12.27.2004

ngayon, bukas at makalawa

ayan na ang umaga't dapat nang bumangon
humuhuning ibon na tila nag-uusap
anu kayang meron at kay aga'y ang satsat
nagtataka, ako ba'y pinaguusapan?

nais magkwento ngunit tenga'y kanino ba?
mga ibong may pinag-uusapang sarili,
ang haring araw na nakasaksi ng lahat
o ang aking sintang walang kamalay-malay

mga ibo'y nagtigil nang ako'y nagsimula
tila ba nakinig sa kwentong may pasakit
buhay na walang buhay na sayo umikot
umaasa't nagnanais sayo'y magtapos

naging magkaibigan ngunit 'di matalik
sapagkat magkaibang mundo tayo'y taglay
hindi nagtitinginan, hindi naguusap
tanging nagbubuklod..ang aking nararamdaman

'di alam kung papaano ipaaalam
namuong pag-ibig, paano magagapi?
'di alam kung paano, 'di alam kung bakit
magulong isipin, mahal kita, tama ba?

masakit isiping walang kahihinatnan
paghangang inaalay ng puso kong ligaw
para sa isang engkantadang 'di maabot
sapat nang magmahal, masilayan ka lamang

'di ko namalayan, lumisan na si Araw
mga ibong huminto, humuni silang muli
o bilis ng oras pag ika'y laman nito
'di man namalayan, tapos na buong araw

ayan na ang b'wan at tuluyan nang nang-iwan
araw na sa isang kisapmata'y nawala
ikaw buwan? alam mo na ba ang kwento ko?
kung narinig mo na'y dapat na kong tumuloy

tawagin mo na kong kaawaawa't dukha
sa pag-ibig at alaga niya'y salat man
busog naman sa alaalang iniwan n'ya
salamat, paalam na, ako'y aalis na

panibagong araw dapat aking harapin
umaasang bukas may bago na kong kwento
malay bukas pagmulat ay katabi ko na
o hanggang sa muli, sino ba tong ganda?

12.05.2004

"hu cud it b?"

here's an old friend
maybe a new lover

never thought--
this feeling would grow

never thought--
your feeling still last

grow more, grow more
until it reaches the core

i could not talk nor speak
my heart still pounds

a magic only few could do
--especially to me

is it love you feel,
or something close to it

is it just friendship,
or something better than it

kahong itim

ganyan ka katanyag,
ilang b'wan lamang kitang nakilala
kinuha ka na
ngayon ko lang natanto,
ika'y tinitingalang totoo.
kapwa gurong lumuluha,
estudyanteng nagluluksa.

ikaw na malupit
--may pagmamahal sa loob

ikaw na umalis
--papaano ang naiwan?

ikaw na ikinahon
--nararapat ba??

salamat, kung nasaan ka man
nasa likod man kita
o sa harap ng Diyos
alam kong makakarating ka rin
sa iyong paroroonan

mabibigat na salitang binitawan
na aming pakakatandaan
mga karangalang nakuha
ikaw ang tanging daan
salamat,
tanyag kang totoo.
.
.
-the death of sir joel nitafan