8.27.2005

mundong kinalakihan

magigising na lamang ako isang umaga na wala na ang lahat. ang aking pananggalang at sandalan ay maglalahong parang bula. magigising na lamang sa malagim na katotohanang kailangan nang tumayo sa sariling mga paa at tiisin ang init at gaspang ng daan. kailangan na ring tanggalin sa isipang wala nang tutulong at maghahatid sa akin patungo sa pupuntahan.

ito ang mundo. ito ang mundong kinalakihan ko. ito ang mundong bumuhat sa akin patungong itaas at marahil hihila sa akin paibaba. mahirap man, pilit kong tatalikuran ang sumpang itinatak sa aking ngalan.

magigising ako isang umaga, mawala man ang lahat ay babangon pa rin. buong lakas kong tatahakin ang landas patungong kung saan ng may dalang kapayapaan sa sarili at poot na kinikimkim. bagaman magiging malubak at mahirap, ito lamang ang aking paraan upang mapatunayang kahit ako ay laking "mundo" ay may narating din. narating ko ang pinakamatayog na dapat ay pupuntahan pa lamang ng iba.
.
.
-dependent to independent

8.26.2005

nais kang makasama, kahit may iba

nasanay na ang pusong ika'y nariyan sa tabi
nagsasaling kwento at kasabay na nagtatawanan
masayang masaya pagka't oras ay di namamalayan

habang mata mo'y pinagmamasdan
isinasaulo ang bawat kilos ng mukha
dahil nag-aalala, baka puso'y manabik

sa bawat halakhak mo'y sa puso ko'y tuwa
kasiyahang nadarama dahil ika'y napapatawa
kahit sandaling panahon man lang

bisyo ka ng aking puso
nakaugalian na'ang ika'y kasakasama

bisyong nais matapos at mapigil na
pagka't puso ko'y hirap na, oo

hindi ko nais na siya'y mawala'ng hininga
masyadong nasusugal ang buhay ng aking puso
dahil sa pananabik sa iyong katauhan

puso ko'y nasanay na
nawalan na ng sariling prinsipyo
nais ka lamang makasama, may kasama ka mang iba

8.22.2005

..i hope

i won't tell you to love me
i won't plead and i won't ask
my love would remain
even without your love
..i hope

i could let go, but i won't
just by looking at your eyes
would bring back the light
even without your love
..i hope

i did try stop loving you
i did but i couldn't
my soul stayed still
even without your love
..i hope

i had to go on and leave
i had but i didn't
for there's too many way
even without your love
..i hope could.

paglalahad ng pag-ibig

hindi ako nagsasawang ulit-uliting sambitin ang bawat yugto ng ating nakaraan
bawat anggulo, bawat pangyayari, wala akong nakaliligtaan
bawat aspeto, bawat pangyayaring nagdaan, wala akong nalilimutan
walang sawang iwinawagayway ang bandila ng katotohanan
pagmamahal na wagas, pagtitimping walang bantas
walang kapagurang paglalahad ng tunay na damdamin
tulad ng isang agilang kung lumipad ay napakatayog
tulad ng kanyang mga pakpak na malayang nakalabas
walang takot, walang kabang makita at malaman ng iba ang katotohanan
walang takot, walang kabang marinig ang mga matatalim na bala ng dila
ang kanilang mga nakamamatay na panghuhusga ay hindi pinupuna
masyadong mababaw kung titimbangin gamit ang pambihirang lakas ng pag-ibig

8.19.2005

biglang pagbabalik ng kahapon

kasabay ng paghampas ng hangin sa aking mukha
nadama ko ang lamig na dala nito
binalik ang mga alaalang matagal nang naglaho

nakalipas na tagpo, pawang maliligaya't malulungkot
di man ibig ibalik, ako'y walang nagawa
dahan-dahang napangiti, napaluha

bigla siyang nagparamdam
tuloy mga balahibo'y nagtaasan
parang siya'y nasa paligid at umaaligid-aligid

anino niya aking nakita, siya nga
hindi mawari ang ibig sabihin
hindi maipaliwanag ang ibig isiwalat

ibig sumigaw, ibig tumawa
ibig ipahayag sa madla na ako'y maligaya
dahil ika'y nariyan, bagaman malayo pa rin

puso ko'y kumalabog walang tigil pa
nangangatog dahil nagagalak

buong katawan ko'y nabalutan ng balabal
pananggalang ko sa mga patalim ng kahapon

nang siya'y nagbalik, lahat ay nagbago
ngiti sa aking mukha, ligaya sa aking puso't kaluluwa

nais ay ihip ng kasalukuya'y huwag nang matapos
ibig kong bukas hanggang wakas ay siya'y nandito
katabi ko, kasama ko, minamahal at nahahagkan ko.

pala'y nagparamdam lang, dumaan lang
bumisita at nangamusta lang
anu ba 'ang kasalanan at pinarurusahan ng ganito

o aking mahal, magbalik ka na sana
ibig ika'y dumito at umupo sa aking tabi
ubusin ang maghapon sa kwento't tawanan

ibig kong ika'y magbalik, tulad ng kahapon
ibig kong ika'y muling maangkin
ibig kong damdamin mo'y magbalik

nawala na kita isang beses
nangyari na rin ang ikalawa
sana ngayo'y akin ka na talaga

8.15.2005

i just couldn't help..

i found myself in silence
beneath the crust surface

after a year or so
being invisible
me, missing her

she comes back
with confusing motives
and uncertain expectations

i found myself confused
between two treasured stones

after conquering those forgotten tears
being judged unfairly by their eyes
because of unseen truth

i came back
with an uncertain decision
for i've loved her endlessly

standing here
between this two bodies of water
i found myself still in love

after those aches and hardships
just couldn't help crying for myself
beside these two paths

katotohanan

kailan ako makatatakas sa malagim na katotohanang hindi ka magiging akin. kahit anong pilit at taim ng aking dalangin ay tila imposibleng ika'y paibigin. ang alay ko'y wagas na pag-ibig, ang alay mo'y katas ng pagkakaibigan lamang, magkasalungat at magkaibang salitang kailan ma'y hindi magtutugma.

hindi ko nababasa ang nilalaman ng iyong dibdib. hindi ko malalaman hangga't hindi mo ipaaalam. alam mo't dama mong ika'y aking sinisinta hanggang sa kasalukuyan kaya't sana'y huwag mong pigilan ang sinasambit ng iyong puso. mahal kita at handa akong magparaya kung kinakailangan at kung ito ang iyong nais.
.
.
-pagpapahayag ng damdaming walang nais kundi kaligayahan ng iniibig

8.14.2005

over you?

i was almost done getting over you, convincing myself on some way it'll be true
i even had time to play and have fun because i thought i'm done with you
i was walking straight with my head straight up, not expecting
i'd fall but when you came and showed, you ruined it all.
.
.
-inspired by: a quote sent by Marianne last 032605

8.11.2005

poetry

there is freedom, old men can tell
an imaginary world, made up by you
it is seldom, you should know
a fictional world, made to turn true
if you'd want to be free
like a bird, you could see
poetry wouldn't take any fee
just be in love with poetry
.
.
-after the lesson poetry

8.09.2005

ang obra ni ina

ako'y napaupo sa silyang yari sa kawayan dahil sa labis na kapaguran. nais ko sanang sandaling tumakas sa mga problemang gumugulo sa akin ngunit hindi yata mabisa hanggang sa nakita ko ang mga obra nabalot na ng mga sapot at agiw.

ito ang mga obrang koleksyon ng aking ina, iginuhit niya ilang taon na'ng nakaraan. iba-iba ang kanyang ipininta, may karagatan at bundok, may ibon at mga prutas. bihira ang tao sa kanyang koleksyon kaya't sa mga obrang patungkol sa kalikasan ako nahalina.

inisa-isa ko ang mga obra at tila damdamin ko'y hinihila ng bawat isa. dahan-dahang inanyaya ako patungo sa ibang mundo. isang simple na mundo na may tahimik at maayos na tanawin ang sumalubong sa akin.

ang sikat ng araw ay matingkad, nakasisilaw ng mga isda sa malinaw na ilog. ang mga ibo'y nagkakantahan, tila sayang saya sa laki ng bundok na siyang pinamumugaran. lahat ay simple maliban sa mga bulaklak na umagaw sa aking pansin, tila bahagharing nalaglag mula sa alapaap. ang lugar y perpekto't tahimik 'di tulad ng aking tinitirhan.

nang ako'y nalingat dahil sa isang iyak na narinig, isang agila ang aking nakita. hindi sa kalangitan kundi sa papag ko siya natagpuan. naghihingalo. ang mga mata niya'y naluluha, namamaos ang tinig dahil sa kasisigaw sa sakit na nadarama, mga pakpak niya'y hinang-hina, halos walang buto kung aking titingnan.

nais kong tumulong ngunit wala akong magawa. wala akong maintindihan sa kanyang mga daing, wala akong maitulong sa kanyang mga problema't sakit.

ilang sandali pa't kinuha na siya. kitang-kita ng aking mga mata ang kanyang paghihirap at pagpanaw.

nagbalik ako sa sarili na tila bagong silang na sanggol, isang batang bago sa lahat ng bagay. nagbago ang pag-iisip, pag-unawa't pagtingin ko. nabago ang tingin at pananaw sa buhay. hindi ko maipaliwanag, ang masasabi ko lamang "ako'y may natutunan sa obra ni ina."
.
.
-ang lahat..kahit malalakas, may kahinaan
-paintings and exhibit

8.07.2005

si anne sa aking telenovela

sa pagbukas ng mga talukap, sikat ng araw na ang sumalubong sa aking mga mata. kasabay ng pagbati ng umaga, pumasok sa aking isipan ang mga nakatakdang gawin buong araw. agad akong tumayo at pilit binanlawan ang mga dumi't pag-aalalang nakaatang sa aking mga balikat.

lumabas ako ng bahay at hinigop ang maaliwalas at sariwang hangin, bitbit ang susi at maletang negosyante ang dating. tumuloy na ako sa trabaho, huminto sa sakayan upang maghintay ng masasakyang bus. nagmamadali ang madla, tila magugunaw na ang mundo para sa kanila. samantalang ako, nakatayo at nakatanga sa bangketa na tila bang siyang nagdidikya ng oras. dumating na ang biyahe kaya't napilitang gumalaw ang naninigas at nakatangang tuhod.

bumaba ako ng bus nang dumating na sa may opisina. sa aking pagbaba, nanatili ang kalmadong bangkay kong katawan. dahandahan kong tinahak ang mahabang bangketa. mula sa kinalalagyan ko, nasilayan ko na ang guwardiya, nagpapahiwatig lamang na ako'y malapit nang hatulan. pilit kong binagalan ang bawat hakbang nang tamaan ako ng isang natatanging liwanag malapit sa aking tagiliran. si anne pala, ang matagal ko nang pinapangarap na dilag. sabi na nga ba.

ang ganda niya'y sadyang nakasisilaw, masasabing mas maliwanag pa sa sikat ng araw. ang kanyang bilugang mukha't mata, mamula-mulang mga pisngi at nakaaakit na labi, tila isang obra na perpekto sa bawat ukit. ang kanyang mahinhing galaw at malumanay na boses na parang anghel, nakagagaan tingnan at pakinggan. tunay ngang nakabibighani. nakagagalak. nakabubuo ng araw.

naku! nawala sa aking isipang huli na pala ako--huling huli sa trabaho! nagsimula na akong magmadali at nagtatatakbo, pilit hinabol ang oras na nasayang sa guniguni. isang guniguning hindi magsasawang ulit-ulitin, hindi pagsisisihan, masabon man ni boss.

nang makarating ako ng opisina, may giyera nanaman. galit na nagsisisigaw si boss nang makita ako. naghihimutok sa galit! 'di ko ibig masira ang araw na binuo ni anne kaya't tumuloy na ako sa trabaho tulad ng nakaugalian. natapos ako bago mag-alas-singko na para bang sampung taon. labis labis ang pagkabagot at pagkakati ng aking mga paa sa dami ng trabaho't tagal ng oras.

tulad ng dati, tinabi ko lang ang aking mga gamit at ako'y lumayas na, iniwang muli ang opisinang nadaanan ng bagyo.

sa paglabas ko sa gusali, dali-dali kong nilisan ang lugar. nag-iwan ng alaalang hindi na nais maalala pa maliban sa isang bagay--si anne.

papauwi na sana ngunit nagbago ang isip ko. nakita ko siyang muli--si anne uli. nasilayan kong muli ang labis na kagandahan ng kalikasan. hindi ko napansing ako'y napangiti at nang siya'y biglang napalingat, siya'y napangiti rin o baka'y natawa sa reaksyon ng aking mukhang nakangisi sa kung anu man.

pangalan lamang ang alam ko sa kanya bukod sa kanyang tirahan at edad ay wala nang iba. wala akong ideya kung ako'y kilala niya, basta't masaya ako tuwing siya'y aking nakikita. naglalaho ang mga bagay sa paligid at siya lamang ang natitira. natatanggal niya pati ang pagod ko, nakagiginhawa, nakagagaan ng pakiramdam. ang kakaibang kilos at halimuyak ng kanyang buhok na humahalina sa akin tuwing siya'y aking nakikita. nakapanggigigil, nakapangaakit at nakabibighaning totoo. ano ba'ng meron?

sumakay ako ng dyip patungong kung saan. hindi ko na inalam. nais ko lamang ay mapunta sa iba ang aking utak kaya't hinayaan ko na ang tsuper magdesisyon kung saan ako ibababa. tila utak at puso ko'y sasabog na sa dami ng iniisip, bukod sa trabaho sa opisina, may anne pang hindi mawala-wala sa eksena. para siyang bida sa telenovela ng buhay ko.

bumaba ako sa isang lugar na may karagatan. hindi ko alam kung saan at kung paano makababali, basta't gumanda ang pakiramdam ko nang makita ko ang paraisong iyon. inikot ko ang aking ulo at wala akong nakitang tao kundi sarili ko. "nas'an ba ako?" tanong ko sa sarili ko.

tahimik ang lugay at maayos, ang dagat ay nakabibingi. muli, dahan-dahan akong nilamon ng kalungkutan, hinanap ng mga mata ang anino ni anne at ang mga tenga ang boses. ninais ng utak at pusong makapiling siya. kakaibang pakiramdam ang bumalot sa aking katawan, marahil, mahal ko nga siya, hindi ko lang maipaliwanag at maamin sa aking sarili. wala nang pumapasok sa akin kundi siya. paulit-ulit na sinasambit ang kanyang ngalan. ilang sandali pa't tuluyan nang umikot na sa aking isipan ang mga bagay na ito, mata nama'y biglang nakita ang anino niyang wala naman sa nasabing lugar.

panibagong mga liwanag ang dumating, mabilis na dumadaan paitaas. ano ito!! katawan ko'y nanlambot at talukap ko'y unti-unting muling nagsara (ospital, daan papuntang er)

ilang sandali, ako'y nagising. minulat ang mga mata at nasilaw sa kaputian ng paligid. "gising na siya" sigaw ng isa. tugon ko nama'y "nasa'n ba ko?" malumanay nilang kwinento ang mga nangyari. ako pala'y kamuntik nang sumama kay pedro nang pumagitan kay anne at isang nagmamadaling dyip patungong langit.

wala nang magagawa kahit pilit kong iniligtas si anne. wala akong nagawa. siya ang kinuha sa halip na sana'y ako na lamang. sa isang iglap, sa isang kisapmata'y naglaho ang lahat. naglaho ang kanyang kagandahan, ang aking liwanag, ang aking pinagkukuhanan ng lakas. ang kanyang bilugang mukha't mata, mamula-mulang mga pisngi at malabong anino ay tuluyan nang naglaho. hindi man matanggap na ganda niya'y 'di na masisilayan, bagaman masakit at mahirap, wala nang dapat isipin pa. wala nang dapat gawin pa maliban sa limutin at gawing kathang-isip lamang siya, ang pinapangarap kong dilag.

minsan, hindi ko mapigilang mapatigil at matulala sa kawalan. tuwing naaalala, walang maitatak sa aking isipan kundi pagsisisi na sana nagkakilala kami, nagkausap at nagkasama. pinagsisisihang kung bakit kailangan pang dumating ang dyip sa eksena upang tapusin ang telenovelang noon ay giliw na giliw akong panuorin.
.
.
-sakripisyo ng kaibigan ni pedro

8.06.2005

jealous

don't bother coming over
spending minutes of your life
with this man offering his all
and you? offering friendship?
that he truly hates and never appreciates

it's your care for him he knows
your presence and not your friendship

you make him feel still
stupid, jealous and unknown with your own man
a man he doesn't know exist and
never wanted to know for
it hurts for him to swallow this fact

of course, that offer is just then
uncomparable with what he has to offer

it is fate for him
to stop, wait and be jealous forever
it is fate for him
to fall and not hope for your heart anymore
it is fate for him
to never try having you
to never try stepping further
but just to wish you happiness
and just be jealous for everything
you narrate to him

8.01.2005

familia

the graceful turns of life
led me back to the point
where my mind has long forgotten
and my feet has long never felt

it reminded me of you
people, who brought me up to this
where i am right now

the rough roads of life
led me back to that point
where my heart has long longed
and my arms has long never felt

the warmth embrace of love
of tender care and support
only a family could bring truly
.
.
-factual
-family