2.28.2007

iskrats

naglitawan na ang mga maliliit na bituin sa gitna ng kadiliman at kawalan. unti-unti nang dumarami ang mga paru-parong may iba't ibang hugis, kulay, at galaw. naririnig ko na ang mga marahang yabag sa buhangin habang patuloy ang tingkad ng araw sa pag-akyat sa kanyang sukdulan. lahat ay nagbabago. lahat ay nababago dahil sa iyong pagdating.

ngunit may pagbabanta na piligro ang iyong pagparito. mga titig na nanlilisik, mga bibig na mapanghusga, at mga pahapyaw na mga salita na ibig kong hindi mo maranig. nagbabadyang kumalat.

hindi ko nais na masaktan ka sa kahit anong paraan kaya't ang pagpawi ng iyong pangamba't kalungkutan ay nakasanayan ko nang gawing libangan. hayaan mo na lamang ako at huwag ka nang mag-alala ako'y nandito at mananatili hangga't pahihintulutan, hanggang hindi ka na nag-iisa, hanggang maaari na... tayo.