8.31.2007

kwentuhan mo ko...

kwentuhan mo ko...

kwentuhan mo ko, kahit imbentong mga kwento lang. hindi ko naman kailangan ng kwento talaga e. oo, gusto ko malaman kung kamusta yung araw mo, o kung anu-ano ang mga ginawa mo buong araw. pero, gusto ko rin malaman kung anong kinain mo nung tanghalian, o nabigatan ka ba sa bag na dala mo kanina dahil may dala kang dictionary, o napagod ka ba sa p.e. mo kanina. kahit mga simpleng mga bagay lang, matutuwa na ako. o kung hindi man, kung alam ko na ang mga bagay na iyon, pwede ka naman sigurong mag-imbento ng kung ano. halimbawa, bigla na lang pumasok sa isip mo si john lloyd at gusto mong magkwento tungkol sa buhay niya, o kung hindi man ay mga ambisyon o pangarap mo. kahit ano lang, kahit anong kwento. hindi naman kasi talaga kwento ang habol kong marinig, yung boses mo lang--yung tipong masaya kang nagkwekwento ng kung ano, tapos makikinig ako at sabay nating pagtatawanan o pag-uusapan. wala lang. para lang humaba yung oras na magkasama tayo. siguro, palusot para magkausap tayo o para makita lang kita o matitigan kita. gano'n lang.

kwentuhan mo ko....sige na.