12.26.2005

malamig na pasko

dahan-dahang hinipan ni satanas
pagbubuyo at nakakakiliting bulong
pawang sumasanib sa nalilitong damdamin
inabuso ang kahinaan ng nag-iisang katauhan

pinuno ng galit ni satanas ang puso
piniringan at nilagyan ng bulak ang mga tainga
hinayaang manakit ng mga minamahal sa buhay
hinayaang masaktan nang hindi namamalayan

sa bawat ihip ng malamig na pasko
kasabay naman ng pagtagas ng malagkit na dugo
nagmumula sa mata, pilit bumabaon,
sumasaksak ng madiin sa pusong nakalimutang alagaan
walang awang hinagupit ng mahabang buntot
ang kaawa-awang inahin na walang kalaban-laban
ibig mang tumayo at sumabay, pinipigilan ng pagmamahal
pag-aalala at paghahanda sa kanyang mga inakay

lumuluha ang mga inakay sa pugad
tila nais lumipad at ipagtanggol ang inaaping nanay
laban sa mapanlinlang na satanas
at masunuring haligi ng tahanang pugad

12.16.2005

am i loving you too much

i want to make you smile
each time there's a chance
to let you know and feel
that i'm just here and not that far
i want to give you everything
anything and everything i own
i'm not rich or wealthy enough
you just really mean a lot to me
i want to see you almost everyday
to see you and hear your sweet soft voice
that pleases my ears each time i hear
now tell me beb, am i loving you too much?

12.13.2005

out of the blue, i..

out of the blue, you came across of my mind and reminded me yesterday. after a long time, we met once again. we were sitting side by side, looking at each other's eyes and talking softly so no one could hear, but us. i was trying to figure out what happened next. then, out of the blue, i smiled. it reminded me the times when everything was against us. everything was hard and seemed impossible, but we still pulled it together believing the feeling we were feeling called love. i realized that what we have now is just a fruit of what we've planted two years ago. i just wonder how we did it. out of the blue, i felt the feeling yesterday when i was still with you, the longing of your touch and embrace, the deep longing of your care and comfort. i wanted to hug you but i can't. i wanted to sit closer but everyone's looking. i wanted to talk and laugh like there's no one around but i can't. i wanted to protect the secret we've been hiding. i was like a volcano waiting to errupt. i couldn't express my feeling in any way i wanted. out of the blue, i felt like i wanted to see you everyday, be with you if there's any chance, show you how much i love you and how much i miss you and how much i need you. out of the blue, we're apart once again and finding myself missing you once again for an unknown reason.

12.05.2005

ang buhay sa labas ng bahay

si jomar ay kasama sa isang pulutong ng langgam na kilala sa lipunan. maganda ang pagkakakilala ng madla sa grupong ito na kanyang kinabibilangan ngunit taliwas ito sa kanyang ikinikilos. si jomar ay tamad, palikero at hindi nagpapahalaga palibhasa'y maraming kaibigang tulad niyang hambog at batugan.

walang kinatatakutan si jomar ngunit lubha siyang umiiwas sa mga responsibilitad na maaaring kumitil sa kanyang mga kaligayahan.

hindi naglaon at nagsawa siya sa buhay na kinagisnan. umalis siya sa grupo at nagpasyang maglakbay. dala-dala ang kaunting kaalaman sa buhay, napadpad siya sa isang grupong hindi naiiba sa kultura niya. at dahil sa mga bagong kaibigang nakilala at bagong kapaligirang kinakasama, tumuwid ang kanyang buhay. nalaman niyang hindi mahirap humawak ng responsibilidad. nagsikap siyang bawiin ang mga oras na nasayang ngunit walang pagsisising nadama si jomar sa kanyang puso. hindi niya pinagsisihan ang mga pagkakamali. nanatili siya roon ng dalawang taon at tumuloy sa kanyang paglalakbay. bitbit ang mga mabibigat na bagong kaalaman at talentong natutunan, isang bagong grupo ang kanyang natagpuan.

tinanggap siya ng grupong ito kahit ibang-iba ang kultura. nakilala siya at muling nagsikap. iba ang kanyang naging pakiramdam sa bagong tahanan, tila namangha sa bagong kulturang pinag-aaralan. ninais niyang bumisita sa grupong kanyang iniwan nang makilala niya si race, ang pinagkakaguluhan ng halos lahat ng matitipunong langgam sa grupo. at tulad ng mga ibang langgam na nahuhumaling kay race, nangyari ang hindi inaasahan sa buhay ni jomar. kahit si jomar ay walang himaton sa kanyang nadama.

si race ay simple, tahimik at masipag, may mala-prinsesang ganda at natatanging ngiti na bumabasag sa lamig ng araw. naakit si jomar kay race. nagkakilala at nagkamabutihan ang dalawa.

ilang taon din ang lumipas at kailangan nang lumisan ni jomar. bagaman masaya siya sa bagong tahanan at sa piling ni race, hindi ito ang buhay at kulturang nakatadhana sa kanya. umalis siya ng biglaan at tuluyang napahiwalay kay race.

tuloy na naglakbay ang langgam at napahinto sa grupong may kulturang tulad ng sa kanya. hindi ito pinaghandaan. hindi ito maluwag sa puso ni jomar. tila bumalik siya sa lugar kung saan siya unang lumisan. tumagal siya rito, nagsikap at pilit kinalimutan at itinago ang pananabik niya kay race. nagtagumpay siya ngunit tila kulang ang kaligayahang nadarama. bumisita siya at muling nakita si race. hindi niya inasahang muling mabubuhay ang damdaming matagal na niyang pinatay. muli silang nagpalitan ng mga sulat at muling nagkaintindihang parang hindi nalalayo sa isa't isa.

nagsisi si jomar at nainis sa sarili. pinahalagahan niya si race at minahal ng lubos kahit iba ang kultura at malayo sa isa't isa. pinatunayan niyang handa niyang ipaglaban si race.

tuwing siya'y bumabalik sa mga grupong kanyang dinaanan, wala pa rin siyang nararamdamang pagsisisi at paghihinayang. katunayan, napapangiti na lamang siya tuwing nakikita ang mga kasama niya dati na namomoblema sa mga problemang nasagutan na niya..matagal na. ngayon, hinaharap niya ang bagong karanasan ng buhay sa labas ng bahay kasama si race.


may buhay sa labas ng bahay na hindi maiintidihan at malalaman hanggat hindi mararanasan. kahit anong kwento at anung pagpapaliwanag ang gawin, ang karanasan ay magtuturo sayo ng tunay na kaalaman.