7.29.2007

Bakit ba bawal ang may amoy sa aircon?

Karamihan ng sasakyang pampubliko ngayon ay may aircon na. Ang mga bus, fx, at lrt ay halos lahat ay de-aircon na. Ang kulang na lang, pati ang mga dyip at mga traysikel na milyun-milyon ay magkaroon na rin ng aircon. Ang sarap siguro ng buhay kung ganoon, hindi ba?

Ay! Hindi pala! Naalala ko tuloy yung katabi ko noong isang araw nang sumakay ako ng bus. Nasa may bintana ako nang may tumabi sa akin na isang mama. Noong una’y hindi ko siya pinansin tutal naman ay karaniwan lang ito. Nang magbayad ako at iabot ko ang pera sa kunduktor, nakita ko siya. At kasabay nito ang narinig kong lugar kung saan siya bababa. Sa palengke pala siya bababa. Kaya naman pala siya’y naka-sandong butas-butas at maong syort na putol. Muli akong tumitig sa labas ng bintana. Paborito ko kasi ang titigan ang mga mabibilis na sasakyan na lumalagpas sa amin. Ang dating kasi sa akin, para kaming isang pagong na daladala ang buong bahay dahil sa dami ng sakay na pasahero. At ang mga mabibilis na sasakyan naman ay ang mga kuneho na mayayabang.

Hindi katagalan at tila sardinas na kaming magkakadikit. Kahit ako na nakaupo na ay natutulak pa rin ng mga taong nakatayo. Halos hindi ko na rin maramdaman ang aircon ng bus na binayaran ko ng bente pesos. Sumikip pa lalo. Wala nang hangin na dumadaan sa pagitan ng aking mga kilikili. Basa na ang aking leeg, tiyan at hita, at papasok pa lamang ako sa lagay na ito.

Pumikit ako sandali upang mapahinga rin ang aking mga mata. At siguro, upang makapag-concentrate na rin sa paglanghap ng oxygen. Pakiramdam ko kasi ay nauubos na ang hangin. Agawan ng hangin ito! Kaya sumandal ako sa headrest ng aking kaharap at pumikit. Hindi nagtagal at dumilat din ako nang mapansin kong pareho kami ng posisyon ng katabi ko. Ang kaibahan lang, nakataas ang kanyang braso. Sa lugar kung saan nakapatong ang ulo ko, iisa lamang ang makikita—ang malagubat na lupain ng mamang katabi ko. Anak ka ng! Agad akong sumandal pabalik sa aking upuan. Gulat, pero hindi ako nagpahalata. Muli akong pumikit at pinilit kong pumikit. Nanatili akong nakapikit hanggang dumating sa palengke. Hindi ako nakatulog kaya’t damang dama ko pa rin ang pagkagulat. Nang makababa siya, tyaka ako nakadilat.

Ay! May nakalimutan ako. Hindi ko nasabi ang laman ng lupain noong mamang iyon. Magubat ang kanyang lupain. Maraming tumutubong halaman at puno, mamasa-masa pa ang mga dahon nito dahil yata sa ambon, natural na natural ang hangin, at tahimik ang paligid na tila may mga hayop pang nagtatago na nag-aabang lamang ng darating na makakain. Hindi ko makalimutan ang kanyang lupain.

Nang makababa ako ng bus, pilit kong kinalimutan ang mga nangyari. Pilit kong kinalimutan ang masikip na bus na iyon para naman ay hindi masira ang aking araw. Inayos ko na lamang ang aking polo at undershirt para gwapito pa rin sa pagpasok. Katakataka namang basa ang aking braso. Wala akong maisip na dahilan, wala rin naman akong nadikitan na kung ano na basa. Ang naiisip ko lang, basa natuluan ako ng ihi ng aircon ng bus. Anak ng! Naalala ko nanaman ang bus na iyon!

At dahil naalala ko ang bus, imposobleng hindi ko maalala ang mayamang mama na may-ari ng malawak na lupain na nasilip ko. Anak ng! Alam ko na kung saan nanggaling ang basa na nasa braso ko!

Malapit na ako sa eskwelahan. Natutuyo na rin ang basa sa aking braso. Buti na lamang at may bago akong bili na cologne. Ayos!

Ginugupitan ang buhok sa ulo. Madalas, hindi naman kalbo ang klase ng gupit. Madalas, may kasamang arte, konting ahit, konting suklay at gupit, pagkatapos ay may shampoo, conditioner at gel o wax pa. Madalas din, inaahit ang mga balbas at bigote. Bakit? Para malinis daw, tinatanggal o binabawasan ang mga buhok sa ulo at mukha. Teka, para sa mga lalake lang ito, ha? Kakaunti lang naman kasi ang mga babaeng nag-aahit at naggegel o wax.

Nagtataka lang ako. Malinis daw ang ganitong kaugalian, pero bakit hindi pa isinama ang mga buhok sa kilikili? Katunayan, ‘pag sinabing nag-aahit o naggugupit ng buhok sa kilikili ang isang lalake ay sasabihang bakla o bading. Pero, bakit hindi natin masabi na siya ay malinis at hindi talaga bading?

Anak ng! Bakit naman kasi kailangang aircon pa ang sakyan kung sa palengke rin naman ang punta. Mapapawisan din naman siya. Tutal ay hindi pa naman nalalagyan ng aircon ang lahat ng bus, sana naman kung sa palengke, sa kanto, o wala namang opisina ay sa ordinary bus o dyip na lamang sumakay. Wag puro sarili ang iniisip, may pasok pa ang mga iba. Hindi lahat ay bababa sa palengke.

7.24.2007

money kills identity

With money, we buy things we need, food we eat, shelter we live in, and other possessions we may or may not need. Money is the medium we use in obtaining things and services. Therefore, money is important. Without these, it’ll be hard to live life. That is why spending wisely is a must.

When we go to groceries, we can’t help but budget. When we go shopping, we can’t help but choose the more comfortable—physically and economically. Whatever we do, wherever we go, we spend. We use money. But it is in our hand, our decision, to whether spend these wisely or foolishly.

We don’t spend our money on something we don’t like. We don’t put our money on something we don’t want. We don’t invest on a particular business if we think it’ll fall. We don’t go concerts, or movies, if we don’t like to watch. We don’t spend hundreds or thousands of pesoses on something we know we’ll regret. That is why we should not conform.

Money is everywhere, but we must work for it—every cent of it. Who cares if everyone has watched this or that movie? Who cares if everyone will buy popcorns or crackers for that movie? It is not them that would work hard for the money that you will be spending on that movie. But if you spend your money on something you like, you love, you prioritize, and you’ll enjoy every cent of your money. It’s all right to go movies, or concerts, parades or homecomings as long as you like to go, you know you’ll enjoy and you know that it’ll be worth your money.

You don’t spend five hundred pesos for a candy you hate, a show or a singer or a dancer you don’t appreciate. You don’t spend your money on something, or someone, or people, you don’t want to have or be with. It’s just absurd.

I often see, hear, people telling each other what to watch, buy, apply, and such. And often, too, I get lost because I don’t get the point of these kinds of conversation.

People have different kinds of priorities, hobbies, interests and likes. And with these diversities segregating different kinds of people, people’s choices also vary—or should vary. But as time passes, as conformity acts on people’s lives, identities are lost.

7.17.2007

iba siya

nasa dyip nanaman ako no'n papasok ng eskwelahan. himalang mabilis ang pagpapatakbo ng tsuper. walang trapik. sumulyap ako sa relo ng nasa tapat ko. wala pa atang alas-siyete kung tama ang turo ng kanyang relo.

tila nagmamadali ang tsuper. talagang mabilis ang kanyang pagmamaneho. halos hindi na nga niya hinihintuan ang mga pumapara. hindi niya ata nakikita. at mukhang hindi lang ako ang nakapansin nito. kung babasahin ang mga mukha ng mga pasaherong nakikita ko, at kung tama ang aking pagbabasa ng kanilang mukha, naiirita na sila.

nililipad at nagugulo ang aming mga buhok. hinihipan ng bahagya ang mga palda ng mga babae. wala namang halos pakialam ang mga lalaki maliban na lamang sa tuwing gegewang ang dyip at dudulas ang kanilang pwet sa upuan.

nakaamoy ako ng pamilyar na halimuyak. alam ko ang amoy na iyon. kilala ko ang amoy na iyon.

hinahangin ang buhok ng aking katabi. iyon ata ang naaamoy ko. nakahahalina.

madalas kong ubusin ang kanyang pabango. minsan pa nga ay parang rugby kong sinisinghot ang kanyang mga palad. ay, madalas pala. at madalas din, hindi ko ito mabitawan. natutuwa ako sa tuwing hawak ko ang kanyang mga kamay. mahigpit man o hindi, masarap ang pakiramdam. hindi dahil mabango o anu pa man, hindi ko lang talaga maipaliwanag ang nangyayari sa tuwing naglalapat ang aming mga palad.

dagdag na lang siguro ang bangong iniiwan niyo sa aking mga palad. tila ito ang nagpapaalala sa akin sa mga bagay-bagay.

hindi ko naman masabi kung ano ang pinagmumulan ng samyong ito. wala na rin akong pakialam sapagkat hindi ko bibitawan ang kanyang mga palad.

sa tuwing naaabot ng aking mga pandama ito, lumalakas ang pag-ihip ng hangin, bumabagal ang pagbabanta ng oras, gumigiling ang mga rosas at marisol, lumalabas ang bahaghari habang umuulan, sumasabay din ang mga iba't ibang kulay na paru-paro't tutubi. napakagandang tingnan, hindi lang amoy.

sa tuwing naaabot ito, hindi lang pang-amoy kundi pari na rin ang ibang pandama--pandinig, paningin. at hindi lang pandama, pati rin ang aking nadarama.

naglilitawan ang hindi masabi. nadarama ang hindi naman maintindihan ng iba. lumalabas ng kusa ang kami lang ang makapagsasabi--o hindi talaga masabi.

hala! lumagpas na sa eskwelahan! pumara ako at bumaba ng dyip, tyaka ko lang naisip na hindi magkasimbango ang halimuyak nila. katunayan, ibang iba.

mahal ko siya, iyon ang pagkakaiba. iba siya.

7.11.2007

buti na lamang at trapik sa espana

masungit ang drayber ng fx na nasakyan ko kaninang umaga. hindi ako binigyan ng diskuwento pang estudyante. mas mahina pa sa bentilador ang aircon niya. basa na ng pawis ang aking magkabilang braso't kilikili dahil sa dalawang mamang natabi sa akin na may napakalaking biceps. gusot na ang aking unipormeng tela'y "gusot mayaman". naiwan ko ang aking pabangong peke. pakiramdam ko'y napakadungis ko na, papasok pa lamang ako ng eskwela.

nasa akin na yata ang lahat ng karapatan para magpakabugnot at mainis, lalu na't kung aalalahanin ko pa ang bagsak na quiz ko sa math, basang sapatos dahil sa buhos ng malupit na ulan kagabi--na hindi pa naging bagyo sa lagay na iyon. puwedeng puwede na kong magdabog. kaya't mamaya, paghinto ng fx sa may eskuwelahan, ibabagsak ko ang pinto, maglalakad ako ng mabilis, at iirapan ang gwardya sa may tarangkahan. panalo!

pero anu nanaman ito? trapik! nauunahan na kami ng mga tao sa labas na naglalakad lamang. puwedeng puwede na talagang uminit ang ulo ko! ayos!

at sa wakas, umabot na kami sa kanto. isang kanto na lamang at maaari ko nang ibalibag ang pinto nito. makaaalis na ko sa bilangguang gawa sa daga-dagaang mga masel. naku! nananabik na ko!

isang kanto na lamang! ayos! pero napakatagal. hindi nakikiayon sa akin ang stoplight. at, masyado naman yatang mabait itong drayber ngayon at lahat ng nais sumingit sa kanya ay hinahayaan na lamang niya. aba! aba!

nalingat ako sa may bangketa. may isang matanda roon na may bitbit na malaking supot. tila puno tela ang laman. bakas sa mukha ng matandang ale ang bigat ng kanyang bitbit. inikut-ikot ko ang aking ulo. kaya pala, lahat ng fx ay puno. ang mga dyip naman ay umaapaw--may mga sabit pa.

hindi ko na kailangan pang pumara. nakahinto ang mga sasakyan. binuksan ko ang pinto ng fx at sinara, hindi binagsak. mabilis akong lumapit sa matandang ale. pinasan ko ang kanyang dalang plastik. hindi ako umaasang fairy god mother siya na pagkatapos kong tulungan ay bibigyan niya ako ng tatlong kahilingan. hindi rin ako hihiling ng red na sports car. hindi ko alam kung anong pumasok sa batugan kongkatawan.

inalalayan ko siya hanggang sa fx, sa upuan kung saan kanina'y ako ang nagmamay-ari. pagkatapos, naglakad na ako. isang kanto lang naman. pawis na rin ako. mahangin naman, kaya't hinayaan ko na lamang na patuyuin ng hangin ang aking mga braso't kilikili.

naisip ko, suwerte ko at hindi na umaambon.

7.02.2007

this is the life

the chateau was secretly built. although it’s small, he liked it that way. personalized, it was.

the chateau was a surprise for his beloved. and since it was a gift, this one ought to be very special. he, himself, chose the location—on top of a small mount approximately a two-hour drive to the city and a two and a half hour drive to the beach—perfect for those holidays, the size and the blueprint of the house—a yellow two-floored chateau with a small garden with a swing and a small coffee table branching next to it, the house’s interior—a variety of colorful utensils and cups, and old fashioned oven and stoves ideal for old fashioned spaghettis and bread.

it was perfect for him, for them, but not ideal for a gift for it was too extravagant. but then, he doesn’t mind for he wanted to give her the best—something personalized and something that would let her feel the sincerity and lifelong appreciation, for her birthday.

********

that was six months ago when our own little junior was still a baby. now, he’s already two years old and starting to learn his ABCs.

this morning, i guess i woke up too early for a sunday, and a holiday at that. i opened my eyes and saw my beloved wife at the end of the bed—reminding me that our junior is already a big boy and needs his own bed.

********

i prepared breakfast for today because i felt like serving my family. my nerves were pushing me to cook for my wife and my little boy. after all, it’s sunday, and a holiday, too—my time to show my appreciation, in short.

as i was preparing the table and plates outside the house, i was excited. my heart was pounding rapidly, hands were starting to sweat. i was excited to see her reaction and what she’d say. but when i turned my head to check, i was surprised to see my beloved, my love standing near the door. caught. she was standing beautifully, as i always see her, and smiling sweetly at me. i was caught—as always.

i was caught, but the show must go on, so i took her hand and led her to her seat. awkwardly, we were dating, but still in our pajamas. the wind was soft and the sun was softer. trees and birds were in their rhythm. i wanted it be intimate and romantic but in an instant, we found ourselves laughing hysterically and comfortably as if lovers at their seventeen and eighteen. it was lovely.

“dear, look at me.” i told her as i was staring at her at that moment. slowly, she looked at me, but a voice came and took her sight from me.

“ma…ma…” words came utterly slow. “pa…”

“this is the life.” i told myself.