11.28.2005

telepono

nag-aalala ako tuwing ang boses mo'y walang sigla. tila dibdib ko'y naninikip tuwing naririnig ang damdamin mong malamig. nais kang tulungan o samahan man lang ngunit walang magawa kundi umupo at makinig sa teleponong nagdurusa sapagkat sa layo ng distansya'y bihira ang mga pagkakataong ika'y makasama. walang magawa kundi tumunganga, damayan ka at umasang makatulong kahit kaunti. mahal ko, patawad.

binabasag ng telepono ang matagal na pangungulila ko sa iyo. ipinaparating din nito ang tunay na pagsinta ko sa iyo na sana'y nadarama mo. tuwing ang telepono ko ay tumutunog at ngalan mo ang nakikita, kalabog sa aking dibdib at pananabik ang nadarama. hindi mawari ang pakiramdam, tila boses mo'y gintong nagpapayaman sa aking labi at bumubusog sa aking puso. habang kausap ka, minsan ako'y nauubusan ng masasabi, nawawala sa aking sarili at sasabay sa mahamog na hangin. pupuntahan ka, pagmamasdan ka at sasabihing mahal kita. magugulat na lamang ako at sasagot ka rin ng "mahal din kita." nawala sa isip na magkausap pa pala tayo sa telepono.

hindi inaalintana ang layo o ang hirap ng pagsasama. mahirap man ang sitwasyon at puno ng sagabal, dahil sa wagas na pagmamahal, pagtitiwala at sa maliit na tulong ng telepono, nagagawan ng paraan.

11.27.2005

ang iyong oo

sinabog na ng rosas ang kanyang mga talulot
binigkas na ng ibon ang kanyang piyesa
tinula na ng makata ang kanyang obra
nahati na ang langit kasabay ng pagsikat ng araw
sumibol na ang mga paghihirap ng bawat isa

niyakap na ako ng iyong pagmamahal
hinagkan at pinamalas ang iyong pag-aalala
kawangis ng aking pagmamahal sayo..
sinambit mo ang mahal kita, mahal ko
at sinigaw ang purong oo

loving needs acceptance

loving someone needs acceptance, accepting who she really is, what she wants, needs, likes and hates, accepting who she really was and still loving her without any complains and doubts. accepting needs courage. loving needs courage. when we love, when we accept the facts and situations, courage would be the next weapon we’ll be needing to accept and still love the person and even loving the person more because you know that she needs you more, your care and love for her. it is when you realize that she is worth accepting and worth fighting for. it is when you consider her as a blessing and not a responsibility. it is when you find the real meaning of life, the real magic of love, both of you desired and now enjoying. it is when you realize that your love is nothing but true and great love that sacrificing everything would be nothing for someone as special, as kind, as beautiful and wonderful as her.

11.14.2005

tunay na kaligayahan

mahirap bang tanggaping ito ang kaligayahan niya, ang pinagmumulan ng kanyang mga ngiti at halakhak, saya at lakas upang patuloy na harapin ang buhay na miserable? mahirap bang pagbigyang maging maligaya ang isang taong malapit at mahalaga sa iyong puso? mahirap bang tanggapin na ang bawat indibidwal ay may iba't ibang kaligayahan at maaaring hindi maintindihan ng iba?

ang bawat nilalang, sa kasamaang-palad ay may iba't ibang uri ng kaligayahan. ito'y maaaring maging isang lugay, bagay, memorya, tao at kung anu-ano pa, basta't ito'y espesyal. ito ang kaligayahang hindi mo ipagpapalit sa kahit anong bagay at aalagaan mong mabuti hanggat maaari dahil alam mo sa sarili mong ito ang bagay na matagal mo nang inaasam-asam at ang natatanging bagay na magbibigay daan upang matanto ang ganap na kaligayahan sa iyong puso.

tulad ng isang batang aliw na aliw sa kanyang saranggola na walang nakakaalam kung bakit. ang hindi alam ng madla na ito'y yari at regalo ng kanyang amang matagal nawala. tulad ng isang espesyal na lugar kung saan huli "kayong" nagkita, mga memorya ng iyong naglahong irog at kung anu-ano pa. mga simpleng bagay na nagbibigay ngiti sa kung sinu mang nagmamay-ari ng alaala o katauhan. anu man ang sa iyo, ang mahalaga ay kung paano mo ito aalagaan, patuloy na pahahalagahan at mamahalin at hindi hahayaang kunin ng iba pagka't dito nakasalalay ang kaligayahang tunay.

ang kaligayahan ng iba ay hindi mo na sakop, maging sino ka man. walang karapatan ang ibang nilalang upang diktahan at pigilan ka kung saan ka dapat lumigaya at kung paano ka liligaya. kailangan mong maging malaya dahil sa ganitong paraan mo lamang malalaman ang tunay at ganap sa kaligayahan a kung gaano kasarap mabuhay. minsa'y kailangan ng hirap, kaunting pawis at bilang na pagsubong upang makamit ito, nasa sa iyo na lamang kung handa mong isugal ang lahat para sa iyo at sa iyong kaligayahan.

11.12.2005

untitled [[ a special gift ]]

when i reminisce
and start to think about you
the way you smile and the way you talk
i could not prevent my lips from smiling
for the reason.. i never really knew
maybe because of the good and happy memories
you and i shared dearly before
maybe because of the love i feel for you
a long long time ago.. until now
maybe because of the person in you
that took the man in me
or maybe.. just maybe because i was just amazed
for i've never seen a princess with such beauty..
a simple yet wonderful princess
that i would always treasure
every single moment of my life..
though weeks and years had passed,
the love that was given to you
never really died
day by day, i would think of you,
stare at your picture and continue to wonder..
..are you all right?
well, i'm not.
i miss you and i want you to know that.
the way you smile and the way you talk
the way we pulled our past together.
i could not prevent my tears from falling
for a reason.. i love you.
day by day, i would tell my friends
how we did it all
both our happiness and struggles..
i would tell them how much i love you
how much i miss you and
how much i want you back.
today, i'm loving you fully..
without exceptions,
i'm giving you my all.

11.02.2005

ang pagtitipon ng mga mangmang

nagkaroon ng isang pagtitipon
sa bayan malapit sa nayon
mga mangmang ang dumalo
nagsalu-salo bitbit kanilang mga apo

nag-usapusap ang mga mangmang
tila paksa'y alam na alam
araw ng patay no'n
nang sa puso ko'y patay ay bumangon

galit akong tumitig sa kanila
kamandag ng mga matang ayaw tumila
pesteng matatanda..
buhay pa sana kayo sa aking pagtanda

araw pa naman ng mga patay ngayon
gusto atang magkaro'n ng sakuna sa nayon
pilit kong tiniis at huwag mag-init
huwag ka lang muling bibirit

kasama sa pagtitipon ang aking ama
tahimik na nakikinig sa mga patapon
tila natututo sa kuru-kuro ng mga mangmang
mga matatalinong opinyon ng mga hunghang

nagngingitngit ako sa galit
at bakit may nabubuhay pang ganito sa paligid
makikitid ang mga utak
at mga budhi'y kasing-itim ng latak

pesteng mga tao 'to
ba't ba ko nasama dito?
nagtipon-tipon pa
wala namang nasasabing tama

hoy! ikaw! kung sino ka man!
mag-aral ka nga para ika'y may laman
para hindi na kailangan pang sumali sa pagtitipon
at hindi matawag na mangmang at patapon!

paghihintay

siguro,
marami kang kasama't karamay ngayon,
mga taong tulad kong
mahal na mahal ka..
ang pagkakaiba lang siguro
sila,
nasa tabi mo
at ako, narito..
ngunit kilala ba nila ang tunay na ikaw?
maging ako siguro'y hindi
ngunit malayo man ako
at hindi ga'no kilala
ang tunay na ikaw..
nais kong malaman mong
handa akong makilala ka
abutin man
ng ilang taon..

11.01.2005

thank god we can choose our friends

"God made relatives: thank God we can choose our friends."
.
accepting the facts of life doesn't mean i'm happy with what the circumstances are. it is just a step that leads to a certain level called "my cousins shouldn't care about me and what i do". actually, i don't really care, i just hate people talking about the things i do. it is my business and it is my freedom to do, say, and listen to what i want.
.
.
-no comment