12.31.2006

ang huling pangaral

nakaupo sa labas ng bahay ang ama na tila may malalim na iniisip. malayo ang tingin at walang kibo ito nang lapitan ni maria. “pa, malungkot ka?” tanong ni maria. hindi umimik ang matanda. inulit ng dalaga ang tanong, ngunit sa halip na makarinig ng sagot ay isang pangaral ang natanggap—ang huling pangaral ng ama sa anak.

“ikakasal ka na mamaya, sigurado ka ba? handa ka na ba? oras na tumapak ka sa simbahang iyon ay hindi ka na namin kapamilya. siya na ang pamilya mo. at, oras na tumapak ka sa simbahang iyon ay hindi ka na maaaring bumalik pa rito.”

“sa oras na ikasal ka, ang bawat pagsubok na inyong haharapin ay sainyo na lamang dalawa. hindi na kami maaaring manghimasok sainyo dahil ang pamilya ay pamilya. walang dapat na manghimasok. kayong dalawa lamang. kung may ibang taong makikihalubilo sa inyong mga pagsubok, mas mabuti pang itapon na ang kasal na ‘yan sapagkat nagpakasal ka upang maging responsable sa iyong mga desisyon.”

“kung mabibiyayaan kayo ng mga anak, siguraduhin mong kayong dalawa lamang ang maaaring mangaral sa kanila, at wala nang iba. kayo ang magpapalaki kaya’t kayo lamang ang may karapatan sa mga bata.”

“tatandaan mo ang mga pangaral kong ito. ito na ang huli. pagkatapos nito, ikaw, kayo na ang maghahanap ng inyong mga leksyon sa buhay. hanggang dito na lamang kita masasamahan. mahal kita anak, hindi mo sana pagsisihan ang desisyong tatahakin mo mamaya.”

11.23.2006

what you see is not always what you get

a photographer’s point of view never fails because he sees all angles and evaluates which is the most rational. like a child in a toy store, he slowly walks around, and when he finds something he likes, he stops and stares at his subject curiously and carefully. again, he walks another round and makes sure he doesn’t miss a spot. from evaluating, he creates a masterpiece—a perception, a paradigm, a point of view. but even though he has his own paradigm, he knows what’s beyond the wall. he knows what’s beyond that picture—the things he hid from his audience, and the things he exaggerated.

i want to see the beautiful side of things, embellish, share, and spread these beauties to others. that’s why I want to be a photographer, someone who would see life in a different but somehow positive manner. but i couldn’t help notice the imperfections that the world lays in front of me. it reminds me of a line jude law said in one of his movies, alfie, “…the school took us on this cultural trip to observe art of one of those big famous london museums. anyway, when i came across this statue of a greek goddess in marble, aphrodite. beautiful, she was. perfect female form. chiseled features. exquisite. i stood at awe of her. finally, the teacher calls us all over, and i’m walking past it, and on my way i noticed, in the side of this greek goddess, all this cracks, chips, imperfections. it ruined her for me.”

this is the advantage of being a photographer—he doesn’t settle for what the world presents to him; he tries to see the other side. and when he finally sees it, whether good or bad, he gets the chance of choosing what to shoot. yes, he still creates his own perspective, but he considers other angles because he has seen every angle. and being the photographer that he is, he either enhances the beautiful side, or enhances the cracks, chips, and imperfections of his subjects. whatever he chooses, it’s not biased. with that, he has beaten close-mindedness, and the limitations it creates.

11.20.2006

a letter to santa

dear santa,


advance merry christmas!

hello! now, i think i just need to believe that you exist especially at this point wherein i really want something for christmas. well okay, i'll try to be brief because it's a little late already and i know that you're busy too. (it's 35 days before christmas, and i understand the stress that you've been suffering) santa, i really want a canon dslr 400d. in case you don't know, that's the latest of canon collection. aside from having a 10.1 megapixel sensor, it has this new feature that automatically cleans the sensor using a... i don't know. all i know is that it's the best dslr in it's range right now. plus, it's cheaper compared to nikon d70 and sony alpha and others, so you'll get a good deal.

santa, i'm telling this in advance because if ever you want to buy me a 400d, i know the number of canon's main office. or, if 48k is big for you, i think they accept 0% interest for 12 months on major credit cards. but, if you're really trying to save some money, you could try hidalgo or just call canon. i think they might give you a special discount or something. thank you santa!

p.s. i'm now a good boy!



yours truly,

wanna be--photographer

11.14.2006

ang babaeng haliparot

nabandal ang aking isip. napuno ng pagkagimbal ang buong katauhan ko nang umabot sa akin ang mga balita. wala nga talagang himala sa mundong ito--makapagsasalita na ang aso, makatatahol na ang pusa, at babagyo na rin ng niyebe sa pilipinas. maghintay ang bawat isa. ito ang mga bagay na pumasok sa aking diwa.

marami akong nabalitaan. marami akong narinig. pilit ko mang tanggihan at hindi paniwalaan, tila nakalatag na ang lahat ng patotoo. nagbago ka nga raw, mula sa isang tahimik at sagradong ikaw, nabura ang lahat at nabuhay ang isang babaeng haliparot. puta.

at ngayon, ayaw ko nang makinig. pilit akong umiiwas dahil sa bawat balita, tibadbad man o tilabyano, ay masakit. ayaw kong tanggapin na ang inalagaan at iningatan ko ng buung-buo ay babarurutin lamang ng isang...

hindi ko na alam ang nais kong isipin. maging ang larawan mo ay pilit kong nilalayo sa aking paningin, dahil hindi ko na malaman... ang iyong mga larawan, tila iba na ang ibig sabihin sa aking paningin. minsan nga, napaiisip ako, malaki na nga ba ang pinagbago mo? nagbago ka na nga ba talaga o iba ka talaga noon at hindi ko lang ito napansin?

11.01.2006

ang lunas sa mga pesteng daga

gabi-gabi na lang, mga alas-nuwebe, babangon si dagul para uminom ng tubig o maghanap ng makakain. nakasanayan na ito. at halos gabi-gabi rin, mga siyam sa sampung beses, mayroon siyang masasaksihan--makakikita at makaririnig ng mga bulong at pag-uusap--isang pagpupulong--mga tinig na nagmumula sa iba't ibang parte ng lugar. nagpupulong ang mga alaga niya--mga negro at mga tila pusa na ang laki na mga daga.

********
dalawa ang pilit niyang pinakinggan...
"amang, tomguds na ko."
"anong to-to-tom---?"
"tomgud! gutom na ko, amang."
"a..gutom. may to-tom...tomguds ka pang nalalaman diyan! gutom na rin ako. maghanap ka lang diyan. may makikita rin tayong makakain."
"amang, narinig ko sa sabi-sabi, wala na raw silang makain. wala nang pagkain dito."
tsismosang bata! "wag kang maniwala roon, imposible! matagal na kong nabubuhay. matagal na ko rito at hindi nawawalan ng kalat ang mga higanteng yan, mga tao, kahit pa ga'no kalinis ang repriherador nila. hindi nawawalan ng kalat ang mga yan."
"re-re-reprihe-he... ano nga po 'yon? tongue twister ang puttttt...
gunggong. pulpol. mangmang. inutil. tonto. bobo. "bata ka pa nga talaga. 'yun yung imbakan nila ng pagkain na ubod ng lamig sa loob. 'pag napasok ka ro'n, patay kang bata ka! ice-drop ka! iyon ang dapat nating pasukin balang araw!!"
"totoo? nakatatakot, amang. 'yun ba yung may dilaw na ilaw sa loob?"
********
magkasinlaki ang dalawa sa panlabas na anyo, pero kung titingnang mabuti, kung uusisain lang, makikitang malaki ang pagkakaiba. malaki ang pagkakaiba ng isa sa isa lalo na't kung sa karanasan titingnan--bagay na hindi mahalata sa biglang tingin. dahil kung sa pilosopiya titimbangin, hindi agwat ang disparidad kundi magkaiba lamang sila ng takbo ng isip, karanasan, at iba pa.
********
ilang sandali pa at sumuko na rin ang dalawa. tumigil na sila sa paghahanap ng mga tira. malinis. wala ngang tira. at laking pasasalamat 'to ni dagul na matiyagang nakamasid sa dalawang daga. matiyaga siyang nakikinig sa usapan ng dalawa habang nananalangin...
naku... naku... hindi sana nila makita yung chippy ko.
ang natitira at nag-iisang pagkain sa bahay ni dagul--chippy.
"amang, nalipasan na ko. matulog na tayo, may "date" pa ko bukas."
may "date" ka pang nalalaman diyan. kapal ng face, kala mo naman kagwapuhan! "wala na ata talaga silang pagkain dito. peste, nalipasan na rin ata ko. buti pa kaming mga daga, may pagkain pa kahit papaano.
********
matagal nang hindi kumakain sa bahay si dagul sa labis na pagtatrabaho. hindi na rin siya nakapagluluto. sa katunayan, madalang na rin siyang umuwi. madalas, sa labas na siya kumakain ng agahan... hanggang hapunan.
********
nakalipas ang dalawang buwan
********
natapos na ang proyektong kayang ginagawa. maluwag na siyang muli. walang pasok no'n si dagul at nagpasya siyang manatili sa kanyang bahay upang makapagpahinga. tulad ng dati, pinili niyang sa bahay na lang magluto at kumain sa bahay--marahil nagsawa na rin sa pagkain sa labas.
at nang magdilim, mga alas-nuwebe na, bumangon siya upang uminom ng tubig. at tulad ng dati, umasa siyang makarinig ng mga bulong, ngunit taliwas ito sa kanyang nasaksihan. wala siyang nakita. wala siyang narinig.
nag-iisa na lamang siya sa bahay. lumipat o umalis, namatay o naglaho, walang makapagsabi. wala na sila. mag-isa na lamang si dagul.

10.26.2006

ang buhay langgam

tila isa lamang ito sa maraming araw na tipikal--mataas ang araw, kumpleto ang mga manggagawa at handa nang muling magbanat ng buto. tulad ng nakasanayan, bumangon si dagul sa kanyang papag. pipikit-pikit pa ang mga mata, dumungaw siya sa malawak at taas-babang lupain. "heto nanaman ang mahabang araw para sa akin", bulong niya sa kanyang sariling kamalayan.

dahan-dahan niyang niligpit ang kanyang mga gamit. tila nakasanayan na rin ito dahil nabuhay siyang ulila. namatay ang kanyang ama't ina noong siya'y musmos pa lamang, at hindi na rin niya maalala ang tunay na nangyari. marami ang nasasawi sa gano'ng edad at wala ring tiyak na makapagsabi kung ano ang dahilan.

ayon sa mga sabi-sabi ng mga mapapalad na matatanda na nabubuhay pa, iba't ibang uri ang ikinasawi ng aming mga magulang--mayro'ng sa baha ay nalunod, nasunog, nadisgrasya sa iba't ibang uri ng pamamaraan, at iba pa. mayroon din namang sadyang higit na minalas--ang mga nasiraan ng bait. ayon din ito sa mga matatanda. ang mga nakakita raw ng madudugo at walang-awang pagpaslang ay hindi na nakababalik sa kani-kanilang tahanan. kadalasan, hindi na sila nakababalik sa kanilang tamang pag-iisip.

sumama na si dagul sa mga kapwa basurero. at tulad ng iba, mabagal ang pagtahak nila sa malawak at taas-babang dalatan. pagod, ngunit tuloy pa rin sa pagkuha ng mga pagkaing tira-tira at mga bagay na maaaring magamit sa kani-kanilang pag-uwi. ang bawat isa ay may dala. ang bawat isa ay tila mas mabigat pa ang buhat kaysa sa kanilang mga makakaya. halos magdidilim na. halos buong araw na silang naglalakad sa isang buong pila.

nang sila'y papauwi na, nakaramdam ang lahat ng mabibigat na dagundong. "isang lindol!" sigaw ng isa. "higante!" sigaw naman ng isa habang nakaturo sa itaas. tumingala ang lahat at nagtakbuhan upang mailigtas ang sarili--kanya-kanyang direksyon.

natulala si dagul habang nakatitig sa higante, o halimaw. tulala siya at nag-iisa na nakatitig sa nilalang na iyon. "likhang isip lang ba ito o totoo na?" tanong niya sa kanyang sarili. at sa isang iglap, nang siya'y balikan ng kanyang malay, wala na siyang nakita. wala na siyang makitang kasama. lahat ng buhay ay naglaho. ang mga natira na lamang ay ang mga maliliit na pira-piraso at pisat na mga katawan. pinatay ang lahat at walang tinira, si dagul lamang.

doon, kanyang naalala ang kanyang mga magulang. sa pagkakataong ito, si dagul ang nag-iisang hindi napaslang. at doon din lamang niya natalos na hindi lamang sila ang tao sa mundo. "maliit lang pala ang mundong ginagalawan ko, may mas malawak pa pala rito. ngayon, naiintindihan ko na."

8.27.2006

space.dark.hollow.deep.blank and black

suddenly, you find yourself in the middle of somewhere, something. dark. hollow. deep. blank and black all around you. and in the midst of this darkness, you feel fear inside you. a feeling of uncertainty, and a desire to understand comes alive in front of you. without your sense of sight, you keep your senses open and hanging. but then, it's hollow--empty. it's just space around you; no one hears but you. and in the midst of darkness and space, a deep presence comes. closer. closer. closer. then, suddenly, again, reminding you, you're alone...

with these kind of feeling you learn not to be dependent, even to yourself. with these kind of situation you learn to stand on your own without asking what's beyond. with these kind of setting, you learn because you have no choice. you have to... unless you want to die without fighting.

8.20.2006

life begins to be meaningful when...

a birthday is not a special day. it’s just one of those celebrated days that are often misinterpreted.

a birthday is just an ordinary day that reminds us that there are a lot of people out there who cares for us. it’s an opportunity given to let us realize and thank the people that have helped us be what we are right now. for without them, we’re not what we are today. it’s a day to let these people feel that we appreciate them. it’s a day to let us connect, bridge the gap of time and space, and regain the lost of communication with each other. it’s a day to talk about the past, and laugh at them; anticipate the future, and plan a talk once again. these moments are ordinary, but unique. these are like bookmarks of our lives. inseparable. it keeps us reminded that we’re never alone. it keeps our heart and soul alive and upwelling, because we’ll know that somewhere, somehow, someone loves--someone is there to help us whenever we fall.

the existence of one human being is not based on himself alone—humans are social being. if he concludes that he exist and is living, his existence is just based on himself and his nothingness alone. therefore, another individual from the outside of his own limited world should tell him or remind him that he exists.

another individual from the outside of his small world should let him know and see that his existence is fruitful, that he is appreciated and cherished, that he will never be left alone, and that everything is not wasted.

then, life begins to be meaningful.

existence starts when his life changes its focus or starts to be focused—a view that includes him and his world, united. his life begins to be more momentous. his being starts to clear up and his existence begins to expand—expanding and reaching beyond what he sees and hears. then, i could say, life begins to be meaningful.

nasnatch ang bolpen ko

hindi ko namalayan, wala na pala sa aking palad ang pinaka-ingat-ingatan kong bolpen. hindi ko alam kung sa’n na siya napunta. nawala? naiwan? wala akong ideya.
nawala ko nanaman ang bolpen ko at hindi ko alam kung hahanapin ko pa ‘to. kung hahanapin ko, saan naman? paano? kanino? kung bibili ako ng bago, may kapalit bang pupuna sa kanyang halaga?

nang malaman kong tuluyan na siyang nawala, tila paligid ko’y nagdilim. kapaligiran ko’y gumuho kasabay ng pagguho ng aking pagmamahal at mga pangarap. hindi ako nakagalaw. hindi na rin nakarinig at nakapagsalita. napaupo na lamang sa kung saan at paulit-ulit na tinanong ang sarili. “ano ba’ng nangyari? pa’no?”

********

naglakad-lakad ako upang malibang. at nang ako’y napatingala, ako pala’y nakarating na sa kung saan ko siya unang nakita. mabilis na bumalik ang ‘di mabilang na alaala. isa-isa. dahan-dahan. ayun, gumulong pababa ang luha ko.
papasok na ako ng national bookstore—katipuanan nang mapag-isipisip kong huwag na munang ituloy. umatras ako at imbes na tumuloy ay umakyat na lamang ng footbridge. sa itaas, doon ko inipon ang aking mga hinanakit at luha habang paulit-ulit na sinasampal ng malamig na hangin. doon, naaninag ko ang lahat, hindi lamang ang haba ng aking nalakad, pati na rin ang mga panahon, at mga alaala.
ano ba ‘tong nararamdaman ko. naiinis ako pero ayaw ko. nais kong magalit ngunit tila wala na ring saysay. nag-aalala ako. nagtataka ako. bakit? paano ba ‘to nangyari? kasalanan ko ba? ano!? punyeta! ano ba! kailangan ko ng sagot! malinaw na sagot!
gulong-gulo na ko e.

********


hindi ko napansin, nagdilim na pala. inabutan na ako ng dilim sa footbridge ngunit wala pa rin akong solusyon. wala akong maisip na solusyon.
Ay gago! Paano ba ko makapag-iisip ng solusyon kung hindi ko alam kung ano’ng problema? O…tanga.

********


problema: nawala ang bolpen ko at hindi ko alam kung paano o bakit. nawala ang bolpen ko at nais kong malaman kung ano ang dahilan, ang mga detalye, at kung babalik pa ito o hindi na.

********


naka-uwi na ako ngunit ang aking isip ay hindi pa. tila abala ang aking isip sa paglutas ng problema habang ang puso nama’y tuloy sa kanyang pagluha. masakit.

********

sa isang iglap, nakuha ko ang sagot. hindi ko alam kung paano at hindi na ito mahalaga. nakuha ko na ang sagot at pinagsisisihan kong nalaman ko pa!
ninakaw ang bolpen ko. ninakaw ang bolpen ko. ninakaw ang bolpen ko. hindi ko akalain. ninakaw ang bolpen ko!

********


labis akong nasaktan sa pagkawala niya at higit akong nasaktan nang malaman ko ang tunay na dahilan. tila nagkamali ako at pinilit ko pang inalam. ang masakit, kilala ko ang kumuha ng aking bolpen.
halos mabaliw ako sa labis na pag-iisip. halos isuko ko na ang lahat ng aking pag-aari’t pagkalalaki. halos itapon ko na ang matagal kong pinaghandaang pangarap.
nalingat lang ako, nawala na ang bolpen ko. Ninakaw na pala.

********

muli, sa isang iglap, nalaman kong mali ang aking hinalang balita. mali nga talaga.
“...it takes two to tango, gago!” sigaw ng isang lalaki ko habang nasa isang magulong pagtatalo sa loob ng klase.
hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan ngunit nahuli ng aking isip ang mga salitang binitawan ng kaklase kong iyon. it takes two to tango. it takes two to tango, gago!
muli, sa isang iglap, nawalan ng boses ang lahat. pandinig ko’y muling nawalan ng lakas. nawala ang lahat at…hindi ninakaw ang bolpen ko. hindi. nawala ko siya. nalingat ako at may nakapulot. anu man ang dahilan, hindi na ito mahalaga. o marahil, ayaw ko nang malaman pa. basta, pinili niya ‘to. tapos!

********



isang lingo, isang buwan ang nagdaan. tulala ako nang may lumapit na nilalalang na nambulabog ng katahimikan.
“par, iniisip mo pa rin ba siya ? pinili niya ‘yon.”
“..ha? ano?”
walang hiya ka, pinaalala mo pa talaga e no?
“iniisip mo pa rin bolpen mo?”
pucha ‘to a. pakialam mo ba! pero, oo…iniisip ko siya!
“ha? hindi no. bakit?”
“wala lang. par, ‘wag mo nang isipin yun. tapos na yun e. it’s her lost, not yours.”
pucha talaga o. who are you to tell me ba? ha? sana nga e no? kaso hindi e. it’s my lost! and it’s a big lost sa part ko!
“o nga… hindi na naman e.” pinaalala mo lang!
“par, move on! it’s just a pen. marami ka pang susulatin. plus, ‘di naman niya nakikita yung sufferings mo e. it’s worthless, par! you’re shadowed by someone’s presence and acts na e."

8.09.2006

desisyon ni eba

mayroong isang mayamang noo'y nagmahal. niyaya niya ang babaeng kanyang mahal na magpakasal. inabutan niya ito ng rosas at gintong singsing.

mayroong isang dukhang noo'y nagmahal. niyaya niya ang babaeng kanyang mahal na magpakasal. inabutan niya ito ng rosas at gintong singsing.

"ibibigay ko sa'yo ang aking lahat, mahal ko." sabi ng mayaman.
"ibinigay ko sa'yo ang aking lahat, mahal ko." sabi ng duka.

8.06.2006

sa aking hinaharap

nangingibabaw ang pangamba
nang aking makita at masalat ang lahat.
puso ko’y napapatigil, bumibilis.
dibdib ko’y hindi na mawari sa inis.
bakit ganito ang aking nadarama?

taglay ko sa aking kamay
ang pangarap at ambisyon ng lahat.
ako’y nagagalak at nananabik
ngunit nangingibabaw pa rin ang pangamba’t.
tanong: ano ba ang dapat kong nadarama?

tila pagkalalaki ko’y naduduwag.
ako tuloy naiihi sa labis na kaba.
kamay ko’y nanginginig at namamanhid pa,
nangangamba, aywan ko ba!?
ang hawak kong permit,
ng unibersidad ng ateneo de manila.

7.26.2006

with or without you, my life must go on

everything has finally come to an end. from the greatest dream to the best reality felt, it seems everything should be started all over again. everything seems to be shattered. it took a huge part of my life and everything i’ve fantasized. but, one lesson i’ll forever remember: to never give everything, save something, leave something for myself.

i gave everything. so now, i have nothing left. that chapter ended and took everything; it included the life i carefully treasured for almost 18 years and the dream i’ve hoped in my next years. in just a matter of days, my whole life was gone. now, i need to start and ponder every step once more. again. though i gave my all, i still lost. or maybe, forever lost. why? for that was the key reason why i lost—because i gave my all.

i want to go on. i know, i need to. my mind wants to move on and continue what was intended—but without you. but, my heart refuses to do so. my love, my heart aches and remains in you. my lips and my eyes long the touch of yours. i hate to admit but i think i need you now. i need you and i want you here in my arms. wrap me with your warmth. just for a moment. maybe just for now, while i still need your presence. don’t worry, i completely understand that it is time to leave—that you’re not mine now—that you’re his and not mine now. i respect that you have your own life, own problems to settle, and own endeavor to conquer. i respect your decision as i accept that this is fate for me and you. i’ve now accepted the unreasonable reality that our moment has been shadowed by his daily presence and physical acts. i know i lost the fight for your love.

maybe i never really knew what you needed. maybe i was too captured that i’ve neglected what you wanted. maybe because the time was not just right. maybe because of the space that was too broad—wider than your eyes can ever wonder. whatever the core reason is, i hope you don’t regret that you chose me as a part of your sweet reserved life. i did what i thought was right, and you did too—i guess, and i really appreciate it.

i loved you the way i wanted you to be loved, cared for you the way i wanted to. then again, you loved me in such a way i was required to search. it was difficult for me to handle and maybe you too. maybe it was just an unknown misunderstanding that led to a sad goodbye.

i describe our love as abstract—a love that can’t be determined by an ordinary bystander. our relationship was beyond the sun’s rays and power. i believe that we’ll meet someday. we’ll meet in a different scenario, different situations and setting, and have a different kind of love—a love that will forever bind us faithfully—maybe a much simpler and clearer kind.

with or without you, i must move on. my life must go on and just continue to hope for something better. whatever the future may bring, whether it’s still you or another, i must stand alone and go on alone.

7.25.2006

"assurance"

i have obtained everything i've written on my checklist.
i thought i had everything but found out i forgot to write one..
just one..
and that ruined it all
and now, it's too late
i forgot "assurance"

7.08.2006

nagpatiwakal ang maya

napasok ang ibon sa isang bahay nang hindi sinasadya. tuloy siya sa paglipad ngunit bumangga sa pader. hilo, ngunit muling lumipad.
muling lumipad.. at bumangga.

at bumangga, at bumangga, at bumangga.

saan ba ang labasan!?
********
nakita siya ng may-ari ng bahay

“’day, may nakapasok na ibon dito o. paki huli nga.”

“opo..!”

hinabol ngunit mailap. muling hinabol ni inday ngunit talagang mailap.

bagaman mailap ang ibon, sunud-sunod ang pagsalubong niya sa pader,
pagbangga,
na nagdudulot ng kanyang kabagalan.

********

nababangga siya dahil napapalibutan siya ng mga pader.
kung nanatili siyang malaya at hindi pumasok sa may hangganang lugar na iyon,
mababangga ba siya?

gaano man kailap, kung ang lugar na iyong ginagalawan ay may hangganan,
mahuhuli at mahuhuli ka rin.

atty see

every car that passes through the roads of makati city deserves a second look. every car means business. every car seems in a hurry.

as i visit the city where business is a must, silently, i took a glimpse of my future. suddenly, i saw a man inside his black humble jag. he was in his formal suit while in the phone conversing sweetly. obviously, it wasn’t about business. he looked familiar. he was smiling. then, as the light of the streets turned red to green, his jag ran.

as he went to a stop, his phone rang. he answered and listened closely. i took a curious stare at his lips that awkwardly explained everything. “ok, thanks beb, you too, take care. i love you.”

he grabbed his case and took the elevator. i followed. it stopped at the 23rd floor and the door opened as i've expected. it showed a wonderful piece of shiny plate that read:

see see see & see law offices

i was shaken, but in contrast with what i felt, he was calm. apparently, it was an ordinary day for atty. see.

a lady approached and greeted, “good morning, sir.” then, she continued, “sir, appointment at 1 in the afternoon in dr. l’s office and documents to be signed already at your table.” he smiled once again, “thank you, but, could you cancel all my appointments today, maybe next week? it’s our anniversary.”

upon hearing their conversation, i saw the clock that hung against the marbled wall. it was a digital that read:

8:49 a.m. november 23, 2027

“by the way, could you call the flower shop and ask them to make an arrangement for me. tell them i like 8 white tulips around my 23 red full-bloomed roses, ok?” and he added, “tell them i need it fresh and sweet.” he smiled once more.

“anything else, sir?” his secretary asked. he looked at her, and then said, “and…i’ll do the rest. thanks!” in a matter of seconds, he was gone. he was again found inside his jag driving when...

********

“ma, come on! i was dreaming the best dream! it was at its climax ma!!"

aral sa kakulangan

sa bawat labas ko ng aking pitaka, kirot sa aking puso ang nadarama. butas na bulsa ang tanging nakakapa at ilang baryang karamiha’y mga may ulo pa ni rizal. maging ang pambayad pamasahe sa mga traysikel at dyip ay pilit kong tinitipid. kadalasan, sa halip na sumakay ay maglalakad na lamang. mas pipiliin na lamang na maglakad, kalyohin at paltusin man ang aking mga talampakan, basta’t makatipid kahit ilang barya lamang.

sa hirap ng buhay, kahit bente-singko sentimo na makita sa daan ay aking pinupulot. ito’y mahalaga. pilit kong tinitipid ang mga bagay na maaaring matipid.

sa bawat pagtaas ng mga bilihin, sumisikip ang aking dibdib. ako’y natataranta at sabay kukuha ng kalkulador. isa-isang bibilangin ang mga gastusin at bayarin.

tuwing ako’y namimili, pilit kong kinukulit ang mga tindera upang ako’y makatawad ng lubos. susuriin ang bawat pinamili at titiyaking mga mahahalaga lamang ang mga nabayaran. at dahil sa kakapusan, ako’y natututong mag-isip. ako’y natutong magtipid at maging matalinong mamimili.

6.04.2006

opening close-mindedness

there's a world bigger than your world; accept it! it's a world much bigger than you cubicle, wider than your cornered room, pens and books and clearer than any movie you've seen. close your eyes instead of trying to open, feel and not hear. knwoledge is limited but wisdom is not.

though it may seem that you've got everything, in reality, you're got nothing.

5.28.2006

let me and i will

let me hold your hand
while you feel the presence i give
let me hug you tight; tighter
as we sense each other's warmth
let me take all your worries
and tell you, "i'm already here."
let me take you somewhere else
beyond, so we could be free as we want
let me be your lone guide
in every step and tear; smile
let me in and take part
and i'll fight for what you believe
let me hold your tears
and never return it back
let me give you everything--
sum of what you deserve
let me love you
the way i want you to be loved

let me watch you sleep
until the morning peeps
let me serve you breakfast
and see you eat sweet
let me kiss you "good morning"
goodafternoon and goodnight
let me take you out
in the midst of a heavy week

let me stay inside your heart
so i could fulfill my dreams
let me do these things
while adding more to my list
let me live with you forever
as i want it the way it is
let me cherish every moment

let me watch our children
if ever you'll go home late
let me have a family; kids
as wonderful and good as you
let me support you
whatever field you chose to have
let me patch the difference
of our cultures and traditions

let me and i will.

5.23.2006

as i picture myself years from now

i picture myself ten years from now, and i see myself with this same wonderful scenario. i'm still with this beautiful setting--with my family and this gorgeous yet simple you. although i know that it's still a little too early to tell what the future might bring, i'd like to prefer it that way--thinking, dreaming, hoping that you'd still be there tomorrow as i open my eyes and wake. you'd be there for me, and i to you like we've always been every single moment. whether it may be good or bad, i want it the way it is today. (i know we can, i believe.) i've known you quite enough, i've love you.. but i don't know how much.

i picture myself years from now, and all i feel is contentment and fear--fearing this dream i picture won't come to me. i fear hurting you and living the rest of this life without you. alone. well, honestly, i've always wanted to be with you every single moment. but unfortunately, as much as i want to, i can't, we can't, and i'm really sorry.

someday, i'll be there for you always. whenever you'll need me, i promise i'll be there. i can't promise to love you forever, i mean, practically speaking, it's really to early for me telling this, but beb, i love you. i love you and i'll be there for you. i'll be there until i lose my teeth and see your hair turn black to gray--from sweet to beauty, from simplicity to elegance, girl to a woman. i will always be there until everything in my sight turns dark and plain. i'd try loving you until eternity, or maybe until i just couldn't feel any.

there are feelings inexpressible in words. all i know is that--i love you, i care for you, i treasure you--your dreams and my dreams--us, i cherish you, yours and our memories. i miss you.

5.22.2006

national bookstore 2006

"ma, bili mo ko no'n. gusto ko no'n."

"anak, hindi lahat ng gusto pwede. read ka na lang dito."

kumuha ng story book ang anak at tumakbong papalapit sa kanyang ina at inulit ang pangungulit.

"ma, bili mo ko nito. gusto ko 'to basa. bili."

yumuko ang ina, sandaling kinuha ang hawak ng anak, tiningnan at ibinalik sa anak.

"anak, mahal, hindi pwede. walang pera si mami e. next time na lang, dito ka na lang muna magbasa."

"gusto sa bahay na magbasa para araw-araw ako basa."

"next time na lang. walang pera si mami e. dito ka na lang magbasa."

"..'di na lang ako magbabasa!"

5.14.2006

amang hari

“lahat ng sobra at kulang ay bawal.” iyan ang kasabihang binago ko ayon sa aking mga karanasan at napagdaanan.

simula nang nalugi at nagsara ang aming pagawaan, tila kasabay nito ay ang pagbagsak ng buong katauhan ng aking ama. gabi-gabi na pag-inom, walang pigil na pagkain at hindi mapigilang alindog ng sigarilyo’t makamundong kasalanan sa gitna ng sakit at karamdamang binaliwala. nagbuhay-binata siya at namuhay ng ayon sa kanyang kagustuhan. pinigilan niya ang sarili sa pag-unlad at nanatili sa panahong kanyang nais sa tulong ng kanyang mga kapatid. umasa na lamang sa minanang bodegang paupahan, karampot na naipon at sa mga “kabutihang loob” at “tulong” ng kanyang mga kapatid.

binansagan siyang “hari ng alak” ng kanyang mga kapatid at kamag-anak, walang makatalo. umabot sa pagkakataong hindi makapagsimula ang isang okasyon nang wala ang nangungunang tanggero. diyan nadapa ang haring nag-akalang siya’y tinitingala—sa pinagmumulan ng kanyang pinagmamalaki pa siya bumagsak na maliit.

“kinukuha ng Diyos ang mga bagay na hindi na pinakikinabangan.” iyan ang kasabihang natutunan ko.

umabot sa pagkakataong pati ang sariling katawan ay sumuko sa hari. umabot sa pagkakataong naabuso nang labis ang katawan at kailangan na rin nitong sumuko. lumala ang sakit ng ama. hindi na niya napapakinabangan at ginagamit nang tama ang pinahiram lamang na katawan, kaya’t minabuti na lamang ng Diyos na kunin na ang kalahati ng buo. sa katunayan, pinagbigyan pa siya ng Diyos sa lagay na ito. sa labis-labis na pagpapabaya, dapat pa siyang magpasalamat. nakaaawa kung titingnan ngunit sadyang kailangang umikot ang gulong ng tadhana. nakaaawa kung titingnan lamang ngunit kung susuriing mabuti, matatapos ka at sasabihing, “oo nga, dapat lang siguro, para matuto..” lumagpas na ang pagkakataon at pasensya ng bawat isa. lumagpas na siya sa nararapat.

hindi niya pinahalagahan ang mga bagay na noon ay nasa kanyang palad pa—pamilya, kaibigan, yaman, dignidad at respeto. lahat ng ito’y winaldas niya. At sa huli, sino ba ang masisisi? hindi mailap ang tadhana, sadyang may mga hari na nag-aakalang habang-buhay ay may magsisilbi sa kanila.

natatapos din ang lahat. tulad ng buhok na nalalagas sa bawat pagsuklay at panahong nagdaraan, lapis na nauubos sa bawat pagtasa, pagtitiis na hindi umaabot ng panghabang-buhay at buhay at kalusugan na hindi natin pag-aari, tulad ng lahat ng bagay, natatapos at nauubos din ang lahat. walang bagay na tinadhana ng panghabang-buhay. alagaan natin ang bawat isa.

“maraming nawawala sa taong hindi nagpapahalaga.”

tulad ng mga nabanggit, lahat ay nawala sa hari—pamilya, kaibigan, yaman, dignidad at respeto at iba pang maliliit ngunit mahahalagang bagay. nawala ang bawat isa dahil sa hindi pagpapahalaga. higit na pinili ng hari na mamuhay sa isang gawa-gawang paraiso na siya at ang kanyang mga alipores ang namumuno, walang sinusunod na batas at sarado sa kahit anong bagay o mungkahi o opinyon. ito ang mundong pinili at kinagisnan sa mahabang panahon, at dahil sa mga ala-alagad at alipores, ito na rin ang naging dahilan ng kanyang pagbalik sa mundong nararapat—ang mundong matagal niyang tinakasan. ngunit sa kanyang pagbalik, dalawampu’t limang taon na siyang huli, o higit pa. napakahabang panahon na ginugol sa wala. napakahabang panahon na itinanim sa mahamog na hangin—binuhay sa hangin ngunit inani sa katotohanan.

..at sa kabilang banda, nagdiriwang ang mga alipores.

5.11.2006

wonder wo-mom

i’m proud to have a wonder wo-mom simply because she loves us more than anything. we feel that we are more important than her work, money, and everything! my mom is almost 50 years old but it doesn’t look so simply because she loves doing the things she does and to be honest, she lives and grows along with us. she is my wonder wo-mom and I’m proud of it.
.
.
-created to join in Manila Bulletin's Wonder Wo-mom Contest for Mother's Day
-but unfortunately wasn't able to submit the entry

chuchu

nabibingi sa mga leksyon
ng mga propesor,
propesorang mangmang

pinag-aralan nama’y kapos,
kung mangaral, mas dyosa
pa sa dyos

binibingi sa mga pang-uuyam,
pambubuyo ng inutil
sa kapwa nag-iinutil

lason, karma na maituturing
ang magkaro’n ng kaugnayan,
sa dugo pa nanggaling

dignidad ng sarili at pamilya
ang tinapak-tapakan

(ang masakit, ..ng walang pinag-aralan)

nag-iinutil na amang
nabibingi sa mga mangmang.

sadyang hindi na mahalagang
pag-usapan pa.


pamilya mo sila, sa kanila ka na.

4.29.2006

hospital restrictions

  • bawal ang maingay
  • bawal ang nagmamagaling
  • bawal ang plastik
  • bawal ang nakikialam sa pamilya ng may pamilya
  • bawal ang mga usapang nagpapataas ng BP

ps. hindi ito reunion. limit your visit to 15 mins. thank you.

4.10.2006

tagpi, magsalita ka!

umuwi ako ng bahay dala-dala ang mga mabibigat na suliranin galing paaralan tulad ng nakasanayan. mabigat ang ulo, umiikot na mundo, pagod at walang imik. gulong-gulo ang isip habang naglalakad pauwi.

homeworks, projects sa lahat ng subjects pati p.e., experiments, to bring lists at may test pa. lintik na..

pagod na pagod na ko!!

sinalubong ako ni tagpi pagkarating ko ng bahay, tulad ng aking inaasahan. nais niya atang makipaglaro ngunit nang makita niya ang balikat kong hindi na pantay dahil sa bigat ng pasaning bag, mukhang di-maipinta at pawis na hindi mabilang ang patak, tumigil siya.

tumigil siya at tumitig sa akin.

"..tara.."

pumasok ako ng bahay, kwarto. sumunod si tagpi tulad ng inaasahan.

umupo ako sa kama at tumitig din kay tagpi.

"mahal mo ba ko?"

"..mahal mo ba ko!?"

*********
lumapit siya sa akin at sumandal sa aking tuhod.
ako rin..
tila nawala ang bigat sa aking mga balikat. tila panibagong lakas na nagtutuloak sa akin upang magpatuloy at huwag sumuko. haay..
"tagpi.."
ako rin.. mahal kita.
"tagpi, 'di mo na kailangang magsalita.

3.28.2006

pangarap

narating ko na nga nang tuluyan ang pinakamataas kong pangarap sa lugar na ito. isang panaginip noon na hindi ko inasahang mangyayari. ngayon. hindi ganito kaaga. hindi. ganito pala ang pakiramdam nang nasa tugatog ng tagumpay. hindi ko maipaliwanag. isa lang ang tumatakbo sa aking utak, isa na akong ganap na manunulat.

hindi maikakailang nagbunga na nga ang matagal at nakababagot na paghihintay, pagtitiyaga at paghihirap. hindi ko maipaliwanag, alam ko, bunga ito ng pawis at habol na hininga. pasensya. matinding pasensya ang ipinuhunan sa lahat ng ito.

ito na nga talaga ang pinakahihintay kong pagkakataon upang ipamalas ang lahat ng aking kaalaman. sa puntong ito, nais ko pa ring matuto. higit na matuto. punahin ang aking mga pagkukulang at pagkakamali. nais kong mahubog. nais kong mahaplos ang tagumpay nang hindi bumibitiw sa pinanggalingan. marami akong nais ngunit nalilito. paano?

ako ay nahipan ng malamig na hangin. nagkamalay na lamang nang natagpuan ang sarili sa kalagitnaan ng langit at lupa. ganito ang pakiramdam. ganito. kasabay sa paglipad ay ang mga malalamig na sambit ng mga bibig—papuri na nagpapangiti sa aking puso at kaluluwa. totoo man o hindi, alam ko. bola man o sabihing totoo, alam ko. alam ko ang dapat gawin. tatahimik, ngingiti at hindi paiikutin ang isip. ibabakas lamang ay ang isang matamis na ngiti na bunga ng matinding hirap at nararapat na kiliti sa tainga.

bumalik ako sa lupang pinanggalingan. hindi bumagsak, bumaba, bumalik. ngayon, ako ay naghahanap ng bago, higit na mataas na ipapangarap, bagong pagkakaabalahan na pilit aabutin. nais kong matuto at ito lamang ang naiisip kong paraan sa kasalukuyan. magtitiyaga at pilit magtatagumpay sa hamon ng kabukasan. sa pagbukas ng pinto ng bukas tungo sa ibang mundo—higit na malaking mundo—ibabalik ko ang karangalan. ipapasan ang mga umaasa. pilit akong magtatagumpay.

saan ba ako magsisimula? ito ang katanungang mahirap sagutin. kung mahanapan ng solusyon, saan ako patungo? saan ako dadalhin ng malamig na hanging iyon? sa pangarap? sa pangarap.

marami akong tinitingalang mga personalidad. halimbawa, noong pagtatapos ng aking kapatid ng kolehiyo, habang ako ay nakaupo sa malayo at nakatingala sa LCD, dahan-dahan kong pinakinggan ang mensahe ng “valedictorian” nila. mahaba ang kanyang talumpati at unti-unti ko itong nginuya sa aking mga tainga patungong utak. taimtim akong nakinig sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig habang tulala sa mataas na LCD. hindi ko alam ang tumatakbo sa aking utak noon, tila lumipad muli ang aking malay at muling nagliwaliw.

nangarap nanaman ako. natagpuan ang sarili sa harap ng libu-libong tao. mga magtatapos. natagpuan ang sarili na nakasuot ng itim na baluti at may kordon na nakapaikot sa aking leeg. magbibigay ata ako ng mensahe. ano ba ito? pangarap ko ito.

pangarap ko ito at mananatiling pangarap kung wala akong sasabihin at gagawin. ito ang aking pangarap at kailangan ko itong pagsikapan.

maraming naniniwala sa aking kakayahan at maraming umaasa na ako ay may patutunguhan. ito. ito ang pangarap ko!

isa na nga akong ganap na manunulat at nagpapasalamat ako sa mga tumulong sa akin. nagpapasalamat ako sa mga taong nagbigay ng insperasyon at pagtitiwala. gaganapin ko, ilang buwan mula ngayon, ang trabahong matagal ko nang inasam-asam at isa sa mga pangarap na hindi inakalang mangyayari. hindi sapat ang salitang “salamat” upang maipaabot sa lahat ang tunay kong damdamin. bilang ganti, higit kong pagbubutihin at patutunayan. ito ang pangarap ko. narating ko ito. itutuloy ko hangga’t kaya ko.

tulad ng natupad na pangarap kong ito, pilit kong aabutin ang iba pang naiwan sa aking listahan ng mga pangarap. marating ko man o kapusin, karapat-dapat kong ipagmalaki at sabihing "ginawa ko ito dahil gusto ko" tatalikod at itutuloy, "dahil pangarap ko ito."

3.21.2006

she.

beauty is not the basis
why i chose you as my friend
nor brains, nor humor

whatever

actually, i didn’t even chose you
i never did
i don’t know, it just came
and i want you to know that
i'm glad it did

it just felt good
having someone to care for
and thinking there's someone
to lean on incase..

well, no one could really explain
the point is,
you’re my friend
though not the best
but the closest among the rest

why?
i don’t know

i don't have a best friend

you’re my sister
and no one could tell,
but us

i may call it a destiny
you may call it another

whatever
it's up to you

to tell you, honestly,
i don’t really know
what kind of relationship this is

all I know is that:
i care for you
and you care for me too.
well, i guess.

i hope.

though lack of conversation
and such a blur communication

i couldn’t deny
a connection never dies

see?

naghihirap na pilipinas: saan pupunta?

liggu-linggong pagtaas ng presyo ng gasolina, mataas na pamasahe at iba pang bilihin, kakulangan sa materyales at produktong gawang pilipinas at kung anu-ano pang suliraning kinakaharap ng bansa natin, ito ba ang bansang maipagmamalaki at masasabing may kalalagyan? ano ang kalalagyan?

laganap ang mga krimen tulad ng panghohold-up, kidnap, carnap at pati scooter ay ninanakaw na rin, sunud-sunod na pagtaas ng bilihin, mga produkto at serbisyo, lantarang korapsyon magmula sa pinakamataas na upuan sa gobyerno hanggang sa pinakamababang ahensya ng pamahalaan, saan mapupunta ang ganitong uri ng pamamalakad at estado ng bansa? hindi maikakailang unti-unti na tayong nahuhuli sa karera ng mga bansa. pangalawa tayo sa pinakamataas na bilang ng korapsyon, paano pa kaya sa susunod na limang taon?

hindi natin maaaring ibaling ang lahat ng sisi sa pamahalaan. ginagawa ng pamahalaan ang kanilang makakaya, pilit inaahon ang ating bansa sa matalinong paraan at unti-unting binabayaran ang utang ng ating bayan mula sa ating mga buwis. kung ang taung-bayan ay makikinig at ititikom ang mga bibig, iintindihing mabuti ang sitwasyon ng ating bansa, maiintindihang maraming ginagawa ang pangulo. itabi natin ang posibleng pangungurakot ng pangulo. aminin natin sa ating sarili, kahit sinong pangulong ilagay natin sa pwesto ay mangungurakot. kung ating susuriing mabuti, ang bawat hakbang ng ating pangulong arroyo ay sinisigurado at pinaghahandaan. malaki ang ibinaba ng ating utang kung ikukumpara sa ibang mga taon. sa makatuwid, epektibo ang kasalukuyang pamahalaan. kailangan lang natin sumunod at magbayad ng buwis ng tama.

kung may mairereklamo sa kasalukuyang pamahalaan, kakulangan ng seguridad para sa taung-bayan ang tiyak na sagot. maluwag ang ating batas sa mga nagkakasala at madali oang nakakalabas ng kulungan kung mapakulong man. kakulangan ng bakanteng trabaho para sa mga propesyonal tulad ng mga nars at doktor, benepisyo sa mga manggagawang tulad ng mga guro, pulis, volunteer fire brigades atbp. kung mabibigyan lamang ng sapat na benepisyo ang mga manggagawa at ang mga propesyonal na ito, higit na bababa ang bilang ng mga nangingibang-bansa at tuluyan nang dadami ang mga serbisyo. sa pagdami ng mga nasabing serbisyo, bilang resulta, bababa ang mga serbisyo, dadami ang mga dekalidad at mapipilitang magpatuloy sa mataas na pag-aaral upang itaas ang kaalaman ukol sa isang propesyon. dadami ang mga bihasa. dadami rin ang mga turistang dadaya at maaaring makipagnegosyo sa mga pilipino.

maaari pang umasenso ang bansa. sa pamamagitan ng pagtutulungan sa kapwa pilipino at pagsunod sa mga ipinapatupad na mga proyekto, maisusulong ang isang posibleng magandang kahihinatnan. may mararating ang pilipinas kung ang mga pilipino ay magtutulungan at sa halip sa magreklamo ay tumahimik, makinig, intindihin at sumunod. may mararating ang pilipino. may mararating ang bayan natin sa pilipinas.

3.19.2006

happiness being a philadelphian student

happiness being a philadelphian student

  • happiness is waking up every morning and thanking God ptr. ronnie yap is late too.
  • happiness is being able to find your lost "pilot g-tec."
  • happiness is being able to get a "long pad" for free.
  • happiness is being able to escape ptr. ronnie yap with his free haircut.
  • happiness is being able to understand what mr. valde and mr. basas is talking about.
  • happiness is being able to pass an extremely difficult subject without being caught.
  • happiness is being able to get your books in the locker during claas hours without being seen by anyone esp. the teacher.
  • happiness is seeing your crush along the hall without him/her seeing you staring.
  • happiness is having the luxury to watch television at night while texting simply because it's friday
  • happiness is having the luxury to stay until afternoon at "school" during saturdays because of your "club."
  • happiness is being able to watch your favorite movie despite of having tons of assignments and projects.
  • happiness is being able to finish your projects the date it is due.
  • happiness is being able to come to your annual retreat with a bag full of junk foods.
  • happiness is having the time to read this article because you have nothing to do!
  • happiness is living your high school life well; happiness is life itself!

3.13.2006

paalam

dahan-dahan kong sinalat ang mga upuan at silya ng paaralan. habang mabagal na tinatahak ang mahabang pasilyo, isa-isang bumalik ang mga masasaya at mapapait na alaala ng kahapon. ang bilis ng panahon, kamahailan lang nang ako’y baguhan at mapadpad sa maliit na paaralang ito. kamakailan lang nang ako’y unang sumaway ng bata, nagalit sa silid at unang beses na nagpalabas ng estudyante. nakilala ko na ang iba’t ibang uri ng estudyante at ang kani-kanilang estilo ng pandaraya at pangongopya. may mga tahimik na parang bangkay, may maingay na pati langaw ay nababasa at mga pasaway at kung anu-ano pa. minahal ko silang lahat at hanggang sa araw na ito'y tandang-tanda ko pa, hanggang sa aking hukay pa, malamang. tinulungan at pinahalagahan ko sila sa mga paraang hindi nila alam o pansin at minahal ko silang lahat tulad ng pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. masasabi kong kilala ko na nga ang bawat kalokohan ng bawat mag-aaral. ilan na rin ang mga nahuli kong nangodigo, kumain sa klase at tumakas sa klase; nagbagsak kung kinakailangan at kung anu-ano pa. wala akong hinangad kundi ang maibahagi ang aking kaalaman. nagtuturo ako ng maayos sa kanilang harapan kaya’t umaasa ako na sila’y makikinig at gagalaw ng ayon sa aking nais. ayaw ko ng mga natutulog sa silid! kung hindi interesado sa aking leksyon ay maaari silang lumabas, bukas ang pinto! ayaw ko ng bastos.

ginagawa ko nang maaga ang aking mga ituturo kinabukasan. hinahanda ko ang aking “lesson plan” at isinasaulo ang ituturo kinabukasan. hindi ako gumagamit ng kodigo sa klase tuwing nagtuturo, kaya't umaasa rin akong hindi mangongodigo ang mga estudyante tuwing pagsusulit. pinaghahandaan ko ang bawat araw ng aking pagtuturo. sa katunayan, kahit makasalubong nila ako sa kalye o bangketa’y maari silang magtanong tungkol sa aralin. ganyan ko kamahal ang aking tinuturo, tinuturuan at naturuan.

ang bilis ng panahon. humigit-kumilang limang taon na rin pala akong lumagi sa kutang ito. marami na rin akong natutunan. matagal ko nang nakasama ang mga kapwa guro at masakit isiping kailangan ko nang lumisan. bitbit ang mga alaalang regalo ng bawat estudyante, guro at pati na rin ng mga magulang. masaya akong magpapaalam sa kanila dahil alam kong ako’y nakatulong sa paghubog sa mga batang ito.

hindi ko man alam kung sino ang mga manghihinayang sa aking paglisan, umaasa akong mananatiling mabuti silang mag-aaral. kung saka-sakaling magkakasalubong man kami ay ikagagalak ko ito. bakit? masarap ang pakiramdam na makakita ng dating estudyante at ngayo’y may maipagmamalaki na—higit na mabuti kung mas mahihigitan ang aking mga narating. magkikita rin tayo balang araw, mga mahal kong mag-aaral. sa aking paglisan, umaasa akong walang makakalimot sa aking mga pangaral at pangarap. umaasa akong sa kahit maliit na bagay ay nakatulong ako sa inyo, salamat at paalam.
.
.
-alay kay g. camaso

2.28.2006

goku, ang tagapagligtas!

lahat na yata ng kabataan ngayon ay nakapanood na ng dragon ball, lalu na yung mga batang lalake. sa totoo lang, isa ako sa mga mapapalad na yo'n. paborito ko rin noon ang dragon ball at ilang beses ko na rin itong napanood ng paulit-ulit. naaalala ko pa noon, nagmamaktol pa ako tuwing hindi ko inaabutan ang mga episodes nito. naglaro na rin ako ng mga text at mga kard na pinapalipad at meron pa ngang mga action figure na kasing mahal ng ginto, tama ba? minsan pa nga'y ginagaya pa namin sila, nagpapanggap na may abilidad na lumipad, magpasabog ng mga bundok at bulkan at tumalon ng napakalayo't napakataas. nakakatuwa!

sampung taong gulang pa lamang ako nang makilala ko ang nag-iisang tagapagligtas ng mundo ko--si goku. hindi siya ordinaryo, katunayan, galing siyang planetang sayan.

hindi ko na ikekwento ang buhay ni goku dahil malamang, alam mo na ito. hindi mo naman siguro babasahin ito kung hindi mo pa napanood ang palabas ng idol ko, hindi ba?

lumaki akong kasama si goku. gabi-gabi ko siyang kasama sa kanyang paglalakbay kahit may makapal sa salaming pumapagitan sa aming dalawa. hindi ko man siya matulungan tuwing sugatan siya't humihingi ng tulong dahil sa mga nanggugulong sina vegita, cel at iba pa, alam ko namang kayang kaya niya yo'n. bilib ako sa kanya. sa makatuwid, diyos ko siya noon. hangang-hanga ako sa kanya, kung paano siya lumaban, pati na rin sa kanyang pamamaraan kung paano makihalubilo sa mga ordinaryong tao. ngunit isang araw, nagbago ang lahat--pati ang bayani ko.

"bata, alam mo ba yung dragon ball?" tanong ko sa isang batang napaupo sa may gilid ng bangketa.

"...oho.."

sumagot ang batang tinanong ko. tumitig siya na tila nagtataka sa aking katanungan. bakit nga ba? siguro'y gusto ko lang ng kausap.. siguro'y nais ko ng kausap na makakaintindi sa akin, isang taong handang makinig sa aking mga sasabihin--kahit pa wala itong kabuluhan.

hindi ko na itinuloy ang usapan namin. masama ang tono ng boses ng batang iyon--"meron" ata.

pumikit na lamang ako at itinaas ang ulo habang nakatayo sa kalagitnaan ng bangketa na tila nakatitig sa malawak na langit. nararamdaman ko ang bawat nilalang na dumadaan sa aking tabi at mga usiserong tumititig sa akin kasabay ang malalakas na bulong. nararamdaman ko ang mabagal na ihip ng hangin at maliliit na duming sumasampal sa aking pisngi. tila lahat ng nangyayari sa aking kapaligiran ay nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

mabagal at paulit-ulit kong binanggit ang tagapagligtas ko. nanalangin ako at ibinulong ang saloobin ko.

"Diyos ko, tulungan niyo po ako. alam kong higit pa sa lakas nigoku ang taglay niyo, higit pa sa katapangan ni vegita, higit pa sa lahat. ikaw, Diyos ko, ang tagapagligtas ko. Ikaw ang tunay kong tagapagligtas.."

"..Diyos ko, nalulungkot lang po ako..."

..alam ko na ang buong buhay ni goku, sa Kanya naman.

2.26.2006

ang sumira sa gabi ni maria

ilang oras na lang at gaganapin na ang isa sa pinaka-aabangang okasyon ng aking mga kaklase. siguradong ang lahat ay nakabihis at nananabik na, mag-aayos at rarampa, magpapasikat at hahayaang mapuri ng isa't isa.

junior lamang ako at baguhan sa ganitong klaseng kalokohan. wala akong alam sa mangyayari mamaya kaya't siguro'y magmamasid na lang muna.

nag-umpisa na nga ang js prom at giliw na giliw ang lahat. ito nga ang araw ng mga juniors at seniors, ang mga "aalis na" at ang "papalit." iba't iba ang ginagawa ng bawat isa, kanya kanyang grupo. may mga walang sawa sa pagsasayaw, may mga tamad na kumakain na lamang, may nakaupo at nagkwekwentuhan tungkol sa susunod na pupuntahan at may "lovebirds" na naglalambingan sa may gilid-gilid ngunit masasabing lahat ay masaya. lahat ay nagsasaya sa kani-kanilang pamamaraan.

alas-onse na ngunit nagsasayawan pa rin ang mga ibang estudyante't guro. ang lahat ay sumasabay sa tugtog ng bandang nasa entablado. ang iba'y nagyayaya nang lumabas, ang iba nama'y nag-iisip pa lamang, may roon namang pagod na't gusto nang umuwi at may roon ding...

"naku! tumatawag si daddy!"
"ano! 11 pa lang a, hindi ka na ba sasama sa'min?"
"ewan ko, teka lang a.."

sinagot ni maria ang tawag..

"hello...?"
"anong oras ka ba matatapos? kanina ka pa namin hinihintay a!"
"hindi pa po tapos e.. san ho kayo?"
"dito sa lobby ng hotel.."
"o..punta na lang ako dyan."

nagmamadaling iniwan ni maria ang nagsasayawang madla. dali-dali siyang pumunta sa lobby kung saan sinabing naron ang ama.

"daddy.."
"anong oras ka ba matatapos?"
"uwi na ba?"
"ikaw!?"
"ewan. aalis pa kasi sila e.."
"..sasama ka!?"
malamang hindi na, nandito ka na e. sinama mo pa ang batalyon mo.
"hindi."

oo nga pala, 12 silang magkakapatid. isa siya sa panganay ng bahay at maging sa klase. bumalik na siya at dinala ang kanyang pilit na ngiti sa ballroom. walang nakapansin sa kanyang sitwasyon dahil sa magulong kaganapan. lumapit ang kaklase at..

"maria! ano! sama ka mamaya?"
"ewan ko pa e.."
"dali na! sumama ka na! minsan lang e.. san ka ba pagtapos?"
bahay!?! bahay..
"di ko pa alam e..tingnan ko"
"a..sige. basta sumama ka a"
"anong oras ba kayo uuwi?"
"ha!? umaga na no!"
wala na! bahay na nga talaga ang tuloy ko..
"a..sige sige, tingnan ko."

limang minuto ang nagdaan..

tatlumpung minuto ang nagdaan..

isang oras..

nag-alisan na ang iba at ang iba'y sumasayaw pa rin. nakaupo lamang si maria sa may gilid at walang kausap. nakaupo siya ng diretso, tulala at nakasara ang mga palad. mahahalatang kabado, nag-iisip ng malalim at may galit ang dalaga.

hindi lahat ay nagsasaya. hindi lahat ay nananabik.

biglang nagising si maria sa pagkatulala. agad siyang tumayo at bumaba.

"o! san ka pupunta? uwi ka na?" tanong ng isang kaklaseng nakasalubong niya
"ewan..siguro.."
"a..sige, ingat!"

tumatawag ang kanyang ama....

"anong oras ka ba matatapos?! inaantok na mga kapatid mo o..."
"...uwi na tayo...."
tutal sinira mo na rin, hindi ko na nga tatapusin. kasi e.. para matapos na.

tumayo ang mga kapatid at sabay-sabay na lumabas ng hotel. huminga ng malalim si maria at wala nang nasabi. napabulong na lamang..

"nyeta.."

2.20.2006

iilang lahi, iisang adhikain

humiga ako sa damihan
habang napatitig sa kawalan
sa malawak, malagim na katotohanan
hindi namalayan..
nang naaninag ang buwan
binigkas ang katagang..
ako si jaun dela cruz
ang batang walang tirahan
walang kakanyanan.. at hapunan
umahon ako sa kalugmukan
muli isang punit na basahan
hiwalay ang pangarap sa katotohanan
hirap makalinis ng tahanan
ako si juan dela cruz
salat man sa kaalaman
busog naman sa pangarap ng kahihinatnan
salamat kay don jaun
naalala ko tuloy noong nakaraan
don juan, kandidato ng halalan
sakay ng malalakas, maiingay na sigawang..
ako si don juan
ang kandidatong hindi mang-iiwan
mag-aahon sa sambayanan
nagmistula siyang isang kamahalan
puno ng pangarap, pangako sa karamihan
ngunit hindi maalis ang katanungang..
"totoo ba siya sa taung-bayan?"
ako si don juan
ang huhubog sa mga kabataan
naka-uniporme man o retasong basahan
tayo ang mag-aahon sa sariling bayan!
nakarinig ako ng tinig ng makabayan
isang kamahalang tila alam ang kahirapan
siya na kaya, O Dyos ko, Kamahalan
ang magtatawid sa akin sa kadukhaan?
ako si don juan
nanggaling sa maliit, malayong bayan
naglalakad ng tatlong bundok tungong paaralan
makatapos at matupad lamang..
mga pangarap at kahilingan
bulong ito ng pusong sugatan
sa taingang may damdaming duguan
tila magkapatid ang aming kaugnayan
tila nabuo ang tunay kong katauhan
magtitiwala akong muli sa pangakong kakayahan
ako si don juan
nagtagumpay sa gitna ng kapabayaan
magtiwala..
walang kapabayaan sa aking pamahalaan
don juan! don juan!
juan dela cruz ang aking ngalan
nais kong makatung-tong ng paaralan
makatapos, at mahubog ng tuluyan
.
magpapasalamat at pasasalamatan!!
.
.
-CMLI poetry contest 2006

1.19.2006

malayang ako

captain barbel!!! marahil hindi mo alam kayat ngayoy sasabihin ko na sayo. ayaw ko nang magpanggap. hindi ako ordinaryo. hindi ako ordinaryo!

sino nga bang nakakakilala sa tunay kong katauhan? kaklase? kaibigan? pinsan? kapamilya? sino at ano nga ba ako? ako ang langaw na hindi mahuli. ako ang dagang hindi masupil ng marami. ang totoong ako na walang makapagsabi, makahuli at makasupil. ako ang captain ngunit hindi isang tagapagligtas, hindi isang superhero at lalong hindi isang hari. akoy may kinatatakutan --ipis, bubuyog at kung anu-ano pa.

ang tunay na ako ang taong nasa loob ng baluting bakal na hindi tinatamaan ng bala. isang taong naiinip ilabas ang tunay na katauhan. tulad ng isang paru-parong nais makawala sa balot ng kalikasan. nais niya maging malaya at ipakita ang angking ganda at abilidad. nais niyang ipaalam sa madla na higit siya sa nakararami. may nais siyang ipakita sa nakararami. at dahil rito, dayuhan siya sa lahat ng lugar dahil sa mga pakpak na taglay; mga pakpak na inip na inip. ang mga pakpak na taglay ay may nais --magkaroon ng pagbabago, naghahangad ng bagong pagsubok at paglalakbay. ako ang langaw, daga at paru-paro ng bayang ito. wala mang halaga sa nakararami, sarili ang nakakaintindi. sarili ang makapagsasabi at walang makapaghuhusga. ako si captain barbel, ang nilalang na walang nakakakilala.

papatay ako kung akoy magalit, kakantat sasayaw ako kung sakaling may magandang tugtog, sisigaw kung nais ay katahimikan at magwawala kung nais. bakit? bakit!? itoy hindi dahil ako ang tunay na ako. itoy dahil malaya ako at may pangarap. malaya! malaya! hayop!!! balang araw, makikilala ako. makikilala ang tunay na ako na may halong pagmamalaki at hahayaang malaman ng buong bayan ang tunay na katauhan ni captain barbel. captain barbel!!!
.
.
seatwork : Filipino III
pangarap

1.18.2006

the chapter of "love" to be closed

someday, i might close the chapter of my book where "love" can be found. if someday that would come, it would hurt badly. but, id try not to cry because i know that my dream was to be with you and it did come true. i should be smiling and not crying, right? and yes, it would hurt a lot, and maybe at the end of my life, the word "love" might not appear once again. eventually, the hurt would go and my love too. (maybe, but not my memories) your memories would still stay with me, haunt me, remind me, and let me feel constantly on how happy i was when we were still together --i hope you were happy too.

i know that there is no forever, esp. at this point in my book when its still too early --too young and too far --i guess. well, this is life, i know, but that doesnt mean im letting you go or just letting things happen. i hope and pray earnestly that He would let me love you and be with you tomorrow until forever --or maybe just long enough, until the time comes that i can live my own life without you --if ever its not meant for us to stay forever. whatever happen next, i know that i would not be regretting this event of my life.

i know its too big to ask but id rather be selfish than to lose someone this special to me. losing you would close a big part of my life that might cause my breath to stop and my heart to die. however, id still try my best to keep you and love you at my fullest. its the least i can do.

1.04.2006

umiyak ba ako nang mawala ang ballpen ko?

naglalakad ako sa mahabang avenue ng katipunan nang mapansing nawawala ang ballpen. kinapa ko ang aking mga bulsa, sa kaliwa ..sa kanan ..pati na rin sa may puwetan ngunit wala akong nahanap. pilit kong inalala kung saan naiwan ngunit walang pumapasok sa utak. lumingon-lingon. nagbalik-balik ako sa mga nadaanan ngunit kahit takip ay hindi nakita.
nagpatuloy ako sa paglalakad habang pakamot-kamot na tinatanong ang kasa-kasamang kaklase.
"nakita mo ba yung ballpen ko?"
"hindi, sa'n mo ba naiwan?"
"hindi ko nga maalala e."
"ano ba itsura?"
"ballpen, kulay black, hindi pa napuputol yung sabitan ng takip."
"..bumili ka na lang. diyan lang yung national o!"
hindi ako umimik, ayaw kong bumili ng bago. gusto kong mahanap yung ballpen ko. napamahal na kasi sa'kin yun e. pakiramdam ko parte na siya ni mark jonathan see.

********
"ang bilis! kanina, nasa mercury lang tayo a, mcdo na?!" sigaw ng kaklase ko.
pumasok kami ng mcdo at pumila. naglakad-lakad ako sa loob at naghanap. tila naghahanap ng upuan ngunit katunayan..
baka naman nandito ballpen ko?
bumalik ako sa pila.
"may upuan?"
"do'n sa may c.r."
"anong kakainin mo?"
"maya na lang"
nawalan na ako ng gana.. ballpen ko!!!
********
umupo kami at nagkwentuhan. nakaharap ako sa labas at nakatitig habang nagkekwento naman siya.
"oooy! ano bang iniisip mo?"
nakailang tawag na ata siya. "ballpen ko kasi e.. sa'n ko kaya naiwan?"
"bumili ka na lang kasi, marami naman diyang mas ok e."
peste ang kulit.......
********
nang pauwi na ako. dumaan ako ng tindahan at bumili ng ballpen pamalit. kailangan na atang bumili ng bago.
"ate, may ballpen kayo? yung pinakamura lang ho." para pagnawala, hindi masakit
"eto, limang piso lang."
"salamat po."
iniabot ko ang limang pisong bayad na may panghihinayang pa. tila nawalan ng dalawang libo para sa isang ballpen na walang kasiguraduhang magagamit ito. haaay
********
tumuloy na ako pauwi. nang makarating ng bahay, hindi ako nagsalita. hindi na ako kumain, itinapon sa kama ang bag at isinabay na rin ang katawan. balak ko sanang mag-aral muna sandali ngunit hindi yata uubra. masyadong naging.........
"mark! mark! kain na!"
bwisit na..! nagdadrama pa ko dito e....
"hindi ako kakain!"
"bakit!?"
"wala akong gana!"
"bakit nga?"
"nawawala ballpen ko e.."
"ballpen lang!?! iniiyakan mo? hindi ka na kakain?!"
"..hindi kaya ako umiiyak."
sabay pinunasan ang maalat na tubig sa may pisngi.
"bahala ka nga, dami-dami dyan e..ayaw bumili."
bumili na kaya ako. nasanay lang talaga akong nandyan siya. masama ba yun?
ilang sandali pa't nakatulog na ako.
********
kinabukasan, sa paggising ko, tumayo ako at nag-unat-unat. nanalamin. pangalawang beses ko na'ng nawawala yung ballpen na yun. baka hindi ko na talaga mahanap..
lumabas ako ng bahay at nagmasid. nagpahangin. hindi ata talaga para sa akin ang ballpen na yun. peste. kung kailan ayaw ko nang mawalay sa kanya.. ganito pa nangyari.
ilang sandali pa'y naghanda na ako at muling nakipagsapalaran. dala ang paninindigang...
...marami pa naman diyang iba.
********
ano ba 'to?! sa'n nga ba ko pupunta?
umupo ako sa isang bangko at nag-isip habang sinisipa ang maliliit na batong nagmula sa ginagawang gusali. ano ba 'to?! may ballpen na ako, at bago pa.. 'di ba dapat masaya na ako? nawala lang siya, natulad na ko sa mga batong 'to. basag-basag. kalat-kalat. wala nang silbi at pakinabang.
biglang may umupo sa aking tabi. isang pampagulong kaklase pala ang napadaan daw. makikichismis. tila may tinatanong..
"kamusta na?"
gago ka ba? araw-araw tayong nagkikita .... "eto."
"ok lang yan, ballpen lang yan."
tangina! alam mo rin?! alam na ata ng buong mundo na nawawala ang pinakamamahal kong ballpen.
"hahanapin ko pa ba?"
"ha? ikaw? ..kasi parang sobrang importante niya sayo e. 'di ba?"
nagtanong ka pa, gago! aaaaaaahhh!!!
"ang hirap kasi e. lagi kong naaalala yung ballpen kong yun."
"mark??? ikaw ba yan?" ang tanong ng kaklaseng tila nakakita ng bangkay.
tumahimik ako at napa-isip. ako nga ba 'to? ako ba ang nagsalita kani-kanina lang? hindi ako ganito dati. ballpen lang yun pero.. bakit? ba't ganito?!
"timang! malamang!" na lamang ang nasabi ko.
"tol, dati isang linggo lang nawawala mo na ballpen mo.. pinakamatagal na ang tatlong linggo pero ngayon, iniiyakan mo pa. tol, panda lang yun."
pinunasan ko agad ang maaalat na tubig sa aking mga pisngi at pilikmata at..
"hindi kaya ko umiiyak, mainit lang. pawis."
walang nasabi ang kaklase kong nasa tabi ko lang. hindi nakapagtatakang alam niya na tulo ng luha ang dahilan ng pagkabasa ng mata ko at hindi pawis lamang.
hindi mo kasi naiintindihan e. hindi siya ballpen lang. hindi siya panda lang. hindi mo naiintindihan at hindi mo maiintindihan hangga't hindi mo mararamdaman ang nararamdaman ko.
********
tumayo ako sa inuupuang bangko. iniwan ang kaklase at tumingala sa langit. tila naghihintay ng kung anong malalaglag mula sa itaas na kikitil sa buhay kong nawalan na ng silbi. bato? kidlat? sibat? bala? granada?
hindi ako iiwas. pagod na pagod na ako. kung tinadhanang mawala talaga siya.. bahala na. kung tinadhanang akin siya.. ibalik n'yo na lamang siya kaagad sa akin at aalagaan ko na siya. ballpen ko!!!!
peksman!!!!!!
ipinasok ko ang kanang kamay sa bulsa. nilabas ko ang bagong ballpeng dapat ay pamalit sa nawala. iniabot sa kaklaseng tulala na naka-upo sa bangko at takang-taka.
"sayo na lang"
"ba..bakit?"
"hindi ko na kailangan."
tumalikod ako at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kung saan. tila dinadala ako ng aking mga paa sa pupuntahan. pumikit ako at isinilid ang kaliwang kamay sa bulsa na tila nagdadasal. ako'y biglang napahinto sa gulat, napamulat, nang malamang butas ang kaliwang bulsa. dali-dali kong kinapa ang hita pababa hanggang sa may paanan, medyas at sapatos. ano 'to? ano 'to? haa?! ballpen?? ballpen ko!!
sa isang iglap, tila puso ko'y mawawalan na ng pag-asa. nalaman ko ang halaga ng ballpeng ito, kung saan ako mapupunta kung mawala muli ito at natutunang pahalagahan ito na higit pa sa iba.
ang isang bagay, kung mawala, maaaring hanapin ngunit hindi lagi ay mahahanap. ito'y maaaring mahanap muli ngunit ito'y maaari ring mawala na'ng panghabang buhay. kailangan bang mawala muna ito bago natin maintindihan at malaman ang halaga ng isang bagay?
********
peste, the end na..