10.12.2007

wag kang uuwi, babahain ang uniporme mo

"pare, hindi ka pa ba uuwi?"
"mamaya na, tinatamad pa ko e."
"sumabay ka na lang sa akin, may panunuorin akong play."
"a..o sige."

sumunod na lang ako sa kaklase ko tutal wala rin namang magawa. ayaw ko pang umuwi.

********

"pare, ayos ka lang?"
"oo" hindi. gusto ko nang umuwi.

********


gusto kong umuwi pero parang ayaw ko. maiiyak lang ako. maaalala ko lang yun.

********

"nakauwi ka na?" tumawag siya sa akin.
"hindi pa. manonood ako ng play e. kaklase ko yung ilan sa mga actors."
"a.. o sige."

hindi ka ba nag-aalala? hindi mo ba ko uutusang umuwi na lang at magpahinga? hindi mo ba ako kakamustahin? hindi ka ba nag-aalala?

********

"mauuna na ko a."
"o, pare, bakit? tapusin na natin 'to."
"tapos na yan. mauuna na ko umuwi. baka wala na kong masakyan e." kahit siguradong marami pang masasakyan. gusto ko lang mapag-isa. uwuwi, siguro.

********

lumabas na ko ng auditorium. marami na rin akong kasabay na lumalabas na rin. nang makababa ako ng building, nagumpisa nang bumagsak ang mga maaalat na mga patak galing sa mga mata ko. hindi ko mapigilan. punas na lang ako ng punas.

binilisan ko ang paglalakad, para na rin walang ibang makakita sa akin.

"pauwi na ko."
"sige, ingat."
"okay"
"tawag ka na lang 'pag nakauwi ka na."
hindi ka ba talaga nag-aalala?


********

nang makasakay ako at makaupo. tuluyan na talagang binaha ang aking uniporme. ito na nga yung sinasabi ko e. kaya ayaw kong umuwi e.

********