2.17.2008

ampalaya, ang antagonist ng buhay niya

burat na burat na siya sa mga tsismis na kumakalat. kaliwa’t kanan ang mga naninira’t nais kumontrol sa kanyang buhay. kaliwa’t kanan din ang mga comment na hindi naman hiningi.

nakatago siya sa kanyang kuwarto. madilim. ang ilaw na nanggagaling sa kanyang monitor at blinds ng bintana na lang ang nagbibigay korte sa lahat ng bagay sa loob ng kanyang silid. nakabibingi rin ang katahimikan, ang monotonous na tunog lang ng bentilador ang maririnig. habang nasa harap ng monitor ng computer, nagsusulat at nagta-type siya sa kanyang blog. ginagawa niya ang kuwento ng kanyang buhay.

marami siyang prinsipyo at isa rito ang nakuha niya sa kanyang propesora noong siyang nasa kolehiyo pa. sa isang food chain, tao ang nakikinabang sa lahat. tao ang nasa itaas. at kung ikaw na isang tao ay tatawagin na isang hayop, binababa ka niya ng isang level sa food chain.

namumuo man ang luha sa magkabila niyang mata, pinigilan niya ito at napangiti at itinuloy ang pagta-type kanyang keyboard. “..antagonist....” bulong niya sa kanyang monitor.

dinuktungan niya ang kuwento ng kanyang buhay.

“..nasa telepono ang aking ama noon nang mapansin ko ang kanyang malakas na tawa. nang ibaba niya ang telepono, tinanong ko kung sino ang kanyang kausap at tila napakasaya ng kanilang pinag-uusapan. kausap pala niya ang kapatid niyang ampalaya. siya, ang...."