2.25.2008

remember the first time you said it?

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.


hindi ko alam kung ano’ng meron sa mga bading, napabibilib nila ko.

bata pa ko, napapatitig na ko sa kanila—kung paano sila manamit, kung paano nila dalhin ang kanilang mga sarili, at kung paano nila tanggapin ang mga puna at pangungutya ng iba. hindi ko makalilimutan noong unang beses akong magupitan ni ate rene noong bagong bukas ang parlor niya. unang beses ko ring magupitan sa isang parlor noon, madalas kasi ay sa barbero ako kinakalbo.

mahal na araw noon, sarado ang mga tindahan. walang tao, o kahit sasakyan o namamasadang traysikel sa labas. mainit. at, hindi ko mainitindihan kung bakit buhok ko naman ang pinagbuhusan ng galit ni itay. magpagupit daw ako at nagmumukha na raw akong walis tambo. nang silipin ko sa salamin ang sarili, wala naman akong nakitang mali liban sa magagandang bagsak kong napatilya na halos limang buwan ko ng hindi pinapuputulan sa barberya.

“hala! sige! magpasama ka kay ate doris mo! magpagupit ka!”

tutal ay magpapagupit na rin daw si ate ay sumabay na ko. nang lumabas kami ng gate, tumabi kami sa malapad na poste ng meralco upang hindi tamaan ng naka-iitim na araw. Halos kinse minutos kami roon ngunit ni isang traysikel ay walang dumaan kaya’t nagdesisyon si ate na maglakad na lang. hindi rin naman kalayuan at ayaw ko ring bumalik ng bahay kaya’t hindi na lang ako nagsalita. Ilang sandali pa’y napapikit ako nang pasukin ng kung ano ang aking mata. nakarating na kami sa parlor ni ate rene. pinasok ang aking mata nang magspraynet si ate rene sa kanyang kostomer.

“donya! buti napabisita ka! pasok, pasok! upo muna kayo.” sigaw ni ate rene pagkakita kay ate doris “sino yan?”

“bunso namin, pogi no?” sagot naman ni ate habang nakatingala ako sa kanila.

ngumiti lang si ate rene at pinagpatuloy ang pag-aayos ng buhok ng matandang makapal ang eyeliner. hindi yata napansin ni ate rene ang hindi pantay na kilay ng matanda, isip ko noon. kailan ko lang naalala at nalaman, tattoo pala ang kilay niya, at kumulubot ang balat kaya’t hindi na pantay.

namamasukan daw dati noon si ate rene sa parlor ng isang magkapatid na bading. tatlo sila noong taga-kulot nang mapansing hindi na sapat ang sinesweldo sa mga trabahong ginagawa niya dahil habang tumatagal ay lalong dumarami ang pinapagawa sa kanya, dati ay pagkukulot lamang, ngunit ngayo’y pati ang paglilinis ng kuko, pagme-make-up, at maging ang pagmamasahe. nang mapikon at makaipon, nagtayo siya ng sariling parlor.

nang matapos ayusan ang matanda ay sumunod si ate dorris. matagal ng magkaibigan ang dalawa, palibhasa’y magaling maggupit si ate rene. sinundan siya ni ate hanggang ngayon nga, nang magbukas na siya ng sariling parlor.

“donya, ang bilis humaba ng buhok mo. ano’ng gusto mong gupit?” habang hawak ang buhok ni ate.

“ikaw na’ng bahala, kung ano’ng bagay sa’kin.” pangiti na sagot ni ate.

“layered, bagay sa’yo yon.”

“sige, ‘kaw na bahala.”

nakatingin ako sa salamin na nasa harap ko nang mapansin ko ang mga litratong nakadikit sa pader. isang nakasuot ng gown na nasa entablado, isang may hawak na diploma, isang may kasamang mga magagandang babae, isang may kayakap na lalake, isang naka-two-piece. natuwa ako sa aking mga nakita, tumayo ako at tiningnan ang mga tunay na litrato sa pader. isa-isa. dahan-dahan. pataas hanggang sai baba.

“ay donya, dinikit ko mga litrato ko sa pader para bongga. baka dumami ang mga kostomer ‘pag nakita na big time pala ako noong ako’y bata pa. tignan mo o, ang asim ko pa noon.” turo ni ate rene, at nilakasan ang boses nang hindi lumingon si ate “donya! tingnan mo muna! sinama ko nga pati yung pictures natin noong magkaklase pa tayo o.”

napabilib ako sa kanya at sa mga litrato niya, kung paano siya manamit, kung paano niya dalhin at dinala at dinadala ang sarili, at kung paano niya....

********

bumagsak ang gunting sa sahig na kulay pula. nagulat si ate rene. Yumuko siya ng dahan-dahan, nilagay ang kamay sa dibdib at pinuloy ang gunting habang dahan-dahan ding lumabas ang kanyang likod at korte ng puwit. nang kunin niya ang gunting, tumingin siya sa’kin, at ngumiti.

********

nang matapos gupitan si ate, bangag na ko kaya’t ginupitan ako ng tulog. nagising na lang ako nang bulungan ako ni ate, tapos na pala.

hindi na mainit nang umuwi kami dahil pababa na ang araw noon. habang naglalakad, nagkuwento si ate tungkol kay ate rene. top 3 pala siya noon, ngunit dahil maagang namatay ang ina ay hindi na nakapagtapos. namasukan siya sa mga parlor, palibhasa’y magaling sa pag-aayos, hindi naman siya nahirapan. siya raw kasi ang nag-aayos sa mga kaklase sa tuwing gigimik ang mga kaibigang mga babae. maging ang mga titser nila noon ay sa kanya nagpapa-ayos. “magaling si ate rene mo, mabait.” sabi ni ate.

“puta, anong klaseng gupit yan!” sigaw ni itay nang makita ako.

nagulat ako, hindi ko nakita ang sarili ko bago umalis ng parlor. tumakbo ako sa malaking salamin na nakasabit sa pader ng sala. nagulat ako, hindi ito gupit barbers o kalbo, ngunit hindi pangit. katunayan, maganda.

walang shaver na ginamit, kung iyon nga ang tawag doon. bagsak lahat ng buhok ko, tinira niya ang aking patilya kahit hindi ko sinabing huwag niyang putulin, may buhok sa likod, parang.... layered.

“punyeta! sabi ko samahan mo siyang magpagupit! ano ‘to!” galit na sigaw ni itay kay ate. sumagot si ate ng pasigaw rin. “e sarado lahat ng pagupitan e. ano’ng gusto mong gawin ko? sabi mo sumabay na siya sa’kin magpagupit? e ‘di sa parlor ‘yon!” sabay alis ni ate na umiiyak.

wala akong nasabi, hindi ko rin napatanggol si ate. hindi ko rin alam ang sasabihin ko. napa-iyak na lang ako kahit hindi ko alam kung bakit. nalaman ko na lang, hindi na ko nagpapagupit sa barber. hindi na rin barbers o kalbo ang pinagugupit ko.

********

tatlong taon na kong kay ate rene nagpapagupit. tatlong taon na ring ganito ang buhok ko. tatlong taon na rin akong hindi tinitigilan ni itay. papunta akong muli sa parlor ni ate rene upang magpa-trim, medyo mahaba na rin kasi ang buhok ko sa likod at hindi na pantay.

sarado ang pinto ng parlor ni ate rene ng madatnan ko. kumatok ako.

“ate rene?” habang kinakatok ko ang pintong may malaking litrato ni ate v. “ate rene?”

paalis na ko nang buksan ang pinto, “sino ‘yan? toto! ikaw pala. pasok. kanina ka pa ba?” nakatwalya lang si ate rene noon, katatapos lang maligo.

“pasensiya ka na a, saktong naliligo kasi ako kanina, ate mo?” tanong niya habang nasa loob ng maliit na kuwarto na bahagyang nakabukas ang pinto.

“nasa bahay e.... ay.... nasa school pala.” tarantang sagot ko nang makita niya kong nakatitig sa twalyang may mga pantal ng tubig. Hubog na hubog sa tuwalya ang kanyang katawan, kitang-kita kahit sa loob ng madilim at maliit na kuwartong iyon kung nasaan siya naroon.

tumutulo pa ang kanyang buhok at kalat sa buong parlor ang amoy ng kanyang shampoo, o cologne. pataas kong tinitigan ang kanyang katawan na nababalot ng twalya hanggang umabot sa kanyang dibdib. tiyaka ko napansing nakatingin din siya sa’kin.

ngumiti siya.

********

“aaaaa.... aaaaww.... aaaatee.... aaaa....”

magaling si ate rene.

********

naalala ko tuloy yung laro nila aaron at badong sa school.... tumbong. unang beses ko ‘tong ikuwento, secret lang a.

2.17.2008

ampalaya, ang antagonist ng buhay niya

burat na burat na siya sa mga tsismis na kumakalat. kaliwa’t kanan ang mga naninira’t nais kumontrol sa kanyang buhay. kaliwa’t kanan din ang mga comment na hindi naman hiningi.

nakatago siya sa kanyang kuwarto. madilim. ang ilaw na nanggagaling sa kanyang monitor at blinds ng bintana na lang ang nagbibigay korte sa lahat ng bagay sa loob ng kanyang silid. nakabibingi rin ang katahimikan, ang monotonous na tunog lang ng bentilador ang maririnig. habang nasa harap ng monitor ng computer, nagsusulat at nagta-type siya sa kanyang blog. ginagawa niya ang kuwento ng kanyang buhay.

marami siyang prinsipyo at isa rito ang nakuha niya sa kanyang propesora noong siyang nasa kolehiyo pa. sa isang food chain, tao ang nakikinabang sa lahat. tao ang nasa itaas. at kung ikaw na isang tao ay tatawagin na isang hayop, binababa ka niya ng isang level sa food chain.

namumuo man ang luha sa magkabila niyang mata, pinigilan niya ito at napangiti at itinuloy ang pagta-type kanyang keyboard. “..antagonist....” bulong niya sa kanyang monitor.

dinuktungan niya ang kuwento ng kanyang buhay.

“..nasa telepono ang aking ama noon nang mapansin ko ang kanyang malakas na tawa. nang ibaba niya ang telepono, tinanong ko kung sino ang kanyang kausap at tila napakasaya ng kanilang pinag-uusapan. kausap pala niya ang kapatid niyang ampalaya. siya, ang...."

2.15.2008

ang butas ni manong ben

*ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga materyal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata. kung sa inyong palagay ay mabibigla o maiinsulto kayo ng kwentong ito sa kahit anong paraan. paki-usap, huwag babasahin.

nag-aaway nanaman ang tatay at nanay ni bronson. kung hindi pera, pag-intrega at pag-inom ni manong ben ang issue, ngunit sa pagkakataong ito, ang butas sa c.r. ang ikinagagalit ni nanang lucing. magdadalawang buwan na kasi ang nasabing butas, halos kasya na ang piso at lumalabas na rito ang mga lupa at durug-durog na semento. kapag naliligo at pinapasok ng tubig ang butas, nagpuputik at binabara ang drainage. lalong lumalakas ang talak ni nanang kay manong dahil dito.

“..tangina mo kasi! kung tinapalan mo na ng epoxy yang butas na ‘yan, hindi sana tayo binabaha! inom ka kasi ng inom! gin! karaoke! gin! karaoke! nambababae ka pa! tangina naman, nagsasawa na ko. lagi ka na lang ganyan! pu....” sigaw ni nanag lucing.

halos hindi na gumagalaw si ben sa kanyang kinauupuan. nakahilata na lang siya sa sopa at tulala, bangag sa gin, naubos na rin ng karaoke ang kanyang lakas, wala siyang gana para makipagtalo. hindi ngayon. huwag ngayon. huwag muna. nanatili siyang nakaupo hanggang napagod ang asawa at nakatulog, gayo’n din siya. nakatulog na siya sa sopa.

********

hapon pa ang pasok ni bronson kaya’t tuwing umaga’y tumutulong siya sa pagbenta ng kakanin kasama ang ina. alas-onse na siya maliligo at papasok upang makahabol sa pagkalembang ng bell sa paaralan. dalawang oras ang inilalaan niya rito dahil tinitipid niya ang dalawang sakay na dyip, o labindalawang piso, upang makapag-ipon. bente-kwatro pesos din iyon kapag balikan. nilalakad niya ang mahabang daan araw-araw, balikan, at iniipon ang mga baryang naitatabi upang magamit pambili ng sigarilyo’t kendi panlako.

dalawa silang magkapatid ni bronson, panganay siya. apat na taon ang pagitan nila ni erika at dahil rito, siya ang nag-aalaga sa bunsong kapatid. bihira sa bahay ang ama, gabi na kung umuwi ang ina kaya’t magulang na rin siya kung ituring ni erika. siya ang sumbungan, ang takbuhan, ang taga-awat, ang utusan. siya ang lahat sa bahay. Inaasahan siya, at naaasahan siya sa halos lahat ng bagay.

sa murang edad, marami siyang alam. marunong siyang magluto, maglaba, mamlantsa, at masipag at handang matuto. madalas sabihin ng mga kapitbahay, maswete ang mag-asawa kay bronson, masipag at maaasahan. Hindi ito pinapansin ni bronson, hindi ito pumapasok sa kanya.

magaling din siya sa klase. hindi man siya nangunguna, hindi rin siya bumabagsak. aktibo sa mga clubs at organizations basta’t hindi kailangan ang registration fee at kung anu-anong fee. paborito rin siya ng mga guro at kaibigan ng lahat dahil sa natatanging kabaitan.

********

sa eskinita nila bronson kung saan dikit-dikit ang mga bahay at magkakapatong ang mga bubong na yari sa yero, walang balitang hindi dumaraan kay ka domeng. si ka domeng ang tinitingala sa maliit na eskinitang iyon. sa kanya nagpapaalam ang mga matatandang nais ipasyal ang mga apo, ang mga manginginom, ang mga asawang nais magtayo ng bagong sari-sari store, ang mga bagong nagbubuntis, ang mga batang nais maglaro sa kabilang eskinita o bayan, at ang mga bagong salta at lipat.

siya ang batas doon, siya ang sinusunod. kalbo, puno ng tattoo ang likod at braso, walang kilay at laging nasa kanto ng eskinita, pa-yosi-yosi at pa-bara-baraha, sa hitsura pa lang ay masasabi na tigas siya sa lugar nila. maging ang mga maaangas na namamasada ng dyip at konduktor ay kilala siya.

********

pauwi noon si bronson nang malaman ang balita.

“hindi na si aling dolor ang kapitbahay namin? kailan pa?” gulat na tanong ni bronson.

“halos dalawang buwan na yata. hindi mo alam? para naman tong gago o!” sagot ng matalik na kaibigan ni bronson na si carlo.

“maaga kaya akong gumigising! tapos, pagka-dismiss, dumidiretso na ko ng bahay para kunin si erika kay ka domeng. ganoon lagi kaya hindi ko rin napapansin. wala rin akong nababalitaan.”

“kay ka domeng? marunong bang mag-alaga ng bata ‘yon?”

“y’ong asawa niya, gago!”

“linawin mo kasi, kupal!”

“buwisit! o... tuloy mo na lang y’ong kuwento.”

********

pagkalembang ng bell, madaling lumabas si bronson at sumakay ng dyip. mabilis ang kanyang lakad, tila nanay na may hinahabol na teleserye. nang makarating siya sa eskinita nila, madali niyang sinundo si erika sa mabait na asawa ni ka domeng at dumiretso sa kanilang bahay. sinara niya ang pinto plywood at dinala sa kwarto ang nakababatang kapatid. nagtungo siya sa c.r., ibinaba ang zipper kasabay ang pantalon, at umupo sa inidoro. bbbrrrrrrrrookkkkkk.... bbbbrrrrrrkkkkkkk.... bbbrrkkk.... bbbrrrrrrrrrookkkk....

nang makaraos at maghugas, binuhusan niya ang mga duming inilabas at inakyat ang pantalong nabasa na sa putik. basa na halos ang buong pantalon, ang natira na lang na tuyo ay ang itaas ng tuhod pataas, pantal-pantal sa may singit at zipper. palabas na siya nang makarinig siyang muli ng isa pang buhos. may kaunting putik na lumabas sa butas. sumilip siya.

********

“bilog. bilog pare, bilog ang mundo. parang gulong lang ‘yan, hindi ba? kung minsan nasa taas ka, kung minsan nasa baba ka. tangina, parang hindi mo alam ‘yan a!” sabi kay manong ben ng kainuman niyang walang trabaho.

“oo nga pero lintek naman ‘yan, araw-araw na lang kasi.” sagot naman ni manong sabay inom ng kanyang gin. “araw-araw na lang kasi akong nasa baba.”

“masarap naman ang nasa baba, hindi ba p’re?” biro ng kainuman niya sa iba.

natapos sila sa dalawang case kahit apat lang sila. pagewang-gewang na naglakad ang tatlo, ngunit hindi si manong. bihira lang malasing si manong at hindi ito ang araw na ‘yon. tahimik lang din siya ‘pag naka-inom hindi tulad ng mga iba na mas madadadaldal pa kaysa sa kani-kanila asawa.

nang maka-uwi at buksan ni manong ben ang pinto, madilim ang paligid. sarado ang bintana at maging ang mga ilaw. kinapa niya ang switch gamit ang kanang kamay, paitaas, paibaba, pakanan... nang masalat at mabuksan, nakita niya si bronson na nakahiga sa sofa. madalas ay ang asawa niya ang nakaupo rito, ngunit hindi sa pagkakataong ito. si bronson ang nasa sopa, at walang librong makikita sa paligid nito—siya lang at ang kanyang bitin at kupas na pantalon pang-eskwela na basa-basa pa.

umupo siya sa tabi ni bronson at tinitigan ang panganay, nagbuntong-hininga at pumikit.

napadilat siya nang marinig niya ang pamilyar na tunog. gumapang ang malamig na hangin galing sa siwang ng pinto at pader na gawa sa plywood. narinig niyang muli ang tunog at tumayo siya at naglakad patungo sa pinanggagalingan.

********

umupo siya sa inidoro. maliit lang ang c.r. at masikip. narinig niyang muli ang tunog.

********

ding! dong! ding! dong!

nang kumalembang ang bell ng paaralan, mabilis na nagligpit ng gamit si bronson at agad na lumabas ng silid. halos patakbo siyang umalis ng paaralan at kitang kita sa kanyang mukha ang labis na pagmamadali. pumara siya ng dyip at sumakay. masikip ang dyip. rush hour. halos balat na lang ng pwet ang nakadikit sa upuan sa labis na kasikipan. tagaktak ang pawis at halata sa mukha ang pagkangalay ngunit nagtitiis pa rin.

nang makababa ay mabilis muling naglakas patungong eskinita pauwi si bronson. tulad ng nakagawian, tulad ng araw-araw, kinuha niya si erika sa asawa ni ka domeng at inuwi sa bahay. nang makapasok ay agad isinara ang pinto. pinasok sa kwarto ang bunsong kapatid at nagmadaling pumunta ng banyo.

umupo siya sa inidoro. nakinig.

lumipas ang ilan pang minuto na wala siyang ginagawa. nakaupo lang siya. nang marinig niya ang tunog na nanggagaling sa pader, nanlaki ang kanyang mga mata, yumuko siya ng bahagya. inilapat niya ang kanyang mata sa butas at sumilip ng dahan-dahan. Inilapat niya ang mga kamay sa pader at idinikit ang mukha.

madilim. nagmumula sa maliit na siwang sa bubong ay ang kaunting ilaw na pumapasok sa masikip na banyo na tumatama sa morenang balat niya. madilim ngunit kita ang hubog. ang bawat pagyuko’t pagsalok ng tubig sa balde ay nagpapainit ng paligid.

hindi makita ang mukha ng babae. hindi rin dito nakatitig si bronson, sa dibdib. ang malambot na guhit sa kanyang likod na dire-diretso paibaba, ang mahabang buhok na basang basa at nakahiga na lang sa balikat, ang makinis na hita, hindi kumukurap si bronson.

bahagyang tumayo si bronson at binuksan ang botones ng kanyang pantalon, inangat ang naninilaw na polo at ibinaba ang zipper kasabay ang pantalong bitin.

********

naulit at naulit pang muli hanggang sa nakasanayan na ito ni bronson.

********

isang hapon, nakasilip nanamang muli si bronson sa butas. nakatitig. basang-basa ng putik ang pantalong nasa isang tabi ng banyo. pawis na pawis ang kanyang pisngi at leeg. Madilim.

aaaaa.. aaa....

bumukas ang pinto. nagulat. nasilaw siya sa biglang pagliwanag ng banyo. Patuloy ang tunog na nagmumula sa pagbagsak ng tubig galing sa tabo paibaba. halos hindi niya maidilat ang mga mata. Ayaw niyang idilat. nasa sulok ng banyo ang kanyang pantalon. nakalapat ang kanang kamay sa pader, ang kaliwa’y nasa may baywang. nahuli siya ni manong ben.

********

ngumiti si ben.

********

ang tanong, bakit nga ba ayaw tapalan ni manong ben ang butas sa banyo? alam mo ba kung bakit?

2.13.2008

araw

paparating na siya, alam ko. nagliliparan na ang mga dahon at alikabok patungo sa aking kinatatayuan, nararamdaman ko na rin ang kakaibang amoy niya, maging ang padura-durang ulan ay sumasampal na rin sa aking mukha, nakahanda na ko. dito, ako’y tatayo. hindi ako patitinag, hindi ako aalis, kahit gaano pa siya kalakas. masasaktan, masusugatan, magtitiis. malakas man siya ngayon, alam ko, mauubos din ang hangin at ulan. aaraw din. hihilom din ang mga sugat.

mabuti na lang at hindi nagtatagal ang bagyo. matagal na ang isang linggo. isang bagsakan at tatahan din ang mga iyak at hagulgol. alam ko, pagkatapos ay muling lalabas ang tunay—ang natural, ang normal, ang nakasanayan—araw. Ilalatag niya ang kanyang bahaghari na magbibigay ngiti sa mga tao, maging ang mga nasalanta at lubog sa baha.

alam ko. nariyan siya. mainit. dilaw. siya, ang tunay na siya. siya na maaasahan, na nagbibigay ng lakas sa lahat ng may mata. alam ko, umiikot ang mundo kapag siya, ang tunay na siya, ang nariyan. nawawala ang iba. siya ang nag-iisa. bida.

2.12.2008

education, nag-uumpisa sa kolehiyo

two years paglalaruin sa playground para masanay sa environment of education at kung paano makihalubilo sa iba. six years na tuturuang sumunod sa directions at umasta ayon sa dikta ng kultura, huhubugin at ililipat muli sa mas mataas na level. saan, o ano, ang mas mataas na level? high school, dito naman susubaysabayan at babantayan, at parurusahan kung sumuway man sa mga rules and regulations na ibinaba ng mga nasa taas. dito bibigyan ng mga limits at kaunting rights, tiyaka lamang hahayaang matuto, uumpisahan ng apat na taong introduction hanggang sa mamatay at malibing sa hukay. dito, dito matututunan ang tunay na leksyon ng buhay, kung ano ang realidad at kung paano makisama sa realidad.

ang tunay na edukasyon, nagsisimula after twelve years na pagtatali sa iyong mga pakpak at bibig. Isinusubo sa’yo ang iyong mga sinasabi, galing sa utos ang iyong mga ginagawa, sunud-sunuran ka and your opinion does not matter.

mahabang panahon ang twelve years. hindi biro ang matrikula lalo na’t sa kasalukuyang panahon na isang uri na rin ng business ang edukasyon. pera, panahon, buhay ang nilalaan. kung sulit sana ang mga pinaglalaanan, walang kaso, ngunit paano kung nauuwi lang ito sa wala?

we need quality teachers; teacher that are willing to impart their knowledge to students. dalawa ang problema. una, we are in need of quality teachers. kung ang mga teachers na nagtuturo sa mga grade school at high school ay walang ginawa kundi ang magkuwento tungkol sa kanilang buhay, kung paano sila kagaling noong sila’y bata pa, kung gaano kahirap ang buhay ng isang guro, at kung anu-ano pang kabalbalan, anu na ang matututunan ng mga pobreng bata? kawawa ang mga magulang na naghihirap para sa matrikula na nauuwi lang sa wala. wala man lang silang kaalam-alam. kailangan natin ng mga guro na marunong. kailangan natin ng mga guro na marunong magturo at may ituturo. hindi natin kailangan ng mga guro na nanghihingi ng mga regalo , o keychain ng mga estudyante o umaalis at umiinom at umaastang bata kasama ang mga bata. we need quality teachers. pangalawa, we need teachers that are willing to impart their knowledge to students. the platform is not a stage and teaching is not a show. hindi mahalaga kung paulit-ulit mong suot ang polo mong kupas o pantalon mong bitin. mas mahalaga kung anu ang ituturo mo at kung paano nila ito maiintindihan. huwag kang umasang homeworks and expensive projects for the school’s openhouse will educate your students. hindi sila matututo hangga’t hindi mo alam kung ano ang iyong ituturo at kung paano mo ito ituturo.

ito ang nangyayari sa panahon ngayon. nahihirapan ang mga estudyanteng makapasok sa mga nais nilang kolehiyo dahil hindi sila natuto o naturuan ng mabuti. hindi nila maaaring isagot sa entrance test ang kwento ng buhay ng mga teachers nila noong high school o kung paano magpinta at magdisenyo ng t-shirt na natutunan nila sa art class. hindi ito lumalabas sa mga entrance test, hindi ba? umaasa ang mga secondary schools na makapasa ang mga estudyante sa mga pangunahing universities unaware or umaastang unaware na hindi ang estudyante ang may problema kundi ang kanilang mga guro. teaching is a talent. mahirap magturo. matalino ka man, magaling ka man, hindi ito sapat kung hindi mo maipapamahagi. magaling ka man mag-impart ng kung ano, kung wala ka namang ma-impart, hindi rin uubra. hindi lang skill, you need both the skill and the knowledge.

hindi lang puro knowledge, apply it. use it. Impart it. share it. ang nangyayari kasi ay sa kolehiyo na natututo ang mga bata. mangmang sa history, hindi makasagot sa klase kapag tinatanong ng propesor. ito ang madalas na litrato sa loob ng silid sa kolehiyo. mapipilitang magbasa ang mga estudyante at magpuyat upang maisaulo ang kalahating dangkal na libro na puno ng pangalan at dates. mapipilitan silang isaulo ang lahat ng ito na dapat ay madali na lamang kung natalakay ng mabuti noong sila’y high school pa. sa kolehiyo rin nila natututunan ang realidad at kung paano makisama rito. sa kolehiyo, matututunan ang mga bagay na hindi nagawang malaman noong high school—makalipad ng malaya, makapagsalita ng nais, makapagsulat ng walang humahadlang, makaalis ng walang pumipigil, makigulo, makiisa, maging ikaw.

2.10.2008

ang nais kong kwento: walang kontra-bida

ilan ang kaaway mo noong bata ka pa? ilan ang hindi mo bati? ilan ang naiinis sa'yo?

hindi ko na matandaan. at, higit na hindi ko malalaman ang sagot sa huling tanong. ilan nga ba?

bata pa ko'y sanay na kong manakit. kaaway, kaibigan, kabarkada, kapatid, at maging mga guro, hindi ko pinapalampas. lahat inaasar ko. lahat ginagago. wala pinalalampas. noon pa'y may sarili na kong prinsipyo sa buhay, bagaman baluktot, prinsipyo ko pa rin itong matatawag.

nakapagtataka lang na habang tayo'y tumatanda, tila natututong mag-math ang ating buhay. noo'y addition lang ang alam, ngunit ngayo'y multiply na--multiplication ng mga kaaway, at malamang, mga naiinis sa inyong bida ngayon. (bida ako ngayon, maaaring ikaw rin, subukan mong mgpatuloy magbasa) multiplication na rin ng mga kaibigan. sa pagtanda nga naman ng tao, lalong nagiging komplikado. maraming twists, maraming turns, minsa'y mabilis, minsa'y mabagal, iikot, babaluktot, ngunit kailangan mong bumalik sa tamang daan. (narito ko)

mas masarap talaga kapag bata pa. pagkain lang ang problema, at isang iyak lang ay nariyan na ang suso sa bibig--may pagkain na siya.

sa pagtanda ng tao, dumarami ang kontra-bida. maraming magsusuot ng pulang kapa at magpapanggap bilang isang maliit na red riding hood, maraming magpapanggap at sasaksak sa inyong mga likod. aarte at gagalaw at magsasalitang tila isang tunay na kaibigan.

maging ma-ingat. maging mapagmasid. alamin kung sino ang totoo. tunay.

hindi bida ang mga kontra-bida sa kwento ko.

hindi rin sila karapat-dapat maging mga kontra-bida. bakit? ang mga kontra-bida ay mahahalaga pa rin sa mga kwento, at hindi sila naaayon dito.

sa kwento ko, sa kwento ng buhay ko, ako ang masusunod. ako ang mamimili ng kontra-bida, ako ang pipili kung paano gagalaw at uusad ang kwento at kung paano matatapos. hawak ko ang bawat twist and turns. hawak ko.

nais ko, ang kontra-bida ko ay bida rin sa aking kwento, magiging kontra-bida ngunit hindi matatapos ng ganoon. hindi maaaring maging kontra-bida ang mga nilalang na walang puwang sa puso ko.

2.02.2008

palit-puri sa pinas

isang mali, itatama mo sa pamamagitan ng paggawa ng isa pang pagkakamali hanggang umabot ka sa puntong hindi mo na alam kung saan at sino ang pupulot sa’yo.

sex in exchange for drugs, o palit-puri. susubukan maging isa sa mga hip. kakain sila, kakain ka. iinom sila, iinom ka rin. yosi break, makikihithit ka hanggang ikaw na ang humihingi ng barya pangyosi. gagamit sila, gagamitin mo ang ipon mo pambili at upang makagamit din. uubusin ang lahat maging ang laman ng alkansya mo, mapipilitan kang umutang hanggang umabot sa puntong wala na ang mga hip mong kaibigan. mag-isa ka na lang, ngunit hindi ka na rin mababahala. may bago ka ng amo, si marie.

marie, marie, aking marie. marie, marie, aking marie.

hindi maglalaon, magsasawa ka rin kay marie at maghahanap ng bago. at tulad ng iba, kay shasha ka babagsak. sha... sha... sha... sha...bu... bug na sha... sha...bu... bug na ko.

mauubos ang pera mo. “kailangan mo kaming pagsilbihan” sabi sa’yo. susundin mo.

hindi ka na halos umuuwi. sex slave ka na kung tingnan ng mga kapitbahay ng pusher na gumagamit sa’yo, kahit pa “visitor” ang tawag mo sa sarili mo. diyan ka na natutulog, kumakain, gumagamit, at... at iba pa. asenso ka na. “resident” ka na.

“sa upper taguig! sa upper taguig!” sigaw ng mga namamahala., ng mga nabisto.

pusher to pusher. from drug den to sex den.

the ugly side of drug trade: sex for shabu. pangit na nga, binababoy pa.