6.20.2008

hindi titi ni baron ang tinapon mo, buhay

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.


kalalabas lang sa silid at pauwi na ko nang dumaan ang grupo ni miguel sa aking harapan. napahinto ako habang nakatitig sa kanilang mabagal na paglalakad.

ang grupo ni miguel ang kinatatakutan ng lahat, lahat umiiwas, at walang nangangahas na makipagtalo sa kanila. sikat din sila sa mga babae palibhasa ay mga matatangkad na basketbolista. mga may hitsura rin sila at puno ng guhit ang katawan kaya habulin ng mga malalanding babae.

ako nga pala si myra, isang freshman na hindi makaintindi ng lengguwahe ng mga gossip girls. weird at nerd daw ako nang minsan kong marinig na pinagtsi-tsismisan ako, ganoon din ang mga nakasulat sa isang cubicle sa third floor c.r. ng aming building. kailangan ko pa tuloy bumaba ng second floor sa tuwing ako ay pupunta ng banyo. ako lang kasi ang nagngangalang myranosa vistro sa buong campus, at maaring sa buong pilipinas pa. at sa tuwing papasok ako ng banyo ng third floor, laging naroon ang mga gossip girls na nakaharap sa salamin, kaliwa’t kanan ang pagngiti sa sariling anino sa salamin.

ang nakaiinis lang dahil ako ay binansagang wirdo at nerd, kahit hindi naman totoo. sadyang mahilig lang talaga akong magbasa at mahilig mag-memorize, at sila ay hindi.

hindi nga pala si miguel ang tipo ko, kaya’t kung iyon ang iyong iniisip ay nagkakamali ka. hindi ako mahilig sa mga guwapong bobo, o kinain ng bones ang brains niya kaya siya matangkad. may standards ako.

anim sila miguel na magkakabarkada, at isa roon si baron, ang bukod-tanging pumapasa at pumapasok sa library sa kanila.

kung nasa bookstore ka at bilang lang ang pera na mayroon ka, tulad ko, agad mong mapapansin si baron. siya ang buy-one-take-one na lalaki, guwapo na nag-aaral pa. hindi siya highest sa class o pumapasok sa mga science bee at math contests, ngunit dean’s lister naman siya kaya’t puwede na rin.

********

pauwi na ko nang nakasalubong ko siya sa corridor, si baron. napatitig ako sa kanya, at sa awa ng panahon, napatingin din siya sa akin. ngumiti siya, natapilok ako.

hindi ko napansing may tao palang nakaupo sa corridor. nalaglag ang aking salamin.

********

pilit kong pinipigilan ang aking mga luha sa pagbagsak habang nag-aabang ng taxi. nang may nagpakita, agad kong pinara. sumakay ako, at doon ko ibinuhos ang aking galit, o inis, o hinagpis.

umiyak ako ng napakalakas.

“sa taft po.” habang tuloy ang luha sa pagbagsak.

********

hindi ako fertile. hindi ako fertile. si baron ‘to.

********

matapang ako sabi ng aking ina, at alam ito ng aking ama. sa katunayan, ako ang nagpalayas sa aking ama nang nalaman kong may kalaguyo siya. ayaw ko sa mga manloloko, lalo na kung ang niloloko ay babae. kaya’t hindi ko sila pinapansin, hindi ko rin sila binibigyan ng oras at importansiya. kung tutuusin, ano ba naman sila. all they have is just that small meat hanging between those legs.

pero, iba si baron. si baron ‘to.

********

pinalitan niya ng contacts ang eyeglasses ko, hinayaan ko siyang mamili ng mga susuotin ko, pinakopya ko siya ng notes at ginawan ng projects, naging proud siya sa aking kahit ginagago siya ng kanyang mga barkada. hindi naglaon, nasama na rin ako sa barkada nila kasama ang mga gossip girls. oo, ang mga gossip girls ang mga girlfriend nila, at kailangan ko silang pakisamahan.

********

tiyaka ko nalaman, sila pala ang nakikisama sa akin. lahat sila.

hindi ko matanggap, naloko ako. niloko nila ko.

hindi ko matanggap, at ngayon, ito ang magpapaalala sa akin lagi. ito! baron...

********

sa sobrang galit ay dinugo si myra. halos hindi siya ito namalayan sa kakaiyak, napansin na lang niya ito nang biglang kumirot ang kanyang tiyan. Basa ng dugo ang kanyangdamit, hita, hanggang paa. hindi niya alam ang gagawin, hindi niya alam ang gagawin. mahigpit siya kumapit habang idiniin ang sarili sa sandalan ng upuan, sumisigaw habang tumutulo ang mga luha.

hindi niya alam ang gagawin, pero alam niya. nursing student siya at wide reader, marami na siyang nabasang mga libro, at maging mga kuwento.

“ayaw ko na! ayaw ko na!” habang kinakapa niya ang palabas na sa kanyang ari ang ulo ng sanggol.

********

“myra, kanina andito si miguel.” sabi sa kanya ng kanyang kaklase.

“si baron, kasama niya?” gulat na tanong ni myra dahil akala niya ay nasa basketball practice si baron.

“oo, pero.... myra, may sasabihin ako sa’yo.” pabulong na sabi ng kanyang kaklase habang patingin-tingin sa paligid.

********

“myra! niloloko ka niya! ginagago ka lang nila, at ginagamit ka lang ni baron dahil gusto niya na mag-dl siya bago grumaduate para mabilhan siya ng bagong sasakyan ng parents niya!”

********

nang mahawakan at makita ang sanggol na duguan pa. lalo siyang nangiyak at binuksan ang bintana ng taxi. napalingon ang driver sa kauna-unahang pagkakataon. buong lakas na inihagis ni myra ang bata sa bangketa malapit sa taft.

6.03.2008

intsik ka kasi e

tulad ng gulong na madalas sabihing umiikot lang, kung minsan ay nasa taas ka at kung minsan ay nasa baba ka. minsan ay humihinto ang gulong, tulad ng isang dyip sa tuwing may sasakay o kahit anong sasakyan na pagkatapos ng mahabang biyahe ay kailangan ding magpahinga. minsan ay humihinto ang gulong, ngunit dahil ito ay isang gulong, gagampanan pa rin niya ang gawain o “nature” niya bilang isang gulong. Iikot itong muli, hindi lang masabi kung kailan. magagamit muli ito, kung minsan lang ay hindi na nito nagagampanan ang “nature” nito, nauuwi sa pagiging upuan, laruan, at minsan napapadpad pa sa suwelas ng mga sapatos. ngunit madalas pa rin ang bumabalik, umiikot muli bilang isang bulong, taas baba. kahit pa madala sa talyer, ayos lang. sino ba naman ang mga matitigas kundi ang mga beterano? Habang tumatagal, tumitibay ang sikmura. teka, ganoon din ba ang mga gulong? hindi, napupudpod sila at numinipis at nauubos.

bakit ko ba ‘to sinusulat? ano ba ang aking dahilan? ang nangyayari ngayon sa atnig bansa ay isang krisis, tulad ng sinasabi ng maraming mga pulitiko’t reporter. tumataas na presyo ng bigas, gas, pamasahe, delata’t benta sa mga palengke, kasabay na rin nito ang iba’t ibang bilihin at sumasakal sa lahat ng pilipino. at kung hindi mo man itinuturing na pilipino ang mga intsik na filipino citizen, arabo na naka-honda na ang scooter, koreano na makutis pa rin ang balat, puwes, kasama sila sa aking tinutukoy. lahat ang aking tinutukoy.

intsik ako at pinagmamalaki ko ito. maaaring hindi ako moreno, hindi pango, at walang probinsiya kundi ang nag-iisang tinutuluyan ngunit maliit din ako, magaling magtagalog, dito pinanganak, marunong magsipa, dumudura sa kalye, marunong suminga nang hindi hinahawakan ang sipon, at marami pang ibang talento. ikaw? marunong ka bang maglaro ng sipa?

at dahil intsik ako, tulad mo, tulad ng arabo na naka-honda at ng koreanong makinis ang kutis, ako ay isang tao. ako ay isang tao, isang mamamayan na sumusunod sa batas na mayroon, marunong gumalang at alam kung kailan dapat tumanggap ng galang.

hindi ko sinasabing pilipino ako dahil alam kong may aangal, pero sa katunayan, sa aking kinatatayuan ngayon, sa mga bagay na tumatakbo sa aking isip, pilipino ako. ako ay pilipino at nakatira ako sa pilipinas, pinanganak ako sa pilipinas at kung aalis ay babalik din bilang pilipino. filipino citizen po ako. Iisipin mo, may pera ako. puwede kang umutang dahil ako ay isang intsik at marami akong pera. maaari kitang pautangin, iisipin mong muli, ngunit dahil ako ay tatanggi, sasabihin mong ako ay maramot.

ang krisis na hinaharap ng pilipinas ay pinagsama-samang dahilan ng pilipinas. hindi ito dahil sa mga intsik na nananalagi rito sa lupa, o mga arabo na nagmomotor, o kahit pa ang mga koreanong tila sumisigaw kung nag-uusap. tulad ng gulong, umiikot ito. ang pera na hinahanap ninyong mga “pilipino” (kung pilipino ka nga) ay hinahanap din ng iba, namin. kung huminto man ang gulong, sino ba ang maaaring maging dahilan?

hindi kami nag-iimbak ng mga bundle-bundle tulad ng nakikita sa mga mano po at ibang mga palabas lalo na’t mga luma, at lalong hindi kami nag-iimprenta ng mga perang kaninipis. maaaring may mga ilang nahuhuli na gumagawa ng droga, sangkot sa mga kidnapping at iba’t ibang mga krimeng maaaring maisip, ngunit tulad ng ibang lahi, tao rin kami. kung gago man sila, sila iyon. bakit? tatanungin kita, lahat ba ng pilipino ay mandurukot, snatcher ng cell phone, o rapist at tumitira ng rugby?

isa pang tanong, paano mo ba masasabing pilipino ka?

sumakay ng dyip ang isang intsik na dito na rin pinanganak. dito rin pala pinanganak ang kanyang mga magulang. sa tabi siya ng drayber umupo, at nagbayad.

intsik: bayad ho.

inabot ng drayber ang benta na pamasahe. otso pesos na ang pamasahe at hindi na rin biro kung papasok sa eskwelahan at uuwi pabalik. natagalan ibalik ang sukli ng intsik na bata, malapit na siyang bumaba.

instik: kuya, sukli ko ho. bente po ‘yon.

drayber: intsik ka, hindi ba? hindi ba mayaman kayo? bakit kailangan mo pa ang sukli, barya lang ‘to a.

anak ng puta! hindi ba tao ang mga intsik? hindi ba maaaring mabuhay ng tama ang intsik dahil hindi moreno ang mga ninuno niya? mayaman na ba siya dahil kung titingnan sa panlabas na anyo ay mayaman si henry sy at lucio tan?

nagtanong ang guro kung ano ang mga katangiang dapat mayroon ang isang pilipino. nagtaas ng kamay ang isang bata noong siya ay nasa kolehiyo, tinawag siya at tumayo.

intsik: ma’m....

sumigaw ang isang babaeng kaklase mula sa kabilang dulo ng silid.

babaeng pilipina raw: hindi ka naman pilipino e! intsik ka e!

kailangan ko pa bang ituloy ang pagkukuwento? marami akong baon. hindi dahilan ang pagiging intsik, o kahit ano pang lahi. isa itong lahi, at ang bawat nilalang na may lahi ay tao rin at may pakiramdam, at may pangangailangan at karapatan.