2.25.2008

remember the first time you said it?

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.


hindi ko alam kung ano’ng meron sa mga bading, napabibilib nila ko.

bata pa ko, napapatitig na ko sa kanila—kung paano sila manamit, kung paano nila dalhin ang kanilang mga sarili, at kung paano nila tanggapin ang mga puna at pangungutya ng iba. hindi ko makalilimutan noong unang beses akong magupitan ni ate rene noong bagong bukas ang parlor niya. unang beses ko ring magupitan sa isang parlor noon, madalas kasi ay sa barbero ako kinakalbo.

mahal na araw noon, sarado ang mga tindahan. walang tao, o kahit sasakyan o namamasadang traysikel sa labas. mainit. at, hindi ko mainitindihan kung bakit buhok ko naman ang pinagbuhusan ng galit ni itay. magpagupit daw ako at nagmumukha na raw akong walis tambo. nang silipin ko sa salamin ang sarili, wala naman akong nakitang mali liban sa magagandang bagsak kong napatilya na halos limang buwan ko ng hindi pinapuputulan sa barberya.

“hala! sige! magpasama ka kay ate doris mo! magpagupit ka!”

tutal ay magpapagupit na rin daw si ate ay sumabay na ko. nang lumabas kami ng gate, tumabi kami sa malapad na poste ng meralco upang hindi tamaan ng naka-iitim na araw. Halos kinse minutos kami roon ngunit ni isang traysikel ay walang dumaan kaya’t nagdesisyon si ate na maglakad na lang. hindi rin naman kalayuan at ayaw ko ring bumalik ng bahay kaya’t hindi na lang ako nagsalita. Ilang sandali pa’y napapikit ako nang pasukin ng kung ano ang aking mata. nakarating na kami sa parlor ni ate rene. pinasok ang aking mata nang magspraynet si ate rene sa kanyang kostomer.

“donya! buti napabisita ka! pasok, pasok! upo muna kayo.” sigaw ni ate rene pagkakita kay ate doris “sino yan?”

“bunso namin, pogi no?” sagot naman ni ate habang nakatingala ako sa kanila.

ngumiti lang si ate rene at pinagpatuloy ang pag-aayos ng buhok ng matandang makapal ang eyeliner. hindi yata napansin ni ate rene ang hindi pantay na kilay ng matanda, isip ko noon. kailan ko lang naalala at nalaman, tattoo pala ang kilay niya, at kumulubot ang balat kaya’t hindi na pantay.

namamasukan daw dati noon si ate rene sa parlor ng isang magkapatid na bading. tatlo sila noong taga-kulot nang mapansing hindi na sapat ang sinesweldo sa mga trabahong ginagawa niya dahil habang tumatagal ay lalong dumarami ang pinapagawa sa kanya, dati ay pagkukulot lamang, ngunit ngayo’y pati ang paglilinis ng kuko, pagme-make-up, at maging ang pagmamasahe. nang mapikon at makaipon, nagtayo siya ng sariling parlor.

nang matapos ayusan ang matanda ay sumunod si ate dorris. matagal ng magkaibigan ang dalawa, palibhasa’y magaling maggupit si ate rene. sinundan siya ni ate hanggang ngayon nga, nang magbukas na siya ng sariling parlor.

“donya, ang bilis humaba ng buhok mo. ano’ng gusto mong gupit?” habang hawak ang buhok ni ate.

“ikaw na’ng bahala, kung ano’ng bagay sa’kin.” pangiti na sagot ni ate.

“layered, bagay sa’yo yon.”

“sige, ‘kaw na bahala.”

nakatingin ako sa salamin na nasa harap ko nang mapansin ko ang mga litratong nakadikit sa pader. isang nakasuot ng gown na nasa entablado, isang may hawak na diploma, isang may kasamang mga magagandang babae, isang may kayakap na lalake, isang naka-two-piece. natuwa ako sa aking mga nakita, tumayo ako at tiningnan ang mga tunay na litrato sa pader. isa-isa. dahan-dahan. pataas hanggang sai baba.

“ay donya, dinikit ko mga litrato ko sa pader para bongga. baka dumami ang mga kostomer ‘pag nakita na big time pala ako noong ako’y bata pa. tignan mo o, ang asim ko pa noon.” turo ni ate rene, at nilakasan ang boses nang hindi lumingon si ate “donya! tingnan mo muna! sinama ko nga pati yung pictures natin noong magkaklase pa tayo o.”

napabilib ako sa kanya at sa mga litrato niya, kung paano siya manamit, kung paano niya dalhin at dinala at dinadala ang sarili, at kung paano niya....

********

bumagsak ang gunting sa sahig na kulay pula. nagulat si ate rene. Yumuko siya ng dahan-dahan, nilagay ang kamay sa dibdib at pinuloy ang gunting habang dahan-dahan ding lumabas ang kanyang likod at korte ng puwit. nang kunin niya ang gunting, tumingin siya sa’kin, at ngumiti.

********

nang matapos gupitan si ate, bangag na ko kaya’t ginupitan ako ng tulog. nagising na lang ako nang bulungan ako ni ate, tapos na pala.

hindi na mainit nang umuwi kami dahil pababa na ang araw noon. habang naglalakad, nagkuwento si ate tungkol kay ate rene. top 3 pala siya noon, ngunit dahil maagang namatay ang ina ay hindi na nakapagtapos. namasukan siya sa mga parlor, palibhasa’y magaling sa pag-aayos, hindi naman siya nahirapan. siya raw kasi ang nag-aayos sa mga kaklase sa tuwing gigimik ang mga kaibigang mga babae. maging ang mga titser nila noon ay sa kanya nagpapa-ayos. “magaling si ate rene mo, mabait.” sabi ni ate.

“puta, anong klaseng gupit yan!” sigaw ni itay nang makita ako.

nagulat ako, hindi ko nakita ang sarili ko bago umalis ng parlor. tumakbo ako sa malaking salamin na nakasabit sa pader ng sala. nagulat ako, hindi ito gupit barbers o kalbo, ngunit hindi pangit. katunayan, maganda.

walang shaver na ginamit, kung iyon nga ang tawag doon. bagsak lahat ng buhok ko, tinira niya ang aking patilya kahit hindi ko sinabing huwag niyang putulin, may buhok sa likod, parang.... layered.

“punyeta! sabi ko samahan mo siyang magpagupit! ano ‘to!” galit na sigaw ni itay kay ate. sumagot si ate ng pasigaw rin. “e sarado lahat ng pagupitan e. ano’ng gusto mong gawin ko? sabi mo sumabay na siya sa’kin magpagupit? e ‘di sa parlor ‘yon!” sabay alis ni ate na umiiyak.

wala akong nasabi, hindi ko rin napatanggol si ate. hindi ko rin alam ang sasabihin ko. napa-iyak na lang ako kahit hindi ko alam kung bakit. nalaman ko na lang, hindi na ko nagpapagupit sa barber. hindi na rin barbers o kalbo ang pinagugupit ko.

********

tatlong taon na kong kay ate rene nagpapagupit. tatlong taon na ring ganito ang buhok ko. tatlong taon na rin akong hindi tinitigilan ni itay. papunta akong muli sa parlor ni ate rene upang magpa-trim, medyo mahaba na rin kasi ang buhok ko sa likod at hindi na pantay.

sarado ang pinto ng parlor ni ate rene ng madatnan ko. kumatok ako.

“ate rene?” habang kinakatok ko ang pintong may malaking litrato ni ate v. “ate rene?”

paalis na ko nang buksan ang pinto, “sino ‘yan? toto! ikaw pala. pasok. kanina ka pa ba?” nakatwalya lang si ate rene noon, katatapos lang maligo.

“pasensiya ka na a, saktong naliligo kasi ako kanina, ate mo?” tanong niya habang nasa loob ng maliit na kuwarto na bahagyang nakabukas ang pinto.

“nasa bahay e.... ay.... nasa school pala.” tarantang sagot ko nang makita niya kong nakatitig sa twalyang may mga pantal ng tubig. Hubog na hubog sa tuwalya ang kanyang katawan, kitang-kita kahit sa loob ng madilim at maliit na kuwartong iyon kung nasaan siya naroon.

tumutulo pa ang kanyang buhok at kalat sa buong parlor ang amoy ng kanyang shampoo, o cologne. pataas kong tinitigan ang kanyang katawan na nababalot ng twalya hanggang umabot sa kanyang dibdib. tiyaka ko napansing nakatingin din siya sa’kin.

ngumiti siya.

********

“aaaaa.... aaaaww.... aaaatee.... aaaa....”

magaling si ate rene.

********

naalala ko tuloy yung laro nila aaron at badong sa school.... tumbong. unang beses ko ‘tong ikuwento, secret lang a.