8.03.2008

skittles

maladas, sa buhay, kung ano ang gusto mo, iyon ang hindi natutupad.

mahilig akong maglakad, maglakbay sa kung saan-saan kahit walang tiyak na pupuntahan. hahayaan na lang na paa ang magdikta, mag-isip. ang nakaiinis lang ay sa tuwing hahayaang paa ang magdikta, hindi nito namamalayan ang hangganan nito. mapupudpod ang mga tsinelas, kakalyuhin ang mga sakong, mangangalay ang mga lited, tatagaktak ang pawis, magmamantika ang mukha at titigyawatin.

samakatuwid, napapahamak ako sa tuwing hindi utak ko ang nag-iisip at nagpapasya. ang masama lang ay sa tuwing ako ay nag-iisip, madalas ay hindi ito mapigilan. papasok ang isang ideya, papasok ang isa pa, may isang barkada ng ideya na muling papasok, at bihira lang sila lumabas. ano ang kanilang ginagawa, nagka-karaoke—pilit sinisira ang mga gabi kong dapat ay pahinga ko. anim hanggang walong oras lang ako matulog, ngunit sa tuwing aatake ang mga ganitong pagkakataon, nauubos ang isa o dalawang oras ng aking walong oras na pagtulog.

ilan ang laman ng skittles? hindi ko alam, at sana ay hindi rin alam ng mga manggagawa na naglalagay ng mga kendi sa pakete. at, bakit nga ba skittles? mahilig ako sa skittles, ngunit bihira akong bumili. bakit? bakit nga ba? ang mahal kaya.

binilhan ako ni inay ng isang balot ng skittles kanina. pinili ko ang may balot na kulay ube hindi dahil kulay ube siya. sa katunayan, ayaw ko ng kulay na iyon. natuwa kasi ako sa pagiging wild berries niya, kahit sa totoong buhay ay hindi pa ako nakakikita ng mga tunay na wild berries.

lima ang kulay na mayroon sa isang pakete, at sa aking nakuha, may raspberry, strawberry, wild cherry, berry punch, at melon berry. nagustuhan ko ang mga lasa nito lalo na’t sa tuwing pagsasabay-sabayin ko ang iba’t ibang kulay, ngunit hindi ako natuwa sa kakatuwang lasa ng raspberry. matamis!

masarap sana ang matamis, ngunit hindi ko ito nagustuhan sa skittles session ko.

bago ko ito buksan, nagpasya akong maliit na butas lang ang aking gagawin sapagkat nais kong patagalin ang buhay ng aking kulay ubeng skittles. kanina, nang gumising ako, nilakihan ko ang butas ng skittles na aking itinira. nakita kong higit na marami ang mga kulay asul na skittles, raspberry, kaysa sa iba.

lalong sumama ang gising ko, bumigat ang aking dibdib at nawala ang aking gana sa pagpasok ng aking mga daliri sa butas na aking nilakihan. nakakadimaya. tulad nga naman ng buhay, kung ano ang ayaw mo, kung ano ang hindi mo nais mangyari, iyon ang darating.

ayaw mo ng problema, darating sila. gusto mong tumakad, dadami sila at hahabulin ka nila. tiyaka mo na lang mapapansin, nag-iisa ka na lang.

pilit mong iisipin, ano ang dapat gawin. puwede bang mapagod? magpahinga?