9.30.2007

ang selfish mo naman

small acts of random kindness sabi ni God sa evan almighty.

********


listen to what i am not saying sabi sa isang libro na hindi ko na matandaan.

********


naiinip na siya. mag-isa siyang naka-upo sa kanyang kwarto, pilit na nagbabasa kahit alam na wala namang natatandaan. tahimik. tulog na rin kasi ang lahat--hindi naman lahat.

********

i'm sorry if i can't be there for you always, for not being able to understand you at every occasion, for not being able to be the best for you. i don't deserve you.

********

gusto niyang gumawa ng sariling palabas, iskrip, na tulad ng evan almighty, big fish, at ibang mga libro na astig kung magbigay ng mga aral. gusto niyang magsulat ng magandang akda, na maglalabas ng nararamdaman niya, at magbibigay din ng magandang aral para sa iba.

********

wala siyang maka-usap. wala siyang makasama. sa mga ganitong panahon kasi, kadalasan, tulog na ang mga tao. mag-uumaga na kasi. kung sabagay, kahit umaga naman at gising ang mga tao, iilan lang ang makakaintindi sa kanya. sa kasamaang palad, may sariling buhay din siya at hindi niya trabaho ang makinig sa mga walang kwenta kong mga... kwento.

********

i'm sorry if i can't be there for you always, for not being able to understand you at every occasion, for not being able to be the best for you. i don't deserve you.

sana nakikinig ka, kahit hindi ko nasasabi sayo. i am not perfect, and i have my faults. it's just that... sanay na sanay na akong nandyan ka para sa'kin.

********

mali. mali. binura niyang muli ang sinulat sa likod ng kanyang reviewer. madumi nanaman ang reviewer niya. lagi naman, basta nagsusulat siya.

tinuloy na lang niya, kahit puro bura at puro correction.

********

i'm sorry if i can't be there for you always, for not being able to understand you at every occasion, for not being able to be the best for you, though i want to and try to. i don't deserve you, but i want to.

i hope you can hear me, even if my words can't reach you. i am not perfect, and i have my faults, i know.

i want to be the best for you--the man who'll be there for who every time at every moment, the man who'll protect you and care for you, the man who'll understand you at every emotion you'll be having regardless whether you tell him or not, the man who'll listen to you even when you're not in the mood. the man whom you'll be allowing to enter in your life.


********

wala na siyang pakialam sa grammar, nagsisimula na kasing pumikit ang kanyang mga mata. gusto nang magpahinga ng kanyang mga mata, pero ayaw naman ng utak, nag-iisip nang nag-iisip, nag-aalala.

pinagpatuloy na lang niya ang pagsusulat. ayaw na rin niyang mag-isip. ayaw nang mag-alala. tatapusin lang niya 'tong akda at matutulog na rin siya.

********

yes, but then, my heart is not acting the way my mind wants him to be. my mind says "shut up, she'll be fine" but my heart keeps pounding as if he knows something. yes, i think i'm just being paranoid, or selfish, or, i don't know. i just don't know.

********


hindi. hindi. mali nanaman. gusto na niyang matulog pero sadyang magulo ang kanyang isip.

********


yes, i want to be that man. but then, there are things, or feelings, i just don't understand, that even me can't help but ask.

it seems that my heart is not acting the way my mind wants him to be. my minds says "she'll be fine, so shut up." but my heart keeps pounding in reply. it seems that he does not want to agree, as if he knows something.

i think it is what they call "care", or "love", or "selfishness"? i don't know.

********

"ang selfish naman ng... ang selfish ko." nasabi na lang niya sa sarili niya.

********

i am selfish, and i am sorry for that. you know i love, so much. i care for you so much, and i just can't afford to let something bad happen to you. i hope i could just easily tell you, let you feel, let you understand how much i appreciate you, look up to you, care for you, love you. i am sorry for not being able to.

soon, i will. time will help me.

********

nang matapos niyang isulat ang huling linya, napangiti na lang siya.

********

i'll be the man for you.

9.20.2007

ang mahiwagang ale

nasa dyip ako nang may sumakay na mag-ina. sa kanang kamay ng ale ay may nakasabit na rosaryo, sa kaliwa ay hawak naman ang anak na lalaki na nasa humigit-kumulang pitong taong gulang. naglalaro naman ng kotseng plastik ang batang lalaki na nakaupo sa tabi ng kanyang ina. wala nang iba pang nakaupo sa dyip kundi ang mag-ina, ako, at ang tsuper na sitsit nang sitsit sa mga taong dumadaan sa may bangketa. napakabagal ng takbo ng dyip, higit pa ang karo. binubusinahan na siya ng mga sasakyan na nasa likod ngunit tila bingi yata ang tsuper at hindi man lang sumisilip sa salamin upang tanawin ang mga galit na nasa likod.

naiinip na rin ako nang may maramdaman akong sumalat sa aking kaliwang kamay. napatingin ako sa gulat sa aking kamay, at sa aleng nasa harap ko lang. nakatitig siya sa akin. malaki ang kanyang mata at isa-isa niyang ginagalaw gamit ang kanyang daliri ang rosaryo na nasa kamay. ang labi niya ay gumagalaw din na tila may binubulong na kung anong mga salita. binaling ko ang aking tingin sa labas at pilit inintindiang mga nangyari. may babaeng matanda na may hawak na rosaryo at bata sa aking harap. hinipo niya ang aking kamay at tumitig sa akin, at hanggang ngayon ay nakatitig pa rin.

nang makapag-isip na ako nang matino, muli akong tumingin sa kanya. nakatitig pa rin siya. bumaba ako nang dyip at umastang naiinis sa kabagalan ng dyip. hindi pa nakabababa ang isa kong paa sa dyip nang muli kong maramdaman ang pamilyar na salat. sa pagkakataong ito, sa likod ko naman ito naramdaman, sa gawing kanang balikat. muli akong napatitig sa kanya sa gulat, muli. muli, nakatitig siya nang malaki at gumagalaw ang kanyang labi.

i am not a quitter

i am not a quitter. i am not a pessimist. i quit, but that does not mean i am a quitter. yes, I know what quitters do. quitters quit. quitters quit. but then, i have my own reasons. i don’t just quit because i want to quit. i stop doing things that i normally do because i have a good reason of not doing it. maybe it is because it is against my belief or my principles, maybe there are people that i don’t want to be with and talk with, maybe i don’t belong, maybe all I wanted was mere friendship and not any other. whatever my reason is, you will never find out because it is not for you to know.

we have our own private lives and you don’t get to ask what and why i did this and did not do this, why i preferred this and not that, why i chose that and not this. that’s my own principle. that is me.

i am not a pessimist; actually, i am more like an optimist. i live life happily. my live do not depend on anyone or anything. i do what i want to do and love what i want to love. this is me and it’s just it. so, you don’t get to call me a quitter, nor a loser. you don’t get to call me a quitter. you don’t get to call anyone a quitter. you, every one of you, don’t get to call anyone a loser.

pipili ka ba sa dalawa?

napahinto siya sa kanto. ang kanyang dinaraanang kalye ay naghati sa dalawa. masukal at kung titingnan, magulo ang daraanan sa kaliwa. kabaligtaran naman ang sa kanan. hindi ito ganoon kalinis ngunit higit itong malinis kung ikukumpara sa kalyeng naunang nabanggit. pamilyar din ang kalyeng ito dahil ito ang nakasanayan na daanan simula nang magkaisip. ngunit ngayon, sa araw na ito na walang espesyal na kung ano, walang may kaarawan at hindi mahangin, walang dahilan para mag-isip at magpaka-emosyonal, napahinto siya sa gitna ng dalawang kalyeng ito. nalilito na siya. hindi niya malaman ang pipiliin, o kailangan ba siyang pumili? may iba pang daan na maaaring maghatid sa kanya sa lugar na nais pumunta ngunit magiging malayo at tiyak na mahirap ang paglalakbay na iyon. magiging mapanganib din at alam ayaw niyang isugal ang kung anong mayroon siya kung sa kabilang daan siya daraan. ito dalawang daan lamang ang tanging daan na alam niyang tama ngunit hindi niya alam ang pipiliin. nalilito, naisip niya, “kung iisa lang sana ‘tong kalyeng ‘to, hindi na sana ako nahihirapan.”

umupo siya sa mismong kantong kanyang kinatatayuan, ayaw niyang mamili. ito ang tama.

9.09.2007

hindi pa uso sa mga bata ang automatic urinals

umiihi siya sa mas mababang urinal. mga nasa pitong taong gulang siya at isang urinal lang ang naghihiwalay sa amin. nauna siyang natapos sa akin. papaalis na siya nang biglang nag-flush ang urinal kung saan siya nanggaling.

gulat na gulat siya. hindi maipinta ang mukha. parang nakakita ng multo at hindi siya nakagalaw. hindi rin siya nagsalita. napatingin ako sa kanya at napangiti na lamang. tyaka siya lumabas ng c.r.

nagkataong nakita rin ng isang gwardya na naka-duty. sa kaliwang urinal ko siya umihi. napatingin ako sa kanya.

"nagulat siya e" sabi ng gwardya.

napangiti na lang ako.


edukado't edukada

hindi lahat ng naririnig mo tama, katunayan, kadalasan, mali pa nga ang mga ito. siguraduhin mo muna ang bawat kwentong maririnig sa pamamagitan na rin ng pakikinig at pagmamatyag sa dalawang panig. tutal, nakikinig ka na rin naman. sa dalawang panig kung maaari, sana, nang hindi naman masayang ang mga pinag-aralan at tinuturong “bawal dahil may bias”. patunay, katibayan, pagpapatotoo, o pruweba, ika nga. humusga ka ‘pag narinig at naintindihan mo na kwento ng parehong panig. katunayan, hindi mo naman kailangang humusga, ngunit dahil isa kang nilalanang, tao, sana, karapatan mo ito. o pribelehiyo na magkaroon ng isa, at sariling palagay? pananaw.

ayusin mo ang bawat pananaw na bibitawan, bawat sariling palagay na nanggaling sa kung saan. ‘wag naman copy-and-paste, masyado naman yatang nasanay ang inyong mga bibig at tainga at kamay sa paggamit ng inyong dalawang kompyuter. ayusin mo nang hindi ka malait, nang hindi ka rin mahusgahan, nang hindi ka naman matawag na inutil. mangmang. tonto. abusado.

huwag mong kalilimutan na iba’t iba ang ugali ng tao, iba’t iba ang takbo ng isip ng tao, at sadyang may mga taong mapanira, mga taong walang magawa, na gagawin ang lahat para makuha ang nais, na iyon ang kaligayahan. manggulo. manira. hindi na mahalaga ang dangal, na pati sarili ay pinaniniwala gamit ang sariling mga kasinungalingan, ngunit hindi na ito mahalaga. Hindi na sila mahalaga.

ano ba ang mahalaga? ano ang dapat? simple, umayos-ayos, magtigil, at umastang parang tao, dahil tao ka, hindi ba? nakatapos ka pa man din ng kolehiyo, nagtapos nang may dangal (ayon sa iyong mga kwento), ipinapaalala ko lamang. baka kasi nakakalimot ka at nag-aastang hayop ka na pala.

huwag ka lang humusga nang padalos-dalos lalo na’t kung ang batayan mo ay bibig at tainga lamang na hindi pa nagsisipilyo—madumi at hindi maaasahan. subukan mo naman minsan ang tinuro mo sa akin noon, “scientific method”, gamitin natin sa pang-araw-araw na buhay nang hindi naman masayang.

tyaka mo na tawagin ang sariling edukado’t edukada ‘pag umaasta ka nang gano’n.

9.07.2007

he will never have the right, never

he will never have the right, never. even if she allows him, or do his very best, he will never earn the right because there is no such right, only ideas created by men to have an excuse for their faults.

he has no right to hurt her, nor treat her as somebody who’s ordinary, because she is special. she is the daughter of the man who works hard for the meals, clothing and shelter; she is the daughter of the woman who carried her for nine long months and labored her for quite long hours; she is the sister of her siblings and friends of her friends; she is loved, cared, protected, and supported fully by people that surrounds her. for these reasons, it is clear that she does not need more. she is complete. she does not need him. she does not need him, but she chose to.

with these reasons lay visibly in front of us, why still men think wrongly?

he will never have that right, never, because his role is not to hurt her, but to love and treat her as he loves and treats his parents and sisters, treasure her as he treasures her family, care for her and protect her as her mother did when she was still an infant, and protect her as he would protect her own mother and sisters.

he is there because she chose him to be there, because it is obvious that she wants him to understand her, maybe not all the time, but at least most of the time. she expects his attentiveness when she feels like blabbering. she expects his reactions when she feels like having a conversation. she expects a lot from him, but she knows that he will not always be in that way because she is aware that sometimes, he is moody, or blue, or such.

these, he must know, at least, to make her smile once in a while.

he will never have the right, never, and that, he must really know. he must know that she is also a mother, a sister, a friend, and most of all, a woman.