2.15.2008

ang butas ni manong ben

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.

nag-aaway nanaman ang tatay at nanay ni bronson. kung hindi pera, pag-intrega at pag-inom ni manong ben ang issue, ngunit sa pagkakataong ito, ang butas sa c.r. ang ikinagagalit ni nanang lucing. magdadalawang buwan na kasi ang nasabing butas, halos kasya na ang piso at lumalabas na rito ang mga lupa at durug-durog na semento. kapag naliligo at pinapasok ng tubig ang butas, nagpuputik at binabara ang drainage. lalong lumalakas ang talak ni nanang kay manong dahil dito.

“..tangina mo kasi! kung tinapalan mo na ng epoxy yang butas na ‘yan, hindi sana tayo binabaha! inom ka kasi ng inom! gin! karaoke! gin! karaoke! nambababae ka pa! tangina naman, nagsasawa na ko. lagi ka na lang ganyan! pu....” sigaw ni nanag lucing.

halos hindi na gumagalaw si ben sa kanyang kinauupuan. nakahilata na lang siya sa sopa at tulala, bangag sa gin, naubos na rin ng karaoke ang kanyang lakas, wala siyang gana para makipagtalo. hindi ngayon. huwag ngayon. huwag muna. nanatili siyang nakaupo hanggang napagod ang asawa at nakatulog, gayo’n din siya. nakatulog na siya sa sopa.

********

hapon pa ang pasok ni bronson kaya’t tuwing umaga’y tumutulong siya sa pagbenta ng kakanin kasama ang ina. alas-onse na siya maliligo at papasok upang makahabol sa pagkalembang ng bell sa paaralan. dalawang oras ang inilalaan niya rito dahil tinitipid niya ang dalawang sakay na dyip, o labindalawang piso, upang makapag-ipon. bente-kwatro pesos din iyon kapag balikan. nilalakad niya ang mahabang daan araw-araw, balikan, at iniipon ang mga baryang naitatabi upang magamit pambili ng sigarilyo’t kendi panlako.

dalawa silang magkapatid ni bronson, panganay siya. apat na taon ang pagitan nila ni erika at dahil rito, siya ang nag-aalaga sa bunsong kapatid. bihira sa bahay ang ama, gabi na kung umuwi ang ina kaya’t magulang na rin siya kung ituring ni erika. siya ang sumbungan, ang takbuhan, ang taga-awat, ang utusan. siya ang lahat sa bahay. Inaasahan siya, at naaasahan siya sa halos lahat ng bagay.

sa murang edad, marami siyang alam. marunong siyang magluto, maglaba, mamlantsa, at masipag at handang matuto. madalas sabihin ng mga kapitbahay, maswete ang mag-asawa kay bronson, masipag at maaasahan. Hindi ito pinapansin ni bronson, hindi ito pumapasok sa kanya.

magaling din siya sa klase. hindi man siya nangunguna, hindi rin siya bumabagsak. aktibo sa mga clubs at organizations basta’t hindi kailangan ang registration fee at kung anu-anong fee. paborito rin siya ng mga guro at kaibigan ng lahat dahil sa natatanging kabaitan.

********

sa eskinita nila bronson kung saan dikit-dikit ang mga bahay at magkakapatong ang mga bubong na yari sa yero, walang balitang hindi dumaraan kay ka domeng. si ka domeng ang tinitingala sa maliit na eskinitang iyon. sa kanya nagpapaalam ang mga matatandang nais ipasyal ang mga apo, ang mga manginginom, ang mga asawang nais magtayo ng bagong sari-sari store, ang mga bagong nagbubuntis, ang mga batang nais maglaro sa kabilang eskinita o bayan, at ang mga bagong salta at lipat.

siya ang batas doon, siya ang sinusunod. kalbo, puno ng tattoo ang likod at braso, walang kilay at laging nasa kanto ng eskinita, pa-yosi-yosi at pa-bara-baraha, sa hitsura pa lang ay masasabi na tigas siya sa lugar nila. maging ang mga maaangas na namamasada ng dyip at konduktor ay kilala siya.

********

pauwi noon si bronson nang malaman ang balita.

“hindi na si aling dolor ang kapitbahay namin? kailan pa?” gulat na tanong ni bronson.

“halos dalawang buwan na yata. hindi mo alam? para naman tong gago o!” sagot ng matalik na kaibigan ni bronson na si carlo.

“maaga kaya akong gumigising! tapos, pagka-dismiss, dumidiretso na ko ng bahay para kunin si erika kay ka domeng. ganoon lagi kaya hindi ko rin napapansin. wala rin akong nababalitaan.”

“kay ka domeng? marunong bang mag-alaga ng bata ‘yon?”

“y’ong asawa niya, gago!”

“linawin mo kasi, kupal!”

“buwisit! o... tuloy mo na lang y’ong kuwento.”

********

pagkalembang ng bell, madaling lumabas si bronson at sumakay ng dyip. mabilis ang kanyang lakad, tila nanay na may hinahabol na teleserye. nang makarating siya sa eskinita nila, madali niyang sinundo si erika sa mabait na asawa ni ka domeng at dumiretso sa kanilang bahay. sinara niya ang pinto plywood at dinala sa kwarto ang nakababatang kapatid. nagtungo siya sa c.r., ibinaba ang zipper kasabay ang pantalon, at umupo sa inidoro. bbbrrrrrrrrookkkkkk.... bbbbrrrrrrkkkkkkk.... bbbrrkkk.... bbbrrrrrrrrrookkkk....

nang makaraos at maghugas, binuhusan niya ang mga duming inilabas at inakyat ang pantalong nabasa na sa putik. basa na halos ang buong pantalon, ang natira na lang na tuyo ay ang itaas ng tuhod pataas, pantal-pantal sa may singit at zipper. palabas na siya nang makarinig siyang muli ng isa pang buhos. may kaunting putik na lumabas sa butas. sumilip siya.

********

“bilog. bilog pare, bilog ang mundo. parang gulong lang ‘yan, hindi ba? kung minsan nasa taas ka, kung minsan nasa baba ka. tangina, parang hindi mo alam ‘yan a!” sabi kay manong ben ng kainuman niyang walang trabaho.

“oo nga pero lintek naman ‘yan, araw-araw na lang kasi.” sagot naman ni manong sabay inom ng kanyang gin. “araw-araw na lang kasi akong nasa baba.”

“masarap naman ang nasa baba, hindi ba p’re?” biro ng kainuman niya sa iba.

natapos sila sa dalawang case kahit apat lang sila. pagewang-gewang na naglakad ang tatlo, ngunit hindi si manong. bihira lang malasing si manong at hindi ito ang araw na ‘yon. tahimik lang din siya ‘pag naka-inom hindi tulad ng mga iba na mas madadadaldal pa kaysa sa kani-kanila asawa.

nang maka-uwi at buksan ni manong ben ang pinto, madilim ang paligid. sarado ang bintana at maging ang mga ilaw. kinapa niya ang switch gamit ang kanang kamay, paitaas, paibaba, pakanan... nang masalat at mabuksan, nakita niya si bronson na nakahiga sa sofa. madalas ay ang asawa niya ang nakaupo rito, ngunit hindi sa pagkakataong ito. si bronson ang nasa sopa, at walang librong makikita sa paligid nito—siya lang at ang kanyang bitin at kupas na pantalon pang-eskwela na basa-basa pa.

umupo siya sa tabi ni bronson at tinitigan ang panganay, nagbuntong-hininga at pumikit.

napadilat siya nang marinig niya ang pamilyar na tunog. gumapang ang malamig na hangin galing sa siwang ng pinto at pader na gawa sa plywood. narinig niyang muli ang tunog at tumayo siya at naglakad patungo sa pinanggagalingan.

********

umupo siya sa inidoro. maliit lang ang c.r. at masikip. narinig niyang muli ang tunog.

********

ding! dong! ding! dong!

nang kumalembang ang bell ng paaralan, mabilis na nagligpit ng gamit si bronson at agad na lumabas ng silid. halos patakbo siyang umalis ng paaralan at kitang kita sa kanyang mukha ang labis na pagmamadali. pumara siya ng dyip at sumakay. masikip ang dyip. rush hour. halos balat na lang ng pwet ang nakadikit sa upuan sa labis na kasikipan. tagaktak ang pawis at halata sa mukha ang pagkangalay ngunit nagtitiis pa rin.

nang makababa ay mabilis muling naglakas patungong eskinita pauwi si bronson. tulad ng nakagawian, tulad ng araw-araw, kinuha niya si erika sa asawa ni ka domeng at inuwi sa bahay. nang makapasok ay agad isinara ang pinto. pinasok sa kwarto ang bunsong kapatid at nagmadaling pumunta ng banyo.

umupo siya sa inidoro. nakinig.

lumipas ang ilan pang minuto na wala siyang ginagawa. nakaupo lang siya. nang marinig niya ang tunog na nanggagaling sa pader, nanlaki ang kanyang mga mata, yumuko siya ng bahagya. inilapat niya ang kanyang mata sa butas at sumilip ng dahan-dahan. Inilapat niya ang mga kamay sa pader at idinikit ang mukha.

madilim. nagmumula sa maliit na siwang sa bubong ay ang kaunting ilaw na pumapasok sa masikip na banyo na tumatama sa morenang balat niya. madilim ngunit kita ang hubog. ang bawat pagyuko’t pagsalok ng tubig sa balde ay nagpapainit ng paligid.

hindi makita ang mukha ng babae. hindi rin dito nakatitig si bronson, sa dibdib. ang malambot na guhit sa kanyang likod na dire-diretso paibaba, ang mahabang buhok na basang basa at nakahiga na lang sa balikat, ang makinis na hita, hindi kumukurap si bronson.

bahagyang tumayo si bronson at binuksan ang botones ng kanyang pantalon, inangat ang naninilaw na polo at ibinaba ang zipper kasabay ang pantalong bitin.

********

naulit at naulit pang muli hanggang sa nakasanayan na ito ni bronson.

********

isang hapon, nakasilip nanamang muli si bronson sa butas. nakatitig. basang-basa ng putik ang pantalong nasa isang tabi ng banyo. pawis na pawis ang kanyang pisngi at leeg. Madilim.

aaaaa.. aaa....

bumukas ang pinto. nagulat. nasilaw siya sa biglang pagliwanag ng banyo. Patuloy ang tunog na nagmumula sa pagbagsak ng tubig galing sa tabo paibaba. halos hindi niya maidilat ang mga mata. Ayaw niyang idilat. nasa sulok ng banyo ang kanyang pantalon. nakalapat ang kanang kamay sa pader, ang kaliwa’y nasa may baywang. nahuli siya ni manong ben.

********

ngumiti si ben.

********

ang tanong, bakit nga ba ayaw tapalan ni manong ben ang butas sa banyo? alam mo ba kung bakit?