7.26.2005

pangarap kong kolehiyo

nagising ako isang umaga
buwan ay hunyo numero'y otso
'di makapaniwalang ito'y totoo

mula sa aking baro
hanggang sa mga gamit kolehiyo
lahat nakahanda't nakasampay na
halatang hinanda kagabi pa

ako'y nananabik
masayang may halong kaba
isang pangarap
matagal ko nang inasam-asam
at ngayon nagkatotoo na!

'pag pasok ko ng klase
propesorang matalim ang mga titig
tila tigreng uhaw sa dugo
striktong panaksak ang bibig
tila mahabang itak
na bawat saksak ay tagas ng dugo

nagulantang ang mundo ko
pati na rin aking pagkatao
nang kanyang sambiting
mga taga-maynila raw
pawang palikero't barbero

mga binitiwang salitang
hindi na nabura sa aking isipan

buti pala't ako'y galing baguio
hindi isang barbero

natapos ang isang araw
unang araw ng kabarberuhan
tila nasa perya't
nang ako'y ginulat ng kultura
ibang iba sa nakaugalian

nagpatuloy kalbaryo ng buhay
unos at bagyo
may nyebe't tag-araw din

natapos sa yugtong
kabarberuha'y ganap na
daang porsyentong
isang taga-bayan na

tama na nga'ng pananaginip!
kailanma'y 'di ito mangyayari
mamaya't may klase pa
sa mababang paaralan
sa bayan na tawag ay baguio.
.
.
-naghihintay ang unibersidad
-pananabik sa kolehiyo