling salitang narinig ni sane sa news report na pinapanood. huli na nang malaman niyang naroon na ang killer. nakaupo siya sa sopa habang nakatali ang bibig ng medyas na basang-basa ng ihi. ang mga kamay ay nasa kanyang likod na nakatali ng mahigpit. ang kanyang mga paa nama’y mahigpit na tinalian ng manipis na alambre.

at dahil mabigat ang katawan nito dahil sa katabaan, hindi siya makakilos. nais man niyang sumigaw, hindi niya ito magawa. halos maubos ang kanyang pinagmamalaking lakas. walang halaga ang makapagliligtas sa kanya, kahit pa ang pinakamamahal niyang itim na sedan na napulos niya sa kanyang mga magulang.

hinila siya papunta sa kusina. madilim ang paligid, ang naaaninag lamang niya ay ang umiindayog na makintab na repleksyon ng kutsilyo. nakaturo ito ng pailalim, tila naghihintay na lamang ng tamang oras. sino ka ba! ano ba ang nagawa ko sa’yo? sino ka ba?! ngunit hindi niya masabi. basang-basa na ang kanyang mukha ng ihi dahil sa kalikutan. halos napiga na niya ng tuluyan ang medyas na nasa kanyang bibig pa rin. nagsusugat na ang kanyang mga paa dahil sa alambreng nakapaikot dito. pero, matapang siya. mayaman siya at naniniwala siyang matatapos din ito. at sa oras na makawa siya sa pagkakatali, paluluhurin niya ito sa kanyang harapan at paglalaruan. higit pa sa ginagawa niya sa kanya ngayon.

matalim ang tingin niya sa killer, kahit pa hindi niya nakikita ang mga mata nito. anino lang ang nakikita niya, ngunit alam niyang nakatitig din ito sa kanya. nakatayo ito sa kanyang harapan, mga dalawang metro ang layo sa isa’t isa. tahimik, tulog na ang mga tao, pati ang mga guwardiya.

humila ng upuan ang killer papunta sa kinalalagyan ni sane. Umupo ito, at mula sa kanyang bulsa, humugot ito ng labaha. nanlaki ang mga mata ni sane, ngunit tila hindi ito napansin ng killer. ilang ulit nitong pinahit sa kanyang sinturon bago lumapit kay sane. sa pagkakataong ito, nagtagpo ang kanilang mga mata.

nanlamig si sane. kung kanina’y matapang siya, kung hindi nawala ay nabasawan ito. natigilan siya, ngunit patuloy sa paglapit ang mukha ng killer. hinila nito ang paa ni sane at ipinatong sa kanyang hita. bahagyang bumaba ang hita ng killer dahil sa bigat, ngunit ipinatong pa rin nito ng kanang paa. tinanggal nito ang sapatos at medyas at binasa ng tubig ang paa nito.

tangina. ano ba’ng problema mo?! wala akong ginagawa! ngunit walang makarinig sa kanya. kilala niya ang killer. naduduwal siya. nahihilo. nanginginig at sumasakit ang batok. naninigas.

dahan-dahan niyang inilapat ang labaha sa paa ng binti ni sane. naramdaman ni sane ang lamig mula sa blade ng labaha, dumaloy ito papunta sa kanyang mga pisngi. mabilis na pinadusdos ang labaha sa binti. natanggal ang balbon ni sane. walang naramdaman si sane, tiyaka lang niya napansin ang sakit nang pigaan ito ng kalamansi ng killer. humagulgol siya, nagpumiglas ng kanyang bilog na katawan ngunit hindi siya nakawala.

walang reaksyon ang killer. sumandal lamang ito at ipinatong ang hawak na labaha sa kanyang tiyan.

habang nakapulupot sa sakit si sane, sinubukan niyang mag-isip. sinubukan niyang maging kalmado para makapag-isip ng maaaring gawin. nais niyang makatakas. alam niyang hindi siya bubuhayin ng killer. pero bakit ako? bakit pati yung mga iba? bakit....hindi. wala nang oras para mag-isip pa ng kung anu-ano. kailangang makatakas. kailangang mabuhay. kailangan niyang makalabas ng bahay at makasakay sa kanyang itim na kotse.

umurong ang upuan. nang marinig ito ni sane, agad siyang lumingon. ngunit sa kanyang paglingon, sumalubong sa kanya ang suwelas ng killer. tinamaan siya sa mukha at nahilo. may dugo atang tumutulo sa kanyang ulo. wala siyang nararamdaman, ngunit nakahawak siya sa kanyang ulo dahil sa pagkahilo.

pumasok ng c.r. ang killer. nang makita ito ni sane, pinilit niyang tumayo. itinukod niya ang mga siko sa marmol na parte ng kusina, sumandal. humapdi ang mga sugat sa kanyang binti. puno na ng dugo ang sahig, at dumagdag ito sa pasanin ni sane. naging madulas ang sahig, at kailangan na niyang magmadali. tila batang nasa pool, isa-isa ngunit mabilis siya kumapit sa mga mahahawakan. ginamit niya ang mga siko at tuhod. nang umabot siya sa pinto palabas ng garahe, dumulas ang kanyang siko. bumagsak siya at sumalpak ang kanyang mukha sa busol ng pinto. nagkataon namang tuhod ang naunang tumama sa sahig.

nakarinig ng ilang kalabog ang killer sa loob ng c.r. ngunit hindi pa siya tapos sa kanyang ginagawa, nagmadali siya. nakabukas ang ilang mga bote sa loob ng c.r.

naramdaman ni sane ang basag na tuhod. tila biskwit na pinutol sa loob ng kanyang katawan ang narinig niya nang bumagsak siya. nang pilitin niyang tumayo, hindi na niya maramdaman ang kanyang kaliwang binti. pati ang kanyang kaliwang braso ay nanghihina na rin.

isa-isa nang nalalaglag ng killer ang mga boteng pinaghahalu-halo. bakas sa kanyang mga guwantes ang panginginig, ang labis na panananabik.

gamit ang kanang kamay at ang sugatang kanang paa, hinila nito ang katawan paputa sa kanyang sasakyan. nasa garahe na siya, malapit na malapit na sa kanyang sasakyan nang lumabas ng c.r. ang killer. nang makita ito ni sane, agad siyang sumakas sa kanyang sasakyan at sinara ang pinto.

pagkalabas ng killer, hawak na niya ang isang basong puno ng tubig. ngunit hindi ito tubig.

nakasaksak ang susi ng sasakyan, ngunit nais man niyang buksan ang sasakyan, wala siyang magawa. puno ng medyas ang bibig, nasa likod ang mga kamay, basag ang kaliwang tuhod, at nakatali ng alambre ang mga paa. nais man niya, hindi man lamang niya magawang i-lock ang pinto ng sasakyan.

ngumiti ang killer. binuksan niya ang pinto ng sasakyan, at dahan-dahang yumuko at pinasok ang ulo sa loob ng sasakyan. ibinuhos nito ang ang nasa baso, habang nakatitig sa mata ni sane. bakas sa mga mata ni sane ang sakit. ang mga pawis buo-buo, at naihi siya sa kanyang pantalon.

nang maubos ang laman ng baso, “antayin mo ko rito, babalik ako....” bulong niya sa tainga ni sane. basang-basa ang ibabang bahagi ng katawan niya. ngunit hindi lang tubig ang mayroon doon, ang pinaghalu-halong mga panlinis ng c.r., mga acidong ginagamit sa mga tiles, mga gamot at kung anu-ano pa na basta na lang inilagay sa isang lalagyan.

tangina. tangina mo.

ilang sandali pa ay bumalik ang killer. dala muli ang kanyang labaha at dalawang bote ng alkohol, pangiti na umupo ito sa tabi ni sane. “alam mo, masuwerte ka. ikaw na nga ang sumira ng buhay ko, sa’yo ko pa inaalay ang buhay ko.” habang nilalaro ang labaha. “nagtatanim ako ng galit sane. ‘wag kang mag-alala, matagal pa tayong magsasama.” tuloy ng killer habang tumatawa.

********

puno ng dugo ang sumalubong sa amin nang maabutan namin ang bahay ni sane tino, isang mayamang tagapagmana ni... dugo lalo na ang parteng kusina nito... garahe, pati na rin ang paboritong itim na sentra ni sane... ang pinagtataka ng mga operatiba ay kung paano nailabas ng killer ang katawan ng biktima kung....

tila nag-iiwan ng palatandaan ang killer kung sino ang isusunod niya... ford focus....

********

“parang awa mo na! ayaw ko pang mamatay!” nakahubad, nakatali na parang babuyan, basag ang ulo, punit ang kanang pisngi, may tama ng baril sa tagiliran, putok ang kaliwang tuhod, at sugatan, at nangangamoy ang katawan ng alkohol. “ano ba ang atraso ko sa’yo?!”

inilapat ng killer ang mukha sa mukha ni sane. bumaba. gamit ang labaha, dahan-dahan nitong pinutol ang ari na natakpan na ng malaking tiyan. nang humiwalay ang huling balat na nagdidikit, inilagay ito sa garapon at ipinatong sa upuang nasa harap ni sane.

binuhusang muli siya ng alkohol.

“ano, natatandaan mo na ba?”

10.19.2008

tiara o hat? ‘di ako makapili

10

tiara or hat? gloves or not? fan, no. oo, pabago-bago nga ang isip niya sa mga bagay tulad ng mga accessories(pero siyempre hindi sa groom), ngunit hindi ito ang oras para mawala sa sarili. kinakabahan siya, kahit ilang linggo pa bago ang kanyang kasal, sa tuwing pag-uusapan ang mga detalye—mga dapat piliin, asikasuhin, tandaan, at maraming marami pang iba. dub dub... dub dub....

9

kailangan pa ba ng secondary veil? “we are not a catholic couple, do we have to have a secondary veil?” sagot ng asawa sa coordinator ng kanilang kasal na masyado yatang naulanan ng pagkametikuloso na pati ang “angpao” (red envelope) na hindi raw nawawala sa chinese engagement ay inaalala pa niya. kung sabagay, mabuti na rin iyon para may katulong sa paghahanda ang bride. ayaw rin naman ni drew na matatuan ng eyebugs ang mga mata ng kanyang pinakamamahal na migara kaya’t kahit ayaw ni migara ay pinilit niyang kumuha ng coordinator.

1

bago pa binili ni drew ang singsing at bago pa napagdesisyunan ni drew na yayaing magpakasal ang nobya, nakapagpundar na siya ng isang segunda-manong kotse at maliit na bahay sa quezon city. nakapag-ipon na siya ng kaunti at masasabing permanent na siya sa advertising agency na kung saan siya ay kasalukuyang nagtratrabaho. kumukuha ng kaunti pang kaalaman sa mga seminars at workshops at nagbabalak na magtayo ng sariling negosyo. gayon din ang kanyang nobya na si migara na graduate na ng master niya sa preschool education. nag-aaral naman ng fashion designing sa isang institute sa makati. masasabing naroon na sila sa tuktok ng kanilang career. at bago bumaba ang guhit sa graph ng buhay, nagdesisyon na si drew (tulad ng napag-usapan walong taon na ang nakalipas).

2

there was no turning back. he has prepared everything perfectly. tick. tick. tick. oras na lang ang hinihintay. this is it. ito na. heto na. the bell rang. wala siyang dalang susi, wala siyang dalang sasakyan. hindi niya dala ang kanilang kotse? peach umbrella lang at ang kanyang black twister (ala crocs ito)

mabilis niyang sinalubong ang kasintahan nang maaninag nito ang kanyang mga noo, mata at ang tikwas ng kanyang buhok. suot ang high waist pants and “matalinong” blouse at salaming mataas ang grado, at si drew na Suot ang kanyang paboritong puting polo (plantsado at hindi gusot) at pantalong itim, nagmukha silang mga estudyanteng bagong magkasintahan. tulad ng dati, kinuha niya ang kamay ni migara. at tulad din ng dati, sumagot ng hawak ang dalaga. kinuha naman ni drew ang shoulder bag ng nasa kaliwang balikat ni migara sabay bulong, “hindi ko dala si buknoy, commute na lang tayo.”

tila urbandub ang tumutugtog sa dibdib ni drew at nirvana naman ang kumakanta. halos hindi na niya marinig ang harurot ng mga dyip. hindi na rin niya maamoy ang maiitim na cumulus clouds na nililikha ng mga dyip.

3

pumara ng dyip si migara dahil walang kibo si drew. “para...”

nang makasakay ng dyip, “okay ka lang?”, tanong ni migara. “oo. bakit?” “wala, parang... wala.” sagot niya sa tulalang lalaking singkit at higit na maputi sa kanya.

4

“alam mo, ‘pag ako naging killer, alam mo kung ano ang uunahin ko? mga trak drayber. tapos, yung mga dyip drayber.” naalala ni drew sa gitna ng tambol ng kanyang banda sa dibdib. nawawala na sa sarili si drew, ngunit hindi maaari. hindi ito ang oras para mawala sa sarili. It’s now or never!

5

“alam mo kung baki t ayaw ko ng sawsawan? (referring to the chicken nuggets of mcdonald’s in the carpark of the only royal, pontifical, and catholic univeristy of the philippine, the univeristy of sto. Tomas) kasi, ‘pag nagsasawsaw ka, nawawala yung lasa ng nuggets. sana kumain ka na lang ng barbeque kung ganoon. naalala nanaman uli ni drew nang sa gitna ng mga tambol ay may sumigaw, tila growl, sa gitna ng kanyang dibdib at ari. Hindi pa pala siya kumakain simula nang magising ng ala sais ng umaga. Alas kwatro na ngayon, at nasa dyip pa lang sila.

6

“alam mo,kaya gusto ko na makuha si buknoy e. ang hirap mag-commute. ayaw ko na magcommute. ang usok, ang init pa.” reklamo ni drew sa tuwing uuwi sila.

binuksan niya ang payong niyang halos doble ang laki sa normal na payong. lagi niya itong pinagmamalaki, madalas nga siyang lokohin ng kanyang mga kaklase na pang-couples talaga ang payong niya. “ang yabang.” pabirong sinasabi ni migara sa tuwing ginagamit ni drew ang kanyang peach na payong. Hahalakhak lang si drew. teka! focus drew! focus. focus. focus.

11

“ano ba yung bachelor’s party? para saan ba yun? ang dami ko pang ‘di alam. gusto ko na magpakasal (kaso paano naman ‘to). hindi naman kailangan yun, ‘di ba? ‘wag na lang.” Oh.

7

“may gagawin ka ba mamaya?” tanong naman ni drew habang umaasang “wala” ang isasagot ni migara. “gagawa ng test paper. perio na next week.” oh my!oh my! hindi ito puwede! hindi. next grading na nga lang. hindi. hindi puwede. “tiyaka hindi pa ko nagche-check ng test papers nila. kailangan ko maibalik yun by monday.” oo nga pala, friday ngayon! ahem.

“hindi mo ba puwedeng gawin yan sa bukas?” singit agad ni drew. sa pagkakataong ito, halatang kadiring naglalambing ang singkit. sumilip sa pahabang rear view mirror ang drayber ng dyip, ngunit sa pagkakataon ding ito. hindi niya ito pinansin. madalas ay makikipagtitigan siya rito, pero seryosong paglalambing ito. “akin na muna tong araw na ‘to. friday naman.” tuloy ng singkit.

8

nakaharap siya at nakatitig sa mata ni migara, sa likod ay ang mga kumpol na nagbebenta ng mga bulaklak. inilabas niya ang dalawang piraso ng singsing sa kanang bulsa ng kanyang itim na pantalon. “will you marry me?” this time, seryoso na siya. tumigil ang concert ng urbandub o kahit ano pang dubdub yan. tumigil ang slipknot at ang ibang mga kantatero sa mga kanto. pati ang mga nagbebenta ng mga bulaklak ay natigil, ata. maging ang takbo ng usiserong drayber ay bumagal, pati ang black cumulus clouds.

“oo naman.”

12

“ano gusto mo sa kasal natin?” madalas na tanong ni migara. “wala. simple lang. gusto ko close friends tiyaka family lang, (para tipid) tapos maraming photographer tiyaka videographer.” sagot niya walong taon na ang nakalipas.

13

“kailangan pa ba ng secondary veil?” tanong ng coordinator. “basta. gawin mong simple, gawin mong si migara ang gigitna sa altar, okay?”

14

ring! ring! “hello?”

“hun, tiara o hat? ‘di ako makapili. nalilito ako (sa coordinator)”

“ano bang gusto mo?”

“hmm, ‘di ko alam.” sagot ng hindi makapiling bride.

“hat. go for the hat. tapos, halter? no gloves a. gusto kita mahawakan.”

“sige. Sige.” sa pagkakataong ito, sa mas mataas na tinig.

“pero ikaw bahala. kahit pa tube okay lang. wag lang yung nakakatakot na klase ng tube. baka malaglag.” sabay tawa.

sabat tawa ng dalawa.

“sige, 1. 2.”

“3”