4.10.2006

tagpi, magsalita ka!

umuwi ako ng bahay dala-dala ang mga mabibigat na suliranin galing paaralan tulad ng nakasanayan. mabigat ang ulo, umiikot na mundo, pagod at walang imik. gulong-gulo ang isip habang naglalakad pauwi.

homeworks, projects sa lahat ng subjects pati p.e., experiments, to bring lists at may test pa. lintik na..

pagod na pagod na ko!!

sinalubong ako ni tagpi pagkarating ko ng bahay, tulad ng aking inaasahan. nais niya atang makipaglaro ngunit nang makita niya ang balikat kong hindi na pantay dahil sa bigat ng pasaning bag, mukhang di-maipinta at pawis na hindi mabilang ang patak, tumigil siya.

tumigil siya at tumitig sa akin.

"..tara.."

pumasok ako ng bahay, kwarto. sumunod si tagpi tulad ng inaasahan.

umupo ako sa kama at tumitig din kay tagpi.

"mahal mo ba ko?"

"..mahal mo ba ko!?"

*********
lumapit siya sa akin at sumandal sa aking tuhod.
ako rin..
tila nawala ang bigat sa aking mga balikat. tila panibagong lakas na nagtutuloak sa akin upang magpatuloy at huwag sumuko. haay..
"tagpi.."
ako rin.. mahal kita.
"tagpi, 'di mo na kailangang magsalita.