12.21.2007

kakantahin kita

habang hawak ang kamay mo, kakantahin kita.

pilit sasabayan ang tono mo, makukuha rin kita.

mababa man o matining, aabutin kita.

hindi ako magsasawa, kakantahin pa rin kita.

mamamalat ako’t lahat, kakantahin kita.

hahagkan mo rin ako, habang kinakanta kita.

alam ko, nararamdaman ko, kanta kita.

ikaw ang aking kanta, kakantahin kita.

mananatili, hindi titigil, walang sawa, kakantahin kita.

anu man ang mangyari, kanta kita.

minsan ma’y sablay ako, hindi ako titigil...

12.14.2007

dorm cell #111

lulong sa iligal na droga. kaliwa’t kanan na rambol. basag dito, peklat doon. siya na ang hari at wala na’ng puwedeng pumigil pa sa kanya, kahit ang nanay niya.

sinubukan niyang mamasukan, ngunit hindi umubra ang amo sa diyos niyang ngala’y marie. marijuana ang buhay niya, ang langis ng kanyang araw-araw.

sa sandaling panahong paghahari, naranasan niya ang maging malakas, kinatatakutan at walang kinatatakutan. ngunit sa isang iglap, ito rin ang nagpahamak sa kanya.

duguan ang amo, tinalo ng diyos niya. duguan siya, tinalo ang sarili.

labindalawa hanggang labing-apat na taong walang laya, depende pa sa rekord. salat sa hangin, lupa, pagkain at kaligayahan. nangungulila, ngunit ayaw mawalan ng pag-asa. handang magtiis para sa panibagong pagkakataong naghihintay.

sayang, sa ganitong paraan pa kailangang matauhan ng iba. sayang, kakaunti lang ang handang magbigay pagkakataon sa mga naghahangad ng bagong buhay. sayang.

hindi bale, may karapatan ka pa ring magbago.

12.13.2007

sa cancer ward

"kung susuwertehin, mga dalawang buwan na lang po."

********

namumutla ang kanyang mga labi, pagod na mata, at batik-batik na pula sa damit.

isang linggo na rin ang nakaraan nang isinugod sa ospital si andre. isang linggo na rin siyang nakahiga sa kama ng cancer ward kasama ang ibang may taning, pero ngayon, nakapagsasalita na siya ng maayos. hindi na siya gaanong nagsusuka, mas maaliwalas na rin ang kanyang hitsura.

********

bagaman mahirap kitain ang pera sa panahon ngayon, may mga tao pa ring handang magbigay lalo na't kung pasko. isang linggo at tatlong araw na lang at pasko na. nag-uumpisa ng dumami ang mga nagkikislapang mga ilaw sa mga bahay at mga restoran, pati rin sa ospital.

kaunti lang ang mga ilaw sa ospital, lalo na sa ward kung saan naroon si andre. isang pulang parol na nakasabit sa may pinto at isang maliit na christmas tree na malapit din doon. pasko na ito sa kanila.

********

isang sabado, apat na araw bago ang pasko, nagising si andre ng isang sigaw.

"merry christmas!" sigaw ng isang batang lalaki na nakaupo sa kanyang kama.

"sino ka?" tanong ni andre habang dahan-dahang inaangat ang sarili.

"anton, ikaw?"

"anton ano?"

"anton sebastian, ikaw? ano'ng pangalan mo?"

"andre" mahinang sagot ni andre.

napansin niyang nakauniporme si anton, at may mga kasamang nakauniporme rin.

"inutusan lang kayo no?" tanong ni andre na may halong pang-aasar.

"oo" sagot naman ni anton.

napatigil ang dalawa. nakatitig si andre kay anton. hawak ang nakabalot na kahon, nakatungo naman si anton na tila nahiya sa kanyang sagot.

"okay lang 'yon, salamat a." sabi ni andre habang nakangiti.

inabot ni anton ang regalo. "heto nga pala ang regalo ko. hindi ko alam kung sino ang bibigyan namin e, pero sa tingin ko matutuwa ka rito. paborito ko 'to e." mahinang sinabi niya.

"salamat a."

"galing yan sa ipon ko." nakangiti na banggit ni andre.

natawa ang dalawa.

nang umalis na ang mga estudyanteng namigay ng mga pamasko, muling humiga si andre. marami-rami rin siyang natanggap na regalo, at lahat ng iyon ay nilagay niya sa ilalim ng kama liban sa isa: ang kahon na galing kay anton.

inakyat niyang muli ang kanyang sarili upang kunin ang kahon na nasa paanan ng kanyang kama. dinampot niya ito at inilapag sa sahig, idinulas at isinama sa mga iba pang mga regalo.

********

tuwing miyerkules at sabado ng hapon, regular siyang binibisita ni anton. kung hindi ang kanyang baon, isa o dalawang mansanas ang laging dala niya para kay andre. sabay nilang kakainin habang nagkwekwentuhan sa kama.

at sa tuwing miyerkules at sabado ng hapon, nawawala sa isip ni andre na may sakit siya. kung ituring siya ni anton ay higit pa sa matalik na kaibigan. hindi nila pinag-uusapan ang kanyang sakit, liban dito, lahat ay napagkwekwentuhan ng dalawa--mula sa mga crush ni anton hanggang sa mga panaginip nig andre, sa kwento ng labindalawang kapatid ni andre hanggang sa mga kolksyon na puzzle ni anton. hindi nawawala ang tawanan sa tuwing sila ay nagkikita.

********

minsan, nagdala ng dalandan si anton, ngunit nang makarating siya ng ward ay tinaboy siya ng nars. nang kanyang silipin, nakita niya ang kaibigang umuubo ng dugo. tatlong nars ang nakahawak sa kanya. nakatitig ang ibang mga pasyente.

hindi na nagpumiglas si anton at iniabot na lang ang dalang dalandan sa nars na may hawak ng kanyang kaliwang braso.

sana doktor na lang ako. sana may magawa man lang ako. sana naman may maitulong ako. sana doktor na lang ako. sana may maitulong naman ako... andre....

********

lumipas na ang bagong taon at wala pa rin ni anino ni anton.

nang magising si andre galing sa panaginip. tila napanaginipan ang kaibigan at agad niyang tinanggal ang kumot. pilit na bumangon sa kama at umupo sa sahig. hinila niya ang kahong regalo sa kanya ng kaibigan. gamit ang kanyang damit, pinunasan niya ang kahon at binuksan. pinilas ang pambalot at nagulat sa nakita.

********

jigsaw puzzle, 50X75cm, paano ko ito matatapos?

agad siyang bumalik sa kanyang kama kahit mahahalata rito ang pagkahina. binuksan niya ito at inumpisahan. inuna niyang hanapin ang mga kanto at gilid ng puzzle. nang matapos niya ang mga gilid at kanto ay madilim na.

ganoon ang kanyang ginawa sa araw-araw. gigising, kakain, maliligo, magbubuo, kakain, magbubuo, kakain, magbubuo hanggang sa makatulog. ganoon araw-araw.

********

hinahanap niya ang puzzle na mayroong larawan ng bintana ng simbahan nang bigla siyang ubuhin. natalsikan ng dugo ang puzzle. naubo siyang muli at nagsuka na. nasukahan ng dugo ang puzzle.

nang matigil sa pag-ubo, dinala niya ang puzzle sa banyo. doon, inisa-isa niya ang mga puzzle. dahan-dahan niyang pinupunansan ang bawat isa. ang iba ay nangulubot sa basa, ang iba nama'y nagkaroon ng mantsa ng dugo.

magmumukha pa rin itong simbahan.

********

nag-umpisa siyang muli. hinanap niyang muli ang mga gilid at kanto at doon inumpisahan. inaraw-araw muli niya ang pagbuo. walang sawa niyang iniisa-isa.

isang araw ay may nakita siyang isang piraso na tila nakaligtaan niyang punasan. pulang-pula ang gilid at nangungulubot. pinilit niyang punasan ngunit nagmantsa na. halos mapunid ang larawan ng... bintana ng simbahan.

********

isang araw ay biglang napadaan si anton sa ospital. tumuloy siya sa ward kung saan naroon ang kanyang kaibigan. nang papasok ay tinanong ng nars na nasa information kung sino ang bibisitahin.

"si andre." walang pag-aalinlangang sagot ni anton.

"ano po ang apilido?" sunod na tanong ng nars habang hinahanap ang pangalang andre.

"hindi alam e. 'yong payat. mga kasinlaki ko. matangos ang ilong."

"..ah...kaanu-ano niyo po siya?"

"kaibigan ko."

"teka lang po a. maupo na lang muna kayo."

pumasok sa opisina ang nars. nagtatakang umupo si anton sa maliit na sofa at naghintay. sandali lang at bumalik ang nars na may kasamang doktor. nakasalamin siya at malinis ang gupit.

"good afternoon, sino po sila?" magalang na tanong ng doktor kay anton.

nagulat si anton, "anton po" , na lang ang nasabi niya.

"oh! anton. anton sebastian?"

"ah...yes...."

nagtataka si anton dahil dati ay halos hindi siya tinatanong kung sino ang bibisitahin. at kadalasan, kapag "andre" ang sinabi, wala ng tanong-tanong pa. dinala siya ng doktor sa kanyang opisina.

"please, have a seat." magalang pa rin na paanyaya ng doktor.

umupo si anton na parang pre-school na dinala sa principal habang nakatingin sa doktor.

"anton, your friend andre.... he already died two week ago. it was his body's limit."

nagulat siya sa kanyang narinig. hindi makapanila. nanghina ang kanyang mga tuhod, at hindi nagtagal ay bumigay din ang mga luha sa kanyang mga mata. "...paano?"

"after your last visit, unti-unit na siyang bumigay. halos regular na siyang sumusika ng dugo...."

"p..paano? b..akit?...."

"....but he was really strong. i knew what he was going through. wala ng bumibisita sa kanya. hindi na rin siya binibisita ng nanay niya. masakit yo'n. pero he kept telling me na thirteen silang magkakapatid. maraming ginagawa ang nanay niya. nagtratrabaho rin ang kanyang nanay. kakamatay lang ng kanyang tatay. the youngest was three years old. "

"...pero..."

"walang araw na hindi ka niya hinanap."

tumulo na rin ang luha sa mga mata ng doktor habang nakatingin kay anton. nakatungo ni anton, mahigit na hawak ang kanyang pantalon, umiiyak.

"naghiwalay sila mommy at daddy e...."

"hindi mo kasalanan, pagod na rin siya."

"naghiwalay kasi sila mommy e.... nasa rehab si kuya...."

"wala kang kasalanan. actually, you've been a great help."

tumayo ang doktor sa kanyang kinauupuan. tinanggal niya ang frame sa kanyang pader at umupo sa harap ni anton.

"tingin ko, para sa'yo 'to."

inangat ni anton ang kanyang ulo. hindi na niya magawang pigilan ang pag-iyak.

"andre....an..dre...." pangungulila niya.

"ginagawa niya yan all the while habang naghihintay."

12.06.2007

kapag nag-usap ang mga bata...

…pati relihiyon hindi tatantanan.

nakatambay nanaman ang tatlong batang kalbo sa may labas restoran. nag-aabang sila ng mga kostumer na lalabas upang makapaglimos ngunit medyo minamalas dahil wala masyadong kumakain.

“pati yata mga mayayaman ngayon wala na ring pera e.” biglang sabi ni bata1

“oo nga, tingnan mo nga tong parking natin. dati napupuno ‘to e. tingnan mo ngayon, iisa na lang, beetle pa.” sabat ni bata2 sabay tawa.

hindi nagsalita sa bata2 na nasa gitna ng dalawa. nakaupo sila sa hindi kalayuan, hindi masyadong malapit (baka masigawan ng gwardya) at hindi malayo (baka may makalusot na kostumer). magsasalita na sanang muli si bata1 nang biglang nagtanong si bata2 ng out of the blue.

“alam niyo ba yu....”

“saan kaya tayo nanggaling?”

********

natahimik ang tatlo, tila napa-isip.

“sabi ng nanay ko, gawa raw tayo ng diyos dahil....” ang nabitin na sagot ni bata3.

“dahil?” sabay na tanong ng dalawa.

“dahil....”

********

biglang may naalala si bata1.

“noong isang araw, may napulot akong green na libro. science book ata iyon. Unang beses kong makakita ng libro kaya dinala ko iyon kay nanang. tapos, kinabukasan, narinig kong binabasahan niya si balot (bunsong kapatid). narinig ko, nanggaling daw tayo sa mga unggoy....”

“unggoy?!” sigaw ng dalawa na halos lumabas ang mga uhog at tumulo ang laway.

“oo, taon-taon daw, nag-eebol daw tayo, eebob, basta iyon. nagbabago! ”

“ebolv! gago!” sigaw naman ng gwardya na nakikinig pala sa pinag-uusapan ng tatlo.

nagulat ang mga kalbo at lumipat sa mas malayong lugar. pinilit nilang itinuloy ang pag-uusap.

“oo, eblov. nag-ebol daw tayo, tapos, hanggang sa nawalan tayo ng buntot. natutong magsalita.”

tahimik lang ang dalawa, tila nag-iisip nang biglang humirit si bata3.

“kaya pala balbon si tatay.”

********

“parang hindi naman kapanipaniwala iyon.” ani ni bata2.

“nasa libro e!” pagtanggol ni bata1.

“oo nga.” gatong naman ni bata3.

“sige nga, papayag ka ba na sabihan kang unggoy? unggoy!” sigaw niya kay bata3.

nagkamot na lang ng ulo si bata3 at napatawa.

********

“noong buhay pa si papa, dinala niya ko minsan sa sinehan. naalala ko, ayaw pa nga kong papasukin dahil bawal daw ang bata....”

“tapos?” tanong ni bata3.

“hindi ko na matandaan e. matagal na iyon. tiyaka, tinakpan na ni papa ang mga mata ko nang pumasok ang bida at leading lady sa kubo”

“hindi ka nakasilip?” nananabik na tanong ni bata1.

“ang laki ng kamay ni papa e.”

********

“ano ba ang nauna, itlog o manok?” alala ni bata3. “alam ninyo, dati, tinanong ako ni nanay, ano raw ang nauna, itlog o manok. baka iyon ang sagot.”

“tanga! paano magiging sagot iyon?” sabi ni bata1 ng may pagmamataas.

“sabi niya kasi, itlog ang nauna e.”

“paano naging itlog e sa manok nga nanggaling ang itlog?”

“hindi ko nga rin maintindihan e. ...nauna raw kasi si tatay. si tatay daw kasi ang nanuyo.”

********

“inimbento lang ng mga tao yan. palibhasa, hindi rin nila alam kung saan sila nanggaling. sa unggoy. sa itlog. sa manok. kalokohan! gusto lang nila ng sagot sa mga tanong nila.” sabi ni bata2.

“e sabi kasi sa libro....”

“e sabi kasi ni nanay....”

“walang sinasabi sa’kin ang ragbi, pero binibigyan niya ko ng sagot.”

“tumigil ka na kasi sa pagraragbi mo!” pakiuap ni bata3.

“oo nga.” sunod ni bata1.

“sa mundo, wala tayong karapatan para magtanong lalo na’t kung hindi ka bata.” sabay hinga sa plastik na hawak.

“ano?”

“ano raw?” tanong ni bata3 kay bata1.

“wala...”mabagal na sagot ni bata2 “...sabi ko, habang bata, magtanong na tayo. ‘pag tanda natin, bawal na...."

12.01.2007

flying yero, ang bus na hindi napupuno.

exterior (introduction):

nakasakay ka na ba sa flying yero? kung oo, magkakaintindihan tayo. kung hindi pa, subukan mo at baka mahiligan mo. hindi ito ang ordinaryong bus mo. ito ang flying yero.

hindi siya double-decker na akala mo o mala-limo ang haba na nais mo. kung titingnan mo, hindi mo aakalaing siya na nga ang tinutukoy ko.

lilipad, lilipad! oops! hindi pa siya lilipad, nasa sta. cruz pa lang siya, antayin mong makarating ng highway. doon siya kadalasang lumilipad.

sounds (introduction):

“sapang palay! sapang palay!” sinisigaw ng isang mama na nakasabit sa bus habang kumakaway. may twalyang good morning na nakasabit sa kanyang balikat, maliit na goma sa hinlalaki, at nakasuot ng polo t-shirt na nakataas at nakaipit sa magkabilang kilikili.

“bagong silang! bagong silang!” naman ang sa kabilang kalsada. halos ganoon din ang hitsura, ang pagkakaiba lang ay mas balingkinitan ang mamang ito at nakaunipormeng hindi na mabasa ang nakasulat.

interior (introduction):

tatluhan sa kaliwa at dalawahan sa kanan at limahan sa likod. humigit-kumulang labinlimang puwedeng maupuan. isang emperor’s chair na para lamang sa tsuper at mataas na bubong na sakto para sa mga hindi katangkaran. may dalawang hand-rails sa bubong, dalawa nakatayo sa bandang gitna at dalawa rin sa magkabilang pinto.

gawa sa bakal at kahoy ang mga upuan, bintana at sahig kaya’t maaasahan ang seguridad. walang mababasag at hindi alintana ang bangga.

flying yero, makararating ka sa pupuntahan, anu man ang mangyari.

speed:

mabagal sa umpisa tulad ng mga eroplano. minsan ay nauunahan pa ito ng karo kapag nagkataong walang pasahero, pero oras na makaalis na ang bus. tuluy-tuloy na ang kasiyahan. matulin, minsan pa nga ay nakikipagkarera pa sa ibang mga flying yero na hindi kakampi.

may buhay ang mga flying yero, kung hindi mo alam, may ugali rin sila at ayaw nilang nagpapalamang. nanlalamang sila, pero ayaw nila ang nalalamangan.

akin ang lahat ng pasahero. unahan mo ko rito, uunahan kita sa kabila.

interior and exterior (continuation):

ilaw ng toyota, salamin ng bahay, gulong ng elf, plywood na upuan at bintana na galing sa mga nilipad na bubong ng bahay, at makina ng generator? hindi.

hindi ko alam. walang may alam. bawal ang tsimoso.

emperor’s chair na para sa tsuper ng flying yero, galing sa nissan o honda.

pinagdikit-dikit at pinaandar gamit ang nag-iisa at maaasahang sandata ng bayan laban sa ulan, ang katulong ng flying yero sa lahat ng bagay, ang welding machine.

sounds (continuation):

“mani, mani, mani. sampung piso lang. mani, mani, mani.”

“tubig. malamig, malamig. c2, tubig, malamig.”

“kendi, kendi, kendi. kendi kayo diyan.”

sari-sari ang tugtog ng bawat bus. depende rin ito. tsambahan, ika nga, kung ano ang matatapat sa flying yero na nasakyan mo. ngunit ang panalo sa lahat, at mayroon ang lahat, ang surround na sounds ng 101.9. for life!

conductor:

conductor o konduktor.

“maluwag, maluwag, maluwag. makakaupo. maluwag. maraming bababa.” ito rin ang isa pang linya ng mga konduktor na sinisigaw sa labas ng bus sa halos buong biyahe. bakit? ito ang flying yero, ito ang bus na hindi napupuno, kaya sakay lang.

“talikuran na lang po.” ito naman ang linya sa tuwing hindi nagkakaintindihan ang mga pasahero.

matalas ang mga pang-amoy ng mga konduktor. alam nila kung sino ang mga may sukli pa at kung sino ang mga bagong sakay, ngunit mabait dahil bagaman alam nila kung sino ang nagtutulug-tulugan, hindi nila ito “ginigising”.

ito ang flying yero, ang bus na walang kasingbilis at hindi napupuno. sakay na para maintindihan at baka, baka lang, mahiligan mo.

11.15.2007

seesaw, subukan mo

nakasakay ka na ba sa seesaw?

minsan, nasa taas ka. minsan, nasa ibaba ka. depende ito sa iyong kalaro.

isang beses, may nakita kong naglalaro sa may parke, isang lalaki at isang babae. nasa seesaw sila. nakuha ang aking atensyon nang mapansin kong pilit nilang pinapantay ang seesaw. binabalanse nila. at, kitang-kita sa kanilang mga mukha ang hirap.

tumatagaktak ang kanilang mga pawis, ngunit hindi nawala sa kanilang mga mukha ang mga ngiti. minsan, ang lalaki ang babagsak at ang nasa itaas ang babae. minsan din naman, ang babae naman ang nasa ibaba.

nahihirapan sila. halata ito sa kanilang mga pawis at mukha, ngunit masaya sila habang ginagawa ang pagbabalanse. ang kanilang mga ngiti at halakhak ang nagpatunay nito.

hindi naglaon, natutunan nilang ibalanse ang seesaw, ngunit hindi pa rin maikakailang nahihirapan ang dalawa.

ang mahalaga naman, natutunan nilang ibalanse.

nang tuluyan nilang makabisado kung paano, sabay bumaba ang dalawa. halos hindi sila nagtinginan nang sila'y umalis ng seesaw. tumayo lang sila, at naghawak-kamay.

nang marinig ko ang isang maikling linya ng babae habang sila ay nag-uusap. tiyaka ko naintindihan.

*********

"...doon, may mas malaking seesaw...."


11.11.2007

may sumpa ka, tandaan mo

madalas, sa buhay natin, kapag dumating ang suwerte, sunud-sunod. at madalas din, kapag dumating ang sunud-sunod na swerte, nakakalimot.

********
nanalo ko sa lotto noong nakaraan, nakabunot ng premyo noong nakaraang linggo sa supermarket, nakapulot ng bolpen noong isang araw, at hindi nahuli ng gard kanina nang nakalimutan ko ang aking id.

"pre, sineswete ata ako nitong mga nakaraang buwan."
"bakit? paano mo nasabi?"
"hindi ba nanalo ako ng lotto, tapos, nakabunot ako ng komponet sa supermarket noong isang linggo. ngayon, hindi ako nahuli ng gard na walang id. ang dami pa e. sineswerte ko!"

********

ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.

********
sasali ako sa maraming patimpalak. mananalo ako sigurado. sineswerte ako ngayon, nararamdaman ko!

********

"pre, sasali ako sa singing contest sa sabado."
"marunong ka bang kumanta?"
"medyo...."
"sa tingin mo mananalo ka sa boses mong yan?"
"oo" napatigil siya. agad kong sinundan "sineswerte ko e."

********

ayos! ika-13 ako. lucky thirteen to! maya-maya lang, akin na ang trophy na yan.

********

"ayos lang yan, tol."
"...natalo ko." habang pabagsak ang namumuong luha sa aking mga mata. natalo ko. akala ko ba sineswerte ko! bakit? paano kong natalo?
"nasa tono ka naman kanina e."
pero natalo ko! talo pa rin iyon!
"pero natalo ko!" tuluyan nang gumulong ang mga luha sa magkabi kong mga pingi.

napatigil siya sa pagtahan sa akin. tumayo siya. hindi ko siya sinundan ng tingin.

"pre! may sumpa ka, tandaan mo! kung sinwerte ka noong ilang mga araw, huwag mong abusuhin. huwag mong kakalimutan na may sumpa ka! wala kang karapatang humingi ng anu man. wala kang karapatan!"

tiyaka ko siya tingnan paitaas. maliwanag, ngunit pilit ko siyang tiningnan.

"akala ko wala na ang sumpa. akala ko ayos na ang lahat."

patuloy ang luha sa pagdaloy. umupo siyang muli sa aking harapan.

"hindi na mawawala ang sumpang iyon. ikaw ang may kasalanan. ikaw ang dahilan kung bakit nariyan iyan. panindigan mo. pre, huwag kang makalilimot, may sumpa ka."
"...pero..."
"hindi na mawawala yan. sumpa mo na yan. pagbibintangan ka. lalayuan ka. isusumbat sa iyo ang mga ito. paulit-ulit. masasanay ka rin."

wala na kong nasabi. may sumpa ko. may sumpa ko. paulit-ulit, hanggang sa tuluyang makatulog.

nanuyo ang mga luha.

nagsasayaw nang siya'y biglang huminto

nagsasayaw siya sa aking isip nang bigla siyang huminto. hindi ko alam kung bakit. hindi siya humihinto, iyon ang aking pagkakaalam. iyon ang aking pagkakaalam. matagal ko na siyang pinagmamasdang sumasayaw. ngayon, sa unang pagkakataon, huminto siya.

kumatok ang kanyang kaibigang matalik. huminto siya upang buksan ang pinto. ngunit sa aking pagkakatanda, hindi siya humihinto sa pagsasayaw, kahit pa may kumatok o dumating. pasayaw siyang lalapit sa pinto. pasayaw niyang bubuksan ito. pasayaw niyang kakamustahin. lahat ay gagawin niyang pasayaw. ganoon siya.

bigla siyang napakanta nang makita niya ang nasa pinto. madalas ko silang makitang magkasama, ngunit ngayon ko lang napansin ito. humihinto pala siya sa tuwing dadaan ang taong ito. kumanta siya nang napakalakas. sumakit ang aking ulo ngunit hindi dahil wala sa tono. masyado itong malakas. masyado itong malakas para sa kanya. ...o para sa akin?

ilang oras silang nagkantahan. matagal na kantahan. hindi ko maintindihan. ang kanyang tinig ay maganda, ngunit malakas. gayon din ang kanyang kasama. hindi ko maintindihan. natanggal ko na lang ang aking mga kamay sa tainga nang mapansin kong sumsayaw na siyang muli. wala na ang kanyang kaibiganang matalik.

nagpatuloy siya sa kanyang pagsayaw. nagpatuloy ako sa pagtitig. pag-iisip. hindi nagtagal ay huminto siyang muli. naulit ang nangyari noon. natapos. naulit muli. paulit-ulit. kung minsan, hindi awit ang kanyang ginagawa. sa halip na pagsayaw, siya'y tumutula. ito ang kanyang ginagawa sa tuwing iba ang bibisita sa kanya.

napaisip ako bigla. nanggaling sa hindi ko alam. nagtataka lang kung bakit kailangan niyang huminto, kung ganoon ba talaga siya bago siya napunta sa aking isip, kung humihinto ba talaga siya, kung dapat ba akong masanay sa kanyang pagkanta at pagtula, kung dapat ko bang tumitig din sa tuwing siya ay kakanta at tutula.

nagsasayaw siya sa aking isip nang bigla siyang huminto. hindi ko alam kung bakit. hindi siya humihinto, iyon ang aking pagkakaalam. iyon ang aking pagkakaalam.... ...iyon ang aking pagkakaalam, iyon ang aking pagkakaalam....

11.05.2007

the man and the barista

he grabs his mug as if he needs more. his eyes sharp and his coat in formal one. outside is a black sedan tinted in dark black and attached with 18" aluminum mag that mixes with his suit quite well. he sits in the couch comfortable. he waits. he smiles at the barista whom he knows for years now. an everyday customer for the barista, an everyday ritual for the man. this is the place that nurtures him; a continuation of his past childhood.

he does not linger around nor look at others. he does not care. he minds his own business. for the barista, he is someone he knows, but a stranger that no one knows. for the other drinkers around, he is no one but a businessman waiting for his partner. he is not the man reading his novel. he is not the man that changes his drink every now and then. he is not the man that speaks a lot. he is not the man that stays for nothing.

it may seem that he is just waiting, but he is not. he is not waiting for anything, but he is comfortable. he is waiting. in the couch where he sits everyday from six to eight in the morning and four to seven in the afternoon, he is comfortable. sometimes, he even sits there during saturdays and sundays around eight to ten in the morning and nine to twelve at night.

the barista wonders what he does for a living, is he married or divorced. he does not look like single. he looks responsible. he looks strong and powerful. but then, the barista never asks. he only asks what question. cash or credit. the barista knows the man's drink. he knows when to put sugar and when to leave it as is. he also knows when to do it cold or hot.

there is sugar when the man visits in the morning and at night. it goes as is if it is already in the afternoon. he once told the friend barista. the morning and night is like the sunrise and sunset. your store is not the beach nor the bay, but i treat it as such. the sunrise and sunset is the sweetest. it is the beginning and end. that is why i want sugar in my coffee in morning and at night. i want it sweet, enough that it still tastes like coffee. that was only once. from then on, the barista never forgot.

it goes cold and freeze when he visits in the afternoon. it also goes cold when he is just wearing his polo. it goes hot without cream when he visits in the morning and at night. just like the sugar. it also goes hot when he is wearing his coat. it is that simple.

the barista knows a lot about this man. he knows the drink he takes everyday and every time. he knows when to talk to him and when not to ask. he knows his card number. he knows his surname and his plate number. he knows his smell and he knows when to compliment.

the man is not known. he is just the barista's subject, just like the others that drink here. he make stories out of people. he make stories our of them. the man is his favorite, because the man is mysterious. his stories do not fit him. his stories for him do not fit at all. the man is different. the man makes him wonder. he makes him think. he makes him think deeper.

in the end, he concludes. the man, all men, not just men, but all, drinks and goes to him because of that same reason. all people that goes to him and approaches him not just craves for his drink. they crave for the nurture he gives. these people crave for the nurture that this place gives. this place, him, is the continuation of their past childhood. they suck their coffees as if sucking their milk. they sit in the chair and couch as if this is their home. they go to this place to wait; sit as if this place is their crib.

the first date

as always, just like any other day in our past, we were talking about the things that we've accomplished lately, how the day went, who from our friends called to say hi, when did mom last called, who will be cooking for tomorrow's breakfast and as such, when the door suddenly opened, slightly. slowly, it casted the dim light outside the room.

she looked at me as if asking me to do what i was supposed to do, i knew. we knew. so i stood up without thinking, even without wearing my sleepers, and went straight towards the door and opened it fully. there, he sprang just as we thought.

"ma.... i can't sleep."

********

ngumiti siya tulad ng inaasahan ko. her eyes, beautiful. smile, still the same. pagkabalik ko ng kama, hindi na asawa ko ang katabi ko.

junjun. our first born. makulit, punung-puno ng tanong, makwento rin, saksakan ng taba palibhasa'y mahilig sa hotdog, at.... hindi ko alam kung hindi talaga siya makatulog sa sariling kwarto, mahilig lang talagang magpakwento o.... ayaw niyang nilalambing ko ang nanay niya. but don't get me wrong, we are a family. ihahatid namin siya sa eskwelahan sa umaga, tiyaka kami papasok sa trabaho. after work, i'll fetch my wife and my ubod ng kulit na junjun. it just depends, 'pag friday, it's either we go to malls or eat, o umuwi ng maaga and schedule it on a sunday. we talk things over every now and then, parang meeting na informal, para hindi nagkakaroon ng misunderstanding.

********

hindi sa nagyayabang pero my wife is really unbelievable. walang binatbat kung ikukumpara sa ibang mga babae diyan. but of course, i won't compare her with them kasi.... there is no point of comparison. basta, ganito na lang, to simplify things, she was just the prom i'm-sorry-i-forgot, held several seats in the student council for almost three years, former ms. un, and held a dozen or two certificates and plaques of different sorts noong high school and college. hindi na mahalaga na isa-isahin ko pa, baka mabilib ka na ng sobra 'pag pati yung recent sasabihin ko pa. okay na na nabigyan kita ng kaunting background. oh! i almost forgot, have i mentioned na misis na si diane kathrina kwok? actually, she holds my surname right now.

********

"ma.... i can't sleep."
"jun, you have to learn to sleep in your room. big boy ka na."
"but ma..."
"you are a big boy na. 'di ba?"
"pa.... kwento."
"tungkol sa'n?"
"anything."
"i have already told you all the fairy tales i know."
"kahit hindi fairy tales."

big boy na nga siya. dati, kahit paulit-ulit, he'll opt to listen tales and fantasy stories than real once. pero ngayon, any will do na ata, kahit hindi fairy tales.

"what kind of stories?"
"mga napagdaanan ninyo.... ni mama."
"madami e." as i looked at her, my dear, smiling.
"how did you end up together?"

********

sometimes, all you have to do to catch a big fish is offer her a wedding ring. (from the movie big fish, words are not exact but same thought though) but sometimes, you need not offer such grand gift. kailangan lang magpakatotoo, yung ikaw talaga and your sincere intentions. oo, somehow, it's one way, but if your intentions are good and totoo ka sa lahat ng bagay sa kanya, darating din yun. naturally.

********

"sige."
"yey!"
but you need not remember this story.... because i want to retell this story over and over

********

"hindi naging madali, jun. and, it was like a fairy tale so it'll be a good start for you. (if you know what i mean) during that time, i've known your mama for three years na, pero hindi kami masyadong nag-uusap. the only time na nakakapag-usap kami is either tungkol sa banda (which was parokya ni edgar at that time) o aasarin ko siya."

wait! have i told you na junjun got my eyes and my hair, and her mama's brows and forehead? yung ilong, hindi ko alam. i think it's a blend of the both of us, sakto e.

********

pareho kasi kami ng paboritong banda noon. magaganda kasi mga kanta ng parokya, plus, yun lang yung banda na pinakikinggan ko.

"hindi nga kami nag-uusap. we had our own lives and our own sets of friends. tapos, siguro, mga sometime feb., feb yun, 'di ba hun?"

she smiles and says softly, "feb. 17"

"oo, feb 17, that was our first long-and-sweet-weird text-text. nangyari yun kasi no'ng valentines, i texted all my crushes. kasama siya roon, unfortunately." while laughing. "you see, pilyo ako noon e. just like you. actually up to now, pero sobrang timang ako noon." but then, it was tat kapilyuhan that brought me to where i am right now.... beside your mama. siyempre hindi ko sinama yun. bata pa siya para sa mga bagay na ganyan.

"doon na nagstart. often, we text, 'pag hindi, sa phone kami nag-uusap. halos lahat ng topic napag-uusapan namin. hindi kami nauubusan ng kwento, palibhasa pareho kaming kwentista. and, we enjoy talking, and listening to one another. we were like close friends already kahit noon lang kami nakapag-usap."

"i remember the first time i called your mama. sabi ko sa text, "can i call you?" akala niya kung ano, kasi matutulog na. may pasok pa kinabukasan noon. n'ong pumayag siya na tumawag ako, kinakabahan pa ko, tapos sabi ko, "wala lang, good night."

********

"pa.... ang corny."

naalala ko tuloy yung isang text niya one time. ...una korni pero 'pag andun ka na, pag nafeel mo na, kahit korni, sweet e. (again, not the exact words, but same thought )

"someday you'll understand."

********

"hindi naging madali, jun.... "

"i had my own friends, she had her own. halos magkaiba yung mundo namin for them, kami nga lang ang nakakaalam na hindi magkaiba yung mundo namin. we found out na ang dami naming pagkakapareho. we understand each other, and masaya kami."

"..hindi ko maintindihan." bulong ni jun.

"minsan, you need not understand, just listen."

********

"dumating sa point na halos maggive-up na kami, pero wala pang one week, we were together uli. tapos naging okay na uli. nag-uusap na kami uli. trials lang pala."

"everything was going pretty nice. we were comfortable that way. matagal ko na siyang gustong yayain lumabas that time, and it seemed that it was the perfect time. so, naglakas loob na ko. i asked her, the whole day, to go out with me. ang plano lang is to go to manila bay and eat. kwentuhan lang. pero on our way there, napadaan kami ng museong pambata. ganoong ka-comfortable. naglaro kami sa mga trains, sa tiyan ng tao, animals, bones, plants, madami."

"nang makarating kami ng bay mismo, it was already three. malapit na mag-4 p.m. nagpahinga muna kami, then naghanap na kami ng makakainan for dinner. hindi ko naman mapapalampas yun. it was our first date. una, gusto namin doon sa barko magdinner. kaso, it was way too expensive for us. sabi ko sa mama mo, "dito na lang tayo kumain", at that time, may isang hilara ng mga resto doon." (thanks to mayor fred lim, wala na ang first date resto namin)

********

"pjam, saan mo gusto kumain dito?" i asked her.
"kahit saan.", sinundan niya, "ano'ng favorite number mo?"
"bakit?"
"basta! ano?"
"wala e, pero eight na lang." (kasi jonathan, 8)
"sige, bilang na lang tayo ng 8 na resto, tapos yun na."

ganyan kami lagi e. we are so comfortable with each other na kahit pinaka-batang idea namin, nasasabi namin, napag-uusapan namin. gustong gusto ko talaga.... ito.

"ano'ng gusto mo?" naka-upo na kami sa pang-8 na resto tulad ng napag-usapan.
"kahit ano, ikaw? gulay? seafood? beef? baboy?"
"kahit ano, ikaw na lang diyan, ako sa drinks."
"sige"
"iced tea?"
"okay lang." (tiyaka ko na lang nalaman na sinisinok siya sa coke) "karekare?"
"sige."
"seafood?"
"sige"

at that time hindi pa kami nagshashare ng drinks. and at that time, hindi ako nag-extra rice. (kasi nagshare kami sa rice niya)

after namin kumain, 7 p.m. na. sakto, 7 p.m. ang start no'ng bus na umiikot ng baywalk. no'ng may dumaan, i called her attention kaagad. it was not the one we expected, parang truck lang na may upuan sa likod yung nasakyan namin, pero it was enough para mapasaya ko siya. nagulad na lang ako nang makita ko siya, inaantok na. (that was the first time i saw her na inaantok) so, we decided na umuwi na. after all, ang dami na rin naming nagawa for the day.

********

"noong pauwi na kami, muntik na kaming maligaw. buti na lang may isang pulis doon na nag-aabang ng mahuhuli."

"kuya, dito po ba daan papuntang quiapo?"
"oo, diyan."
"sige ho, salamat po."

"boss, wala kayong sasakyan? 'pag ganyang date dapat nakasasakyan na kayo."
"wala e." i looked at her, we smiled. pakialamerong pulis!

********

"nang makasakay na kami ng dyip, tuluyan nang nakatulog mama mo. siya yung umupo sa may pinto ng dyip so i hugged her." (baka kasi malaglag siya) "i held her hand, for the first time. she held mine too."

from that moment, alam ko na.

********

nakatulog na si junjun. saang parte ba siya nakatulog? para sa susunod na magpakwento siya, dudugtungan ko na lang. hindi na bali, uulitin ko na lang ulit.

nakatulog na rin pala si pjam.


as always, just like any other day in our past, we were talking about the things that we've accomplished lately, how the day went, who from our friends called to say hi, when did mom last called, who will be cooking for tomorrow's breakfast and as such, when the door suddenly opened, slightly. slowly, it casted the dim light outside the room.

she looked at me as if asking me to do what i was supposed to do, i knew. we knew. so i stood up without thinking, even without wearing my sleepers, and went straight towards the door and opened it fully. there, he sprang just as we thought.

"ma.... i can't sleep."

********

ngumiti siya tulad ng inaasahan ko. her eyes, beautiful. smile, still the same. pagkabalik ko ng kama, hindi na asawa ko ang katabi ko.

junjun. our first born. makulit, punung-puno ng tanong, makwento rin, saksakan ng taba palibhasa'y mahilig sa hotdog, at.... hindi ko alam kung hindi talaga siya makatulog sa sariling kwarto, mahilig lang talagang magpakwento o.... ayaw niyang nilalambing ko ang nanay niya. but don't get me wrong, we are a family. ihahatid namin siya sa eskwelahan sa umaga, tiyaka kami papasok sa trabaho. after work, i'll fetch my wife and my ubod ng kulit na junjun. it just depends, 'pag friday, it's either we go to malls or eat, o umuwi ng maaga and schedule it on a sunday. we talk things over every now and then, parang meeting na informal, para hindi nagkakaroon ng misunderstanding.

********

hindi sa nagyayabang pero my wife is really unbelievable. walang binatbat kung ikukumpara sa ibang mga babae diyan. but of course, i won't compare her with them kasi.... there is no point of comparison. basta, ganito na lang, to simplify things, she was just the prom i'm-sorry-i-forgot, held several seats in the student council for almost three years, former ms. un, and held a dozen or two certificates and plaques of different sorts noong high school and college. hindi na mahalaga na isa-isahin ko pa, baka mabilib ka na ng sobra 'pag pati yung recent sasabihin ko pa. okay na na nabigyan kita ng kaunting background. oh! i almost forgot, have i mentioned na misis na si diane kathrina kwok? actually, she holds my surname right now.

********

"ma.... i can't sleep."
"jun, you have to learn to sleep in your room. big boy ka na."
"but ma..."
"you are a big boy na. 'di ba?"
"pa.... kwento."
"tungkol sa'n?"
"anything."
"i have already told you all the fairy tales i know."
"kahit hindi fairy tales."

big boy na nga siya. dati, kahit paulit-ulit, he'll opt to listen tales and fantasy stories than real once. pero ngayon, any will do na ata, kahit hindi fairy tales.

"what kind of stories?"
"mga napagdaanan ninyo.... ni mama."
"madami e." as i looked at her, my dear, smiling.
"how did you end up together?"

********

sometimes, all you have to do to catch a big fish is offer her a wedding ring. (from the movie big fish, words are not exact but same thought though) but sometimes, you need not offer such grand gift. kailangan lang magpakatotoo, yung ikaw talaga and your sincere intentions. oo, somehow, it's one way, but if your intentions are good and totoo ka sa lahat ng bagay sa kanya, darating din yun. naturally.

********

"sige."
"yey!"
but you need not remember this story.... because i want to retell this story over and over

********

"hindi naging madali, jun. and, it was like a fairy tale so it'll be a good start for you. (if you know what i mean) during that time, i've known your mama for three years na, pero hindi kami masyadong nag-uusap. the only time na nakakapag-usap kami is either tungkol sa banda (which was parokya ni edgar at that time) o aasarin ko siya."

wait! have i told you na junjun got my eyes and my hair, and her mama's brows and forehead? yung ilong, hindi ko alam. i think it's a blend of the both of us, sakto e.

********

pareho kasi kami ng paboritong banda noon. magaganda kasi mga kanta ng parokya, plus, yun lang yung banda na pinakikinggan ko.

"hindi nga kami nag-uusap. we had our own lives and our own sets of friends. tapos, siguro, mga sometime feb., feb yun, 'di ba hun?"

she smiles and says softly, "feb. 17"

"oo, feb 17, that was our first long-and-sweet-weird text-text. nangyari yun kasi no'ng valentines, i texted all my crushes. kasama siya roon, unfortunately." while laughing. "you see, pilyo ako noon e. just like you. actually up to now, pero sobrang timang ako noon." but then, it was tat kapilyuhan that brought me to where i am right now.... beside your mama. siyempre hindi ko sinama yun. bata pa siya para sa mga bagay na ganyan.

"doon na nagstart. often, we text, 'pag hindi, sa phone kami nag-uusap. halos lahat ng topic napag-uusapan namin. hindi kami nauubusan ng kwento, palibhasa pareho kaming kwentista. and, we enjoy talking, and listening to one another. we were like close friends already kahit noon lang kami nakapag-usap."

"i remember the first time i called your mama. sabi ko sa text, "can i call you?" akala niya kung ano, kasi matutulog na. may pasok pa kinabukasan noon. n'ong pumayag siya na tumawag ako, kinakabahan pa ko, tapos sabi ko, "wala lang, good night."

********

"pa.... ang corny."

naalala ko tuloy yung isang text niya one time. ...una korni pero 'pag andun ka na, pag nafeel mo na, kahit korni, sweet e. (again, not the exact words, but same thought )

"someday you'll understand."

********

"hindi naging madali, jun.... "

"i had my own friends, she had her own. halos magkaiba yung mundo namin for them, kami nga lang ang nakakaalam na hindi magkaiba yung mundo namin. we found out na ang dami naming pagkakapareho. we understand each other, and masaya kami."

"..hindi ko maintindihan." bulong ni jun.

"minsan, you need not understand, just listen."

********

"dumating sa point na halos maggive-up na kami, pero wala pang one week, we were together uli. tapos naging okay na uli. nag-uusap na kami uli. trials lang pala."

"everything was going pretty nice. we were comfortable that way. matagal ko na siyang gustong yayain lumabas that time, and it seemed that it was the perfect time. so, naglakas loob na ko. i asked her, the whole day, to go out with me. ang plano lang is to go to manila bay and eat. kwentuhan lang. pero on our way there, napadaan kami ng museong pambata. ganoong ka-comfortable. naglaro kami sa mga trains, sa tiyan ng tao, animals, bones, plants, madami."

"nang makarating kami ng bay mismo, it was already three. malapit na mag-4 p.m. nagpahinga muna kami, then naghanap na kami ng makakainan for dinner. hindi ko naman mapapalampas yun. it was our first date. una, gusto namin doon sa barko magdinner. kaso, it was way too expensive for us. sabi ko sa mama mo, "dito na lang tayo kumain", at that time, may isang hilara ng mga resto doon." (thanks to mayor fred lim, wala na ang first date resto namin)

********

"pjam, saan mo gusto kumain dito?" i asked her.
"kahit saan.", sinundan niya, "ano'ng favorite number mo?"
"bakit?"
"basta! ano?"
"wala e, pero eight na lang." (kasi jonathan, 8)
"sige, bilang na lang tayo ng 8 na resto, tapos yun na."

ganyan kami lagi e. we are so comfortable with each other na kahit pinaka-batang idea namin, nasasabi namin, napag-uusapan namin. gustong gusto ko talaga.... ito.

"ano'ng gusto mo?" naka-upo na kami sa pang-8 na resto tulad ng napag-usapan.
"kahit ano, ikaw? gulay? seafood? beef? baboy?"
"kahit ano, ikaw na lang diyan, ako sa drinks."
"sige"
"iced tea?"
"okay lang." (tiyaka ko na lang nalaman na sinisinok siya sa coke) "karekare?"
"sige."
"seafood?"
"sige"

at that time hindi pa kami nagshashare ng drinks. and at that time, hindi ako nag-extra rice. (kasi nagshare kami sa rice niya)

after namin kumain, 7 p.m. na. sakto, 7 p.m. ang start no'ng bus na umiikot ng baywalk. no'ng may dumaan, i called her attention kaagad. it was not the one we expected, parang truck lang na may upuan sa likod yung nasakyan namin, pero it was enough para mapasaya ko siya. nagulad na lang ako nang makita ko siya, inaantok na. (that was the first time i saw her na inaantok) so, we decided na umuwi na. after all, ang dami na rin naming nagawa for the day.

********

"noong pauwi na kami, muntik na kaming maligaw. buti na lang may isang pulis doon na nag-aabang ng mahuhuli."

"kuya, dito po ba daan papuntang quiapo?"
"oo, diyan."
"sige ho, salamat po."

"boss, wala kayong sasakyan? dapat 'pag ganyang date dapat nakasasakyan na kayo."
"wala e." i looked at her, we smiled.
"

10.29.2007

watch my back, as i watch yours.

when i look at you,
i don't just see you.
i see the whole you,
and at the same time,
people and others
that are behind you.

...less mysterious that makes life beautiful

tanghali na nang magising ako kaya naging mabilisan ang pagligo ko. hindi na nga ko nakapili ng maisusuot. bumunot na lang ako basta sa kabinet at lumarga na. pagkalabas at pagkalabas ko, agad kong naramdamang may naiwan ako. may kulang. may hindi tama. babalik na sana ako pero tinamad na kong maglabas ng susi kaya binaliwala ko na lang ang kung ano mang naiwan.

ano bang mayroon sa araw na 'to? saan nga ba ko pupunta?

yo'n pala ang kulang. saan ba ko pupunta ngayon? hindi ko nakita ang schedule ko para sa araw na 'to. hindi ko rin matandaan. bahala na nga.

naupo ako sa isang bangko sa may parke. ordinaryo. hindi marami, pero hindi rin kaunti ang mga tao. may mga nagbebenta ng lobo, cotton candy, naglalarong mga bata, naglalakad-lakad na mga matatanda na pabalik-balik lang, mga bikers na nanghuhuli ng isda, at iba pa.

krrrrookk-kkokkk. lunch na pala, paalala sa'kin ng tiyan ko. mabuti na lang at parang alarm clock 'tong tiyan ko at naaalala kong kumain. tiningnan ko ang mga barya sa aking bulsa at binilang. bente pesos, takto. maglalakad na lang ako para maipangkain ko na 'tong bente.

tumawid ako at kumain na lang ng mami sa tapat. kinse pesos, dalawang puto na tig-dalawang piso ang nakain ko, may suli pa kong piso. hindi ko muna hinigi ang aking sukli, inuna ko muna ang aking uhaw na lalamunan. palibhasa'y libre, nakatatlong baso ako. hindi ko pinansin ang mga nasa likod ko. bagaman alam kong nakapila sila, hinayaan ko silang magbulungan at mabugnot. tangina. nauna ko rito e. maghintay ka.

bumalik ako sa inupuan ko kanina sa may parke. buti nga at saktong walang nakaupo roon nang bumalik ako. teritoryo ko na 'to simula rati pa. ito ang lugar na pinupuntahan ko lagi sa tuwing nabubugnot ako, walang magawa, nais mapag-isa, nais mag-isip, o wala lang. kaya, siguro naman ay kilala na ng mga tao ang mukhang ito--ang nag-iisang nilalang na umuupo sa sirang bangko na ito.

ako lang ang nag-iisang nakaupo rito sa mga bangko ng parke. palibhasa'y itong bangko lang ang may lilim. ang iba'y halos puwede ka nang magprito ng itlog at magsangag ng kanin. hindi pa ako ginugutom, pero parang malapit na. nakakagutom kasi ang init, para kasing bumibilis ang mga alaga ko sa pagkain 'pag mainit.

sa gitna ng mainit na panahon, mga taong maiingay, at mga sasakyang hayop kung bumusina, may pumasok sa aking isip.

paano kaya kung hindi ganito ang mundo? paano kung nakikita natin ang mga abilidadat talento ng mga tao? parang thinking bubble. parang video game ang dating. nakikita mo ang "life" at "power" pero imbes na power, mas maganda yata kung talent o abilities. puwede ring motive: good or bad. nakikita rin kung ano ang status, bio-data, accomplishments, experiences, at iba pa. kung baga, kontrol natin lahat. tayo ang nasa driver seat. hawak mo ang lahat. alam mo ng dapat gawin. alam mo ang strengths at weaknesses ng bawat isa. lalo na yo'ng sa'yo. astig!

natawa ako mag-isa na parang gago. napatingin nga yoong mga taong nasa paligid ko. mga bwiset! pakialamero't pakialamera.

maging mas madali ang lahat. magiging mabilis ang pag-aaral, pakikitungo sa iba, paghahanap ng trabaho, pakikipagkaibigan, at marami pang iba. pero... sa totoong buhay...

clueless
tayo sa lahat sa totoong buhay. kahit kasama mo araw-araw, hindi mo alam ang hanggan ng kanyang abilities.

siguro magiging madali nga kung magiging gano'n ang buhay, ang mundo. peste! ano'ng tinitingin mo!? magiging mas madali, mas maganda, pero... less mysterious that makes like wonderful.

10.25.2007

it takes two to tango nga ba, o ano?

it takes two to tango raw, sabi ng marami. kung iisipin mo, oo nga naman, paano ka magtatango ng mag-isa. ang lungkot noon, hindi ba? mukha ka pang timang. isa pa, tango is a social dance, kung sasayaw ka rin lang mag-isa, magbreak dance ka na lang. parang tao, human is a social being. mahirap para sa tao na hindi makisalamuha sa kapwa, lalo na kung madaldal na tulad ko. mapapanis ang laway. mahirap kasi natura na na makisocialize. parang buhay, mas masarap mabuhay at maglakbay 'pag may kasama. iyong tipong hindi ka nag-iisa. habang naglalakad, may kakwentuhan ka, may kasabay sa pagkanta, may katawanan, at marami pang iba na hindi naman nating pwedeng isa-isahin dito dahil may kanya-kanyang kawirdohan ang bawat isa. bawat magkasama.

ang problema lang, madalas, parang nagiging tug-of-war, rope pulling, nagiging sport na naglalaban ng lakas. halos hindi na nagbibigayan na to the point na 'pag bumitaw ang isa, malalaglag ang isa, and vice versa, kasi natuto na silang maging dependent sa isa't isa. actually, ayos lang naman sana kung walang bibitaw. magiging mahirap, mamamalat ang mga palad mo, mapapagod ka, pero hangga't walang sumusuko, hangga't walang bumibitaw, tuloy lang ang buhay. tuloy lang ang laro, at walang malalaglag.

mas maganda sana kung give and take. hindi kayo naghihilaan kundi nagbibigayan. kung sa right, sa right kayo. kung sa left, sa left. para kayong nagsesway, naggaglide gracefully. sa madaling sabi, kung sa math, para kayong complimentary angles. kung sa larong pambata, para kayong agawan base. lalabas ang isa at aarteng pain. hahabulin naman ng isa na nasa kabilang base. at dahil hahabulin siya, siya naman ang tatakbo upang makapagbase at siya uli ang hahabol. palitan lang. cycle nga, hindi ba? tulad din ng turo ng matatanda at hirayamanawari, ang buhay ay parang gulong, minsan nasa baba ka, minsan nasa taas. kung minsan may matataya, minsan may madadapa, pero ang mahalaga roon, ang aakay sa'yo ay ang nakatulak o nakataya sa'yo dahil siya ang malapit sa'yo. dahil sa pagkakataong iyon, hindi kayo magkalaban. kahit pa magkaiba kayo ng base, iisa lang ang laro ninyo.

hindi tulad ng tug-of-war na 'pag binitawan ka, laglag ka sigurado. ang masama, o masakit, pa roon, hindi ka agad mapupuntahan ng kalaban mo dahil may tali pang naghihiwalay sa inyo. hindi natitigil ang laro hangga't hindi pa diredeklara ng referee. minsan talaga, mas masarap ang buhay-bata. walang referee, titigil ang laro kahit walang manalo, o kahit pa walang score.

kaso, minsan, tuloy pa rin ang laro kahit may sugat na. kahit kumikirot, sige pa rin sa pagtakbo kasi ayaw mong matigil ang laro. masaya kasi.

so, it takes two to tango nga ba? halos nawala na tayo sa usapan. well, oo, siguro, mas madalas oo, huwag lang milonga ang ipalit dahil mas mabilis pa ito sa tango. hindi kasi maganda ang mabilis, nawawala ang essence--nawawala ang importance ng lahat ng bagay, nawawala ang details. iyon pa naman ang mahalaga--ang nagbibigay ganda sa buhay.

10.15.2007

biskwit, gusto mo? (sana kunin mo)

huling biskwit ko na 'to pero gutom pa ko. wala na rin akong pera sa bulsa, anim na piso na lang na sakto para sa pamasahe ko. makakauwi naman ako kung bibili pa ako ng isa pang biskwit, kaso, yo'n nga lang, maglalakad ako pauwi.

maaga pa naman kaya hindi muna ko uuwi. tumambay muna ako rito sa tindahan ni aling bechang nang dumaan si pareng chudor. hindi maipinta ang mukha niya, tila hindi rin siya mapakali, kaya tinanong ko siya kung may problema ba o kung ano'ng problema. noong una'y ayaw pa niyang sumagot, kaya't hindi ko na siya pinilit. nagkwentuhan na lang kami, at sa kwentuhang iyon, nalaman ko ang problema niya.

gutom siya, at nalaglag ang walet niya kaya wala na rin siyang pambili tulad ko.

anim na piso na lang ang pera ko, pamasahe ko pa. isang biskwit na lang ang hawak ko, at gutom pa ako. mahirap magdesisyon, lalo na kung tiyan ang nakasalalay. mahirap na kasi, ilang beses na rin akong nawalan ng biskwit. ilang beses na rin na tinapon lang yo'ng biskwit na bigay ko. baka masayang lang din.

pero pinili kong ibigay na lang ang huli kong biskwit kay pareng chudor. hindi ko alam kung bakit. ay, alam ko pala. hindi naman kami gaanong magkakilala, pero alam kong totoong kaibigan siya, totoong tao. tumatawa siya sa mga nakakabwisit kong mga patawa, nanununtok 'pag nanggigigil at naiinis, at kung anu-ano pa. pero, aywan ko ba, masaya ako 'pag siya ang kausap ko. pakiramdam ko naiintindihan niya ako, sana siya rin.

inabot ko ang biskwit ko sa kanya. nagulat siya, nagtaka pa nga ata. naisip ko, baka inisip niya, anu ba 'tong taong 'to, kanina pa ko naririto, ngayon lang inabot 'tong biskwit. kung sasabihin man niya 'to, sasagutin ko naman siya. pasensiya na pre, nagdalawang isip pa ko. gutom din kasi ko, pero heto na, tayo na lang. ikaw na bahala riyan a.

hindi na ako natakot na baka itapon niya ang biskwit na iyon. hindi ko na rin inisip, pero kung itapon man niya, siyempre, masasaktan ako. bakit ko nga ba binigay?

hindi ko muna sasagutin yan. kinain pala niya ang biskwit. napangiti ako, pero hindi dahil kinain niya, kundi kung paano niya kinain. gutom nga siya kaya't minabuti kong ibili na lang ang anim na piso ko. "isa pong magic flakes" para apat dapat. nang iabot ko ang anim na puso, wala naman akong naramdaman na kung ano, na kadalasan masakit sa dibdib. kuripot kasi ako, at minsan lang manlibre.

inabot ko kay pareng chudor ang magic flakes na bagong bili ko, mainit pa. mainit?

nang makita niya, ngumiti siya. ilang beses ko na siyang nakitang ngumiti. medyo matagal na rin kasi kaming magkakilala at medyo nagkakasama rin kami, pero unang beses ito. kilala ko ang ngiting iyon. totoo ang ngiti na iyon.

sabi niya, "hati tayo, gutom ka rin, hindi ba?" nagsalo kami. ang sarap ng pakiramdam, halos hindi ko na makwento. ang hirap kasi ipaliwanag e. parang lukso ng dugo sa mga telenovela 'pag nagkikita ang mag-ina na nahiwalay ng kontra-bida.

naghati kami, parang hating kapatid sa usapan ng mga bata. tig-dalawa kami. buti na lang pala at apat dapat ang binili ko. kung sabagay, kung skyflakes naman, maghahati rin kami panigurado. nang maubos namin, hindi ako nag-alinlangan. tumayo akong muli at lumapit sa naka-iskrin na tindahan ni aling bechang. "aling bechang, pautang ng biskwit. babayaran ko na lang po bukas," pakiusap ko. ngumiti siya. napakabait ni aling bechang na halos lahat dito ay sa kanya bumibili. lahat din dito, may utang sa kanya. hindi rin naman niya sinisingil. buti na lang at karamihan pa rin ay nagbabayad. palangiti rin siya kaya halos lahat ay sa kanya rin lumalapit kahit hindi bibili, kahit kwentuhan lang o hihingi ng payo. talo pa nga niya ang mga pari sa simbahan.

bukas, babalik ako rito para bayaran ang biskwit na iyon. pero sa ngayon, kakain muna kami. mahirap nga gutumin ang tiyan, hindi ba?

nang matapos kaming kumain, nagyaya na akong maglakad, pauwi. hindi malapit ang bahay namin. katunayan, malayo, pero alam kong hindi ako maiinip sa paglalakbay kasi alam kong may baon kaming biskwit sa tiyan, at kasama ko si pareng chudor.

maaalahanin si pare. masaya siyang kasama at palakwento tulad ko. ang dami naming pinagsasaluhang mga bagay, mga hilig, hindi lang biskwit kung iniisip ninyo. akala siguro ng mga tao, biskwit lang ang pinaghahatian namin. sa tingin ko, doon sila nagkakamali. pati nga brip namin naghahati kami.

ilang buwan na kaming laging magkasama. ang dami na rin naming napagdaan, at hanggang ngayon, naglalakad pa rin kami. hindi naman kami napapagod. katunayan, bawat hakbang namin, bawat lubak, minsan may tapilok, ang dami naming napagkwekwentuhan. minsan pa nga, o kadalasan, kasabay pa nga nito ang mga tawa. kaya pati sa palakasan ng utot, kasalo ko na rin siya.

hindi ako magsasawa sa paglalakad, lalo na kung siya ang kasama ko. alam ko. nararamdaman ko naman. kaso, ang hindi naiintindihan ng marami, hindi lang pakiramdam ang pagsasama namin. marami pang iba na mahirap talaga ikwento at ipaliwanag.

minsan nga may naninira pa, minsan may mga nambwibwisit at nagsasabi ng kung anu-ano. at sa tuwing dumarating sila, ang mga iyon, minsan tumatakbo kami para makaiwas. kung sasalubungin kasi namin, baka makasira lang.

nasabi ko na ba kung bakit ko binigay ang biskwit ko?

hindi ko rin alam. ang alam ko lang, masaya ako na binigay ko ang huling biskwit ko.

(sa kasalukuyan, naglalakbay pa rin kami pauwi.)


10.12.2007

wag kang uuwi, babahain ang uniporme mo

"pare, hindi ka pa ba uuwi?"
"mamaya na, tinatamad pa ko e."
"sumabay ka na lang sa akin, may panunuorin akong play."
"a..o sige."

sumunod na lang ako sa kaklase ko tutal wala rin namang magawa. ayaw ko pang umuwi.

********

"pare, ayos ka lang?"
"oo" hindi. gusto ko nang umuwi.

********


gusto kong umuwi pero parang ayaw ko. maiiyak lang ako. maaalala ko lang yun.

********

"nakauwi ka na?" tumawag siya sa akin.
"hindi pa. manonood ako ng play e. kaklase ko yung ilan sa mga actors."
"a.. o sige."

hindi ka ba nag-aalala? hindi mo ba ko uutusang umuwi na lang at magpahinga? hindi mo ba ako kakamustahin? hindi ka ba nag-aalala?

********

"mauuna na ko a."
"o, pare, bakit? tapusin na natin 'to."
"tapos na yan. mauuna na ko umuwi. baka wala na kong masakyan e." kahit siguradong marami pang masasakyan. gusto ko lang mapag-isa. uwuwi, siguro.

********

lumabas na ko ng auditorium. marami na rin akong kasabay na lumalabas na rin. nang makababa ako ng building, nagumpisa nang bumagsak ang mga maaalat na mga patak galing sa mga mata ko. hindi ko mapigilan. punas na lang ako ng punas.

binilisan ko ang paglalakad, para na rin walang ibang makakita sa akin.

"pauwi na ko."
"sige, ingat."
"okay"
"tawag ka na lang 'pag nakauwi ka na."
hindi ka ba talaga nag-aalala?


********

nang makasakay ako at makaupo. tuluyan na talagang binaha ang aking uniporme. ito na nga yung sinasabi ko e. kaya ayaw kong umuwi e.

********

A.R.K.

uy! swerte! may piso! sabi ko sa sarili nang makakita ako ng piso sa may paanan ng isang mama. wala atang nakakita maliban sa akin. pupulutin ko ba?

naalala ko bago ako sumakay ng bus, nang bumaba ako ng dyip, may nakasagi sa akin na nakamotor. punung-puno ng barya ang aking kamay noon dhail sa sukli ng drayber. nang masagi niya ang aking kamay, tumilapon ang mamisong hawak ko kasabay ng pagsigaw ko na put..na. tumigil siya, lumigot, at tumitig sa akin habang isa-isa kong pinulot ang baryang ipapambayad ko mamaya sa bus. inangat ko ang aking ulo na may nakakunot na noo.

"sori, sori, hindi ko nakita. ..."

hindi ko na narinig ang iba niyang sinabi. ay, hindi ko na pala pinakinggan sa sobrang inis. tumango na lang ako para umalis na siya.

huling piso na lang at makatatayo na rin ako sa gitna ng kalsada pero nasa ilalim ng dyip ang pisong iyon. halos tapat din iyon ng aking muka kaya't tumayo na ako at tuluyang tumawid. nabawasan nanaman ng piso ang alkansya ko. amoy usok na ako. aga-aga, mukhang masisira nanaman ang araw ko.

paulit-ulit kong binabanggit ito sa sarili habang naghihintay ng bus na daraan. ang tagal ng bus dito, ang layo kasi ng bahay e. dinamay ko na rin ang pagiging malayo ng bahay namin at kung anu-ano pa. nang dumating ang bus, sa wakas, naupo ako sa dulo. hindi masikip dahil mataba ang isa sa amin at wala nang nagtangka pang umupo sa tabi namin.

matagal ang biyahe pag nasa bus lalo na't kung mainit at damang dama mo ang anghit ng katabi mo. pero sa pagkakataong ito, walang anghit. mahangin dahil malapit ako sa bintana at hindi rin masikip. buti naman at dito maayos. yumuko ako at pumikit, parang nagdasal pero hindi talagang dasal. nang idilat ko ang aking mga mata, nakakita ako ng piso.

uy! swerte! may piso! sabi ko sa sarili nang makakita ako ng piso sa may paanan ng isang mama. wala atang nakakita maliban sa akin. pupulutin ko ba?

pupulutin ko ba? baka hulog ito ng Diyos sa akin dahil alam niyang magkukulang ang pamasahe ko. pupulutin ko ba? baka kapalit na ito noong pisong hindi ko napulot kanina. swerte ito. piso para sa akin!

pero, baka sakto lang ang pamasahe ng may-ari ng piso. baka kailanganin niya.

kinalabit ko ang mamang nakaupo sa aking harap na pinakamalapit sa pisong iyon. nang lumingon siya, pinuro ko ang piso. pinulot niya ito agad at ngumiti sa akin. nagulat na lang ako at kamukha niya ang lalaking nakamotor na nakabangga sa akin kanina.

biro lang. hindi niya kamukha pero nagulat talaga ako dahil ang sarap ng pakiramdam nang makita ko ang ngiti noong mama. hindi naman pala malas o sira ang umaga ko. swerte pala, talaga. nakatulong ako.

A.R.K. = acts of random kindness

it's funny how a simple room becomes a home

house for sale:
one bedroom, a comfort room, a living room, kitchen and a garage. fully furnished.

please inquire inside

********

it is clean and empty. the walls are painted in white, and the ceiling as well. it feels cold and new, though i know it is not. or, it was not.

the agent that was trying to persuade me tells again for the nth time that the room used to be owned by a happy family. the father was a loving and hardworking man, the mother was a housewife that cared so much for their baby boy. they had only one kid, and they loved him so much.

he kept telling me stories i have heard a lot of times, but registered only few. he even tried telling me how the father loved the house, his family, his wife and his child. when he told that story, i blurted out a question that finally stopped him.

"why did they transfer?"

i heard no answer, finally, for i thought he knew everything about the family.

********

he, the agent, stopped talking and just followed me wherever i went. i went to the second floor to check the rooms, he followed. i check the toilet for water, he followed. i looked at the fixed cabinets and drawers, he followed. but that didn't bother me at all.

i was leaving the house when the telephone at the corner of the living room caught my attention. i moved towards it to check if there was a line. there was. then, i saw a small note under the telephone. it wrote:

hey dear,

we've been together for three year now. we've been through great ups and downs, and now, we are having our second baby. soon, this house of ours will no longer fit us. our baby boy will grow and will be needing his own room. our youngest will grow as well and will also demand his own privacy. this house will no longer fit us, the four of us, by that time.

i know that you've learned to love this house, but don't worry, our home will stay. i bought a bigger house near our little junior's school. it is for his convenience and safety, your gift as my loving wife and mother, and my responsibility as your partner and our child's model.

thank you very much. i love you so much, dear.



your man

********


i wanted to ask, but there was no question to ask. all my questions were answered as i place the note back under the telephone. the agent's face was different now, but i did not mind.

then, out of that silence, his voice echoed in the room. this time, the tone was not in the persuasive manner.

"that was six months ago. i loved that family, so when the father told me that he was going to sell this house, i, as a neighbor and as a friend and as someone who have loved them, bought this house. i own this house now, but it makes me sad when up to now, when i am alone, i hear their laughters. i have no wife, nor a child. i do not go out that much because the sun makes me sick so i don't have a lot of friends too. they were my family."

"i do not want to sell this house, but it saddens me more when i hear the laughters and not see them--the more i feel alone."

10.02.2007

he messed up, again

again, he messed up. his words were different and his actions were not him, but still, i hold on to his promises. i will never forget his few promises, and the times when he tells me how we were meant to be, great things and thoughts that only he has told me. few promises, i say, because he is a man who value promises and commitments so much. i trust him, and the whole of him, and i trust his words especially that of how much he loves me, immeasurable.

but he messed up, again.

i have messed up once again, disappointed and hurt her, i know and i regret i did. i don’t have an excuse for anything, i’ve wronged her, though, i never wanted to.

i hope she does not regret, and i am still not ordinary for her.

it is not about promises and commitments, nor pride and necessity. yes, i value these principles so much, but I know there are more than these.


i don’t deserve her. i don’t deserve her at all.

men are so insensitive.

yes, but i am trying not to be.

i want to be the man for you, not a man, but the man.

yes, i messed up, but i did try not to. i am still me and i have not changed a bit. i am still that same person whom you’ve chosen to be with, whom you’ve met and whom you’ve love. i have not yet forgotten the words i’ve let out before. those are true, i know. i love you immeasurably, and i have been better.

for those times that i have wronged you, i sincerely apologize. for those times that i am not the person whom you want me to be in your life, i sincerely apologize, but believe me, i want to be that man. not all men are the same; i want to prove you that i could be that exception. for you.