1.19.2006

malayang ako

captain barbel!!! marahil hindi mo alam kayat ngayoy sasabihin ko na sayo. ayaw ko nang magpanggap. hindi ako ordinaryo. hindi ako ordinaryo!

sino nga bang nakakakilala sa tunay kong katauhan? kaklase? kaibigan? pinsan? kapamilya? sino at ano nga ba ako? ako ang langaw na hindi mahuli. ako ang dagang hindi masupil ng marami. ang totoong ako na walang makapagsabi, makahuli at makasupil. ako ang captain ngunit hindi isang tagapagligtas, hindi isang superhero at lalong hindi isang hari. akoy may kinatatakutan --ipis, bubuyog at kung anu-ano pa.

ang tunay na ako ang taong nasa loob ng baluting bakal na hindi tinatamaan ng bala. isang taong naiinip ilabas ang tunay na katauhan. tulad ng isang paru-parong nais makawala sa balot ng kalikasan. nais niya maging malaya at ipakita ang angking ganda at abilidad. nais niyang ipaalam sa madla na higit siya sa nakararami. may nais siyang ipakita sa nakararami. at dahil rito, dayuhan siya sa lahat ng lugar dahil sa mga pakpak na taglay; mga pakpak na inip na inip. ang mga pakpak na taglay ay may nais --magkaroon ng pagbabago, naghahangad ng bagong pagsubok at paglalakbay. ako ang langaw, daga at paru-paro ng bayang ito. wala mang halaga sa nakararami, sarili ang nakakaintindi. sarili ang makapagsasabi at walang makapaghuhusga. ako si captain barbel, ang nilalang na walang nakakakilala.

papatay ako kung akoy magalit, kakantat sasayaw ako kung sakaling may magandang tugtog, sisigaw kung nais ay katahimikan at magwawala kung nais. bakit? bakit!? itoy hindi dahil ako ang tunay na ako. itoy dahil malaya ako at may pangarap. malaya! malaya! hayop!!! balang araw, makikilala ako. makikilala ang tunay na ako na may halong pagmamalaki at hahayaang malaman ng buong bayan ang tunay na katauhan ni captain barbel. captain barbel!!!
.
.
seatwork : Filipino III
pangarap