3.28.2006

pangarap

narating ko na nga nang tuluyan ang pinakamataas kong pangarap sa lugar na ito. isang panaginip noon na hindi ko inasahang mangyayari. ngayon. hindi ganito kaaga. hindi. ganito pala ang pakiramdam nang nasa tugatog ng tagumpay. hindi ko maipaliwanag. isa lang ang tumatakbo sa aking utak, isa na akong ganap na manunulat.

hindi maikakailang nagbunga na nga ang matagal at nakababagot na paghihintay, pagtitiyaga at paghihirap. hindi ko maipaliwanag, alam ko, bunga ito ng pawis at habol na hininga. pasensya. matinding pasensya ang ipinuhunan sa lahat ng ito.

ito na nga talaga ang pinakahihintay kong pagkakataon upang ipamalas ang lahat ng aking kaalaman. sa puntong ito, nais ko pa ring matuto. higit na matuto. punahin ang aking mga pagkukulang at pagkakamali. nais kong mahubog. nais kong mahaplos ang tagumpay nang hindi bumibitiw sa pinanggalingan. marami akong nais ngunit nalilito. paano?

ako ay nahipan ng malamig na hangin. nagkamalay na lamang nang natagpuan ang sarili sa kalagitnaan ng langit at lupa. ganito ang pakiramdam. ganito. kasabay sa paglipad ay ang mga malalamig na sambit ng mga bibig—papuri na nagpapangiti sa aking puso at kaluluwa. totoo man o hindi, alam ko. bola man o sabihing totoo, alam ko. alam ko ang dapat gawin. tatahimik, ngingiti at hindi paiikutin ang isip. ibabakas lamang ay ang isang matamis na ngiti na bunga ng matinding hirap at nararapat na kiliti sa tainga.

bumalik ako sa lupang pinanggalingan. hindi bumagsak, bumaba, bumalik. ngayon, ako ay naghahanap ng bago, higit na mataas na ipapangarap, bagong pagkakaabalahan na pilit aabutin. nais kong matuto at ito lamang ang naiisip kong paraan sa kasalukuyan. magtitiyaga at pilit magtatagumpay sa hamon ng kabukasan. sa pagbukas ng pinto ng bukas tungo sa ibang mundo—higit na malaking mundo—ibabalik ko ang karangalan. ipapasan ang mga umaasa. pilit akong magtatagumpay.

saan ba ako magsisimula? ito ang katanungang mahirap sagutin. kung mahanapan ng solusyon, saan ako patungo? saan ako dadalhin ng malamig na hanging iyon? sa pangarap? sa pangarap.

marami akong tinitingalang mga personalidad. halimbawa, noong pagtatapos ng aking kapatid ng kolehiyo, habang ako ay nakaupo sa malayo at nakatingala sa LCD, dahan-dahan kong pinakinggan ang mensahe ng “valedictorian” nila. mahaba ang kanyang talumpati at unti-unti ko itong nginuya sa aking mga tainga patungong utak. taimtim akong nakinig sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig habang tulala sa mataas na LCD. hindi ko alam ang tumatakbo sa aking utak noon, tila lumipad muli ang aking malay at muling nagliwaliw.

nangarap nanaman ako. natagpuan ang sarili sa harap ng libu-libong tao. mga magtatapos. natagpuan ang sarili na nakasuot ng itim na baluti at may kordon na nakapaikot sa aking leeg. magbibigay ata ako ng mensahe. ano ba ito? pangarap ko ito.

pangarap ko ito at mananatiling pangarap kung wala akong sasabihin at gagawin. ito ang aking pangarap at kailangan ko itong pagsikapan.

maraming naniniwala sa aking kakayahan at maraming umaasa na ako ay may patutunguhan. ito. ito ang pangarap ko!

isa na nga akong ganap na manunulat at nagpapasalamat ako sa mga tumulong sa akin. nagpapasalamat ako sa mga taong nagbigay ng insperasyon at pagtitiwala. gaganapin ko, ilang buwan mula ngayon, ang trabahong matagal ko nang inasam-asam at isa sa mga pangarap na hindi inakalang mangyayari. hindi sapat ang salitang “salamat” upang maipaabot sa lahat ang tunay kong damdamin. bilang ganti, higit kong pagbubutihin at patutunayan. ito ang pangarap ko. narating ko ito. itutuloy ko hangga’t kaya ko.

tulad ng natupad na pangarap kong ito, pilit kong aabutin ang iba pang naiwan sa aking listahan ng mga pangarap. marating ko man o kapusin, karapat-dapat kong ipagmalaki at sabihing "ginawa ko ito dahil gusto ko" tatalikod at itutuloy, "dahil pangarap ko ito."

3.21.2006

she.

beauty is not the basis
why i chose you as my friend
nor brains, nor humor

whatever

actually, i didn’t even chose you
i never did
i don’t know, it just came
and i want you to know that
i'm glad it did

it just felt good
having someone to care for
and thinking there's someone
to lean on incase..

well, no one could really explain
the point is,
you’re my friend
though not the best
but the closest among the rest

why?
i don’t know

i don't have a best friend

you’re my sister
and no one could tell,
but us

i may call it a destiny
you may call it another

whatever
it's up to you

to tell you, honestly,
i don’t really know
what kind of relationship this is

all I know is that:
i care for you
and you care for me too.
well, i guess.

i hope.

though lack of conversation
and such a blur communication

i couldn’t deny
a connection never dies

see?

naghihirap na pilipinas: saan pupunta?

liggu-linggong pagtaas ng presyo ng gasolina, mataas na pamasahe at iba pang bilihin, kakulangan sa materyales at produktong gawang pilipinas at kung anu-ano pang suliraning kinakaharap ng bansa natin, ito ba ang bansang maipagmamalaki at masasabing may kalalagyan? ano ang kalalagyan?

laganap ang mga krimen tulad ng panghohold-up, kidnap, carnap at pati scooter ay ninanakaw na rin, sunud-sunod na pagtaas ng bilihin, mga produkto at serbisyo, lantarang korapsyon magmula sa pinakamataas na upuan sa gobyerno hanggang sa pinakamababang ahensya ng pamahalaan, saan mapupunta ang ganitong uri ng pamamalakad at estado ng bansa? hindi maikakailang unti-unti na tayong nahuhuli sa karera ng mga bansa. pangalawa tayo sa pinakamataas na bilang ng korapsyon, paano pa kaya sa susunod na limang taon?

hindi natin maaaring ibaling ang lahat ng sisi sa pamahalaan. ginagawa ng pamahalaan ang kanilang makakaya, pilit inaahon ang ating bansa sa matalinong paraan at unti-unting binabayaran ang utang ng ating bayan mula sa ating mga buwis. kung ang taung-bayan ay makikinig at ititikom ang mga bibig, iintindihing mabuti ang sitwasyon ng ating bansa, maiintindihang maraming ginagawa ang pangulo. itabi natin ang posibleng pangungurakot ng pangulo. aminin natin sa ating sarili, kahit sinong pangulong ilagay natin sa pwesto ay mangungurakot. kung ating susuriing mabuti, ang bawat hakbang ng ating pangulong arroyo ay sinisigurado at pinaghahandaan. malaki ang ibinaba ng ating utang kung ikukumpara sa ibang mga taon. sa makatuwid, epektibo ang kasalukuyang pamahalaan. kailangan lang natin sumunod at magbayad ng buwis ng tama.

kung may mairereklamo sa kasalukuyang pamahalaan, kakulangan ng seguridad para sa taung-bayan ang tiyak na sagot. maluwag ang ating batas sa mga nagkakasala at madali oang nakakalabas ng kulungan kung mapakulong man. kakulangan ng bakanteng trabaho para sa mga propesyonal tulad ng mga nars at doktor, benepisyo sa mga manggagawang tulad ng mga guro, pulis, volunteer fire brigades atbp. kung mabibigyan lamang ng sapat na benepisyo ang mga manggagawa at ang mga propesyonal na ito, higit na bababa ang bilang ng mga nangingibang-bansa at tuluyan nang dadami ang mga serbisyo. sa pagdami ng mga nasabing serbisyo, bilang resulta, bababa ang mga serbisyo, dadami ang mga dekalidad at mapipilitang magpatuloy sa mataas na pag-aaral upang itaas ang kaalaman ukol sa isang propesyon. dadami ang mga bihasa. dadami rin ang mga turistang dadaya at maaaring makipagnegosyo sa mga pilipino.

maaari pang umasenso ang bansa. sa pamamagitan ng pagtutulungan sa kapwa pilipino at pagsunod sa mga ipinapatupad na mga proyekto, maisusulong ang isang posibleng magandang kahihinatnan. may mararating ang pilipinas kung ang mga pilipino ay magtutulungan at sa halip sa magreklamo ay tumahimik, makinig, intindihin at sumunod. may mararating ang pilipino. may mararating ang bayan natin sa pilipinas.

3.19.2006

happiness being a philadelphian student

happiness being a philadelphian student

  • happiness is waking up every morning and thanking God ptr. ronnie yap is late too.
  • happiness is being able to find your lost "pilot g-tec."
  • happiness is being able to get a "long pad" for free.
  • happiness is being able to escape ptr. ronnie yap with his free haircut.
  • happiness is being able to understand what mr. valde and mr. basas is talking about.
  • happiness is being able to pass an extremely difficult subject without being caught.
  • happiness is being able to get your books in the locker during claas hours without being seen by anyone esp. the teacher.
  • happiness is seeing your crush along the hall without him/her seeing you staring.
  • happiness is having the luxury to watch television at night while texting simply because it's friday
  • happiness is having the luxury to stay until afternoon at "school" during saturdays because of your "club."
  • happiness is being able to watch your favorite movie despite of having tons of assignments and projects.
  • happiness is being able to finish your projects the date it is due.
  • happiness is being able to come to your annual retreat with a bag full of junk foods.
  • happiness is having the time to read this article because you have nothing to do!
  • happiness is living your high school life well; happiness is life itself!

3.13.2006

paalam

dahan-dahan kong sinalat ang mga upuan at silya ng paaralan. habang mabagal na tinatahak ang mahabang pasilyo, isa-isang bumalik ang mga masasaya at mapapait na alaala ng kahapon. ang bilis ng panahon, kamahailan lang nang ako’y baguhan at mapadpad sa maliit na paaralang ito. kamakailan lang nang ako’y unang sumaway ng bata, nagalit sa silid at unang beses na nagpalabas ng estudyante. nakilala ko na ang iba’t ibang uri ng estudyante at ang kani-kanilang estilo ng pandaraya at pangongopya. may mga tahimik na parang bangkay, may maingay na pati langaw ay nababasa at mga pasaway at kung anu-ano pa. minahal ko silang lahat at hanggang sa araw na ito'y tandang-tanda ko pa, hanggang sa aking hukay pa, malamang. tinulungan at pinahalagahan ko sila sa mga paraang hindi nila alam o pansin at minahal ko silang lahat tulad ng pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. masasabi kong kilala ko na nga ang bawat kalokohan ng bawat mag-aaral. ilan na rin ang mga nahuli kong nangodigo, kumain sa klase at tumakas sa klase; nagbagsak kung kinakailangan at kung anu-ano pa. wala akong hinangad kundi ang maibahagi ang aking kaalaman. nagtuturo ako ng maayos sa kanilang harapan kaya’t umaasa ako na sila’y makikinig at gagalaw ng ayon sa aking nais. ayaw ko ng mga natutulog sa silid! kung hindi interesado sa aking leksyon ay maaari silang lumabas, bukas ang pinto! ayaw ko ng bastos.

ginagawa ko nang maaga ang aking mga ituturo kinabukasan. hinahanda ko ang aking “lesson plan” at isinasaulo ang ituturo kinabukasan. hindi ako gumagamit ng kodigo sa klase tuwing nagtuturo, kaya't umaasa rin akong hindi mangongodigo ang mga estudyante tuwing pagsusulit. pinaghahandaan ko ang bawat araw ng aking pagtuturo. sa katunayan, kahit makasalubong nila ako sa kalye o bangketa’y maari silang magtanong tungkol sa aralin. ganyan ko kamahal ang aking tinuturo, tinuturuan at naturuan.

ang bilis ng panahon. humigit-kumilang limang taon na rin pala akong lumagi sa kutang ito. marami na rin akong natutunan. matagal ko nang nakasama ang mga kapwa guro at masakit isiping kailangan ko nang lumisan. bitbit ang mga alaalang regalo ng bawat estudyante, guro at pati na rin ng mga magulang. masaya akong magpapaalam sa kanila dahil alam kong ako’y nakatulong sa paghubog sa mga batang ito.

hindi ko man alam kung sino ang mga manghihinayang sa aking paglisan, umaasa akong mananatiling mabuti silang mag-aaral. kung saka-sakaling magkakasalubong man kami ay ikagagalak ko ito. bakit? masarap ang pakiramdam na makakita ng dating estudyante at ngayo’y may maipagmamalaki na—higit na mabuti kung mas mahihigitan ang aking mga narating. magkikita rin tayo balang araw, mga mahal kong mag-aaral. sa aking paglisan, umaasa akong walang makakalimot sa aking mga pangaral at pangarap. umaasa akong sa kahit maliit na bagay ay nakatulong ako sa inyo, salamat at paalam.
.
.
-alay kay g. camaso