2.12.2008

education, nag-uumpisa sa kolehiyo

two years paglalaruin sa playground para masanay sa environment of education at kung paano makihalubilo sa iba. six years na tuturuang sumunod sa directions at umasta ayon sa dikta ng kultura, huhubugin at ililipat muli sa mas mataas na level. saan, o ano, ang mas mataas na level? high school, dito naman susubaysabayan at babantayan, at parurusahan kung sumuway man sa mga rules and regulations na ibinaba ng mga nasa taas. dito bibigyan ng mga limits at kaunting rights, tiyaka lamang hahayaang matuto, uumpisahan ng apat na taong introduction hanggang sa mamatay at malibing sa hukay. dito, dito matututunan ang tunay na leksyon ng buhay, kung ano ang realidad at kung paano makisama sa realidad.

ang tunay na edukasyon, nagsisimula after twelve years na pagtatali sa iyong mga pakpak at bibig. Isinusubo sa’yo ang iyong mga sinasabi, galing sa utos ang iyong mga ginagawa, sunud-sunuran ka and your opinion does not matter.

mahabang panahon ang twelve years. hindi biro ang matrikula lalo na’t sa kasalukuyang panahon na isang uri na rin ng business ang edukasyon. pera, panahon, buhay ang nilalaan. kung sulit sana ang mga pinaglalaanan, walang kaso, ngunit paano kung nauuwi lang ito sa wala?

we need quality teachers; teacher that are willing to impart their knowledge to students. dalawa ang problema. una, we are in need of quality teachers. kung ang mga teachers na nagtuturo sa mga grade school at high school ay walang ginawa kundi ang magkuwento tungkol sa kanilang buhay, kung paano sila kagaling noong sila’y bata pa, kung gaano kahirap ang buhay ng isang guro, at kung anu-ano pang kabalbalan, anu na ang matututunan ng mga pobreng bata? kawawa ang mga magulang na naghihirap para sa matrikula na nauuwi lang sa wala. wala man lang silang kaalam-alam. kailangan natin ng mga guro na marunong. kailangan natin ng mga guro na marunong magturo at may ituturo. hindi natin kailangan ng mga guro na nanghihingi ng mga regalo , o keychain ng mga estudyante o umaalis at umiinom at umaastang bata kasama ang mga bata. we need quality teachers. pangalawa, we need teachers that are willing to impart their knowledge to students. the platform is not a stage and teaching is not a show. hindi mahalaga kung paulit-ulit mong suot ang polo mong kupas o pantalon mong bitin. mas mahalaga kung anu ang ituturo mo at kung paano nila ito maiintindihan. huwag kang umasang homeworks and expensive projects for the school’s openhouse will educate your students. hindi sila matututo hangga’t hindi mo alam kung ano ang iyong ituturo at kung paano mo ito ituturo.

ito ang nangyayari sa panahon ngayon. nahihirapan ang mga estudyanteng makapasok sa mga nais nilang kolehiyo dahil hindi sila natuto o naturuan ng mabuti. hindi nila maaaring isagot sa entrance test ang kwento ng buhay ng mga teachers nila noong high school o kung paano magpinta at magdisenyo ng t-shirt na natutunan nila sa art class. hindi ito lumalabas sa mga entrance test, hindi ba? umaasa ang mga secondary schools na makapasa ang mga estudyante sa mga pangunahing universities unaware or umaastang unaware na hindi ang estudyante ang may problema kundi ang kanilang mga guro. teaching is a talent. mahirap magturo. matalino ka man, magaling ka man, hindi ito sapat kung hindi mo maipapamahagi. magaling ka man mag-impart ng kung ano, kung wala ka namang ma-impart, hindi rin uubra. hindi lang skill, you need both the skill and the knowledge.

hindi lang puro knowledge, apply it. use it. Impart it. share it. ang nangyayari kasi ay sa kolehiyo na natututo ang mga bata. mangmang sa history, hindi makasagot sa klase kapag tinatanong ng propesor. ito ang madalas na litrato sa loob ng silid sa kolehiyo. mapipilitang magbasa ang mga estudyante at magpuyat upang maisaulo ang kalahating dangkal na libro na puno ng pangalan at dates. mapipilitan silang isaulo ang lahat ng ito na dapat ay madali na lamang kung natalakay ng mabuti noong sila’y high school pa. sa kolehiyo rin nila natututunan ang realidad at kung paano makisama rito. sa kolehiyo, matututunan ang mga bagay na hindi nagawang malaman noong high school—makalipad ng malaya, makapagsalita ng nais, makapagsulat ng walang humahadlang, makaalis ng walang pumipigil, makigulo, makiisa, maging ikaw.