12.26.2005

malamig na pasko

dahan-dahang hinipan ni satanas
pagbubuyo at nakakakiliting bulong
pawang sumasanib sa nalilitong damdamin
inabuso ang kahinaan ng nag-iisang katauhan

pinuno ng galit ni satanas ang puso
piniringan at nilagyan ng bulak ang mga tainga
hinayaang manakit ng mga minamahal sa buhay
hinayaang masaktan nang hindi namamalayan

sa bawat ihip ng malamig na pasko
kasabay naman ng pagtagas ng malagkit na dugo
nagmumula sa mata, pilit bumabaon,
sumasaksak ng madiin sa pusong nakalimutang alagaan
walang awang hinagupit ng mahabang buntot
ang kaawa-awang inahin na walang kalaban-laban
ibig mang tumayo at sumabay, pinipigilan ng pagmamahal
pag-aalala at paghahanda sa kanyang mga inakay

lumuluha ang mga inakay sa pugad
tila nais lumipad at ipagtanggol ang inaaping nanay
laban sa mapanlinlang na satanas
at masunuring haligi ng tahanang pugad

12.16.2005

am i loving you too much

i want to make you smile
each time there's a chance
to let you know and feel
that i'm just here and not that far
i want to give you everything
anything and everything i own
i'm not rich or wealthy enough
you just really mean a lot to me
i want to see you almost everyday
to see you and hear your sweet soft voice
that pleases my ears each time i hear
now tell me beb, am i loving you too much?

12.13.2005

out of the blue, i..

out of the blue, you came across of my mind and reminded me yesterday. after a long time, we met once again. we were sitting side by side, looking at each other's eyes and talking softly so no one could hear, but us. i was trying to figure out what happened next. then, out of the blue, i smiled. it reminded me the times when everything was against us. everything was hard and seemed impossible, but we still pulled it together believing the feeling we were feeling called love. i realized that what we have now is just a fruit of what we've planted two years ago. i just wonder how we did it. out of the blue, i felt the feeling yesterday when i was still with you, the longing of your touch and embrace, the deep longing of your care and comfort. i wanted to hug you but i can't. i wanted to sit closer but everyone's looking. i wanted to talk and laugh like there's no one around but i can't. i wanted to protect the secret we've been hiding. i was like a volcano waiting to errupt. i couldn't express my feeling in any way i wanted. out of the blue, i felt like i wanted to see you everyday, be with you if there's any chance, show you how much i love you and how much i miss you and how much i need you. out of the blue, we're apart once again and finding myself missing you once again for an unknown reason.

12.05.2005

ang buhay sa labas ng bahay

si jomar ay kasama sa isang pulutong ng langgam na kilala sa lipunan. maganda ang pagkakakilala ng madla sa grupong ito na kanyang kinabibilangan ngunit taliwas ito sa kanyang ikinikilos. si jomar ay tamad, palikero at hindi nagpapahalaga palibhasa'y maraming kaibigang tulad niyang hambog at batugan.

walang kinatatakutan si jomar ngunit lubha siyang umiiwas sa mga responsibilitad na maaaring kumitil sa kanyang mga kaligayahan.

hindi naglaon at nagsawa siya sa buhay na kinagisnan. umalis siya sa grupo at nagpasyang maglakbay. dala-dala ang kaunting kaalaman sa buhay, napadpad siya sa isang grupong hindi naiiba sa kultura niya. at dahil sa mga bagong kaibigang nakilala at bagong kapaligirang kinakasama, tumuwid ang kanyang buhay. nalaman niyang hindi mahirap humawak ng responsibilidad. nagsikap siyang bawiin ang mga oras na nasayang ngunit walang pagsisising nadama si jomar sa kanyang puso. hindi niya pinagsisihan ang mga pagkakamali. nanatili siya roon ng dalawang taon at tumuloy sa kanyang paglalakbay. bitbit ang mga mabibigat na bagong kaalaman at talentong natutunan, isang bagong grupo ang kanyang natagpuan.

tinanggap siya ng grupong ito kahit ibang-iba ang kultura. nakilala siya at muling nagsikap. iba ang kanyang naging pakiramdam sa bagong tahanan, tila namangha sa bagong kulturang pinag-aaralan. ninais niyang bumisita sa grupong kanyang iniwan nang makilala niya si race, ang pinagkakaguluhan ng halos lahat ng matitipunong langgam sa grupo. at tulad ng mga ibang langgam na nahuhumaling kay race, nangyari ang hindi inaasahan sa buhay ni jomar. kahit si jomar ay walang himaton sa kanyang nadama.

si race ay simple, tahimik at masipag, may mala-prinsesang ganda at natatanging ngiti na bumabasag sa lamig ng araw. naakit si jomar kay race. nagkakilala at nagkamabutihan ang dalawa.

ilang taon din ang lumipas at kailangan nang lumisan ni jomar. bagaman masaya siya sa bagong tahanan at sa piling ni race, hindi ito ang buhay at kulturang nakatadhana sa kanya. umalis siya ng biglaan at tuluyang napahiwalay kay race.

tuloy na naglakbay ang langgam at napahinto sa grupong may kulturang tulad ng sa kanya. hindi ito pinaghandaan. hindi ito maluwag sa puso ni jomar. tila bumalik siya sa lugar kung saan siya unang lumisan. tumagal siya rito, nagsikap at pilit kinalimutan at itinago ang pananabik niya kay race. nagtagumpay siya ngunit tila kulang ang kaligayahang nadarama. bumisita siya at muling nakita si race. hindi niya inasahang muling mabubuhay ang damdaming matagal na niyang pinatay. muli silang nagpalitan ng mga sulat at muling nagkaintindihang parang hindi nalalayo sa isa't isa.

nagsisi si jomar at nainis sa sarili. pinahalagahan niya si race at minahal ng lubos kahit iba ang kultura at malayo sa isa't isa. pinatunayan niyang handa niyang ipaglaban si race.

tuwing siya'y bumabalik sa mga grupong kanyang dinaanan, wala pa rin siyang nararamdamang pagsisisi at paghihinayang. katunayan, napapangiti na lamang siya tuwing nakikita ang mga kasama niya dati na namomoblema sa mga problemang nasagutan na niya..matagal na. ngayon, hinaharap niya ang bagong karanasan ng buhay sa labas ng bahay kasama si race.


may buhay sa labas ng bahay na hindi maiintidihan at malalaman hanggat hindi mararanasan. kahit anong kwento at anung pagpapaliwanag ang gawin, ang karanasan ay magtuturo sayo ng tunay na kaalaman.

11.28.2005

telepono

nag-aalala ako tuwing ang boses mo'y walang sigla. tila dibdib ko'y naninikip tuwing naririnig ang damdamin mong malamig. nais kang tulungan o samahan man lang ngunit walang magawa kundi umupo at makinig sa teleponong nagdurusa sapagkat sa layo ng distansya'y bihira ang mga pagkakataong ika'y makasama. walang magawa kundi tumunganga, damayan ka at umasang makatulong kahit kaunti. mahal ko, patawad.

binabasag ng telepono ang matagal na pangungulila ko sa iyo. ipinaparating din nito ang tunay na pagsinta ko sa iyo na sana'y nadarama mo. tuwing ang telepono ko ay tumutunog at ngalan mo ang nakikita, kalabog sa aking dibdib at pananabik ang nadarama. hindi mawari ang pakiramdam, tila boses mo'y gintong nagpapayaman sa aking labi at bumubusog sa aking puso. habang kausap ka, minsan ako'y nauubusan ng masasabi, nawawala sa aking sarili at sasabay sa mahamog na hangin. pupuntahan ka, pagmamasdan ka at sasabihing mahal kita. magugulat na lamang ako at sasagot ka rin ng "mahal din kita." nawala sa isip na magkausap pa pala tayo sa telepono.

hindi inaalintana ang layo o ang hirap ng pagsasama. mahirap man ang sitwasyon at puno ng sagabal, dahil sa wagas na pagmamahal, pagtitiwala at sa maliit na tulong ng telepono, nagagawan ng paraan.

11.27.2005

ang iyong oo

sinabog na ng rosas ang kanyang mga talulot
binigkas na ng ibon ang kanyang piyesa
tinula na ng makata ang kanyang obra
nahati na ang langit kasabay ng pagsikat ng araw
sumibol na ang mga paghihirap ng bawat isa

niyakap na ako ng iyong pagmamahal
hinagkan at pinamalas ang iyong pag-aalala
kawangis ng aking pagmamahal sayo..
sinambit mo ang mahal kita, mahal ko
at sinigaw ang purong oo

loving needs acceptance

loving someone needs acceptance, accepting who she really is, what she wants, needs, likes and hates, accepting who she really was and still loving her without any complains and doubts. accepting needs courage. loving needs courage. when we love, when we accept the facts and situations, courage would be the next weapon we’ll be needing to accept and still love the person and even loving the person more because you know that she needs you more, your care and love for her. it is when you realize that she is worth accepting and worth fighting for. it is when you consider her as a blessing and not a responsibility. it is when you find the real meaning of life, the real magic of love, both of you desired and now enjoying. it is when you realize that your love is nothing but true and great love that sacrificing everything would be nothing for someone as special, as kind, as beautiful and wonderful as her.

11.14.2005

tunay na kaligayahan

mahirap bang tanggaping ito ang kaligayahan niya, ang pinagmumulan ng kanyang mga ngiti at halakhak, saya at lakas upang patuloy na harapin ang buhay na miserable? mahirap bang pagbigyang maging maligaya ang isang taong malapit at mahalaga sa iyong puso? mahirap bang tanggapin na ang bawat indibidwal ay may iba't ibang kaligayahan at maaaring hindi maintindihan ng iba?

ang bawat nilalang, sa kasamaang-palad ay may iba't ibang uri ng kaligayahan. ito'y maaaring maging isang lugay, bagay, memorya, tao at kung anu-ano pa, basta't ito'y espesyal. ito ang kaligayahang hindi mo ipagpapalit sa kahit anong bagay at aalagaan mong mabuti hanggat maaari dahil alam mo sa sarili mong ito ang bagay na matagal mo nang inaasam-asam at ang natatanging bagay na magbibigay daan upang matanto ang ganap na kaligayahan sa iyong puso.

tulad ng isang batang aliw na aliw sa kanyang saranggola na walang nakakaalam kung bakit. ang hindi alam ng madla na ito'y yari at regalo ng kanyang amang matagal nawala. tulad ng isang espesyal na lugar kung saan huli "kayong" nagkita, mga memorya ng iyong naglahong irog at kung anu-ano pa. mga simpleng bagay na nagbibigay ngiti sa kung sinu mang nagmamay-ari ng alaala o katauhan. anu man ang sa iyo, ang mahalaga ay kung paano mo ito aalagaan, patuloy na pahahalagahan at mamahalin at hindi hahayaang kunin ng iba pagka't dito nakasalalay ang kaligayahang tunay.

ang kaligayahan ng iba ay hindi mo na sakop, maging sino ka man. walang karapatan ang ibang nilalang upang diktahan at pigilan ka kung saan ka dapat lumigaya at kung paano ka liligaya. kailangan mong maging malaya dahil sa ganitong paraan mo lamang malalaman ang tunay at ganap sa kaligayahan a kung gaano kasarap mabuhay. minsa'y kailangan ng hirap, kaunting pawis at bilang na pagsubong upang makamit ito, nasa sa iyo na lamang kung handa mong isugal ang lahat para sa iyo at sa iyong kaligayahan.

11.12.2005

untitled [[ a special gift ]]

when i reminisce
and start to think about you
the way you smile and the way you talk
i could not prevent my lips from smiling
for the reason.. i never really knew
maybe because of the good and happy memories
you and i shared dearly before
maybe because of the love i feel for you
a long long time ago.. until now
maybe because of the person in you
that took the man in me
or maybe.. just maybe because i was just amazed
for i've never seen a princess with such beauty..
a simple yet wonderful princess
that i would always treasure
every single moment of my life..
though weeks and years had passed,
the love that was given to you
never really died
day by day, i would think of you,
stare at your picture and continue to wonder..
..are you all right?
well, i'm not.
i miss you and i want you to know that.
the way you smile and the way you talk
the way we pulled our past together.
i could not prevent my tears from falling
for a reason.. i love you.
day by day, i would tell my friends
how we did it all
both our happiness and struggles..
i would tell them how much i love you
how much i miss you and
how much i want you back.
today, i'm loving you fully..
without exceptions,
i'm giving you my all.

11.02.2005

ang pagtitipon ng mga mangmang

nagkaroon ng isang pagtitipon
sa bayan malapit sa nayon
mga mangmang ang dumalo
nagsalu-salo bitbit kanilang mga apo

nag-usapusap ang mga mangmang
tila paksa'y alam na alam
araw ng patay no'n
nang sa puso ko'y patay ay bumangon

galit akong tumitig sa kanila
kamandag ng mga matang ayaw tumila
pesteng matatanda..
buhay pa sana kayo sa aking pagtanda

araw pa naman ng mga patay ngayon
gusto atang magkaro'n ng sakuna sa nayon
pilit kong tiniis at huwag mag-init
huwag ka lang muling bibirit

kasama sa pagtitipon ang aking ama
tahimik na nakikinig sa mga patapon
tila natututo sa kuru-kuro ng mga mangmang
mga matatalinong opinyon ng mga hunghang

nagngingitngit ako sa galit
at bakit may nabubuhay pang ganito sa paligid
makikitid ang mga utak
at mga budhi'y kasing-itim ng latak

pesteng mga tao 'to
ba't ba ko nasama dito?
nagtipon-tipon pa
wala namang nasasabing tama

hoy! ikaw! kung sino ka man!
mag-aral ka nga para ika'y may laman
para hindi na kailangan pang sumali sa pagtitipon
at hindi matawag na mangmang at patapon!

paghihintay

siguro,
marami kang kasama't karamay ngayon,
mga taong tulad kong
mahal na mahal ka..
ang pagkakaiba lang siguro
sila,
nasa tabi mo
at ako, narito..
ngunit kilala ba nila ang tunay na ikaw?
maging ako siguro'y hindi
ngunit malayo man ako
at hindi ga'no kilala
ang tunay na ikaw..
nais kong malaman mong
handa akong makilala ka
abutin man
ng ilang taon..

11.01.2005

thank god we can choose our friends

"God made relatives: thank God we can choose our friends."
.
accepting the facts of life doesn't mean i'm happy with what the circumstances are. it is just a step that leads to a certain level called "my cousins shouldn't care about me and what i do". actually, i don't really care, i just hate people talking about the things i do. it is my business and it is my freedom to do, say, and listen to what i want.
.
.
-no comment

10.21.2005

pangamba sa bukas

dati, ang nais lamang ni pepe ay magkaro'n ng matiwasay na pamilya, mga dalawa o apat na anak at simpleng asawa, magandang trabaho at salapi. hindi na niya inisip ang magiging trabaho noong panahong iyon, ang nais lamang ay maging mayaman at magpakayaman pa dahil sa kapanahunang paniniwalang magiging maligaya kung magiging makwarta hanggang dumating ang araw na hindi inaasahan. biglang siyang napatigil at napaisip sa gitna ng kung saan. nagsimula siyang magtaka sa mga buhay meron ang iba, mga dahilan ng kanilang kaligayahan at pag-aaway at kalungkutan. "pera" ang naging sagot. nag-alala siya para sa sariling kinabukasan. hindi inakalang magiging ganito ang takbo ng lahat. hindi inakalang magtataka at magtatanong tungkol sa paksang ito.

dumating at huminto sa puntong ninais na niyang hindi mag-asawa. sinimulan niyang pahalagahan ang sariling kaligayahan. natantong ang pag-aasawa'y hindi kailangan upang maging masaya. ang salapi ay hindi kailangan upang maging masaya. magiging masaya ang buhay, may asawa man o wala, mayaman man o hindi, dahil nakasalalay kay pepe..kung ano ang nais niya, ang pangarap na aabutin niya. nabuksan ang kanyang isip sa mga bagay-bagay na dati'y kinakatakutan pa. natuwa at nahinto ang pag-aalalang nadarama noon. ngayon, wala na siyang pangamba, bawat araw ay sinusulit at pinahahalagahan na. itinuri buhay ang buhay at hindi isang responsibilidad.

10.19.2005

it's there: love for you

it just comes back every now and then
keep coming and not wanting to die
like a pest, a plague, a problem maybe
a kind of dilemma or quandary of it
it will haunt and suddenly stop
but one thing's for sure..it's with you
can't you see, i'm clueless right now
a feeling, a state, where i never wanted to be
when i reminisce, i can't prevent you
and before i avoid..it's already there
it's there..with you
flowing in the surface of my cheeks
hurting and crying for the moments past
wishing and hoping someday it'll relive
o i think it's love..a true love of course
full of hope and overflowing memories
treasured and cared underneath..
the pillow of everlasting love for you

10.06.2005

prinsesa ng mga enkantada

ang enkantadang ngalan ay prinsesa
nagtataglay ng katalinuhan
at walang kamatayang ganda
ikaw, ang dilag na gumapos at naghari
sa puso, isipan, kaluluwa at panaginip
bagaman tila bituing mahirap abutin
ako at puso'y walang sawang naghihintay
pilit inaabot at nananatiling humahanga
sa buong ikaw at wala nang iba.
ako ay nananalangin at walang sawang umaasa
balang araw, pagtitiyaga ko'y masuklian din
nais lamang ay makita kang muli
makausap at balang araw ay makasama
nais lamang ay makasama kang muli..muli,
makapiling at kung maaari'y manatili,
kahit isang saglit, kahit isang ulit man lang..
pagkakatao'y hindi na palalampasin
at susulitin bawat oras na tinadhana sa atin.
sana, maulit muli ang dati..
mga panahong magkasama't nakikita ka pa
mga oras na lumipas at pagkakataong nagdaan
o nasayang lang..
ikaw, enkantadang prinsesa ng buhay ko..
hindi ba halatang mahal kita
at wala nang iba

10.04.2005

another clueless situation of a being

hindi maintindihan ang nais
walang malay sa ibig ipahiwatig
nagtataka at nag-iisip
mga maaaring rason kung bakit
hindi ibig malaman ang katotohanan
walang luhang nais pumatak
nababagabag at napapa-isip
mga maaaring daan kung paano
----------
hindi nais masaktan
alinmang desisyong piliin
nais lamang ay maging maligaya
ako at ikaw at ako at ikaw

10.03.2005

my contrasting feelings of love

that musical chime is ringing once again
pleasing my ears and delights my senses
somewhat arousing the feelings i'm having

here comes the owner of the great chime
the source, the reason, who possesses all
not knowing what her intentions are..

though i'm starting to fall for her, once again!
though i hate to, though i doubt..
i think, i guess, i've fallen, once again!

o wait, my friend, for i may be wrong..
i'm tired of thinking, my heart is breaking
i think and i believe, that, that love never left

though i'm scared to choosing and breaking
excited yet shaking, in a decision i hate to do
the risk i hate to take but love to have

9.29.2005

nagtataka, nahihilo sa gulo

i was given two contrasting options
--one serious decision
that may cause an everlasting regret
tomorrow..

go back, live again the life before
altering the past into a present one

or, proceed to what i call present
accepting a new and exciting rebirth
-------

no clues nor marks were given
just a question that leads to a decision
soon, that decision may lead to a regret
that tomorrow i'll face, if not today

paraiso

wide green prairie that seemed peaceful
birds singing above eternal paradise
there, my house stood firmly
beneath the promised land
across the hilly ground
there, i planted my feet under
slowly appreciating my land
my land i own, i call paraiso
this is mine..
who dare own, i shall kill
for i've loved this place
that my heart cannot erase

9.26.2005

an unconditional love

i don't want to expect anything from you
nor hope someday we'll be together again

some things have changed
but my love hasn't
for it remained true even without a view
or just a shadow of you..

then until now, it remained the same
though can't be seen by those query eyes

i don't know what to say, i'm just happy
believing you're here and not that far

sometimes, having that feeling
that you're there incase something happens
gives me a reason to smile, out of the blue

then until now, i just couldn't stop reminiscing
for then, i swallowed my pride
and declared an unconditional love for you..
.
.
-unconditional - not modified or restricted by reservations

9.09.2005

may natutunan ako ngayong araw

may natutunan ako ngayong araw, kani-kanina lamang.

kanina, habang ako'y nasa klase at wala sa sariling kamalayan, may mga salitang nabanggit ang aking guro na umagaw sa aking atensyon. sa lahat daw ng bagay, mga ginawa, ginagawa at gagawin pa lamang ay dapat may nararapat na rason. agad na sumagi sa aking isipan ang anino ni anna, ang babaeng lihim kong sinisinta.

si anna ay simple, lapitin ng mga lalaki dahil sa taglay na kabaitan. masipag, matalino at dahil dito ay laging nauutusan ng halos lahat ng mga guro. palibhasa ay masyadong responsable. katunayan, siya'y tinitingala at kinaiinggitan ng iba dahil sa mga puring natatanggap.

kung ikukumpara sa akin, ako'y parang dumi lamang ng kalabaw na masaya na kung may langaw na dadapo. kung literal na titingnan, imposibleng tumugma.

sinisinta ko si anna hindi dahil siya ay maganda at kung anu pa. sa palagay ko'y mahal ko siya ngunit hindi dahil sa mga rasong nabanggit ko kani-kanina lamang, kundi tuwing kausap ko siya'y pakiramdam ko'y ako ang totoong ako, walang pagpapanggap. ..ang tanging nililihim ko lamang sa kanya, sinisinta ko siya.

dumating sa puntong ninais ko nang malaman niya ang nasa loob ko. walang takot kong ipinaalam sa kanya ang matagal ko nang natatagong damdamin ngunit puno na pala ang puso niya. sa dami ng mga taong nasa puso niya'y wala nang espasyo. wala nang lugar para sa akin.

ngayon, ako'y nahuli ng isang katanungan, dalawang daang magkaiba ang patutunguhan. ako ba'y hihinto na at makakalimot o patuloy pa ring mangangarap at aasang bukas ay iibigin din.

pagod na kong mag-isip. pagod na kong umasa. pagod na rin akong maghanap ng rason. pagod na pagod na ko ngunit mahal ko siya. magparaya ba ang sagot?

ngayong alam na niya ang nasa loob ko, hindi ko na alam ang susunod kong gagawin. ano ba talaga ang rason ng paghihirap na ito?

9.07.2005

seloso

nabuo ang araw ko nang ika'y aking makita. natuwa ako nang masilayan ko ang iyong ganda. mula sa malayong lugar, ika'y pilit tinitigan, pinagmasdan at binantayan. malayo man, kitang kita ko pa rin ang ngiti sa iyong mukha, tila sayang saya sa kwentuhan. ang mga kilos mo'y halos nasaulo ko na, mga ngiti mong totoo at mga halakhak na puno ng galak. masasabing masaya ka nga.

nais kita puntahan at makausap kahit isang saglit man lang. nais ko sanang sumalo sa iyong kaligayahan ngunit habang ika'y pinagmamasdan, nagbago ang aking isip. nagbago ang direksyon ng ihip ng hangin. biglang umulan at kumulog ng napakalakas sa loob ng dibdib ko. nakita ko ang kausap mo. siya pala, kaya pala.

9.05.2005

tulad ng isang pulang rosas sa hardin

tulad ng isang pulang rosas sa hardin
maraming humahanga't nahahalina
sa ganda't halimuyak na kanyang taglay
---
tulad ng isang pulang rosas sa hardin
na napalilibutan ng damo't dumi
kahit sa iisang lupa nakatirik
lumilitaw ang tunay na angking ganda
---
tulad ng isang pulang rosas sa hardin
sa biglang tingi'y ordinaryong rosas lang
mamulamula't nakagagaan tingnan
---
tulad ng isang pulang rosas sa hardin
akala mo'y walang problema't masaya
ngunit ang mga sakit niya'y nakatago
nababalot sa matatalim n'yang tinik
---
tulad ng isang pulang rosas sa hardin
mahalin man ng bubuyog ay 'di sapat
angkinin man ng mga tao ay 'di dapat
---
tulad ng isang pulang rosas sa hardin
hipan man ng hangin ay 'di malalaglag
pilit susunod sa hampas at babalik
muli, siya'y nakatayo at nag-iisa
---
tulad ng isang pulang rosas sa hardin
tunay na may ganda saan man ilagay
may ibig sabihing hindi man mawari
---
tulad ng isang pulang rosas sa hardin
sa plorera man, baso o plastik lamang
saan man ilagay, babagay kailan man
pagka't ganda niya'y natatangi lamang
---
tulad ng isang pulang rosas sa hardin
hindi mo maiintindihan ng lubos
hangga't hindi mo iibigin ng lubos

8.27.2005

mundong kinalakihan

magigising na lamang ako isang umaga na wala na ang lahat. ang aking pananggalang at sandalan ay maglalahong parang bula. magigising na lamang sa malagim na katotohanang kailangan nang tumayo sa sariling mga paa at tiisin ang init at gaspang ng daan. kailangan na ring tanggalin sa isipang wala nang tutulong at maghahatid sa akin patungo sa pupuntahan.

ito ang mundo. ito ang mundong kinalakihan ko. ito ang mundong bumuhat sa akin patungong itaas at marahil hihila sa akin paibaba. mahirap man, pilit kong tatalikuran ang sumpang itinatak sa aking ngalan.

magigising ako isang umaga, mawala man ang lahat ay babangon pa rin. buong lakas kong tatahakin ang landas patungong kung saan ng may dalang kapayapaan sa sarili at poot na kinikimkim. bagaman magiging malubak at mahirap, ito lamang ang aking paraan upang mapatunayang kahit ako ay laking "mundo" ay may narating din. narating ko ang pinakamatayog na dapat ay pupuntahan pa lamang ng iba.
.
.
-dependent to independent

8.26.2005

nais kang makasama, kahit may iba

nasanay na ang pusong ika'y nariyan sa tabi
nagsasaling kwento at kasabay na nagtatawanan
masayang masaya pagka't oras ay di namamalayan

habang mata mo'y pinagmamasdan
isinasaulo ang bawat kilos ng mukha
dahil nag-aalala, baka puso'y manabik

sa bawat halakhak mo'y sa puso ko'y tuwa
kasiyahang nadarama dahil ika'y napapatawa
kahit sandaling panahon man lang

bisyo ka ng aking puso
nakaugalian na'ang ika'y kasakasama

bisyong nais matapos at mapigil na
pagka't puso ko'y hirap na, oo

hindi ko nais na siya'y mawala'ng hininga
masyadong nasusugal ang buhay ng aking puso
dahil sa pananabik sa iyong katauhan

puso ko'y nasanay na
nawalan na ng sariling prinsipyo
nais ka lamang makasama, may kasama ka mang iba

8.22.2005

..i hope

i won't tell you to love me
i won't plead and i won't ask
my love would remain
even without your love
..i hope

i could let go, but i won't
just by looking at your eyes
would bring back the light
even without your love
..i hope

i did try stop loving you
i did but i couldn't
my soul stayed still
even without your love
..i hope

i had to go on and leave
i had but i didn't
for there's too many way
even without your love
..i hope could.

paglalahad ng pag-ibig

hindi ako nagsasawang ulit-uliting sambitin ang bawat yugto ng ating nakaraan
bawat anggulo, bawat pangyayari, wala akong nakaliligtaan
bawat aspeto, bawat pangyayaring nagdaan, wala akong nalilimutan
walang sawang iwinawagayway ang bandila ng katotohanan
pagmamahal na wagas, pagtitimping walang bantas
walang kapagurang paglalahad ng tunay na damdamin
tulad ng isang agilang kung lumipad ay napakatayog
tulad ng kanyang mga pakpak na malayang nakalabas
walang takot, walang kabang makita at malaman ng iba ang katotohanan
walang takot, walang kabang marinig ang mga matatalim na bala ng dila
ang kanilang mga nakamamatay na panghuhusga ay hindi pinupuna
masyadong mababaw kung titimbangin gamit ang pambihirang lakas ng pag-ibig

8.19.2005

biglang pagbabalik ng kahapon

kasabay ng paghampas ng hangin sa aking mukha
nadama ko ang lamig na dala nito
binalik ang mga alaalang matagal nang naglaho

nakalipas na tagpo, pawang maliligaya't malulungkot
di man ibig ibalik, ako'y walang nagawa
dahan-dahang napangiti, napaluha

bigla siyang nagparamdam
tuloy mga balahibo'y nagtaasan
parang siya'y nasa paligid at umaaligid-aligid

anino niya aking nakita, siya nga
hindi mawari ang ibig sabihin
hindi maipaliwanag ang ibig isiwalat

ibig sumigaw, ibig tumawa
ibig ipahayag sa madla na ako'y maligaya
dahil ika'y nariyan, bagaman malayo pa rin

puso ko'y kumalabog walang tigil pa
nangangatog dahil nagagalak

buong katawan ko'y nabalutan ng balabal
pananggalang ko sa mga patalim ng kahapon

nang siya'y nagbalik, lahat ay nagbago
ngiti sa aking mukha, ligaya sa aking puso't kaluluwa

nais ay ihip ng kasalukuya'y huwag nang matapos
ibig kong bukas hanggang wakas ay siya'y nandito
katabi ko, kasama ko, minamahal at nahahagkan ko.

pala'y nagparamdam lang, dumaan lang
bumisita at nangamusta lang
anu ba 'ang kasalanan at pinarurusahan ng ganito

o aking mahal, magbalik ka na sana
ibig ika'y dumito at umupo sa aking tabi
ubusin ang maghapon sa kwento't tawanan

ibig kong ika'y magbalik, tulad ng kahapon
ibig kong ika'y muling maangkin
ibig kong damdamin mo'y magbalik

nawala na kita isang beses
nangyari na rin ang ikalawa
sana ngayo'y akin ka na talaga

8.15.2005

i just couldn't help..

i found myself in silence
beneath the crust surface

after a year or so
being invisible
me, missing her

she comes back
with confusing motives
and uncertain expectations

i found myself confused
between two treasured stones

after conquering those forgotten tears
being judged unfairly by their eyes
because of unseen truth

i came back
with an uncertain decision
for i've loved her endlessly

standing here
between this two bodies of water
i found myself still in love

after those aches and hardships
just couldn't help crying for myself
beside these two paths

katotohanan

kailan ako makatatakas sa malagim na katotohanang hindi ka magiging akin. kahit anong pilit at taim ng aking dalangin ay tila imposibleng ika'y paibigin. ang alay ko'y wagas na pag-ibig, ang alay mo'y katas ng pagkakaibigan lamang, magkasalungat at magkaibang salitang kailan ma'y hindi magtutugma.

hindi ko nababasa ang nilalaman ng iyong dibdib. hindi ko malalaman hangga't hindi mo ipaaalam. alam mo't dama mong ika'y aking sinisinta hanggang sa kasalukuyan kaya't sana'y huwag mong pigilan ang sinasambit ng iyong puso. mahal kita at handa akong magparaya kung kinakailangan at kung ito ang iyong nais.
.
.
-pagpapahayag ng damdaming walang nais kundi kaligayahan ng iniibig

8.14.2005

over you?

i was almost done getting over you, convincing myself on some way it'll be true
i even had time to play and have fun because i thought i'm done with you
i was walking straight with my head straight up, not expecting
i'd fall but when you came and showed, you ruined it all.
.
.
-inspired by: a quote sent by Marianne last 032605

8.11.2005

poetry

there is freedom, old men can tell
an imaginary world, made up by you
it is seldom, you should know
a fictional world, made to turn true
if you'd want to be free
like a bird, you could see
poetry wouldn't take any fee
just be in love with poetry
.
.
-after the lesson poetry

8.09.2005

ang obra ni ina

ako'y napaupo sa silyang yari sa kawayan dahil sa labis na kapaguran. nais ko sanang sandaling tumakas sa mga problemang gumugulo sa akin ngunit hindi yata mabisa hanggang sa nakita ko ang mga obra nabalot na ng mga sapot at agiw.

ito ang mga obrang koleksyon ng aking ina, iginuhit niya ilang taon na'ng nakaraan. iba-iba ang kanyang ipininta, may karagatan at bundok, may ibon at mga prutas. bihira ang tao sa kanyang koleksyon kaya't sa mga obrang patungkol sa kalikasan ako nahalina.

inisa-isa ko ang mga obra at tila damdamin ko'y hinihila ng bawat isa. dahan-dahang inanyaya ako patungo sa ibang mundo. isang simple na mundo na may tahimik at maayos na tanawin ang sumalubong sa akin.

ang sikat ng araw ay matingkad, nakasisilaw ng mga isda sa malinaw na ilog. ang mga ibo'y nagkakantahan, tila sayang saya sa laki ng bundok na siyang pinamumugaran. lahat ay simple maliban sa mga bulaklak na umagaw sa aking pansin, tila bahagharing nalaglag mula sa alapaap. ang lugar y perpekto't tahimik 'di tulad ng aking tinitirhan.

nang ako'y nalingat dahil sa isang iyak na narinig, isang agila ang aking nakita. hindi sa kalangitan kundi sa papag ko siya natagpuan. naghihingalo. ang mga mata niya'y naluluha, namamaos ang tinig dahil sa kasisigaw sa sakit na nadarama, mga pakpak niya'y hinang-hina, halos walang buto kung aking titingnan.

nais kong tumulong ngunit wala akong magawa. wala akong maintindihan sa kanyang mga daing, wala akong maitulong sa kanyang mga problema't sakit.

ilang sandali pa't kinuha na siya. kitang-kita ng aking mga mata ang kanyang paghihirap at pagpanaw.

nagbalik ako sa sarili na tila bagong silang na sanggol, isang batang bago sa lahat ng bagay. nagbago ang pag-iisip, pag-unawa't pagtingin ko. nabago ang tingin at pananaw sa buhay. hindi ko maipaliwanag, ang masasabi ko lamang "ako'y may natutunan sa obra ni ina."
.
.
-ang lahat..kahit malalakas, may kahinaan
-paintings and exhibit

8.07.2005

si anne sa aking telenovela

sa pagbukas ng mga talukap, sikat ng araw na ang sumalubong sa aking mga mata. kasabay ng pagbati ng umaga, pumasok sa aking isipan ang mga nakatakdang gawin buong araw. agad akong tumayo at pilit binanlawan ang mga dumi't pag-aalalang nakaatang sa aking mga balikat.

lumabas ako ng bahay at hinigop ang maaliwalas at sariwang hangin, bitbit ang susi at maletang negosyante ang dating. tumuloy na ako sa trabaho, huminto sa sakayan upang maghintay ng masasakyang bus. nagmamadali ang madla, tila magugunaw na ang mundo para sa kanila. samantalang ako, nakatayo at nakatanga sa bangketa na tila bang siyang nagdidikya ng oras. dumating na ang biyahe kaya't napilitang gumalaw ang naninigas at nakatangang tuhod.

bumaba ako ng bus nang dumating na sa may opisina. sa aking pagbaba, nanatili ang kalmadong bangkay kong katawan. dahandahan kong tinahak ang mahabang bangketa. mula sa kinalalagyan ko, nasilayan ko na ang guwardiya, nagpapahiwatig lamang na ako'y malapit nang hatulan. pilit kong binagalan ang bawat hakbang nang tamaan ako ng isang natatanging liwanag malapit sa aking tagiliran. si anne pala, ang matagal ko nang pinapangarap na dilag. sabi na nga ba.

ang ganda niya'y sadyang nakasisilaw, masasabing mas maliwanag pa sa sikat ng araw. ang kanyang bilugang mukha't mata, mamula-mulang mga pisngi at nakaaakit na labi, tila isang obra na perpekto sa bawat ukit. ang kanyang mahinhing galaw at malumanay na boses na parang anghel, nakagagaan tingnan at pakinggan. tunay ngang nakabibighani. nakagagalak. nakabubuo ng araw.

naku! nawala sa aking isipang huli na pala ako--huling huli sa trabaho! nagsimula na akong magmadali at nagtatatakbo, pilit hinabol ang oras na nasayang sa guniguni. isang guniguning hindi magsasawang ulit-ulitin, hindi pagsisisihan, masabon man ni boss.

nang makarating ako ng opisina, may giyera nanaman. galit na nagsisisigaw si boss nang makita ako. naghihimutok sa galit! 'di ko ibig masira ang araw na binuo ni anne kaya't tumuloy na ako sa trabaho tulad ng nakaugalian. natapos ako bago mag-alas-singko na para bang sampung taon. labis labis ang pagkabagot at pagkakati ng aking mga paa sa dami ng trabaho't tagal ng oras.

tulad ng dati, tinabi ko lang ang aking mga gamit at ako'y lumayas na, iniwang muli ang opisinang nadaanan ng bagyo.

sa paglabas ko sa gusali, dali-dali kong nilisan ang lugar. nag-iwan ng alaalang hindi na nais maalala pa maliban sa isang bagay--si anne.

papauwi na sana ngunit nagbago ang isip ko. nakita ko siyang muli--si anne uli. nasilayan kong muli ang labis na kagandahan ng kalikasan. hindi ko napansing ako'y napangiti at nang siya'y biglang napalingat, siya'y napangiti rin o baka'y natawa sa reaksyon ng aking mukhang nakangisi sa kung anu man.

pangalan lamang ang alam ko sa kanya bukod sa kanyang tirahan at edad ay wala nang iba. wala akong ideya kung ako'y kilala niya, basta't masaya ako tuwing siya'y aking nakikita. naglalaho ang mga bagay sa paligid at siya lamang ang natitira. natatanggal niya pati ang pagod ko, nakagiginhawa, nakagagaan ng pakiramdam. ang kakaibang kilos at halimuyak ng kanyang buhok na humahalina sa akin tuwing siya'y aking nakikita. nakapanggigigil, nakapangaakit at nakabibighaning totoo. ano ba'ng meron?

sumakay ako ng dyip patungong kung saan. hindi ko na inalam. nais ko lamang ay mapunta sa iba ang aking utak kaya't hinayaan ko na ang tsuper magdesisyon kung saan ako ibababa. tila utak at puso ko'y sasabog na sa dami ng iniisip, bukod sa trabaho sa opisina, may anne pang hindi mawala-wala sa eksena. para siyang bida sa telenovela ng buhay ko.

bumaba ako sa isang lugar na may karagatan. hindi ko alam kung saan at kung paano makababali, basta't gumanda ang pakiramdam ko nang makita ko ang paraisong iyon. inikot ko ang aking ulo at wala akong nakitang tao kundi sarili ko. "nas'an ba ako?" tanong ko sa sarili ko.

tahimik ang lugay at maayos, ang dagat ay nakabibingi. muli, dahan-dahan akong nilamon ng kalungkutan, hinanap ng mga mata ang anino ni anne at ang mga tenga ang boses. ninais ng utak at pusong makapiling siya. kakaibang pakiramdam ang bumalot sa aking katawan, marahil, mahal ko nga siya, hindi ko lang maipaliwanag at maamin sa aking sarili. wala nang pumapasok sa akin kundi siya. paulit-ulit na sinasambit ang kanyang ngalan. ilang sandali pa't tuluyan nang umikot na sa aking isipan ang mga bagay na ito, mata nama'y biglang nakita ang anino niyang wala naman sa nasabing lugar.

panibagong mga liwanag ang dumating, mabilis na dumadaan paitaas. ano ito!! katawan ko'y nanlambot at talukap ko'y unti-unting muling nagsara (ospital, daan papuntang er)

ilang sandali, ako'y nagising. minulat ang mga mata at nasilaw sa kaputian ng paligid. "gising na siya" sigaw ng isa. tugon ko nama'y "nasa'n ba ko?" malumanay nilang kwinento ang mga nangyari. ako pala'y kamuntik nang sumama kay pedro nang pumagitan kay anne at isang nagmamadaling dyip patungong langit.

wala nang magagawa kahit pilit kong iniligtas si anne. wala akong nagawa. siya ang kinuha sa halip na sana'y ako na lamang. sa isang iglap, sa isang kisapmata'y naglaho ang lahat. naglaho ang kanyang kagandahan, ang aking liwanag, ang aking pinagkukuhanan ng lakas. ang kanyang bilugang mukha't mata, mamula-mulang mga pisngi at malabong anino ay tuluyan nang naglaho. hindi man matanggap na ganda niya'y 'di na masisilayan, bagaman masakit at mahirap, wala nang dapat isipin pa. wala nang dapat gawin pa maliban sa limutin at gawing kathang-isip lamang siya, ang pinapangarap kong dilag.

minsan, hindi ko mapigilang mapatigil at matulala sa kawalan. tuwing naaalala, walang maitatak sa aking isipan kundi pagsisisi na sana nagkakilala kami, nagkausap at nagkasama. pinagsisisihang kung bakit kailangan pang dumating ang dyip sa eksena upang tapusin ang telenovelang noon ay giliw na giliw akong panuorin.
.
.
-sakripisyo ng kaibigan ni pedro

8.06.2005

jealous

don't bother coming over
spending minutes of your life
with this man offering his all
and you? offering friendship?
that he truly hates and never appreciates

it's your care for him he knows
your presence and not your friendship

you make him feel still
stupid, jealous and unknown with your own man
a man he doesn't know exist and
never wanted to know for
it hurts for him to swallow this fact

of course, that offer is just then
uncomparable with what he has to offer

it is fate for him
to stop, wait and be jealous forever
it is fate for him
to fall and not hope for your heart anymore
it is fate for him
to never try having you
to never try stepping further
but just to wish you happiness
and just be jealous for everything
you narrate to him

8.01.2005

familia

the graceful turns of life
led me back to the point
where my mind has long forgotten
and my feet has long never felt

it reminded me of you
people, who brought me up to this
where i am right now

the rough roads of life
led me back to that point
where my heart has long longed
and my arms has long never felt

the warmth embrace of love
of tender care and support
only a family could bring truly
.
.
-factual
-family

7.26.2005

pangarap kong kolehiyo

nagising ako isang umaga
buwan ay hunyo numero'y otso
'di makapaniwalang ito'y totoo

mula sa aking baro
hanggang sa mga gamit kolehiyo
lahat nakahanda't nakasampay na
halatang hinanda kagabi pa

ako'y nananabik
masayang may halong kaba
isang pangarap
matagal ko nang inasam-asam
at ngayon nagkatotoo na!

'pag pasok ko ng klase
propesorang matalim ang mga titig
tila tigreng uhaw sa dugo
striktong panaksak ang bibig
tila mahabang itak
na bawat saksak ay tagas ng dugo

nagulantang ang mundo ko
pati na rin aking pagkatao
nang kanyang sambiting
mga taga-maynila raw
pawang palikero't barbero

mga binitiwang salitang
hindi na nabura sa aking isipan

buti pala't ako'y galing baguio
hindi isang barbero

natapos ang isang araw
unang araw ng kabarberuhan
tila nasa perya't
nang ako'y ginulat ng kultura
ibang iba sa nakaugalian

nagpatuloy kalbaryo ng buhay
unos at bagyo
may nyebe't tag-araw din

natapos sa yugtong
kabarberuha'y ganap na
daang porsyentong
isang taga-bayan na

tama na nga'ng pananaginip!
kailanma'y 'di ito mangyayari
mamaya't may klase pa
sa mababang paaralan
sa bayan na tawag ay baguio.
.
.
-naghihintay ang unibersidad
-pananabik sa kolehiyo

7.25.2005

sun

you sun i adore
why i need you so much more
not just pale color
.
.
-haiku

reminiscing

she was once mine
quiet and silent
simple in beauty
with those smiles
and sinful lips

we shared the laughters
and some heavy tears
i'd rather not talk about
we made dozen of memorieas
and one, i'd rather forget

but when reminiscing..
can't prevent tears from rolling
can't stop smiling
while holding the memories
in my mind and in my hands

though communication stopped
still wishing one day
you and me would cross
each other's paths
and regain what we've lost

there's so much to tell
much more to let you feel
the care and love
i forgot to tell and show
when we were still one

it's been a long time
for me a decade or so
but why does it feel so fresh
the memories and pain
still in my flesh

the ouch and the whoos
that has long gone
came back with lighter tears
but stronger feelings
just killed the man
once again..

dreams and nightmares
flashes of memories
uncontrollable
undescribable
unerasable picture i own.

7.10.2005

crush

buhay estudyante'y matatapos na
nang ika'y mapuna
nagtataka, paano ka mahahalina
tuwing nakikita
tila paligid nawawala
kapag ako sayo'y natutulala
ganda'y sadyang nakaaakit
mata ko sayo'y nakadikit
kailan man, hindi mawaglit
ngiti'y nagkakasalubong
pakiramdam na sa puso'y ibinubulong
sa dibdib pilit ikinukulong
nais makatabi, nais makapiling
nais maari at malambing
babaeng kahit sino'y walang kahambing
ika'y aking hinahangaan
dito sa paaralan
nakilala, hindi malilimutan
magpakailanman..

7.07.2005

common man

i sat
at a bench
in the park
near the building
where i work
eating popcorn
and drinking soda.
..my favorite breakfast
when my wife is out.

it's two minutes before eight
and i'll be late
once again.
the sun is up
and the streets are busy
once again.
whoo..
my mind is stressed
my body is bruised
if i were just a student
o my God!!

my projects are piled
papers are due
appointments are moved
once again..
o my God!!
surely..
boss will kill me


slowly,
i swallowed
my last piece of popcorn
and my soda is up
it's eight plus ten
and i'm really dead..

i grabbed my case
stood and walked
suddenly,
i'm at my office
mr. angry boss was waiting
furiously scolding me
o well, that's a ceremony for me
if there was no scolding
my day wouldn't be complete.

a few rings and talks
at the phone
a few words and numbers
at my record book
tick..
the clock reached five
i'm gone..

if i'll go home
no one's there
no one's waiting
if i'll go
somewhere else,
where could that be..
.
.
-existing and not living
-surviving and appreciating
-pointless

7.03.2005

cursed triangle

The Bermuda Triangle (a.k.a. the Devil's Triangle) is a triangular area in the Atlantic Ocean bounded roughly at its points by Miami, Bermuda, and Puerto Rico. Legend has it that many people, ships and planes have mysteriously vanished in this area.
not the shape
not the angle
not the beauty of the place
triangular place
death without a trace
sitting next to me, the co-pilot Mack
first class passengers at my back
thick glasses at my eye-leveled sight
fog..
fog..
first
everything seemed perfect
but my left engine stopped
plane started to slow down..
started to soar towards the blue calm sea
second
i can hear them screaming
craving to wake them
in a terrible nightmare
then a splash came
i heard my death coming
the pounding increasing
so i inhaled my last breath
third
my hopes are down
my body can't be found anywhere
fogged and drained
freezed and stiffed
this was all my fault
i should have known Bermuda
the triangle that killed my friends.
.
.
-after a lesson about bermuda triangle

my last letter for my princess

a war is coming and slaves are asked to help the knights and guards to protect the kingdom. the king is asking the queen together with the princess' to leave the kingdom for survival. there's no other choice and way unless the war is stopped.

i may be a servant, a merchant, a slave but what i have for you, my princess is true.

my princess, this might be the last letter i'll have for you, but i promise that if i'll be gone, my love, my true priceless love would remain. whenever my cold body may be found, my heart would still be yours.

i wish i could be a humble prince, a brave knight or a respected aristocrat. so it could be easier to have your hand, my princess. but i'm not. i'm just someone that loves you dearly, cherishes every smile you share and appreciates your sweet soft voice. i wish that this world would be fair. fair enough to let a servant, not just serve but love a red-blooded princess like you fully, without rules, laws and strings.

your highness, may i ask you to wait. i'll be back and when that time comes. i promise to be better, worthy for you. i'll be someone that you could be proud of..if i survive. remember, my princess, your my reason of existence.

7.02.2005

sa loob ng puso ko'y ikaw pa rin

akala ko'y wala ka na, naglaho na nang tuluyan sa isipan ngunit ika'y nanatili at kasalukuyang nanggugulong muli.

ika-labintatlong buwan na ngayon nang tayo'y huling nagkita. marahil ay marami na ngang nagbago sa ating dalawa ngunit hindi ang nararamdaman ko para sayo. ito'y nanatili at nananatili hanggang sa kasalukuyan. akala ko'y naglaho ka na, akala ko'y nabura ka na sa aking puso't isipan ngunit sa isang iglap, ika'y nagbalik. sa isang banggit ng iyong 'ngalan, nagising ang alaala mong matagal nang natahimik. natanto kong ika'y 'di nagpaalam.

sa puntong ito'y para bang gusto kong bumalik sa nakaraan. sa mga panahong tayo'y magkasama pa't masaya..nasisilayan ka, nakakausap, nadarama. ibang iba kung ikukumpara sa kasalukuyang sitwasyon. anino mo'y aking hinahanap-hanap, ngiti mo'y pinaiikot sa gunamgunam at kamay mo'y inaalala sa pamamagitan ng unan kong yati sa bulak. tunay ngang nakakaramdam ng pangungulila at pananabik..sa ating muling pagkikita--walang katiyakang kailan darating ang tagpong ito.

minsa'y ako'y nagtataka, kamusta ka na kaya? ikaw ba'y masaya o tulad ko ring nagtataka? ikaw ba'y katulad kong nananabik o sadyang walang pakialam sa akin at sa atin? ako ba'y iniisip kahit saglit o nilimot nang tuluyan? kung anu man, ako'y nasasaktan at nag-aalala pa rin.. sayo, sa iyong mga ginagawa at sa iyong kalagayan.

mahal kita at malamang alam mo na ang bagay na 'to. kung sakaling itatanong mo pa rin kung gaano, kinalulungkot kong sabihing hindi ko masasagot yan. mahal kita, magmula nang malaman ko ang iyong pangalan hanggang sa mga oras na ito, kahit matagal na'ng nagdaan, masasabi kong hanggang sa pintuan ng langit pa rin ang pagmamahal ko sayo. pakiusap, huwag ka nang magtanong, mahal lang talaga kita.

nagkamali akong ika'y pinilit kinalimutan. hindi ko inasahang ikaw pala ang nagtutustos sa pang-araw-araw na pangangalangan..aking hiniga, dugo at pawis. ganyan kita kamahal..umabot na sa sukdulan. pagmamahal na hindi maipaliwanag at hindi maipahiwatig, sadyang totoo at hindi na dapat ulit ulitin pa.

6.20.2005

my first cebuano friend

off the plane
down the red carpeted floor
i could simply tell
with those sweet angelic face
i knew, you were true
first talk was really fine
with used of long-corded phone
between that short walk-distant aisle
unforgettable point in life
--hilariously speaking
beside the peaceful fountain
we stayed for hours
no one else but us
bonding..
knew the real petite one
--as i've expected
--i had my first cebuano friend
pass six weeks past
couldn't tell when to see you again
after the company and friendship
fast became alone..
the laughs and jokes
suddenly stopped by tears and aches
room was emptied once again
silence ruled again..
the dear and true in you
that amazed me through
..captured..
in a way, one special way
you're special in my own way
o how could i thank you
for the words you've shared
stories you've related
value of friendship we've traded
--i had my first cebuano friend
thank you..

6.17.2005

'di sayo!

hindi siya hayop
hindi isang utusan

-anak mo LAMANG s'ya

may puso rin s'ya
may dugo rin s'ya
nasasaktan..
dumudugo..

-anak mo BA s'ya

salita mong may patalim
sa lo'b kanyang kinikimkim
galit at poot
lukot at gusot
-anak MO s'ya
sa iyong bibig nanggaling
walang alinlangang sinabing
hindi man sadya o tapat
sakit ay walang katapat
-anak mo S'YA, hindi!
-anak N'YA
at
'DI SAYO!!
.
.
-anak ng D'yos

6.14.2005

numb

feeling underneath
numbness in the surface
feeling just kills
bit by bit

the world is spinning
my head is aching
every hump that rolls upon
increasing the numbness underneath

can't take this anymore
legs curled down for
don't know how to sit, rest..
just the numbness underneath.
.
.
-laguna drive

6.05.2005

nakaraan

dalawang taon na kaming magkasintahan, maganda, mabait, maasikaso, simple at matalino siya, wala nang mahihiling pa, lahat na yata nasa kanya na. maayos rin ang aming relasyon, malimit ang pag-aaway, nagtutulungan sa lahat ng bagay at nagkakaintindihan sa iba't ibang sektor ng buhay. kilala ako ng kanyang mga magulang at ganoon din sa akin. halos wala nang problema, parang kami'y tinadhana talaga, baka nga'y sa susunod na tao'y ikasal na kami.

mag-iisang taon na ang nakalipas at malapit na ang nabanggit na kasal. inihahanda na ang lahat, mga bisitang dadalo, abay na sasalo, mga kukuha ng mga litrato at ang simbahan. ganito pala ang pakiramdam, ilang buwan pa pero kinakabahan na ko. araw-araw na nagdaraan, binibilang ko, paunti-unti ko na ring inaayos ang mga kagamitan ko, mga bagay na gagamitin at hindi na mapapakinabangan pagkatapos ng kasal. damit, lumang libro't papeles, talaarawan, litrato at marami pang iba. tunay ngang magulo ang pakiramdam.

ayos na sana ang lahat nang nakita ko ang isang tali tumpok na litrato. litrato pala niya lahat iyon--ang mga larawan ng dati kong kasintahan. nasa sekondarya pa lamang kami noong niligawan ko siya, maraming problema, hindi ligal sa mga magulang at bata pa ngunit naging masaya pa rin. bagaman sa murang edad, mahal na mahal ko siya, at alam niya iyon. maganda at mabait din siya, simple at matalino, mahinhin at masipag..kung ikukumpara ay halos magkaparehas lamang ngunit para sa aki'y tunay na iba siya sa kanya.

lahat ay nagbago nang makita ko ang mga litratong iyon. kahit puno ng alikabok at agiw, nabuhay ang mga alaala at memoryang matagal ko nang pilit kinalimutan, mga memoryang mas mabuting itago na lamang sa sarili. tunay ngang makapangyarihan ang mga litrato--nakapagpapatigil ng oras. ngunit hindi ko akalaing pati ang nararamdaman ko'y titigil at nagbalik pa, nagulo ang aking utak at tumakbo ang aking mga plano nakahanda na sana. ngay'y gulong gulo at 'di na makapili kung ano ang dapat..kaya't

..naputol nanaman ang aking panaginip..at sa paggising ko sa bangungot, hindi na nawala sa gunamgunam ang tanong. totoong mahal ko siya ngunit papaano kung dumating na ang hinaharap at ang isip mo'y nakatuon pa rin sa nakaraan? papaano kung kailangan mo nang mamili, nakaraan ba o ang kasalukuyan o patuloy na maghihintay sa hinaharap.

nakalipas ang ilang mga taon ngunit nanatili ang katanungang ito. nagpatuloy ang buhay ko nang walang kasama't katabi. tumanda at namatay nang 'di nawari ang kasagutan sa tanong kahit ilang "kasalukuyan" na ang dumaan, marahil ang sagot ay..
.
.
-dejavu

5.20.2005

41 day journey

anim na linggong kontrata
ngayo'y tapos na't magpapaalam na
anim na linggong katuwaan
'di na ata mauulit kailanman
iba na ang kahapon, iba na ang bukas
ngayon ang araw na lahat ay magwawakas

anim na linggong 'di ko malilimutan
alaalang kahit katiting ay 'di mababawasan
memoryang ibabaon ko sa isipan
bawat sandaling, ati'y nakaraan

mga kaibigan, hanggang sa muli
salamat at mag-iingat sa bawat sandaling ilalagi.
.
.
-taiwan tour

4.04.2005

kapatid, hindi tayo magkadugo.

sa aking pag-iisa
bigla kang nagpakita
walang kamalay-malay
ika'y tumigil at tumambay

nakinig sa'king problema
pinuna aking pag-iisa
winalis ang pag-aalala
nilinis ang pagdurusa

ika'y biglang nalapit sa'king buhay
'di na malilimot hanggang hukay
magkaibigang tunay
magkapatid na may tulay

bawat halakhak mo'y
ligaya ko
bawat patak ng luha mo'y
pasanin ko

simula nang ika'y nakasama
ako'y 'di na muling nag-isa

kapatid sa tawag lamang
..kaibigan? hindi lang..
pambihirang nilalang
salamat sa pag-aalalang
walang pagkukulang!!

4.02.2005

tore ng tagumpay

toreng itinirik sa kalagitnaan ng kawalan
tuktok ng katanyaga'y 'di na masilayan

karamiha'y bumabagsak, nahuhulog
kung 'di pilay ay bagok
iilan lamang ang gustong muling sumubok
mga taong pangarap ay busog

sa pagbagsak ng iba
may mga umaakyat pa
may baguhan, may beterano
umaasang sila'y aasenso
..kahit papaano..

tore ng tagumpay
hanggang saan ka makikisampay
ang iyong buhay ay nakasalalay
sa pag-akyat at hindi sa pag-istambay
.
.
-ang katotohanan ng buhay

3.29.2005

bulong sa mahamog na hangin

taling nakapaikot sa leeg,
hanging bumabalot sa mga paa't tenga.
papaano masasabing pahinga itong nasabing lakad!
ganitong pakiramdam na yumayakap sa'king puso,
ganitong pakiramdam na 'di ibig pang maulit.
tila sinasakal, pinipigil bawat hiningang binubugto.

ngiting matatamis,
alok na maaanghang,
mga tinging nanghahalina..
kayo bay totoo,
o nagbabalat-kayo..?

'di matanto ang nais,
'di maintindihan ang pakay.
taglay niyo ba'y kulang pa?
kami'y sadyang wala na!!

kayamanan,
kapangyarihan.
ano pang maihihiling!?

nais ko'y makawala,
makaalis sa hawlang ito.
tumakas sa inyong
mga mahihigpitat mapangutyang palad.

--o kay hirap gumalaw nang nakapiring!
lunukin ang sariling hangin!

paalala'y 'wag pakakain sa paglaki ng ulo.
walang kasiguraduhan

dadating ang panahon.
anak ninyo ang pumasan ng hanging ibinuga ninyo..
.
.
-after holy week
-t.city
-ibig maging malaya

3.17.2005

6/42

sixteen years of living
never saw you like this before
happy, excited yet losing

what is the reason
behind all this

what is the reason
to win it all

i'm happy to see you happy
winning or losing

i can feel,
you can tell

you and me
could start all over
create a relationship
like there's no other
but you and son
.
.
-lotto 6/42

3.06.2005

misadventures of mark see

wala akong pinagsisisihan
lahat ng nangyayari
at nangyari na'y
aking desisyon.

--tama man o mali
--masaya man o hindi.

'di dahil wala ito para sa akin
kundi ito'y kasama na sa akin
..kahit papaano..
ayaw ko man..

'di ko maikakailang
may panghihinayang sa'king dibdib
ngunit 'di ko maikakailang
ako'y walang natutunan..

kayo'y walang karapatang humusga
ito'y buhay ko
at hindi sa inyo..

nais ko lang malaman ninyo
na ako'y nagpapasalamat..
na may halong pambihirang lasa.

kung wala kayong
mga nagmamataas
wala ako dito
kung saan
kayo'y nakikita
galing sa itaas..
.
.
-para sainyong lahat
-totoong buhay at saloobon

2.27.2005

heaven and earth

i've got fins
you've got wings

two different creatures
made not for each other

one's for the ocean
one's for the sky

two different creatures
that would never meet

but could it be possible
that you and me could be one
.
.
-difference in everything
particularly in culture

2.24.2005

emotion: sadness

i can feel it
the sadness in me that blows
from morning 'til night
until the moon looses its face
until the star disappears in black
i can feel the sudden drop
the pull of gravity underneath
pulling my mind, heart and soul
gently killing parts inside me
i can feel the tears
that flows in my eyes
wanting to burst and get free
i can feel the rush
the pounding of my chest
and the unbreakable pulse
the rythmic pulse
i can feel the anger inside
that couldn't be shown
an anger without specific reason
an anger without a choice to make
i can feel the sadness
the pulling of gravity
provoking my tears to roll
increasing the volume of pounding
and releasing the stupidity of anger

2.12.2005

voices of youth

ipikit ang mata
mag-isip ng iba
bagong pag-asa
ibigay sa kanya

pag-asang bubwit
huwag nating ikait
bansang ating giniit
sa kapangyarihang mapanlait

problema'y huwag isipin
solusyon ang dapat gawin
isigaw ang saloobon
ipaglaban ang mithiin

ika'y tatayong matibay
tayo'y magtatagumpay
lahat mamumuhay
sa bansang puno ng buhay

pagmulat ng mata
iyong makikita
bansang nanghihina
kailan kakampana?
.
.
-my draft last 2005 CMLI poetry contest

1.30.2005

aral sa bangungot

sa aking pagpikit
anino ko'y nasilayan
walang pakialam
sa mga bagay na nagaganap
nagpapaagos..sa alon nitong buhay

huling araw ng aking buhay.
kinuha na N'ya ko
ngunit 'di pinaakyat
paikotikot, palaboy-laboy..
sa inyong mga namumuhay pa

nakita ko, mga taong tulad ko
walang pakinabang
'di nagpapahalaga
sa biyayang ipinahiram N'ya.
ako'y naiinis..nalulungkot, nag-alala

'di makausap
'di masabihan
tanging akong nagmamatyag lamang
mahirap magsalitang
walang nakikinig..o makarinig

ako'y nagising
sa kalabog ng pinto
ngayo'y dapat nang tumayo
punasan ang muta
na nagmula sa luha
at itama ang mali..tama ba?

1.27.2005

the true story (animated)

take note: this was done when i was still in grade six.

once upon a time, there lived a poor boy who changed his attitude for a princess. the boy changed everything because he wanted to win the princess' heart. but there was a big problem, aside from getting the princess' hand, almost every man in the town would want to have the princess.

the story began when the boy transferred to a new house near a castle. when he was walking in the forest, he saw a beautiful girl with some of her friends. her smile shines like sun and her eyes sparkle like stars. the boy admired the beauty and the simplicity of the girl. he went to introduce himself with his dirty clothes and asked the girl's name, but two big men blocked his path so nothing happened. she never thought that girl was a precious princess in a castle nearby. the boy felt bad and thought that it was all because of his disabilities. on that same day, the boy strived harder and did his best to prove himself worthy. on the next morning, he woke up early. he started to plant, bought a bigger lot, and raised farm animals and everything that he never do before.

several months later, his hardship paid off. he had a farm full of crops and a house big enough for himself. but, that seemed not enough for no one knew these things were for the princess.

one day, while the princess was in the woods, the boy accidentally saw her and took the chance, he approached her. they had a short talk. the princess said that she might go somewhere next year to study. those words broke the poor boy's heart and felt really sad that he'll never see her again. but with the boy's faith, he was given a chance. few weeks later, an unexpected letter from the princess was sent to the boy that she'll be staying longer in the kingdom. the boy felt so happy not only because of the news but also because the letter was sent by the princess herself. he replied to thank her and revealed his true feelings. when she replied, she said that she's still young and it's too early. the boy made up his mind. he was determined to wait until the right time comes though he knew that she might not love him even if he waited. he chose to love her because he believed that what he was feeling was true and was worth the risk.

months have passed and they became closer. love then grew inside the princess' heart. they built a relationship that no one knew. a relationship that no one should know even a special friend.

they didn't last long because nothing really was happening. the boy left her and tried to forget everything. he met another girl. she was also beautiful and nice. the boy never loved her but he tried to. although their relationship was much better, the boy was not happy. he needed something that only the princess could give her. so, he went back where the princess stays. he knew that he had hurt the princess' feelings. he pleaded for forgiveness and ask for friendship once again. she still loves him after all the things that has happened so forgiveness was granted but not enough trust.

friendship grew once more and love again entered. they became happier compared to their first relationship. the boy did everything for her. as time passes, the relationship became stronger.

time came that the princess needed to leave the castle to study. neither the princess nor the boy wanted to be separated but there was no other choice. they needed to say goodbye with each other and be strangers once again.

the boy left the place at once, thinking it would be harder if he'll stay longer. he left everything, the house he built, the lot he bought and the animals he raised. everything!

one night, few weeks after he left the place. a news was all around that the princess never left the kingdom. he didn't know what to do upon hearing the gossips, news that tells everybody that she's getting married. form then on, the boy were no where found.