10.29.2007

...less mysterious that makes life beautiful

tanghali na nang magising ako kaya naging mabilisan ang pagligo ko. hindi na nga ko nakapili ng maisusuot. bumunot na lang ako basta sa kabinet at lumarga na. pagkalabas at pagkalabas ko, agad kong naramdamang may naiwan ako. may kulang. may hindi tama. babalik na sana ako pero tinamad na kong maglabas ng susi kaya binaliwala ko na lang ang kung ano mang naiwan.

ano bang mayroon sa araw na 'to? saan nga ba ko pupunta?

yo'n pala ang kulang. saan ba ko pupunta ngayon? hindi ko nakita ang schedule ko para sa araw na 'to. hindi ko rin matandaan. bahala na nga.

naupo ako sa isang bangko sa may parke. ordinaryo. hindi marami, pero hindi rin kaunti ang mga tao. may mga nagbebenta ng lobo, cotton candy, naglalarong mga bata, naglalakad-lakad na mga matatanda na pabalik-balik lang, mga bikers na nanghuhuli ng isda, at iba pa.

krrrrookk-kkokkk. lunch na pala, paalala sa'kin ng tiyan ko. mabuti na lang at parang alarm clock 'tong tiyan ko at naaalala kong kumain. tiningnan ko ang mga barya sa aking bulsa at binilang. bente pesos, takto. maglalakad na lang ako para maipangkain ko na 'tong bente.

tumawid ako at kumain na lang ng mami sa tapat. kinse pesos, dalawang puto na tig-dalawang piso ang nakain ko, may suli pa kong piso. hindi ko muna hinigi ang aking sukli, inuna ko muna ang aking uhaw na lalamunan. palibhasa'y libre, nakatatlong baso ako. hindi ko pinansin ang mga nasa likod ko. bagaman alam kong nakapila sila, hinayaan ko silang magbulungan at mabugnot. tangina. nauna ko rito e. maghintay ka.

bumalik ako sa inupuan ko kanina sa may parke. buti nga at saktong walang nakaupo roon nang bumalik ako. teritoryo ko na 'to simula rati pa. ito ang lugar na pinupuntahan ko lagi sa tuwing nabubugnot ako, walang magawa, nais mapag-isa, nais mag-isip, o wala lang. kaya, siguro naman ay kilala na ng mga tao ang mukhang ito--ang nag-iisang nilalang na umuupo sa sirang bangko na ito.

ako lang ang nag-iisang nakaupo rito sa mga bangko ng parke. palibhasa'y itong bangko lang ang may lilim. ang iba'y halos puwede ka nang magprito ng itlog at magsangag ng kanin. hindi pa ako ginugutom, pero parang malapit na. nakakagutom kasi ang init, para kasing bumibilis ang mga alaga ko sa pagkain 'pag mainit.

sa gitna ng mainit na panahon, mga taong maiingay, at mga sasakyang hayop kung bumusina, may pumasok sa aking isip.

paano kaya kung hindi ganito ang mundo? paano kung nakikita natin ang mga abilidadat talento ng mga tao? parang thinking bubble. parang video game ang dating. nakikita mo ang "life" at "power" pero imbes na power, mas maganda yata kung talent o abilities. puwede ring motive: good or bad. nakikita rin kung ano ang status, bio-data, accomplishments, experiences, at iba pa. kung baga, kontrol natin lahat. tayo ang nasa driver seat. hawak mo ang lahat. alam mo ng dapat gawin. alam mo ang strengths at weaknesses ng bawat isa. lalo na yo'ng sa'yo. astig!

natawa ako mag-isa na parang gago. napatingin nga yoong mga taong nasa paligid ko. mga bwiset! pakialamero't pakialamera.

maging mas madali ang lahat. magiging mabilis ang pag-aaral, pakikitungo sa iba, paghahanap ng trabaho, pakikipagkaibigan, at marami pang iba. pero... sa totoong buhay...

clueless
tayo sa lahat sa totoong buhay. kahit kasama mo araw-araw, hindi mo alam ang hanggan ng kanyang abilities.

siguro magiging madali nga kung magiging gano'n ang buhay, ang mundo. peste! ano'ng tinitingin mo!? magiging mas madali, mas maganda, pero... less mysterious that makes like wonderful.