8.20.2006

nasnatch ang bolpen ko

hindi ko namalayan, wala na pala sa aking palad ang pinaka-ingat-ingatan kong bolpen. hindi ko alam kung sa’n na siya napunta. nawala? naiwan? wala akong ideya.
nawala ko nanaman ang bolpen ko at hindi ko alam kung hahanapin ko pa ‘to. kung hahanapin ko, saan naman? paano? kanino? kung bibili ako ng bago, may kapalit bang pupuna sa kanyang halaga?

nang malaman kong tuluyan na siyang nawala, tila paligid ko’y nagdilim. kapaligiran ko’y gumuho kasabay ng pagguho ng aking pagmamahal at mga pangarap. hindi ako nakagalaw. hindi na rin nakarinig at nakapagsalita. napaupo na lamang sa kung saan at paulit-ulit na tinanong ang sarili. “ano ba’ng nangyari? pa’no?”

********

naglakad-lakad ako upang malibang. at nang ako’y napatingala, ako pala’y nakarating na sa kung saan ko siya unang nakita. mabilis na bumalik ang ‘di mabilang na alaala. isa-isa. dahan-dahan. ayun, gumulong pababa ang luha ko.
papasok na ako ng national bookstore—katipuanan nang mapag-isipisip kong huwag na munang ituloy. umatras ako at imbes na tumuloy ay umakyat na lamang ng footbridge. sa itaas, doon ko inipon ang aking mga hinanakit at luha habang paulit-ulit na sinasampal ng malamig na hangin. doon, naaninag ko ang lahat, hindi lamang ang haba ng aking nalakad, pati na rin ang mga panahon, at mga alaala.
ano ba ‘tong nararamdaman ko. naiinis ako pero ayaw ko. nais kong magalit ngunit tila wala na ring saysay. nag-aalala ako. nagtataka ako. bakit? paano ba ‘to nangyari? kasalanan ko ba? ano!? punyeta! ano ba! kailangan ko ng sagot! malinaw na sagot!
gulong-gulo na ko e.

********


hindi ko napansin, nagdilim na pala. inabutan na ako ng dilim sa footbridge ngunit wala pa rin akong solusyon. wala akong maisip na solusyon.
Ay gago! Paano ba ko makapag-iisip ng solusyon kung hindi ko alam kung ano’ng problema? O…tanga.

********


problema: nawala ang bolpen ko at hindi ko alam kung paano o bakit. nawala ang bolpen ko at nais kong malaman kung ano ang dahilan, ang mga detalye, at kung babalik pa ito o hindi na.

********


naka-uwi na ako ngunit ang aking isip ay hindi pa. tila abala ang aking isip sa paglutas ng problema habang ang puso nama’y tuloy sa kanyang pagluha. masakit.

********

sa isang iglap, nakuha ko ang sagot. hindi ko alam kung paano at hindi na ito mahalaga. nakuha ko na ang sagot at pinagsisisihan kong nalaman ko pa!
ninakaw ang bolpen ko. ninakaw ang bolpen ko. ninakaw ang bolpen ko. hindi ko akalain. ninakaw ang bolpen ko!

********


labis akong nasaktan sa pagkawala niya at higit akong nasaktan nang malaman ko ang tunay na dahilan. tila nagkamali ako at pinilit ko pang inalam. ang masakit, kilala ko ang kumuha ng aking bolpen.
halos mabaliw ako sa labis na pag-iisip. halos isuko ko na ang lahat ng aking pag-aari’t pagkalalaki. halos itapon ko na ang matagal kong pinaghandaang pangarap.
nalingat lang ako, nawala na ang bolpen ko. Ninakaw na pala.

********

muli, sa isang iglap, nalaman kong mali ang aking hinalang balita. mali nga talaga.
“...it takes two to tango, gago!” sigaw ng isang lalaki ko habang nasa isang magulong pagtatalo sa loob ng klase.
hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan ngunit nahuli ng aking isip ang mga salitang binitawan ng kaklase kong iyon. it takes two to tango. it takes two to tango, gago!
muli, sa isang iglap, nawalan ng boses ang lahat. pandinig ko’y muling nawalan ng lakas. nawala ang lahat at…hindi ninakaw ang bolpen ko. hindi. nawala ko siya. nalingat ako at may nakapulot. anu man ang dahilan, hindi na ito mahalaga. o marahil, ayaw ko nang malaman pa. basta, pinili niya ‘to. tapos!

********



isang lingo, isang buwan ang nagdaan. tulala ako nang may lumapit na nilalalang na nambulabog ng katahimikan.
“par, iniisip mo pa rin ba siya ? pinili niya ‘yon.”
“..ha? ano?”
walang hiya ka, pinaalala mo pa talaga e no?
“iniisip mo pa rin bolpen mo?”
pucha ‘to a. pakialam mo ba! pero, oo…iniisip ko siya!
“ha? hindi no. bakit?”
“wala lang. par, ‘wag mo nang isipin yun. tapos na yun e. it’s her lost, not yours.”
pucha talaga o. who are you to tell me ba? ha? sana nga e no? kaso hindi e. it’s my lost! and it’s a big lost sa part ko!
“o nga… hindi na naman e.” pinaalala mo lang!
“par, move on! it’s just a pen. marami ka pang susulatin. plus, ‘di naman niya nakikita yung sufferings mo e. it’s worthless, par! you’re shadowed by someone’s presence and acts na e."